Halik 💋
Tulala si Hazel habang nakahawak sa nakaawang na labi. Kanina pa sila nakauwi at hanggang ngayon nga ay hindi pa rin makatulog ang dalaga. Hawak lamang niya ang labi habang tulala. ‘Ganito pala ang pakiramdam na mahalikan sa kauna-unahang pagkakataon. Masaya at para kang nakalutang sa alapaap.’ Humawak si Hazel sa tapat ng dibdib, hanggang ngayon ay nakakabingi ang pagkabog nito. Nagkakarerahan ito sa bilis ng pagtibok. “Ay kabayo kang bata ka!” Napahawak si Aling Fatima ng mabungaran si Hazel na magulo ang buhok at nanlalalim ang mata. Napansin agad ng matanda na parang wala ito sa sarili, kaya naman agad itong nag alala. Pagdating sa kusina ay agad niya itong ipinagtimpla ng gatas. “Bakit ganyan ang itsura mong bata ka? Aatakihin ako sayo gulat.” Nilapag ni Aling Fatima ang gatas sa harapan ng dalaga na hanggang ngayon ay tulala. “May nangyari ba sa lakad ninyo ni Toni? Hindi na kita nahintay na umuwi kagabi dahil sumakit ang likuran ko. Nagpahinga na ako sa kwarto ko. Kamusta na
Hindi maipinta ang mukha ni Frank, kaya naman ang mga kasambahay na nagsisilbi sa binata ay natatakot, iniisip na baka mapagbalingan ng init ng ulo ng amo. Si Aling Fatima naman ay kunot ang noo na nakatingin kay Hazel, na ngayon ay nakaupo sa pinakadulo ng upuan, malayo sa kanyang amo. ‘Kapag inulit mo pa ang ginawa mo kanina ay hinding-hindi na kita kakausapin!’ Halos madurog ang basong hawak ni Frank ng maalala ang sinabi ng dalaga sa kanya kanina pagkatapos sipain ang kinabukasan niya. Malayo na para sa binaga ang pwesto ni Hazel noon, ngayon pa ba mas lumayo ito? Damn! Tumikhim si Frank para kunin ang atensyon ng lahat. “From now on, gusto kong mag almusal ng ako lamang mag isa. After preparing our food, you may leave all.” Muntik ng mabilaukan si Hazel sa kanyang narinig. Nang tingnan ng dalaga si Frank ay hindi nakaligtas sa kanyang mata ang pagngisi nito. ‘Mukhang may plano ito’ isip-isip ni Hazel. At hindi nga nagkamali ang dalaga. Dahil pagkaalis lamang ng lahat a
Ilang na ilang si Mrs. Galoso habang tinuturuan si Hazel dahil sa presensya ni Mr. Evans sa hindi kalayuan. Mukhang walang kaalam-alam si Hazel dahil tutok ang dalaga sa pakikinig sa itinuturo niya. Sa pag aakala na binabantayan ng binata ang kanyang kilos ay mas pinag igihan ng matanda ang pagtuturo. “Congrats, Hazel. You improved a lot.” Puri ni Frank habang papalapit sa dalaga. Nanlaki naman ang mata ni Hazel. “Kanina ka pa, kuya?” “Hmm… let say na, tinitingnan ko kung karapatdapat ka ba ng i-treat.” Biro ng binata. “Magaling kasi magturo si Mrs. Galoso kaya mabilis akong natututo.” Umiling ang matanda. “Mali ka, Miss Hazel. Natutunan mo ang lahat dahil masipag ka at desidido. Kaya wag mo akong pasalamatan. Ang pasalamatan mo ay ang pagtitiyaga mo sa iyong pag aaral.” Kiming ngumiti ang dalaga sa papuri ng guro. Gusto pa sanang magpasalamat ng dalaga ng hawakan ni Frank ang kanyang kamay. Hindi siya nito binigyan ng pagkakataon na makapag protesta. Mabuti nalang at wa
Tumikwas ang kilay ni Hazel ng marinig ang pagbukas ng pintuan ng kwartong ukupado niya. Magkahiwalay kasi sila ng kwarto ni Frank dahil ito ang gusto niya. Naiintindihan naman siya ng binata at ginalang ang gusto niya. Pero mukhang labas sa ilong ang sinagot nito sa kanya kanina dahil narito na ang binata ngayon sa kwarto niya. Mukhang kakaligo lang nito dahil basa pa ang buhok nito. “Bakit naligo ka? Mag aalas singko na! Gusto mo bang magkasakit ka?” lumaki si Hazel na ito ang pangaral ni Aling Nita, ang huwag maligo ng puyat. Umiwas ang tingin ni Frank sa nighties na suot ni Hazel. Personal na binili ito ng binata bago niya ito niyaya na sumama sa kanya. At tama nga siya na babagay ito sa dalaga. “Damn.” mahinang mura ni Frank. Sanay ito na makita na walang salamin si Hazel, ngunit hindi pa rin siya masanay-sanay sa tuwing makikita niya na walang nakaharang sa maganda nitong mata. Napa-ouch ang binata ng maramdaman na may humila sa buhok niya. Si hazel ay nakasabunot na sa buhok
"Aling Fatima, tingnan mo si Hazel." Nginuso ni Gladys ang dalaga. "Kanina pa nakangiti. Siguro may nobyo na 'yan." "Ikaw talaga, kung ano-ano ang sinasabi mo. Imposible na magkanobyo ang batang 'yan dahil wala naman alam sa pag ibig si Hazel. Mabuti pa ay bumalik ka na sa trabaho mo!" Lulugo-lugo na umalis si Gladys. Nang makaalis ito ay pinagmasdan ni Aling Fatima si Hazel. Tama nga si Gladys, may kakaiba sa dalaga. Madalas niya itong mahuli na may ka-text at katawagan simula ng bumalik ito galing sa bakasyon. Ang ipinagtataka niya ay biglaan itong umalis ng walang paalam. Nalaman nalang nila na nasa bakasyon ito ng sabihin sa kanila ng driver ni Sir Frank na nasa bakasyon nga ang dalaga. Isang buwan din itong nawala kasabay ng amo nila... hindi kay? Napukaw lamang ang matanda ng tawagin ito ni Hazel. "Aling Fatima, pagkatapos po nito 'ano ang sunod kong gagawin?" Inalis na lamang ni Fatima ang gumugulo sa isip. Mabuti pa na alisin niya ang mga iyon sa isip dahil alam
Dati naman ay ayos lang sa kanya kahit ano ang ayos niya basta kumportable siya. Pero ngayon ay hindi siya mapakali habang naghahanap ng babagay sa kanya. Gusto niya kasi na maganda siya sa paningin ni Frank. Napangiti siya ng mapatingin sa repleksyon niya sa salamin. Bagay na bagay sa kanya ang suot niyang Blue dress above knee ang haba. Mabuti nalang at bumili siya nito kahapon. Napa-wow sila Gladys at ang iba pa nitong kasama ng masalubong siya. “Ang ganda mo, Hazel!” Maging si Aling Fatima na dala na ang mga cookies na nakalagay na ngayon sa paper bag ay napangiti sa paghanga ng makita ang dalaga. Walang duda, napakaganda nito. “Bakit kasi hindi mo pa ipaahit yang kilay mo. Saka yang brace mo ipatanggal mo na at magsuot ka nalang ng contact lense. Sigurado ako na lalo ka pang gaganda!” Suhestiyon ni Gladys. “Sa susunod nalang siguro.” Tumingin si Hazel sa relong nasa bisig niya. “Naku kailangan ko ng umalis!” Nagmamadali na kinuha niya ang paper bag kay Aling Fatima.
Parehong natigilan sina Aling Fatima at Gladys ng makita siya. Mukhang nagulat ito sa itsura niya. Sabagay hindi niya masisisi ang dalawa. Naglagay kasi siya ng manipis na makeup sa mukha. Makikipagkita kasi siya ngayon kay Frank. Gusto niya maging maganda sa paningin nito kaya nag aral siyang maglagay nito sa mukha. Nang mapatingin siya kay Aling Fatima ay nakita niya ang saglit na pagdaan ng pag aalala sa kulubot nitong mukha. Simula ng pangaralan siya nito ay napansin niya na hindi na siya nito masyado kinakausap. Alam niya na masama ang loob nito dahil sa pakikipagrelasyon niya. "Mag iingat ka, Hazel." Matipid nitong bilin bago pumasok sa kusina. Nakangusong sinundan ito ng tingin ni Gladys. Halatang nagtataka ito sa kilos ng matanda. "Nag away ba kayo ni Aling Fatima? Napansin kasi namin na nitong nakaraan ay palagi siyang tahimik. Hindi kami sanay na ganyan siya." "Hindi ko rin alam." Pagsisinungaling niya. Hindi nalang niya sinabi na baka dahil iyon sa kanya. Ayaw niya
NANLULUMO si Ranz sa pagtanggi ni Fatima. Malungkot itong nakatanaw sa papalayong matanda. Buong akala niya ay magkakausap na sila ni Hazel, ngunit bigo sila. “Natitiyak mo ba na narito si Hazel?” Tanong ni Steve sa lalaki, ito din ay nakatanaw sa papalayong si Fatima. Nang tumango si Ranz ay nag-isang linya ang kilay ng binata. Naging palaisipan sa kanya kung bakit itinanggi iyon ng matanda. Bago sumakay ng kanyang sasakyan ay nilingon ni Steve ang malaking Villa. EVANS. PAGDATING sa hospital ay dumiretso sila ni Ranz sa silid kung nasaan si Henry Montefalco. Nang makita ni Aika ang binata ay agad niya itong nilapitan, ngunit nilagpasan lamang siya ng binata. Sa kabila ng pagkainis ay ngumiti ang dalaga upang pagtakpan ang pagkapahiya. Kakaiba ang sigla sa mukha ng matanda ng makita si Steve at Ranz, luminga ito, umaasa na makikita ang babaeng nais niyang makita. Dagling nabura ang sigla sa mukha ni Henry ng mapagtanto na hindi kasama nila Steve ang babaeng gusto niyang