LIKE 👍
Nagmamadaling kinuha ni Hazel ang sinahod niya ngayong araw. Tuwing may event ay binibigay agad ni Sir Aeros ang sahod nila pagkatapos. Iyon kasi ang gusto ng karamihan, ang makuha ng cash ang sahod. “Bente mil! Ang laki talaga magpasahod ni Sir Aeros!” Sigurado na kapag sunod-sunod ang kliyente ay tuloy-tuloy din ang malaki nilang kita. Makakaipon na siya at mapupuntahan si Aling Nita. Makakapag aral din siya! “Ito ba ang dahilan kaya ka palaging late na umuuwi?” Sa gulat ay nabitiwan ni Hazel ang pera dahilan para kumalat ito sa paligid. “Ang pera ko!” Nagmamadali na pinulot niya isa-isa ang mga ito. Pero napahinto ang dalaga at agad na nanlaki ang mata ng mapagtanto kung sino ang nasa harapan niya. “K-kuya Frank, ikaw pala!” Pagkatapos ibulsa ang lahat ng pera ay tumayo ang dalaga at humarap rito. ‘Akala niya ay hindi ito uuwi ngayon?‘ nakakagulat naman ito. Bigla nalang sumusulpot. “Good night po! Sweet dreams!” Natutunan niya iyon kay Aling Nita. Binati siya ng ganito n
“Good job, Miss Hazel. As I expected ay mabilis kang matuto kesa sa inaasahan ko. Iba talaga ang nagagawa ng taong may sipag at determinasyon. Ang mga tao na may qualities na gaya mo ang mga umaangat at malayo ang nararating sa buhay.” Namula ang pisngi ni Hazel sa papuri ng ginang. “Thank you po, Mrs. Galoso. Mabilis po akong natututo dahil magaling ka po magturo. Marami pong salamat sa pasensya niyo. Kayo po ang dahilan kaya nadadagdagan ang kaalaman ko.” Yumuko ang dalaga. “Maraming salamat po talaga!” Gumuhit ang ngiti sa labi nito. Noong una ay nagdawalang isip ito na tanggapin ang trabahong ito dahil sa napapabalitang ‘masama’ na ugali ng kaisa-isang anak na lalaki ni Alexander Evans. Hindi pala magiging mahirap ang kanyang trabaho dito. Bukod sa mabilis matuto ang dalaga, mabait ito at magalang. Katangian ng mga estuduyante na madalang na makita ngayon. “Hindi ako ang dapat pasalamatan mo kundi si Sir Evans, Miss Hazel. Wala ako dito ngayon kung hindi dahil sa kanya. Sige, a
Hinatid ni Fatima si Yassie sa guestroom na gagamitin nito. Pagkahatid ay umalis agad ang matanda at iniwan ang babae para ikuha ito ng juice. Iginala ni Yassie ang mata sa kwarto. This room is huge and clean. Sa unang tingin ay malalaman agad na mamahalin ang mga kagamitan na nasa silid. Nilabas niya ang çellphone at sinubukan na tawagan si Frank. Ngunit katulad nitong nakaraang buwan ay hindi nito sinasagot ang kanyang tawag. Nababagot na binato ng dalaga ang cellphone sa ibabaw ng kama. Hindi sanay si Yassie na hindi sinasagot ni Frank ang tawag niya. Dati naman ay tumatawag ito after three or four missed calls, pero ngayon ay inabot nalang ng tatlong buwan pero hindi pa rin siya nito tinatawagan pabalik. She missed him. Simula ng mag usap sila ay nagbago na ito. Siguro ay masama pa rin ang loob nito dahil pinilit niya ito sa bagay na ayaw nitong gawin. Nakangiting tiningnan ni Yassie ang singsing na nasa kanyang daliri. Galing ito kay Frank. Ito mismo ang nagsuot nito ng singsi
Napalundag si Hazel sa malakas na sigaw ng binata. Ito na ang may kasalanan, ito pa ang galit? Humawak siya sa ulo ng maramdaman na kumirot na naman ito. Para itong binibiak sa sakit. "A-Ang sakit..." aniya na naluluha at nagsisimulang mahilo. Naramdaman niya na may likod na umagos galing sa ilong niya pababa sa kanyang labi. Kumunot ang noo ni Frank ng makita na hindi man lang natinag sa kinatatayuan ang nakatalikod na sa kanya na dalaga. Galit niya itong nilapitan at hinarap sa kanya. "Damn!" mura niya ng makita ang dugo sa ilong nito. "K-kuya Frank-" Bago ito bumagsak sa sahig ay nasalo ito ng binata. Binuhat niya ito hanggang sa parking lot. Agad na sinenyasan ni Frank ang driver niya na buksan ang sasakyan. Nang mabuksan ang sasakyan ay mabilis niya itong isinakay. "Sa hospital tayo!" utos niya. Nagising si Hazel na nasa hospital na naman siya. Bumungad ang nag aalalang mukha ni Aling Fatima sa kanya. "Maayos na ba ang pakiramdam mo? Ang sabi ng doktor ay nasobrahan ka sa p
Lalong nakadama ng inis si Hazel. Namumula na ang pisngi niya dahil nagawa pa nitong tawanan ang sinabi niya. Ayaw niya sa lalaking nananakit—naaalala niya kasi ang Ate Sharie niya kasi nananakit daw ang asawa nito. Tandang-tanda pa niya noon ng dumating ito sa bahay nila. Puro ito pasa at sugat sa ulo. Nagsumbong ito sa papa nila pero pinabalik lang nito ang ate niya at pinauwi sa asawa. Hindi man lang nito pinakinggan ang kapatid niya. Kaya naman ang pinakaayaw niya sa lalaki ay ang nananakit. Sayang. Ang bait pa naman ng tingin ko sa kanya kasi tinulungan niya ako na magkaro’n ng tutor. Binilhan niya pa ako ng salamin. Isip-isip niya. Sinubukan niya itong lagpasan ulit pero humarang na ito mismo sa kanya. “So, dahil sa nakita mo ay mabubura nalang ang mga kabutihan na ginawa ko para sayo?” Napipilan si Hazel at hindi nakapagsalita. “Ako ang dahilan kaya nakatakas ka sa inyo. Ako din ang dahilan kaya nakakapag aral ka at nakakapagtrabaho. Kaya magpasalamat ka sa akin da
Hindi mapakali si Hazel habang paroon at parito sa kanyang kwarto. Akala niya ay matagal niyang makakausap ang kapatid ni Frank pero mali siya. Dumating agad ang asawa nito para sunduin ito. Nakakapanghinayang dahil halata naman na gusto pa nilang makausap ng matagal ang isa't isa. Nagulat si Aling Fatima ng makita ang naka-impake niyang bag pagkapasok nito. "Hazel, ano ang ibig sabihin nito?" Bumuntong-hininga siya. "Aalis na ako, Aling Fatima. Kailangan kong umalis bago pa makabalik dito si Kuya Frank." Wala kasi ito dahil sumama ito sa mag asawang umalis kanina. Kaya naman kailangan niyang makaalis bago pa ito makabalik. "Pero, Hazel," "Aling Fatima, ayoko na dito. B-baka kasi saktan niya ako eh, natatakot ako. Nakita niyo naman po kung gaano siya kagalit sa akin kanina. P-paano po kung hindi dumating si Ate ganda?" Nangingilabot na niyakap niya ang sarili. Maisip palang niya na masasaktan siya nito ay natatakot na siya. Kaya naman hindi na niya hihintayin na maabutan pa
KINABUKASAN ay nagulat siya dahil naabutan niya ito sa hapag. Nasanay siya na palagi itong umaalis at wala nitong nakaraan kaya akala niya ay hindi na niya ito makikita muna. Dapat pala hindi nalang muna siya lumabas ng kwarto. Dahil nakita na siya nito ay wala siyang choice kundi ang umupo sa tapat nito. Para walang pagtalunan, at hindi niya ito magalit. May naisip siyang sulosyon, at iyon ay ang hindi magsalita sa harapan nito. Tatango lang siya at iiling. Napansin niya na hindi ito nakasuot ng pang alis. Sanay kasi siya na kapag nakikita niya ang binata ay naka-suit ito pang opisina. Pero ngayon ay nakasando lamang ito at loose pants. "Kamusta na ang pakiramdam mo?" Tumango siya at nag-thumbs up. "Nakatulog ka ba ng maayos?" Napahinto siya sa pagsubo ng tinapay. Tumango siya at nagthumbs ulit pagkatapos ibaba ang tinapay. Akmang susubo na siya ng magtanong ulit ito. "Hanggang kailan mo balak na tanguhan lang ako?" Hindi siya umimik. Mas mainam na ito, ang magalit ito dahil sa p
“Okay, guys! Pack up! Good job everyone!” Ani Sir Aeros sa lahat. Halos tatlong oras din silang naglinis. Sa lawak at laki nitong venue ay natagalan silang maglinis. Pagod na pagod silang lahat. Habang nagpapahinga ay kanya-kanya muna sila ng upo. Mayamaya din kasi ay aalis na sila. Ngayong araw ay noon event ang inorganize ni Sir Aeros kaya naman hindi nakasama sa kanila si Toni. Mag aalas siyete ng gabi na din sila natapos sa pagliligpit ng lahat. Nakangiting lumapit sa lahat si Sir Aeros. “Dahil lahat tayo ay nagsisipag at nagta-trabaho ng maayos ay sagot ko ang dinner natin ngayong gabi! What restaurant do you prefer, everyone?!” Napakamot si Hazel sa ulo. Ang balak niya sana ay umuwi agad. Nangako kasi siya kay Aling Fatima na sasabay siya dito kumain ng gabihan ngayon. Halos isang linggo din siyang hindi pumasok kaya naman nagsisipag siya at bumabawi ngayon. “I’ll take no for an answer.” Hirit ng boss nila ng makita ang marami ang humirit ng cash nalang daw. Kaya walang n