LIKE 👍
Habang nagmamaneho ay hindi maiwasan ni Frank ang mapangiti sa tuwing napapatingin kay Hazel na ngayon ay abala sa pagkalikot ng cellphone na kanyang binigay. “Do you like it?” Tumango si Hazel. “Yes, kuya Frank! I like it so much po!” He chuckled when he heard her answer. Nang makarating sa bahay, nagmamadaling bumaba si Hazel, sumalubong naman agad si Aling Fatima sa kanila. “Aling Fatima! Kamusta na po ang pakiramdam mo? Bakit po nasa labas kayo?” Inalalayan ito ni Hazel. “Mabuti pa ho ay pumasok na kayo sa loob para makapagpahinga. Aalagaan ko po kayo para mabilis kang gumaling.” Kumunot ang noo ng matanda. “Ha? Aba’y sino ang nasabi sayo na may sakit ako–“ Tumikhim si Frank upang kunin ang atensyon ng matanda. “Magpahinha ka na, Hazel. Mukhang natunawan na si Aling Fatima.” “Hindi lang po siya natunawan?” Takang tanong ng dalaga. Tumango si Frank. “Yes. So you don’t have to worry.” Nagpalipat-lipat ang tingin ni Aling Fatima sa dalawa. Bumaling naman dito si Frank
“Goddamnit!” Mura ni Frank ng sa kanyang pagpihit ay tumambad sa kanya si Hazel na nakaharang ang mahabang buhok sa mukha. “Bakit gising ka pa?” “Hehe. Sorry kung nagulat kita, kuya.” Pinakita ni Hazel ang cellphone na hawak. “Magpapaturo sana ako kay Gladys. Pero busy pa siya. P-pwede po bang paturo kung paano gumamit nito?” Ani Hazel sabay pakita ng cellphone na binigay ng binata. Nilapag ni Frank ang basong hawak. Tumango siya sa dalaga. “Of course. Pero hindi ito libre.” Napasimangot si Hazel sa sinabi ni Frank, kaya naman natawa ito. “Wag kang mag alala dahil simpleng bayad lang naman ang gusto ko.” “Simple? Bente mga gano’n? Pwedeng sampo nalang?” Pambabarat ni Hazel na ikinatawa ni Frank. Nakangising nagsalin ng alak sa baso si Frank. Napansin naman ni Hazel ang mapaglarong ngisi sa labi nito. Hindi kaya, mas malaki ang gustong bayad nito? ‘Pero imposible naman iyon dahil napakayaman ni kuya Frank.’ Isip-isip ng dalaga. “Wag kang mag alala dahil hindi pera ang kailanga
Malakas na hinampas ni Aling Fatima si Hazel sa pang upo kaya naman nagkasamid-samid ang dalaga habang umiinom ng ng tomatoe juice. "Aling Fatima, naman nakakagulat ka naman!" "Paanong hindi ka magugulat, eh tulala ka ri'yan." Tinitigan nito ang mukha ng dalaga. "Ano ba ang iniisip mo at dalawang araw ka ng ganyan? May problema ba?" Nag iwas ng mata si Hazel. "W-wala po. Tungkol lang po sa pinag aralan namin ito ni Mrs. Galoso." Isa pa ito sa iniisip ni Hazel, ang pinag aralan nila. Akala niya kasi noong una ay totoo ang sinabi ni Isay aa kanya noon na mabubuntis ang babae kapag hinalikan, hindi naman pala. "Hazel?" Pukaw ni Aling Fatima sa dalaga. "Ayan ka na naman, tulala ka na naman. Napagalitan ka ba ni Sir Frank kaya iniiwasan siya mo siya?" Hindi siya nakasagot. Hindi niya kasi alam kung tama ba na ikuwento niya sa iba ang sinabi ng binata. Baka mamaya kasi ay nagbigay lang siya ng ibang kahulugan. Paano kung mapahiya lang siya? Isa ito sa natutunan niya—ang wag mag assum
Kung pwede lang sana na hindi na lumabas ng kwarto ay ginawa na ito ni Hazel makaiwas lang kay Frank. Wala na itong ginawa kundi ang titigan siya. Katulad ngayon—imbis na sa pagkain ito tumingin ay sa kanya ito nakatingin. Sa tuwing susubo ito o kahit iinom ng tubig ay hindi nito inaalis ang tingin sa kanya. Hindi na tuloy siya tinitigilan ng lahat katatanong kung ano ang kasalanan niya sa binata. Lalo na si Aling Fatima. Napahinto siya sa paghakbang ng makita si Frank na nakasandal sa pintuan ng kwarto niya. Gusto sana niyang umatras pabalik subalit nakita na siya ng binata. Naalala niya bigla ang ginawa nito kahapon sa pool. Pinamulahan siya ng pisngi. Pakiramdam niya ay umakyat ang dugo sa ulo niya dahil sa inis at hiya. Buti pa siya ay natutunan agad na masama ang tumingin sa katawan ng iba. Pero bakit hindi ito alam ng binata? Saka dahilan ba na pabayaan siya nito kahit na ito ang magtuturo sa kanya kung paano lumangoy? Mali naman yata iyon. Hindi man lang ito umalis sa pag
“Mag iingat ka, Hazel ha. Sigurado ka ba na kaya mong pumunta doon ng mag isa?” May pag aalala na tanong ni Aling Fatima. Tumango si Hazel sa matanda. Bago umalis ang dalaga ay may pahabol na bilin si Aling Fatima sa kanya. “Mag iingat ka! Wag mong kalimutan na tawagan kami kapag naligaw ka, ha!” “Okay po! Aalis na po ako!” Ani Hazel. Ngayong araw ay may usapan sila ni Toni na magkikita sa mall pagkatapos ng trabaho nito. Tuturuan siya ng kaibigan na mamili at maglibot sa mall. Hindi nahirapan si Hazel na pumunta sa mall na tinutukoy ng babae dahil sinunod niya ang instruction na binilin nito sa kanya. Wow! Napatingala si Hazel ng makababa siya sa tapat ng isang mataas at malaking gusali. Kumikislap sa liwanag ang buong kapaligiran. Ilang beses ng nakakita ng dalaga ng magaganda at malawak na venue, subalit hanggang ngayon ay namamangha pa rin siya sa tuwing makakakita ng magandang gusali kagaya nito. “Hazel!” Agad na lumapit si Toni ng makita ang dalaga. Sabik pa itong yumakap n
“Hindi ko tatanungin kung sino ang lalaking nagsabi ni’yan sayo. Pero ang pagkagusto niya ay makikita mo sa mga pinapakita niyang galaw.” Tinuro ni Toni ang sarili. “Katulad ko, gusto kita. Pero hindi sa romantikong paraan, kundi sa pagiging kaibigan. Si Aling Fatima, gusto ka din niya dahil mabuti kang tao at nakikita niya ang apo niya sayo. See? Iba’t ibang klase ng pagkagusto, iba’t ibang klase ng dahilan. Kung anuman klase ng pagkagusto ang lalaking iyon sayo ay ikaw lang ang makakasagot ni’yan, Hazel.” ‘Ako lang ang makakasagot?’ Humawak si Hazel sa kanyang dibdib. Ang ibig bang sabihin ni Toni ay ang namumuo na hinala sa dibdib niya? ‘Pero may nobya na siya! At kapatid mo pa!’ Kastigo ng isip niya. “Imposible sigudo na sa romantikong paraan ang pagkagusto niya sa akin, Toni. M-may nobya na kasi siya. Ako lang siguro ang nag iisip na… na baka may gusto siya sa akin.” Sinabi nalang ni Hazel para pagkatakpan ang pagkapahiya. Napansin naman ni Toni ang pagkapahiya sa mukha nit
Tulala si Hazel habang nakahawak sa nakaawang na labi. Kanina pa sila nakauwi at hanggang ngayon nga ay hindi pa rin makatulog ang dalaga. Hawak lamang niya ang labi habang tulala. ‘Ganito pala ang pakiramdam na mahalikan sa kauna-unahang pagkakataon. Masaya at para kang nakalutang sa alapaap.’ Humawak si Hazel sa tapat ng dibdib, hanggang ngayon ay nakakabingi ang pagkabog nito. Nagkakarerahan ito sa bilis ng pagtibok. “Ay kabayo kang bata ka!” Napahawak si Aling Fatima ng mabungaran si Hazel na magulo ang buhok at nanlalalim ang mata. Napansin agad ng matanda na parang wala ito sa sarili, kaya naman agad itong nag alala. Pagdating sa kusina ay agad niya itong ipinagtimpla ng gatas. “Bakit ganyan ang itsura mong bata ka? Aatakihin ako sayo gulat.” Nilapag ni Aling Fatima ang gatas sa harapan ng dalaga na hanggang ngayon ay tulala. “May nangyari ba sa lakad ninyo ni Toni? Hindi na kita nahintay na umuwi kagabi dahil sumakit ang likuran ko. Nagpahinga na ako sa kwarto ko. Kamusta na
Hindi maipinta ang mukha ni Frank, kaya naman ang mga kasambahay na nagsisilbi sa binata ay natatakot, iniisip na baka mapagbalingan ng init ng ulo ng amo. Si Aling Fatima naman ay kunot ang noo na nakatingin kay Hazel, na ngayon ay nakaupo sa pinakadulo ng upuan, malayo sa kanyang amo. ‘Kapag inulit mo pa ang ginawa mo kanina ay hinding-hindi na kita kakausapin!’ Halos madurog ang basong hawak ni Frank ng maalala ang sinabi ng dalaga sa kanya kanina pagkatapos sipain ang kinabukasan niya. Malayo na para sa binaga ang pwesto ni Hazel noon, ngayon pa ba mas lumayo ito? Damn! Tumikhim si Frank para kunin ang atensyon ng lahat. “From now on, gusto kong mag almusal ng ako lamang mag isa. After preparing our food, you may leave all.” Muntik ng mabilaukan si Hazel sa kanyang narinig. Nang tingnan ng dalaga si Frank ay hindi nakaligtas sa kanyang mata ang pagngisi nito. ‘Mukhang may plano ito’ isip-isip ni Hazel. At hindi nga nagkamali ang dalaga. Dahil pagkaalis lamang ng lahat a