LIKE 👍
Tumikwas ang kilay ni Hazel ng marinig ang pagbukas ng pintuan ng kwartong ukupado niya. Magkahiwalay kasi sila ng kwarto ni Frank dahil ito ang gusto niya. Naiintindihan naman siya ng binata at ginalang ang gusto niya. Pero mukhang labas sa ilong ang sinagot nito sa kanya kanina dahil narito na ang binata ngayon sa kwarto niya. Mukhang kakaligo lang nito dahil basa pa ang buhok nito. “Bakit naligo ka? Mag aalas singko na! Gusto mo bang magkasakit ka?” lumaki si Hazel na ito ang pangaral ni Aling Nita, ang huwag maligo ng puyat. Umiwas ang tingin ni Frank sa nighties na suot ni Hazel. Personal na binili ito ng binata bago niya ito niyaya na sumama sa kanya. At tama nga siya na babagay ito sa dalaga. “Damn.” mahinang mura ni Frank. Sanay ito na makita na walang salamin si Hazel, ngunit hindi pa rin siya masanay-sanay sa tuwing makikita niya na walang nakaharang sa maganda nitong mata. Napa-ouch ang binata ng maramdaman na may humila sa buhok niya. Si hazel ay nakasabunot na sa buhok
"Aling Fatima, tingnan mo si Hazel." Nginuso ni Gladys ang dalaga. "Kanina pa nakangiti. Siguro may nobyo na 'yan." "Ikaw talaga, kung ano-ano ang sinasabi mo. Imposible na magkanobyo ang batang 'yan dahil wala naman alam sa pag ibig si Hazel. Mabuti pa ay bumalik ka na sa trabaho mo!" Lulugo-lugo na umalis si Gladys. Nang makaalis ito ay pinagmasdan ni Aling Fatima si Hazel. Tama nga si Gladys, may kakaiba sa dalaga. Madalas niya itong mahuli na may ka-text at katawagan simula ng bumalik ito galing sa bakasyon. Ang ipinagtataka niya ay biglaan itong umalis ng walang paalam. Nalaman nalang nila na nasa bakasyon ito ng sabihin sa kanila ng driver ni Sir Frank na nasa bakasyon nga ang dalaga. Isang buwan din itong nawala kasabay ng amo nila... hindi kay? Napukaw lamang ang matanda ng tawagin ito ni Hazel. "Aling Fatima, pagkatapos po nito 'ano ang sunod kong gagawin?" Inalis na lamang ni Fatima ang gumugulo sa isip. Mabuti pa na alisin niya ang mga iyon sa isip dahil alam
Dati naman ay ayos lang sa kanya kahit ano ang ayos niya basta kumportable siya. Pero ngayon ay hindi siya mapakali habang naghahanap ng babagay sa kanya. Gusto niya kasi na maganda siya sa paningin ni Frank. Napangiti siya ng mapatingin sa repleksyon niya sa salamin. Bagay na bagay sa kanya ang suot niyang Blue dress above knee ang haba. Mabuti nalang at bumili siya nito kahapon. Napa-wow sila Gladys at ang iba pa nitong kasama ng masalubong siya. “Ang ganda mo, Hazel!” Maging si Aling Fatima na dala na ang mga cookies na nakalagay na ngayon sa paper bag ay napangiti sa paghanga ng makita ang dalaga. Walang duda, napakaganda nito. “Bakit kasi hindi mo pa ipaahit yang kilay mo. Saka yang brace mo ipatanggal mo na at magsuot ka nalang ng contact lense. Sigurado ako na lalo ka pang gaganda!” Suhestiyon ni Gladys. “Sa susunod nalang siguro.” Tumingin si Hazel sa relong nasa bisig niya. “Naku kailangan ko ng umalis!” Nagmamadali na kinuha niya ang paper bag kay Aling Fatima.
Parehong natigilan sina Aling Fatima at Gladys ng makita siya. Mukhang nagulat ito sa itsura niya. Sabagay hindi niya masisisi ang dalawa. Naglagay kasi siya ng manipis na makeup sa mukha. Makikipagkita kasi siya ngayon kay Frank. Gusto niya maging maganda sa paningin nito kaya nag aral siyang maglagay nito sa mukha. Nang mapatingin siya kay Aling Fatima ay nakita niya ang saglit na pagdaan ng pag aalala sa kulubot nitong mukha. Simula ng pangaralan siya nito ay napansin niya na hindi na siya nito masyado kinakausap. Alam niya na masama ang loob nito dahil sa pakikipagrelasyon niya. "Mag iingat ka, Hazel." Matipid nitong bilin bago pumasok sa kusina. Nakangusong sinundan ito ng tingin ni Gladys. Halatang nagtataka ito sa kilos ng matanda. "Nag away ba kayo ni Aling Fatima? Napansin kasi namin na nitong nakaraan ay palagi siyang tahimik. Hindi kami sanay na ganyan siya." "Hindi ko rin alam." Pagsisinungaling niya. Hindi nalang niya sinabi na baka dahil iyon sa kanya. Ayaw niya
NANLULUMO si Ranz sa pagtanggi ni Fatima. Malungkot itong nakatanaw sa papalayong matanda. Buong akala niya ay magkakausap na sila ni Hazel, ngunit bigo sila. “Natitiyak mo ba na narito si Hazel?” Tanong ni Steve sa lalaki, ito din ay nakatanaw sa papalayong si Fatima. Nang tumango si Ranz ay nag-isang linya ang kilay ng binata. Naging palaisipan sa kanya kung bakit itinanggi iyon ng matanda. Bago sumakay ng kanyang sasakyan ay nilingon ni Steve ang malaking Villa. EVANS. PAGDATING sa hospital ay dumiretso sila ni Ranz sa silid kung nasaan si Henry Montefalco. Nang makita ni Aika ang binata ay agad niya itong nilapitan, ngunit nilagpasan lamang siya ng binata. Sa kabila ng pagkainis ay ngumiti ang dalaga upang pagtakpan ang pagkapahiya. Kakaiba ang sigla sa mukha ng matanda ng makita si Steve at Ranz, luminga ito, umaasa na makikita ang babaeng nais niyang makita. Dagling nabura ang sigla sa mukha ni Henry ng mapagtanto na hindi kasama nila Steve ang babaeng gusto niyang
“Wala si Sir Frank. Kanina pa siya umalis.” Nawala ang ngiti niya. “Ah gano’n ba? Akala ko kasi nandito siya kaya dinalhan ko din siya ng bake macaroni na niluto ko.” Lumapad ang ngiti ni Toni. “Thank you, Hazel! Ang sweet mo talaga. Palagi ka nalang may dalang pagkain sa akin. Look at me?” Umirap ito sa kanya. “Lumalapad na ako dahil sayo. Siya nga pala. Mabuti na rin siguro na hindi mo naabutan si Sir kanina. Mainit kasi ang ulo niya pagkatapos nilang mag usap ni Yael.” “G-galing dito si Kuya?” “Wag kang mag alala dahil kanina pa siya wala.” Sabi agad nito ng makitang namumutla siya. “Sa palagay ko may pinagtalunan sila sa loob kanina. Kahit kasi si Sir Yael ay hindi maipinta ang mukha ng lumabas siya.” Ano kaya ang pinagtalunan ng mga ito? Hindi kaya dahil ito kay Ate Yassie niya? Lumapit si Toni sa kanya at mahinang bumulong. “Alam mo ba may bali-balitang kumakalat sa buong building ngayon? Ayon pa sa mga narinig ko, may ibang babae daw si Sir Frank bukod kay Ma’am Yas
“Teka, diba si Sir Frank ‘yon?” Nginuso ni Toni ang restaurant sa tapat ng kinakainan nila. “Si Frank—si Kuya Frank nga!” Bawi niya. Sigurado kasi na magtataka ito kapag hindi siya nag kuya sa binata. Tumayo siya at kumaway para kunin ang pansin nito. Glass wall naman ang pader kaya alam niya na makikita siya nito. Hinila siya paupo ni Toni. “Ano ka ba, nakita mo naman na nakasimangot eh. Sigurado na mainit ang ulo niyan!” Sita nito sa kanya. Tama si Toni, mukhang mainit nga ang ulo nito dahil hindi maipinta ang mukha nito. Di bale, imamasahe nalang niya ito mamaya para mabawasan ang init ng ulo nito. Nagulat siya ng mayamaya ay may babaeng lumabas din ng restaurant. “A-ate Yassie…” “Kaya naman pala hindi na bumalik si Sir sa office dahil sa babaeng ‘yan. Sabagay, mas maganda nga ‘yon eh. Kapag wala kasi si Sir ay nakakakilos ang lahat ng maayos sa building. Mas nakakahinga kaming lahat ng maluwag—“ nagulat si Toni ng makita siyang namumula ang mata. “Hazel, bakit? Ma
“Umamin ka nga sa akin. May kasalanan ka ba kay Sir?” Nakahinga siya ng maluwag. Akala niya mabubuko na sila. “Wala ah. Ano naman ang magiging kasalanan ko sa kanya. I-ikaw talaga, kung ano-ano ang iniisip mo!” Aniya. “Sabagay tama ka.” “M-may iba pa ba siyang sinabi sayo?” Umiling ito. “Wala na. Kinumpirma lang niya kung kasama kita at sinabi kong oo. Baka kasi hanapin ka niya kila Aling Fatima. Eh di pati sila ay mag aalala.” Pagkarating nila sa tapat ng malaking gate ng Villa ay nagpaalam na ito sa kanya. “Bye, Hazel!” Sinundan niya ang taxi na palayo. Nang mawala ito sa paningin niya ay saka siya bumuga ng hangin. Naalala niya ang nakita niya kanina. Ayaw niyang mag isip ng hindi maganda pero hindi niya maiwasan. Ganito pala ang pakiramdam na magselos. Masakit sa dibdib at makirot. Napapitlag siya sa gulat ng biglang may humila sa kamay niya. Si Frank, mukhang kanina pa ito naghihintay sa kanya. Hinila siya nito at dinala sa kotse nito na nakaparada sa may kalayua