LIKE 👍
MUKHANG nakakatakot si Kuya Frank ayon sa kwento ni Aling Fatima. Kailangan niyang tandaan ang bilin nito kung ayaw niyang mapalayas sa bahay na ito. Kaya pala may kakaiba sa awra nito dahil may nakatago pala itong ugali. Alam kaya ito ng ate niya? Kahit kabado ay bumuga ng hangin si Hazel at tinaas ang kamao sa ere. “Kaya mo ‘yan, Hazel. Magpakabait ka lang sa kanya para hindi siya magalit sayo at magsumbong sa papa mo!” NAPATAYO si Hazel ng tuwid ng makita si Frank sa hapagkainan. Pati si Aling Fatima ay halatang nagulat din ng makita ang amo. “Sir Frank, hindi mo naman sinabi na sasabay ka palang kumain kay Ma’am Hazel—“ Napitlag silang dalawa sa gulat ng biglang ibagsak ng binata ang adobong karne sa mesa. “Hindi ba’t nagbilin ako na magluto ng mga masustansyang pagkain? Bakit puro karne ang nakahain? Masustansya ba ang tawag niyo sa mga ‘to?” “Magpapaluto ako ulit, Sir Frank. Pasensya na po dahil hindi ko masyadong narinig ang sinabi mo.” Takot man ay nakuhang sumago
Kunot ang noo ni nilingon ni Aling Fatima si Hazel. Napansin ng matanda na kanina pa sumusunod ang dalaga saan man siya magpunta. "May kailangan ka ba, iha? Napansin ko kasi na kanina ka pa sumusunod pero wala ka naman sinasabi. Paano ko malalaman ang kailangan mo kung hindi mo naman sinasabi sa akin ang kailangan mo?" Bumuntong-hininga si Hazel bago sinagot ang matanda. "Kasi po, Aling Fatima. Apat na araw na po akong nandito pero hindi mo pa rin sinasabi sa akin kung ano ba ang kailangan kong gawin. Nahihiya na po kasi ako sa inyo. Wala na po akong ginawa kundi ang kumain at matulog. Nahihiya na po talaga ako!" Mariin na umiling ang matanda. "Hindi mo kailangan tumulong sa amin dito dahil kaya na namin ang mga gawain dito. Saka hindi ka tauhan sa bahay na ito kundi bisita ni Sir Frank. Sige na, bumalik ka na sa kwarto mo." Utos nito. Umiling si Hazel. Hindi naman talaga siya bisita dito. Sinama lang naman siya dito ni kuya Frank dahil kapatid siya ng nobya nito. Naalala niya
"Siya nga po, Sir Frank." Sagot ng matanda. Hinila nito sa kamay ang dalaga. "Sige na, iha. Sabihin mo kay Sir ang gusto mong sabihin." "Leave us." "Sir?" Akala ng matanda ay nabibingi lang siya. Pero ng hindi na muling nagsalita ang amo ay yumuko ito at nag aalangan na nagpaalam. "Sige po, lalabas na kami." Kahit ang babae na nagbukas ng pinto kanina ay lumabas kasama nito. "Aling Fatima!" Sinubukan na humabol ni Hazel sa matanda ngunit nagsalita ang nobyo ng ate niya. "Sabihin mo, ano ang kailangan mong sabihin sa akin?" Nagbukas-sara ang labi niya sa kaba. Paano ay diretso na nakatingin ang binata sa kanya habang tinatanong siya. Nakakaintimida ang tingin nito. "Kuya Frank, gusto ko pong magtrabaho dito at gusto ko pong magkasahod!" Sa wakas ay nasabi din niya ang gusto niyang sabihin kahit na kabado siya. "Magtrabaho at sumahod?" Nag isang linya ang kilay ni Frank. "Kumakain ka at hindi nagugutom. Ano ang dahilan mo at gusto mong mamasukan dito?" Kaya mo 'yan, Haz
Tumango ang babae. "Oo, raket. Trabaho na hindi permanente pero tiyak na may kita! Hindi naman kalakihan ang kita pero sapat na para makatulong sayo. Ano payag ka ba?" Tumingin ng nagpapaalam si Hazel kay Aling Fatima. "Hindi ka naman pinagbawalan ni Sir Frank na lumabas kaya naman sige, ikaw ang bahala." Wika ng matanda. "Talaga po? Salamat po, Aling Fatima!" Tuwang-tuwa na napayakap siya sa matanda, kaya naman napangiti na rin ito. "Ako nga pala si Miss Toni, Hazel. Pero mas bet ko na tawagin mo nalang akong Toni. Simula ngayon 'best friend' na tayo!" Ito mismo ang kumuha ng kamay ni Hazel at nakipagdaupan ng palad sa dalaga. "Best friend po?" Kumunot ang noo nito, pero saglit lang 'yon. "Simula ngayon ay matalik na tayong magkaibigan. Gusto kita, Hazel. Hindi ka trying hard katulad ng ate—i mean, hindi kayo magkaugali. Gusto ko ang lahat ng sinabi mo kanina. Pasensya ka na nga pala kanina ha. Akala ko kasi kanina ay may attitude ka." Hinampas nito sa braso si Hazel kaya
Nagkausap na sila Hazel at Toni kahabi bago ito umuwi kagabi. Ayon rito ay alas singko pa ang uwi nito kaya naman susunduin siya nito ng alas siyete ng gabi. Kanina pa siya naghihintay dahil mag aalas siyete na nang gabi. 'Sana dumating na si Toni bago dumating si Kuya Frank. Ayaw niya kasi magpaalam dito.' Isip-isio niya. "Hazel!" Tawag ni Aling Fatima sa kanya. May inabot itong bag sa kanya. "Palitan mo ng ang plastik na dala mo! Heto ang bag ko. Ito muna ang gamitin mo. Para kang magtatapon ng basura! Ano ka ba naman bata ka!" "Wala naman po itong butas—" "Hindi iyan 'bag kundi garbage bag!" Natampal nito ang noo. "Saan ka ba lupalop galing at hindi mo alam 'yan!" "Alam ko po, Aling Fatima. Butas na kasi ang bag ko kaya po ito po muna sana ang gagamitin ko." "Butas na pala. Bakit hindi ka nagsabi sa akin. Kahit si Miss Toni ay sigurado ako na pahihiramin ka magsabi ka lang." dinukot ni Aling Fatima ang cellphone sa bulsa ng tumunog ito. "Nasa labas na pala si Miss Toni
"Ladies and gentlemen. Good evening everyone!" Rinig ni Hazel na bati ng babae na nasa stage. "For those of you who don't know me, I'm Ritchel, I'm Russel's sister. Tonight, we're here to celebrate a very special occasion: the engagement of my brother, Russel and Sanchi!" Malakas na nagpalakpakan ang mga tao. "Russel, as your sister, I've known you for years, and I've always admired you for being a good person. You're a wonderful person, and I'm so happy you've found someone who makes you this happy." "Toni, ano ang sinasabi niya?" Tanong ni Hazel. Nagtataka siya kung bakit naiiyak ang nagsasalitang babae sa stage habang nakatingin sa lalaki at babae na nasa harapan. Muntik ng malaglag ang panga ni Toni ng marinig ang tanong niya. "Seryoso?" Nahihiya na nag iwas ng tingin si Hazel. Iniwan niya si Toni at sinundan na si Ald na may dalang mga tray para maghatid ng pagkain sa pinakadulo ng mesa. Nakakahiya dahil mangmang siya at walang maintindihan. Di bale, balang araw a
Nahawa si Aling Fatima sa nakikitang kasiyahan ni Hazel. Kanina pa hindi mapuknat ang ngiti sa labi nito pagkagaling nila ng hospital. Halatang masaya ito dahil nagkaro'n ito ng kaibigan na nagmamalasakit dito. "Aling Fatima, hindi po ako makapaniwala na kumita na po ako ng pera! Tingnan niyo po!" Parang bata na pinaypay pa ni Hazel ang pera sa mukha, mayamaya ay inamoy na ito ng dalaga kaya naman tumawa ang matanda. "Oh siya, magpahinga ka na dahil baka sumpungin ka na naman ng sakit ng puson mo. Wag mong kalimutan ang gamot mo, ha." Tumayo na si Aling Fatima. "May mga naantala ako na trabaho kaya naman maiwan na muna kita dito. Kailangan ko pang maglinis sa kwarto ni Sir Frank—" nakangiwing humawak ito sa balakang ng magtunugan ito. "Aling Fatima!" Nag aalalang nilapitan ito ni Hazel. Halatang nasasaktan ito kaya naman inalalayan muna ito ng dalaga na maupo. "Dapat po nagpatingin na kayo kanina sa hospital na pinanggalingan ko. Paano po kung matanggal ang balakang mo?" Kahit
TAWA NANG TAWA si Aling Fatima pagkatapos niyang ikuwento ang nangyari. Sa kanilang dalawa ay mukhang siya lang ang kinakabahan. Mabuti nalang at nasalubong niya rin kanina si Gladys. Inalalayan siya nito na bumaba ng hagdan. Sobrang labo kasi ng mata niya kaya delikado kung maglalakad siya ng mag isa sa hagdan ng walang salamin. "Aling Fatima, naman eh! Pagagalitan tayo tapos tumatawa ka pa! P-paano na ngayon 'yan?" "Loko kang bata ka! Sinong hindi matatawa sa simabi mo!" Pinahid nito ang mata na halos maluha sa kakatawa. "Hindi ka magkakakuliti at mabubulag. Sinabi lang 'yun sayo ng nanay-nanayan mo para umiwas kang makakita ng gano'ng bagay. Hindi mo naman sinadya kaya ayos lang 'yun. Saka si Sir Frank naman ang nakitaan mo." Kumunot ang noo ni Hazel. "Okay lang po makitaan si kuya Frank?" Muli na naman itong natawa kaya napanguso siya. "Ang ibig kong sabihin ay maraming babae ang gugustuhin na mapunta sa pwesto mo kanina. Marami ang nagkakandarapa di'yan kay Sir. Wala lan