Wag daw, Frank! Hahaha
Napalundag si Hazel sa malakas na sigaw ng binata. Ito na ang may kasalanan, ito pa ang galit? Humawak siya sa ulo ng maramdaman na kumirot na naman ito. Para itong binibiak sa sakit. "A-Ang sakit..." aniya na naluluha at nagsisimulang mahilo. Naramdaman niya na may likod na umagos galing sa ilong niya pababa sa kanyang labi. Kumunot ang noo ni Frank ng makita na hindi man lang natinag sa kinatatayuan ang nakatalikod na sa kanya na dalaga. Galit niya itong nilapitan at hinarap sa kanya. "Damn!" mura niya ng makita ang dugo sa ilong nito. "K-kuya Frank-" Bago ito bumagsak sa sahig ay nasalo ito ng binata. Binuhat niya ito hanggang sa parking lot. Agad na sinenyasan ni Frank ang driver niya na buksan ang sasakyan. Nang mabuksan ang sasakyan ay mabilis niya itong isinakay. "Sa hospital tayo!" utos niya. Nagising si Hazel na nasa hospital na naman siya. Bumungad ang nag aalalang mukha ni Aling Fatima sa kanya. "Maayos na ba ang pakiramdam mo? Ang sabi ng doktor ay nasobrahan ka sa p
Lalong nakadama ng inis si Hazel. Namumula na ang pisngi niya dahil nagawa pa nitong tawanan ang sinabi niya. Ayaw niya sa lalaking nananakit—naaalala niya kasi ang Ate Sharie niya kasi nananakit daw ang asawa nito. Tandang-tanda pa niya noon ng dumating ito sa bahay nila. Puro ito pasa at sugat sa ulo. Nagsumbong ito sa papa nila pero pinabalik lang nito ang ate niya at pinauwi sa asawa. Hindi man lang nito pinakinggan ang kapatid niya. Kaya naman ang pinakaayaw niya sa lalaki ay ang nananakit. Sayang. Ang bait pa naman ng tingin ko sa kanya kasi tinulungan niya ako na magkaro’n ng tutor. Binilhan niya pa ako ng salamin. Isip-isip niya. Sinubukan niya itong lagpasan ulit pero humarang na ito mismo sa kanya. “So, dahil sa nakita mo ay mabubura nalang ang mga kabutihan na ginawa ko para sayo?” Napipilan si Hazel at hindi nakapagsalita. “Ako ang dahilan kaya nakatakas ka sa inyo. Ako din ang dahilan kaya nakakapag aral ka at nakakapagtrabaho. Kaya magpasalamat ka sa akin da
Hindi mapakali si Hazel habang paroon at parito sa kanyang kwarto. Akala niya ay matagal niyang makakausap ang kapatid ni Frank pero mali siya. Dumating agad ang asawa nito para sunduin ito. Nakakapanghinayang dahil halata naman na gusto pa nilang makausap ng matagal ang isa't isa. Nagulat si Aling Fatima ng makita ang naka-impake niyang bag pagkapasok nito. "Hazel, ano ang ibig sabihin nito?" Bumuntong-hininga siya. "Aalis na ako, Aling Fatima. Kailangan kong umalis bago pa makabalik dito si Kuya Frank." Wala kasi ito dahil sumama ito sa mag asawang umalis kanina. Kaya naman kailangan niyang makaalis bago pa ito makabalik. "Pero, Hazel," "Aling Fatima, ayoko na dito. B-baka kasi saktan niya ako eh, natatakot ako. Nakita niyo naman po kung gaano siya kagalit sa akin kanina. P-paano po kung hindi dumating si Ate ganda?" Nangingilabot na niyakap niya ang sarili. Maisip palang niya na masasaktan siya nito ay natatakot na siya. Kaya naman hindi na niya hihintayin na maabutan pa
KINABUKASAN ay nagulat siya dahil naabutan niya ito sa hapag. Nasanay siya na palagi itong umaalis at wala nitong nakaraan kaya akala niya ay hindi na niya ito makikita muna. Dapat pala hindi nalang muna siya lumabas ng kwarto. Dahil nakita na siya nito ay wala siyang choice kundi ang umupo sa tapat nito. Para walang pagtalunan, at hindi niya ito magalit. May naisip siyang sulosyon, at iyon ay ang hindi magsalita sa harapan nito. Tatango lang siya at iiling. Napansin niya na hindi ito nakasuot ng pang alis. Sanay kasi siya na kapag nakikita niya ang binata ay naka-suit ito pang opisina. Pero ngayon ay nakasando lamang ito at loose pants. "Kamusta na ang pakiramdam mo?" Tumango siya at nag-thumbs up. "Nakatulog ka ba ng maayos?" Napahinto siya sa pagsubo ng tinapay. Tumango siya at nagthumbs ulit pagkatapos ibaba ang tinapay. Akmang susubo na siya ng magtanong ulit ito. "Hanggang kailan mo balak na tanguhan lang ako?" Hindi siya umimik. Mas mainam na ito, ang magalit ito dahil sa p
“Okay, guys! Pack up! Good job everyone!” Ani Sir Aeros sa lahat. Halos tatlong oras din silang naglinis. Sa lawak at laki nitong venue ay natagalan silang maglinis. Pagod na pagod silang lahat. Habang nagpapahinga ay kanya-kanya muna sila ng upo. Mayamaya din kasi ay aalis na sila. Ngayong araw ay noon event ang inorganize ni Sir Aeros kaya naman hindi nakasama sa kanila si Toni. Mag aalas siyete ng gabi na din sila natapos sa pagliligpit ng lahat. Nakangiting lumapit sa lahat si Sir Aeros. “Dahil lahat tayo ay nagsisipag at nagta-trabaho ng maayos ay sagot ko ang dinner natin ngayong gabi! What restaurant do you prefer, everyone?!” Napakamot si Hazel sa ulo. Ang balak niya sana ay umuwi agad. Nangako kasi siya kay Aling Fatima na sasabay siya dito kumain ng gabihan ngayon. Halos isang linggo din siyang hindi pumasok kaya naman nagsisipag siya at bumabawi ngayon. “I’ll take no for an answer.” Hirit ng boss nila ng makita ang marami ang humirit ng cash nalang daw. Kaya walang n
Hindi tinanggap ni Sir Aeros ang cellphone. Pwede naman daw niya itong ibigay o ibenta sa iba kung hindi niya magagamit. Nagpaalam na siya sa mga ito. Pero bago siya umalis ay pinainom muna siya ng mga ito ng isang malaking baso ng beer kaya naman lalo siyang nahilo. Pasuray-suray na lumabas siya ng karaoke bar. “Kuya Frank!!!” Nakita niya ito na nakasandal sa kotse. Mukhang inip na inip ito habang naghihintay sa kanya. Bago makalapit ay nag ekis ang mga paa niya kaya naman nangudngod siya sa dibdib nito. Mabuti nalang ay nasalo siya nito. Mabilis na pumalibot ang dalawang matipunong braso nito sa bewang niya. “T-thank you, Kuya Frank.” Nakangiting pasasalamat niya. “Tsk. You’re drunk. Let’s go–“ nanigas ang katawan nito ng idiin niya ang mukha sa dibdib nito at suminghot. “Bakit ang bango mo, kuya?” Pinalibot niya ang dalawang kamay sa bewang nito at saka sinubsob ang mukha sa matigas nitong dibdib. “Ang bango mo talaga—aray naman! Dahan-dahan naman!” Angal niya ng hataki
Habang nagmamaneho ay hindi maiwasan ni Frank ang mapangiti sa tuwing napapatingin kay Hazel na ngayon ay abala sa pagkalikot ng cellphone na kanyang binigay. “Do you like it?” Tumango si Hazel. “Yes, kuya Frank! I like it so much po!” He chuckled when he heard her answer. Nang makarating sa bahay, nagmamadaling bumaba si Hazel, sumalubong naman agad si Aling Fatima sa kanila. “Aling Fatima! Kamusta na po ang pakiramdam mo? Bakit po nasa labas kayo?” Inalalayan ito ni Hazel. “Mabuti pa ho ay pumasok na kayo sa loob para makapagpahinga. Aalagaan ko po kayo para mabilis kang gumaling.” Kumunot ang noo ng matanda. “Ha? Aba’y sino ang nasabi sayo na may sakit ako–“ Tumikhim si Frank upang kunin ang atensyon ng matanda. “Magpahinha ka na, Hazel. Mukhang natunawan na si Aling Fatima.” “Hindi lang po siya natunawan?” Takang tanong ng dalaga. Tumango si Frank. “Yes. So you don’t have to worry.” Nagpalipat-lipat ang tingin ni Aling Fatima sa dalawa. Bumaling naman dito si Frank
“Goddamnit!” Mura ni Frank ng sa kanyang pagpihit ay tumambad sa kanya si Hazel na nakaharang ang mahabang buhok sa mukha. “Bakit gising ka pa?” “Hehe. Sorry kung nagulat kita, kuya.” Pinakita ni Hazel ang cellphone na hawak. “Magpapaturo sana ako kay Gladys. Pero busy pa siya. P-pwede po bang paturo kung paano gumamit nito?” Ani Hazel sabay pakita ng cellphone na binigay ng binata. Nilapag ni Frank ang basong hawak. Tumango siya sa dalaga. “Of course. Pero hindi ito libre.” Napasimangot si Hazel sa sinabi ni Frank, kaya naman natawa ito. “Wag kang mag alala dahil simpleng bayad lang naman ang gusto ko.” “Simple? Bente mga gano’n? Pwedeng sampo nalang?” Pambabarat ni Hazel na ikinatawa ni Frank. Nakangising nagsalin ng alak sa baso si Frank. Napansin naman ni Hazel ang mapaglarong ngisi sa labi nito. Hindi kaya, mas malaki ang gustong bayad nito? ‘Pero imposible naman iyon dahil napakayaman ni kuya Frank.’ Isip-isip ng dalaga. “Wag kang mag alala dahil hindi pera ang kailanga