LIKE 👍
"Ladies and gentlemen. Good evening everyone!" Rinig ni Hazel na bati ng babae na nasa stage. "For those of you who don't know me, I'm Ritchel, I'm Russel's sister. Tonight, we're here to celebrate a very special occasion: the engagement of my brother, Russel and Sanchi!" Malakas na nagpalakpakan ang mga tao. "Russel, as your sister, I've known you for years, and I've always admired you for being a good person. You're a wonderful person, and I'm so happy you've found someone who makes you this happy." "Toni, ano ang sinasabi niya?" Tanong ni Hazel. Nagtataka siya kung bakit naiiyak ang nagsasalitang babae sa stage habang nakatingin sa lalaki at babae na nasa harapan. Muntik ng malaglag ang panga ni Toni ng marinig ang tanong niya. "Seryoso?" Nahihiya na nag iwas ng tingin si Hazel. Iniwan niya si Toni at sinundan na si Ald na may dalang mga tray para maghatid ng pagkain sa pinakadulo ng mesa. Nakakahiya dahil mangmang siya at walang maintindihan. Di bale, balang araw a
Nahawa si Aling Fatima sa nakikitang kasiyahan ni Hazel. Kanina pa hindi mapuknat ang ngiti sa labi nito pagkagaling nila ng hospital. Halatang masaya ito dahil nagkaro'n ito ng kaibigan na nagmamalasakit dito. "Aling Fatima, hindi po ako makapaniwala na kumita na po ako ng pera! Tingnan niyo po!" Parang bata na pinaypay pa ni Hazel ang pera sa mukha, mayamaya ay inamoy na ito ng dalaga kaya naman tumawa ang matanda. "Oh siya, magpahinga ka na dahil baka sumpungin ka na naman ng sakit ng puson mo. Wag mong kalimutan ang gamot mo, ha." Tumayo na si Aling Fatima. "May mga naantala ako na trabaho kaya naman maiwan na muna kita dito. Kailangan ko pang maglinis sa kwarto ni Sir Frank—" nakangiwing humawak ito sa balakang ng magtunugan ito. "Aling Fatima!" Nag aalalang nilapitan ito ni Hazel. Halatang nasasaktan ito kaya naman inalalayan muna ito ng dalaga na maupo. "Dapat po nagpatingin na kayo kanina sa hospital na pinanggalingan ko. Paano po kung matanggal ang balakang mo?" Kahit
TAWA NANG TAWA si Aling Fatima pagkatapos niyang ikuwento ang nangyari. Sa kanilang dalawa ay mukhang siya lang ang kinakabahan. Mabuti nalang at nasalubong niya rin kanina si Gladys. Inalalayan siya nito na bumaba ng hagdan. Sobrang labo kasi ng mata niya kaya delikado kung maglalakad siya ng mag isa sa hagdan ng walang salamin. "Aling Fatima, naman eh! Pagagalitan tayo tapos tumatawa ka pa! P-paano na ngayon 'yan?" "Loko kang bata ka! Sinong hindi matatawa sa simabi mo!" Pinahid nito ang mata na halos maluha sa kakatawa. "Hindi ka magkakakuliti at mabubulag. Sinabi lang 'yun sayo ng nanay-nanayan mo para umiwas kang makakita ng gano'ng bagay. Hindi mo naman sinadya kaya ayos lang 'yun. Saka si Sir Frank naman ang nakitaan mo." Kumunot ang noo ni Hazel. "Okay lang po makitaan si kuya Frank?" Muli na naman itong natawa kaya napanguso siya. "Ang ibig kong sabihin ay maraming babae ang gugustuhin na mapunta sa pwesto mo kanina. Marami ang nagkakandarapa di'yan kay Sir. Wala lan
ALA-una ng madaling araw. Agad sinalubong si Frank ng kanyang mga tauhan. Walang katao-tao na makikita. Ang lahat ay nagpapahinga na sa kani-kanilang kwarto, maliban sa mga lalaking tauhan ng binata. Habang tinatahak ang daan papunta sa sasakyan ay hindi mapigilan na magtanong ng isa sa tauhan ni Frank, si Jobert. “Sir, sigurado ka ba na ititigil na ang pagpapahirap sa babaeng ‘yon?” Bago sumakay ng kotse si Frank ay sinagot nito ang tauhan. “Pabayaan na siya. Sapat na ang ilang taon na paghihirap niya para pagdusahan ang ginawa sa kapatid ko. Hindi siya pwedeng ipatumba dahil kapatid pa rin siya ni Mikael. Sabihan ang mga tao sa loob na itigil na ang pagpapahirap kay Sofia sa loob ng kulungan.” “Masusunod, sir!” Tugon ni Jobert. Nang makasakay ng sasakyan ay sumenyas si Frank sa driver na paandarin na ang sasakyan, na agad naman nitong sinunod. Inabot ng halos isang oras ang kanilang biyahe bago nakarating sa private property na pag aari ng binata. Pagkababa ni Frank ay pi
Nagmamadaling kinuha ni Hazel ang sinahod niya ngayong araw. Tuwing may event ay binibigay agad ni Sir Aeros ang sahod nila pagkatapos. Iyon kasi ang gusto ng karamihan, ang makuha ng cash ang sahod. “Bente mil! Ang laki talaga magpasahod ni Sir Aeros!” Sigurado na kapag sunod-sunod ang kliyente ay tuloy-tuloy din ang malaki nilang kita. Makakaipon na siya at mapupuntahan si Aling Nita. Makakapag aral din siya! “Ito ba ang dahilan kaya ka palaging late na umuuwi?” Sa gulat ay nabitiwan ni Hazel ang pera dahilan para kumalat ito sa paligid. “Ang pera ko!” Nagmamadali na pinulot niya isa-isa ang mga ito. Pero napahinto ang dalaga at agad na nanlaki ang mata ng mapagtanto kung sino ang nasa harapan niya. “K-kuya Frank, ikaw pala!” Pagkatapos ibulsa ang lahat ng pera ay tumayo ang dalaga at humarap rito. ‘Akala niya ay hindi ito uuwi ngayon?‘ nakakagulat naman ito. Bigla nalang sumusulpot. “Good night po! Sweet dreams!” Natutunan niya iyon kay Aling Nita. Binati siya ng ganito n
“Good job, Miss Hazel. As I expected ay mabilis kang matuto kesa sa inaasahan ko. Iba talaga ang nagagawa ng taong may sipag at determinasyon. Ang mga tao na may qualities na gaya mo ang mga umaangat at malayo ang nararating sa buhay.” Namula ang pisngi ni Hazel sa papuri ng ginang. “Thank you po, Mrs. Galoso. Mabilis po akong natututo dahil magaling ka po magturo. Marami pong salamat sa pasensya niyo. Kayo po ang dahilan kaya nadadagdagan ang kaalaman ko.” Yumuko ang dalaga. “Maraming salamat po talaga!” Gumuhit ang ngiti sa labi nito. Noong una ay nagdawalang isip ito na tanggapin ang trabahong ito dahil sa napapabalitang ‘masama’ na ugali ng kaisa-isang anak na lalaki ni Alexander Evans. Hindi pala magiging mahirap ang kanyang trabaho dito. Bukod sa mabilis matuto ang dalaga, mabait ito at magalang. Katangian ng mga estuduyante na madalang na makita ngayon. “Hindi ako ang dapat pasalamatan mo kundi si Sir Evans, Miss Hazel. Wala ako dito ngayon kung hindi dahil sa kanya. Sige, a
Hinatid ni Fatima si Yassie sa guestroom na gagamitin nito. Pagkahatid ay umalis agad ang matanda at iniwan ang babae para ikuha ito ng juice. Iginala ni Yassie ang mata sa kwarto. This room is huge and clean. Sa unang tingin ay malalaman agad na mamahalin ang mga kagamitan na nasa silid. Nilabas niya ang çellphone at sinubukan na tawagan si Frank. Ngunit katulad nitong nakaraang buwan ay hindi nito sinasagot ang kanyang tawag. Nababagot na binato ng dalaga ang cellphone sa ibabaw ng kama. Hindi sanay si Yassie na hindi sinasagot ni Frank ang tawag niya. Dati naman ay tumatawag ito after three or four missed calls, pero ngayon ay inabot nalang ng tatlong buwan pero hindi pa rin siya nito tinatawagan pabalik. She missed him. Simula ng mag usap sila ay nagbago na ito. Siguro ay masama pa rin ang loob nito dahil pinilit niya ito sa bagay na ayaw nitong gawin. Nakangiting tiningnan ni Yassie ang singsing na nasa kanyang daliri. Galing ito kay Frank. Ito mismo ang nagsuot nito ng singsi
Napalundag si Hazel sa malakas na sigaw ng binata. Ito na ang may kasalanan, ito pa ang galit? Humawak siya sa ulo ng maramdaman na kumirot na naman ito. Para itong binibiak sa sakit. "A-Ang sakit..." aniya na naluluha at nagsisimulang mahilo. Naramdaman niya na may likod na umagos galing sa ilong niya pababa sa kanyang labi. Kumunot ang noo ni Frank ng makita na hindi man lang natinag sa kinatatayuan ang nakatalikod na sa kanya na dalaga. Galit niya itong nilapitan at hinarap sa kanya. "Damn!" mura niya ng makita ang dugo sa ilong nito. "K-kuya Frank-" Bago ito bumagsak sa sahig ay nasalo ito ng binata. Binuhat niya ito hanggang sa parking lot. Agad na sinenyasan ni Frank ang driver niya na buksan ang sasakyan. Nang mabuksan ang sasakyan ay mabilis niya itong isinakay. "Sa hospital tayo!" utos niya. Nagising si Hazel na nasa hospital na naman siya. Bumungad ang nag aalalang mukha ni Aling Fatima sa kanya. "Maayos na ba ang pakiramdam mo? Ang sabi ng doktor ay nasobrahan ka sa p