LIKE 👍
"ANG cellphone ni Aling Nita!" Bulalas niya ng makita niya ang cellphone ni Aling Nita sa ibabaw mg kanyang tokador. Hays. Matanda na talaga si Aling Nita. Magiging makakalimutin na ito. Naalala niya Cellphone daw ang tawag dito sabi nila Nancy. Pero lumang model na daw ito dahil napakaraming pindutan nito. Lumabas siya ng kwarto at hinabol niya si Aling Nita. Hindi naman siguro siya mapapagalitan dahil may dahilan naman ang paglabas niya. Napahinto siya ng marinig niya na nag uusap sila Nancy at Isay kasama pa ang ilang kasambahay sa loob ng maids quarter. Bago kasi siya makalabas ng pasilyo patungo sa dirty kitchen ay madadaanan ang maids quarter kung nasaan ang lahat ng kasambahay na babae. Sa likuran naman ang mga lalaki. Magkahiwalay kasi ng kwarto ng mga lalaki at babae. Nakaawang ang pinto kaya rinig niya ang pinag uusapan ng mga ito. "Nakakaawa talaga siya. Imagine, kinulong siya ng fifteen years. Hindi pinag aral at tinrato na parang alila. Argh! Nakakainis talaga!" Ini
‘KAKAUSAPIN daw siya ng papa niya!’ Hindi maalis ang ngiti sa labi ni Hazel habang naglalakad pabalik sa loob ng mansion. Akala niya ay sa dirty kitchen siya kakausapin ng papa niya pero sa sala pala. Kaya naman lalo siyang natuwa. Marami siyang lugar na hindi pwedeng puntahan, at isa na ang sala sa mga 'yon. Kaya naman hindi niya maiwasan na mamangha habang nililibot ang mata sa paligid habang nakatayo sa gilid ng sofa aa harap ng papa niya. "Maupo ka." "T-talaga po?" Parang bata na tanong niya na may tuwa sa boses. Nakakahiya naman na umupo. Pawisan kasi siya dahil mainit sa loob ng pinagkulungan sa kanya. Nang tumango ang papa niya ay nakangiti na dahan-dahan siyang umupo. Malambot naman ang kama niya. Pero mas malambot pala ito. Ano kaya ang sasabihin ng papa niya? Mukhang napaka importante nito dahil kumpleto ang lahat. Ang Tiya Yolly niya, ang Ate Yassie niya at Kuya Yael niya. Tumikhim ang papa niya bago nagsalita. "Hazel, malapit na ang eleksyon. At ngayon darat
Nagtataka si Hazel paglabas niya ng kwarto niya. Nagkakagulo kasi ang lahat at ang bawat isa ay hindi magkandaugaga sa ginagawa. Sanay siya na nauuna na magising sa lahat pero ngayon ay naunang magising ang lahat kesa sa kanya. "Magandang umaga po!" Bati niya sa lahat. Nakasanayan na kasi niya ito simula pagkabata. "Good morning, Hazel! Mukhang masarap ang tulog mo, ah. May panis na laway ka pa!" Biro ni Reynord, tauhan din ito sa bahay katulad nila Nancy. Nang mapahawak siya sa labi ay tumawa ito. "Biro lang, Hazel. Saka kahit naman maglaway ka 'maganda ka pa rin." Dagdag pa nito. "Ewan ko sayo. Puro ka biro." Aniya sa binata. Bumaling siya kay Aling Nita. "Ano po ang meron?" Sa susunod na araw pa ang birthday ng ate Yassie niya kaya nakapagtataka na napaaga ang pag aasikaso ng lahat. Bumaba si Nancy mula sa pag aayos ng kurtina at lumapit sa kanila. Luminga muna ito bago mahina na nagsalita. "Hindi mo alam? Darating daw ang fiance ng ate mo bukas kaya pinapalinis ni Mayor ang
TUMAYO siya at nilabas ang mga bestida sa kabinet niya. Isa-isa niya itong isinukat habang nasa tapat siya ng salamin. Ganito ang ginagawa niya kapag bawal siyang lumabas. Kahit man lang dito ay mabawasan ang pagkabagot niya. Ang gaganda ng mga bestida ng Ate Yassie niya. Kaso lang ay mahahaba sa kanya. Matangkad kasi ito kumpara sa kanya. Siya kasi ay maliit lang at payat pa. Nilugay niya ang tuwid at itim na napakahaba niyang buhok. Lagpas na ito ng kanyang bewang. Kailan kaya siya gugupitan ulit? Saka kailan darating ang doktor na tumitingin sa ngipin niya na may 'bakal' na brace daw kung tawagin sabi nila Nancy. Nagsisimula na kasi itong lumuwag. Kinuha niya ang kulay pulang bestida na parang palda. Naalala niya na sinuot ito ng ate niya pero hindi sa bewang kundi sa dibdib banda. Napasimangot siya ng malaglag ito. Para lang yata ito tao na may malaking hinaharap. Nasukat na niya ang lahat at napagod na siya sa kakaikot sa harap ng salamin pero wala pa rin si Aling Nita.
KINABUKASAN ay nagising siya na nasa kwarto na niya si Aling Nita. Nang makita siya nito na gising na ay sinabihan siya nito na maligo na. "Hazel, gusto kang makausap ng papa mo." Ha? Akala niya ay bawal siyang lumabas ngayon? Wala na ba ang bisita ng papa niya? Humawak ito sa kanyang balikat at tumingin ng seryoso sa kanya. Sanay siya na mas madalas na seryoso ito pero mas mukha itong seryoso ngayon. "Tandaan mo ang sinabi ko sayo at ng Ate Sharie mo. Hindi madali ang buhay may asawa, lalo na kung hindi niyo naman mahal ang isa't isa. Piliin mo kung ano ang gusto ng puso mo. Wag mong paiiralin ang konsensya at awa mo. Tandaan mo, Hazel. Kapag pumayag ka sa gusto nila ay pwede kang magaya sa Ate Sharie mo. Ayaw mo naman na mangyari 'yon di'ba?" Hindi siya nakasagot. Ang totoo ay hindi pa siya nakakapagdesisyon. Naguguluhan pa siya. Nang makita nito ang pag aalangan sa mukha niya ay bumuntong-hininga ito. "Naiintindihan ko kung naguguluhan ka, Hazel. Pero tandaan mo, sa oras
NASA kalagitnaan ng pagkain ang pamilya Samonte ng dumating si Sharie. Namumula ang ilong at mata nito tanda na galing ito sa pag iyak. “Papa!” Hindi inaasahan ng lahat ang pagdating ng babae. Dahil dumating ito ng walang pasabi. “Totoo ba ang narinig ko? Pinagkasundo niyo si Hazel?” Umikot ang mata ni Yassie. Sigurado siya na narito ito para magdrama. Binaba ni Ian ang hawak na baso, iminuwestra nito ang kamay sa bakanteng upuan na naroon. “Maupo ka, Sharie. Mamaya na natin pag usapan ‘yan pagkatapos kumain.” Hindi nakinig si Sharie sa ama. Hindi siya narito para makasabay kumain ang mga ito. Narito siya para malaman ang totoo. “Nangako ka sa akin na hindi mo itutulad sa akin si Hazel, papa. Ang sabi mo sa akin ay hahayaaan mo siyang makaalis sa bahay na ‘to pagtuntong niya sa twenty. K-kaya sinunod ko ang lahat ng gusto mo ng walang pagtutol dahil nangako ka sa akin! May usapan tayo, papa!” Hindi nagsalita si Yolly, maging ang mga anak nito. Sapat na sa mga ito na makitang
DALAWANG araw simula ng huling makita ni Hazel ang ate Sharie niya. Bale apat na araw na pala siyang nakakulong dito. Hinahatiran lang siya ng pagkain kapag oras ng pagkain. Hindi na rin niya nakikita si Aling Nita. Sa tingin niya ay pinagbabawalan ito ng papa niya na puntahan siya. Kilala niya kasi ito. Hindi siya nito matitiis na hindi makita. Bumukas ang pintuan kaya napatayo siya. Ang ate Yassie niya pala ang nagbukas. “Maligo ka at magbihis. Nasa baba si Mr. Enriquez, gusto ka niyang makita. Wag mong paghintayin si papa ng matagal, naiintindihan mo?” Ani nito sabay bato sa kanya ng hawak. Hindi siya makagalaw sa takot habang nakatingin sa binato nitong bestida sa kanya. Masaya siya nakatanggap siya ng magandang bestida pero natatakot siya sa matanda na naghihintay sa kanya. Kung hindi pa niya naalala ang sinabi nito na wag daw paghintayin ang papa nila ay hindi siya kikilos. Pagkatapos maligo ay nagbihis siya agad. Hindi malaki ang binigay ni Yassie na bestida sa kanya. Suma
Hindi nakapagsalita ang mga ito ng marinig ang sinabi niya. Tama naman siya. Wala siyang magagawa kahit lumuha pa siya ng dugo. Dahil katulad ng ng sinabi ng papa niya ay ito ang masusunod sa bahay na ito. Naisip niya na tumakas nalang. Pero hindi niya magagawa iyon dahil marami ang bodyguards na nakapalibot sa buong bahay nila. Saka saan siya pupunta? Wala naman siya alam sa labas. Siguro nga ito na ang kapalaran niya. Ang mag asawa ng labag sa loob niya at matulad sa ate Sharie niya. “A-aling Nita, totoo ba ang himala?” Naitanong niya habang nakahiga sa kama niya. Narito na siya ngayon sa kwarto niya. “Ang sabi mo kasi sa akin noon ay darating ang araw na magkakaroon ng himala. Na ang mga kagaya ko ay magkakaroon ng tagapagligtas. Nasaan po siya?” Pagkatapos kumutan si Hazel ay tumayo si Aling Nita. Namumula ang mata na tumalikod ito. Hindi niya alam kung paano sasabihin sa kanyang alaga na kwento lamang ang sinabi niya noon. Hindi niya alam na maniniwala ito doon. Wala talaga i