KINABUKASAN ay nagising siya na nasa kwarto na niya si Aling Nita. Nang makita siya nito na gising na ay sinabihan siya nito na maligo na. "Hazel, gusto kang makausap ng papa mo." Ha? Akala niya ay bawal siyang lumabas ngayon? Wala na ba ang bisita ng papa niya? Humawak ito sa kanyang balikat at tumingin ng seryoso sa kanya. Sanay siya na mas madalas na seryoso ito pero mas mukha itong seryoso ngayon. "Tandaan mo ang sinabi ko sayo at ng Ate Sharie mo. Hindi madali ang buhay may asawa, lalo na kung hindi niyo naman mahal ang isa't isa. Piliin mo kung ano ang gusto ng puso mo. Wag mong paiiralin ang konsensya at awa mo. Tandaan mo, Hazel. Kapag pumayag ka sa gusto nila ay pwede kang magaya sa Ate Sharie mo. Ayaw mo naman na mangyari 'yon di'ba?" Hindi siya nakasagot. Ang totoo ay hindi pa siya nakakapagdesisyon. Naguguluhan pa siya. Nang makita nito ang pag aalangan sa mukha niya ay bumuntong-hininga ito. "Naiintindihan ko kung naguguluhan ka, Hazel. Pero tandaan mo, sa oras
NASA kalagitnaan ng pagkain ang pamilya Samonte ng dumating si Sharie. Namumula ang ilong at mata nito tanda na galing ito sa pag iyak. “Papa!” Hindi inaasahan ng lahat ang pagdating ng babae. Dahil dumating ito ng walang pasabi. “Totoo ba ang narinig ko? Pinagkasundo niyo si Hazel?” Umikot ang mata ni Yassie. Sigurado siya na narito ito para magdrama. Binaba ni Ian ang hawak na baso, iminuwestra nito ang kamay sa bakanteng upuan na naroon. “Maupo ka, Sharie. Mamaya na natin pag usapan ‘yan pagkatapos kumain.” Hindi nakinig si Sharie sa ama. Hindi siya narito para makasabay kumain ang mga ito. Narito siya para malaman ang totoo. “Nangako ka sa akin na hindi mo itutulad sa akin si Hazel, papa. Ang sabi mo sa akin ay hahayaaan mo siyang makaalis sa bahay na ‘to pagtuntong niya sa twenty. K-kaya sinunod ko ang lahat ng gusto mo ng walang pagtutol dahil nangako ka sa akin! May usapan tayo, papa!” Hindi nagsalita si Yolly, maging ang mga anak nito. Sapat na sa mga ito na makitang
DALAWANG araw simula ng huling makita ni Hazel ang ate Sharie niya. Bale apat na araw na pala siyang nakakulong dito. Hinahatiran lang siya ng pagkain kapag oras ng pagkain. Hindi na rin niya nakikita si Aling Nita. Sa tingin niya ay pinagbabawalan ito ng papa niya na puntahan siya. Kilala niya kasi ito. Hindi siya nito matitiis na hindi makita. Bumukas ang pintuan kaya napatayo siya. Ang ate Yassie niya pala ang nagbukas. “Maligo ka at magbihis. Nasa baba si Mr. Enriquez, gusto ka niyang makita. Wag mong paghintayin si papa ng matagal, naiintindihan mo?” Ani nito sabay bato sa kanya ng hawak. Hindi siya makagalaw sa takot habang nakatingin sa binato nitong bestida sa kanya. Masaya siya nakatanggap siya ng magandang bestida pero natatakot siya sa matanda na naghihintay sa kanya. Kung hindi pa niya naalala ang sinabi nito na wag daw paghintayin ang papa nila ay hindi siya kikilos. Pagkatapos maligo ay nagbihis siya agad. Hindi malaki ang binigay ni Yassie na bestida sa kanya. Suma
Hindi nakapagsalita ang mga ito ng marinig ang sinabi niya. Tama naman siya. Wala siyang magagawa kahit lumuha pa siya ng dugo. Dahil katulad ng ng sinabi ng papa niya ay ito ang masusunod sa bahay na ito. Naisip niya na tumakas nalang. Pero hindi niya magagawa iyon dahil marami ang bodyguards na nakapalibot sa buong bahay nila. Saka saan siya pupunta? Wala naman siya alam sa labas. Siguro nga ito na ang kapalaran niya. Ang mag asawa ng labag sa loob niya at matulad sa ate Sharie niya. “A-aling Nita, totoo ba ang himala?” Naitanong niya habang nakahiga sa kama niya. Narito na siya ngayon sa kwarto niya. “Ang sabi mo kasi sa akin noon ay darating ang araw na magkakaroon ng himala. Na ang mga kagaya ko ay magkakaroon ng tagapagligtas. Nasaan po siya?” Pagkatapos kumutan si Hazel ay tumayo si Aling Nita. Namumula ang mata na tumalikod ito. Hindi niya alam kung paano sasabihin sa kanyang alaga na kwento lamang ang sinabi niya noon. Hindi niya alam na maniniwala ito doon. Wala talaga i
“Ate!” Nagulat siya paggising niya dahil nakaupo na sa gilid ng kama niya ang ate Yassie niya. Kinabahan siya. Paano kung may alam ito sa plano niya? Napaatras siya ng lumapit ito sa kanya. Akala niya ay sasampalin siya nito pero hinawakan nito ang mukha niya at tinitigan siya. Kung titingnan ay para itong hindi nanggaling sa sakit. Maganda pa rin ito. Pero napansin niya na namamaga ang mata nito. Halaga na galing ito sa pag iyak. “Ate, m-magaling ka na?” Binitiwan nito ang pisngi niya. Nagulat siya dahil ngumiti ito sa kanya. “Pinapatawag ka ni papa, Hazel. Mukhang may sasabihin siya sayo.” Gusto niyang sabihin na ayaw niya. Alam naman kasi niya na naroon si Mr. Enriquez at naghihintay na naman sa kanya. Ayaw niya itong makita. Nangingilabot ag naiilang kasi siya sa tingin nito. Pero wala naman siyang magagawa kundi ang sumunod. Naligo muna siya dahil iyon ang bilin ng ate niya. Pagkatapos maligo ay sinuklay niya muna ang mahaba niyang buhok. Nang mapatingin siya sa sala
KILALA ni Hazel ang lalaking ito! Ito ang fiance ng ate Yassie niya! "Why are you here? Are you planning to escape?" Napahawak si Hazel sa batok. Baritono at kay lalim ng boses ng nobyo ng ate Yassie niya. Naghatid ang boses nito ng kakaibang lamig sa kanyang kalamnan. Lalaking-lalaki ang boses nito at medyo nakakatakot ang dating. Siguro dahil wala siyang makita na anumang emosyon sa kulay lupa nitong mga mata. "Answer me. Are you planning to escape?" Ulit nitong tanong. "P-po?" Nahintatakutan niyang tanong. Hindi niya ito maintindihan. Muli siyang humakbang paatras ng lumapit ito sa kanya. Hindi kaya huhulihin siya nito at ibabalik sa kanila at isusumbong sa papa niya? Sa takot na gawin nito ang naisip niya ay hinanda niya ang sarili para kumaripas ng takbo. Ngunit bago pa siya makalayo ay nahawakan na siya nito sa braso. "Fvck!" Mura ng lalaki ng kagatin niya ang kamay nito. Ngunit imbis na bitiwan ay humigpit ang hawak nito sa payat niyang braso. "B-bitiwan mo ak
"PO????” Dumaan ang pagkainis sa mukha nito. "Po? Damn." Mahinang sabi nito bago tumingin sa kanya. "Ang sabi ko saan ka pupunta? Aalis ka? Sa palagay ko kasi ay wala ka naman alam na lugar na pwede mong puntahan. Kaya kung aalis ka ngayon ay baka mapahamak ka lang." Napakamot ang dalaga sa pisngi. "Hindi mo pa ba ako pinapababa?" Pumikit ang binata. Pigil nito ang sarili na huwag singhalan ang dalaga. "Kung ayaw mong ibalik kita sa inyo ay wag kang maraming tanong. Mabuti pang sumama ka sa akin kaysa mapahamak ka." Pinapatahimik ba siya nito? Napalabi si Hazel at mabilis na umayos ng upo. Tumahimik din siya. Baka mamaya kasi ay totohanin nito ang sinabi na ibabalik siya sa kanila kapag nagtanong pa siya. Mayamaya ay may dumating na limang sasakyan. Bumaba ang mga lalaking sakay nito at lumapit ang isa sa sasakyan na kinaroroonan nila at kumatok sa bintana kung nasaan banda ang nobyo ng ate niya. "Sir, nakahanda na ang chopper." Magalang na imporma ng lalaki habang nakayuk
MUKHANG nakakatakot si Kuya Frank ayon sa kwento ni Aling Fatima. Kailangan niyang tandaan ang bilin nito kung ayaw niyang mapalayas sa bahay na ito. Kaya pala may kakaiba sa awra nito dahil may nakatago pala itong ugali. Alam kaya ito ng ate niya? Kahit kabado ay bumuga ng hangin si Hazel at tinaas ang kamao sa ere. “Kaya mo ‘yan, Hazel. Magpakabait ka lang sa kanya para hindi siya magalit sayo at magsumbong sa papa mo!” NAPATAYO si Hazel ng tuwid ng makita si Frank sa hapagkainan. Pati si Aling Fatima ay halatang nagulat din ng makita ang amo. “Sir Frank, hindi mo naman sinabi na sasabay ka palang kumain kay Ma’am Hazel—“ Napitlag silang dalawa sa gulat ng biglang ibagsak ng binata ang adobong karne sa mesa. “Hindi ba’t nagbilin ako na magluto ng mga masustansyang pagkain? Bakit puro karne ang nakahain? Masustansya ba ang tawag niyo sa mga ‘to?” “Magpapaluto ako ulit, Sir Frank. Pasensya na po dahil hindi ko masyadong narinig ang sinabi mo.” Takot man ay nakuhang sumago