“Ate!” Nagulat siya paggising niya dahil nakaupo na sa gilid ng kama niya ang ate Yassie niya. Kinabahan siya. Paano kung may alam ito sa plano niya? Napaatras siya ng lumapit ito sa kanya. Akala niya ay sasampalin siya nito pero hinawakan nito ang mukha niya at tinitigan siya. Kung titingnan ay para itong hindi nanggaling sa sakit. Maganda pa rin ito. Pero napansin niya na namamaga ang mata nito. Halaga na galing ito sa pag iyak. “Ate, m-magaling ka na?” Binitiwan nito ang pisngi niya. Nagulat siya dahil ngumiti ito sa kanya. “Pinapatawag ka ni papa, Hazel. Mukhang may sasabihin siya sayo.” Gusto niyang sabihin na ayaw niya. Alam naman kasi niya na naroon si Mr. Enriquez at naghihintay na naman sa kanya. Ayaw niya itong makita. Nangingilabot ag naiilang kasi siya sa tingin nito. Pero wala naman siyang magagawa kundi ang sumunod. Naligo muna siya dahil iyon ang bilin ng ate niya. Pagkatapos maligo ay sinuklay niya muna ang mahaba niyang buhok. Nang mapatingin siya sa sala
KILALA ni Hazel ang lalaking ito! Ito ang fiance ng ate Yassie niya! "Why are you here? Are you planning to escape?" Napahawak si Hazel sa batok. Baritono at kay lalim ng boses ng nobyo ng ate Yassie niya. Naghatid ang boses nito ng kakaibang lamig sa kanyang kalamnan. Lalaking-lalaki ang boses nito at medyo nakakatakot ang dating. Siguro dahil wala siyang makita na anumang emosyon sa kulay lupa nitong mga mata. "Answer me. Are you planning to escape?" Ulit nitong tanong. "P-po?" Nahintatakutan niyang tanong. Hindi niya ito maintindihan. Muli siyang humakbang paatras ng lumapit ito sa kanya. Hindi kaya huhulihin siya nito at ibabalik sa kanila at isusumbong sa papa niya? Sa takot na gawin nito ang naisip niya ay hinanda niya ang sarili para kumaripas ng takbo. Ngunit bago pa siya makalayo ay nahawakan na siya nito sa braso. "Fvck!" Mura ng lalaki ng kagatin niya ang kamay nito. Ngunit imbis na bitiwan ay humigpit ang hawak nito sa payat niyang braso. "B-bitiwan mo ak
"PO????” Dumaan ang pagkainis sa mukha nito. "Po? Damn." Mahinang sabi nito bago tumingin sa kanya. "Ang sabi ko saan ka pupunta? Aalis ka? Sa palagay ko kasi ay wala ka naman alam na lugar na pwede mong puntahan. Kaya kung aalis ka ngayon ay baka mapahamak ka lang." Napakamot ang dalaga sa pisngi. "Hindi mo pa ba ako pinapababa?" Pumikit ang binata. Pigil nito ang sarili na huwag singhalan ang dalaga. "Kung ayaw mong ibalik kita sa inyo ay wag kang maraming tanong. Mabuti pang sumama ka sa akin kaysa mapahamak ka." Pinapatahimik ba siya nito? Napalabi si Hazel at mabilis na umayos ng upo. Tumahimik din siya. Baka mamaya kasi ay totohanin nito ang sinabi na ibabalik siya sa kanila kapag nagtanong pa siya. Mayamaya ay may dumating na limang sasakyan. Bumaba ang mga lalaking sakay nito at lumapit ang isa sa sasakyan na kinaroroonan nila at kumatok sa bintana kung nasaan banda ang nobyo ng ate niya. "Sir, nakahanda na ang chopper." Magalang na imporma ng lalaki habang nakayuk
MUKHANG nakakatakot si Kuya Frank ayon sa kwento ni Aling Fatima. Kailangan niyang tandaan ang bilin nito kung ayaw niyang mapalayas sa bahay na ito. Kaya pala may kakaiba sa awra nito dahil may nakatago pala itong ugali. Alam kaya ito ng ate niya? Kahit kabado ay bumuga ng hangin si Hazel at tinaas ang kamao sa ere. “Kaya mo ‘yan, Hazel. Magpakabait ka lang sa kanya para hindi siya magalit sayo at magsumbong sa papa mo!” NAPATAYO si Hazel ng tuwid ng makita si Frank sa hapagkainan. Pati si Aling Fatima ay halatang nagulat din ng makita ang amo. “Sir Frank, hindi mo naman sinabi na sasabay ka palang kumain kay Ma’am Hazel—“ Napitlag silang dalawa sa gulat ng biglang ibagsak ng binata ang adobong karne sa mesa. “Hindi ba’t nagbilin ako na magluto ng mga masustansyang pagkain? Bakit puro karne ang nakahain? Masustansya ba ang tawag niyo sa mga ‘to?” “Magpapaluto ako ulit, Sir Frank. Pasensya na po dahil hindi ko masyadong narinig ang sinabi mo.” Takot man ay nakuhang sumago
Kunot ang noo ni nilingon ni Aling Fatima si Hazel. Napansin ng matanda na kanina pa sumusunod ang dalaga saan man siya magpunta. "May kailangan ka ba, iha? Napansin ko kasi na kanina ka pa sumusunod pero wala ka naman sinasabi. Paano ko malalaman ang kailangan mo kung hindi mo naman sinasabi sa akin ang kailangan mo?" Bumuntong-hininga si Hazel bago sinagot ang matanda. "Kasi po, Aling Fatima. Apat na araw na po akong nandito pero hindi mo pa rin sinasabi sa akin kung ano ba ang kailangan kong gawin. Nahihiya na po kasi ako sa inyo. Wala na po akong ginawa kundi ang kumain at matulog. Nahihiya na po talaga ako!" Mariin na umiling ang matanda. "Hindi mo kailangan tumulong sa amin dito dahil kaya na namin ang mga gawain dito. Saka hindi ka tauhan sa bahay na ito kundi bisita ni Sir Frank. Sige na, bumalik ka na sa kwarto mo." Utos nito. Umiling si Hazel. Hindi naman talaga siya bisita dito. Sinama lang naman siya dito ni kuya Frank dahil kapatid siya ng nobya nito. Naalala niya
"Siya nga po, Sir Frank." Sagot ng matanda. Hinila nito sa kamay ang dalaga. "Sige na, iha. Sabihin mo kay Sir ang gusto mong sabihin." "Leave us." "Sir?" Akala ng matanda ay nabibingi lang siya. Pero ng hindi na muling nagsalita ang amo ay yumuko ito at nag aalangan na nagpaalam. "Sige po, lalabas na kami." Kahit ang babae na nagbukas ng pinto kanina ay lumabas kasama nito. "Aling Fatima!" Sinubukan na humabol ni Hazel sa matanda ngunit nagsalita ang nobyo ng ate niya. "Sabihin mo, ano ang kailangan mong sabihin sa akin?" Nagbukas-sara ang labi niya sa kaba. Paano ay diretso na nakatingin ang binata sa kanya habang tinatanong siya. Nakakaintimida ang tingin nito. "Kuya Frank, gusto ko pong magtrabaho dito at gusto ko pong magkasahod!" Sa wakas ay nasabi din niya ang gusto niyang sabihin kahit na kabado siya. "Magtrabaho at sumahod?" Nag isang linya ang kilay ni Frank. "Kumakain ka at hindi nagugutom. Ano ang dahilan mo at gusto mong mamasukan dito?" Kaya mo 'yan, Haz
Tumango ang babae. "Oo, raket. Trabaho na hindi permanente pero tiyak na may kita! Hindi naman kalakihan ang kita pero sapat na para makatulong sayo. Ano payag ka ba?" Tumingin ng nagpapaalam si Hazel kay Aling Fatima. "Hindi ka naman pinagbawalan ni Sir Frank na lumabas kaya naman sige, ikaw ang bahala." Wika ng matanda. "Talaga po? Salamat po, Aling Fatima!" Tuwang-tuwa na napayakap siya sa matanda, kaya naman napangiti na rin ito. "Ako nga pala si Miss Toni, Hazel. Pero mas bet ko na tawagin mo nalang akong Toni. Simula ngayon 'best friend' na tayo!" Ito mismo ang kumuha ng kamay ni Hazel at nakipagdaupan ng palad sa dalaga. "Best friend po?" Kumunot ang noo nito, pero saglit lang 'yon. "Simula ngayon ay matalik na tayong magkaibigan. Gusto kita, Hazel. Hindi ka trying hard katulad ng ate—i mean, hindi kayo magkaugali. Gusto ko ang lahat ng sinabi mo kanina. Pasensya ka na nga pala kanina ha. Akala ko kasi kanina ay may attitude ka." Hinampas nito sa braso si Hazel kaya
Nagkausap na sila Hazel at Toni kahabi bago ito umuwi kagabi. Ayon rito ay alas singko pa ang uwi nito kaya naman susunduin siya nito ng alas siyete ng gabi. Kanina pa siya naghihintay dahil mag aalas siyete na nang gabi. 'Sana dumating na si Toni bago dumating si Kuya Frank. Ayaw niya kasi magpaalam dito.' Isip-isio niya. "Hazel!" Tawag ni Aling Fatima sa kanya. May inabot itong bag sa kanya. "Palitan mo ng ang plastik na dala mo! Heto ang bag ko. Ito muna ang gamitin mo. Para kang magtatapon ng basura! Ano ka ba naman bata ka!" "Wala naman po itong butas—" "Hindi iyan 'bag kundi garbage bag!" Natampal nito ang noo. "Saan ka ba lupalop galing at hindi mo alam 'yan!" "Alam ko po, Aling Fatima. Butas na kasi ang bag ko kaya po ito po muna sana ang gagamitin ko." "Butas na pala. Bakit hindi ka nagsabi sa akin. Kahit si Miss Toni ay sigurado ako na pahihiramin ka magsabi ka lang." dinukot ni Aling Fatima ang cellphone sa bulsa ng tumunog ito. "Nasa labas na pala si Miss Toni