Ilang beses na bumuntong-hininga si Rose bago binuksan ang pintuan ng kanyang kotse. Ngayong araw ang balik ng mommy at daddy niya galing ng Switzerland. Nagpaskil siya ng ngiti sa kanyang labi ng makita ito. Ayaw niya na mahalata ng mommy at daddy niya na malungkot siya. Ilang minuto pa si Rose na naghintay sa kanyang magulang. Nakasakay kasi ng private chopper anh mga ito kaya nasa rooptop siya ng kanilang mansion naghihintay ngayon. Galing pa siya sa bahay-bakasyunan nila sa norte kaninanat dito nga siya sa rooptop ng kanilang mansion dumiretso ng dumating siya. “Mommy! Daddy!” Parang bata na tumakbo siya at yumakap sa dalawa. Ilang buwan din sila na hindi nagkita kaya miss na miss niya ang dalawa. “I miss you, mommy, dad.” Alexander chuckled and Freya smiled. Parehong natuwa ang mag asawa sa sinabi ng anak. “We missed you too, princess. Hindi pa rin kami sanay na hindi kayo makita ng matagal ni Frank kaya bumalik na kami kahit next month pa dapat ang uwi namin. Saka itong m
“Wag kang magpadalos-dalos ng desisyon, Rose. Alam kong galit ka lang kay Mike kaya nasasabi mo ‘yan.” Gumuhit ang sakit sa mata ni Rose bago siya tumingin sa kapatid. “Galit? Hindi lang ako galit, Frank. I loathed him to the core of hell. Alam mo kung gaaano ko siya kamahal noon di’ba? Natauhan lang ako, Frank. Kung patuloy mong babanggitin ang pangalan ng lalaking ‘yan mabuti pa na umalis ka nalang.“ May talim na taboy ni Rose sa kapatid niya. Napabuntong-hininga nalang si Frank. Mukhang hindi na talaga mapipigilan si Rose sa pasya nito. Pagkalabas ni Frank sa kwarto ni Rose ay nagpaalam siya sa magulang na aalis na pauwi sa pad niya. Hindi na siya namamalagi dito sa mansion dahil marami siyang penthouses, condos, at Villa na inuuwian. Pero sa loob ng isang buwan, kailangan niyang umuwi sa mansion na ito para makasama at madalaw na rin ang magulang kapag narito ito. Napapailing na bumaba si Frank ng kotse pagkalabas niya ng kanilang gate. Nakita na naman niya ang sasakyan ni M
Nanlilisik ang mata na binato ni Sofia ang cellphone na hawak niya. Sobrang sama ng loob niya dahil hindi mam lang siya dinalaw o kinamusta ni Mike pagkatapos siyang dalhin sa hospital. Ni ang tawagan o itext man lang siya ay hindi nito ginawa. Wala ba itong pakialam sa kanya? No! "Kasalanan ito ng pesteng babaeng 'yon!" Pinaandar niya ang wheelchair niya palabas ng kwarto. Nang makita niya ang kasambahay nila ay tinawag ito ni Sofia. "Ipatawag mo ang driver may pupuntahan ako." Nag aalangan na kumamot sa kilay ang kasambahay. Bilin ng mommy nito na huwag payagan si Ma'am Sofia na umalis. Baka mapagalitan siya. "Bingi ka na?! Ang sabi ko sabihin mo sa driver na ihatid ako!" "Pero, Ma'am Sofia, ang bilin kasi ng mommy mo ay— "Isa ka pang peste! Gusto mong tanggalin kita sa trabaho mo?!" Nang umiling ito sa sinabi ni Sofia ay muli niya itong binulyawan. "Iyon naman pala, eh. Ano pa ang hinihintay mo? Sundi mo na ang utos ko!" Walang nagawa ang kasambahay kundi ang sumunod
"Umalis ka na dahil wala kang mapapala na tulong mula sa akin." Taboy kay Sofia ng matanda. Galit na galit na lumabas si Sofia ng opisina. Hayop kang matanda ka. "Pagkatapos mong magpakasasa sa katawan ko." Gusto niyang magwala sa sobrang galit. Ang matanda na iyon nalang ang inaasahan niya na tutulong sa kanya dahil alam niya na mangyayari ito. Alam niya na kapag nalaman ng ibang mga abogado na isang Evans ang balak niyang idemanda ay aatras ang mga ito. Pero hindi niya akalain na pati ang matandang na 'yon ay aatras at mababahag ang buntot katulad ng iba. "Ahhh! Punyèta talaga!" Aniya habang pinapaandar ang wheelchair palayo sa opisina ng matanda. Napahinto si Sofia ng may pares ng Red Stiletto ang humarang sa kanyang harapan. Bilang modelo, alam niya na mamahalin at limited edition ito. Sino ang babaeng 'to para harangan ang daraanan niya?! Lalo lang nadagdagan ang kanyang inis. Nag angat siya ng tingin. Handa na sana siyang bulyawan ang nakaharang sa kanyang daraanan ng mati
Ramdam ni Rose ang matalim na tingin ni Sofia sa kanya habang papalayo siya rito. Matalas talaga ang dila nito at mukhang wala itong balak magbago. ‘Ako pa ang peste, huh?’ Ang kapal talaga. Sinundan niya ito ng malaman niya na pupunta ito dito. Sinabi sa kanya ng taong inutusan niya na bantayan ito na sabihin sa kanya kung saan ito pupunta. May hinala kasi siya na maghahanap ito ng abogado at tama nga siya. Ang malas lang ni Sofia dahil wala siyang balak na hayaan itong makahanap ng abogado para masampahan siya ng kaso. Kung kinakailangan niyang bilhin ang lahat ng Law firm sa buong bansa ay gagawin niya maipakita lang dito na nagkamali ito ng kinalaban. Kinuha ni Rose ang cellphone upang tinawagan ang tauhan na nagbabantay kay Sofia. “Pwede ka ng umuwi, bukas mo na siya sundan dahil tapos na ako sa kanya ngayong araw.” Pagkababa ng tawag ay binuksan niya ang kotse para pumasok—ngunit bago pa siya makapasok ay may kamay na pumigil sa kanyang braso niya. “Rose, please let’
Of all people, bakit dito pa siya bumangga? “Rose Grayson? Oh, wait, Rose Evans. Hiwalay na nga pala kayo.” When Rhian noticed her sharp look, she immediately apologized. “I’m sorry, I didn’t mean to offend you or anything. Can we talk?” WALA silang dapat pag usapan pero natagpuan ni Rose ang sarili na kaharap si Rhian dito sa isang Coffee Shop malapit sa restaurant kung saan sila kumakain ni Frank. “I’m sorry for what I’ve done to you and Mike.” Halatang nagulat ito sa sinabi niya pero agad din itong ngumiti sa kanya. Ngunit ang ngiti nito ay dagling nabura sa sunod na sinabi niya. “But kissing someone else's husband is wrong. You know that, right?” Namumutlang napalunok ito, ngunit pagkaraan ay bumuntong-hininga. “I’m sorry about that, Rose. Ginawa ko lang naman ‘yon dahil ang sabi sa akin ni Sofia ay mahal pa ako ni Mike at handa ka niyang hiwalayan. Sofia told me na kailangan kong gumawa ng hakbang para mapadali ang hiwalayan niyo. So, I kissed Mike when I saw you coming.
Hindi si Rose mapakal, iniisip niya hanggang ngayon ang mga kasinungalingan ni Sofia. May iba pa ba itong motibo bukod sa hindi siya nito gusto para sa kapatid nito? Hindi siya nakatiis at kinuha ang cellphone niya sa bag para tawagan si Frank. Pero hindi niya tinuloy ang pagtawag. Ano ang sasabihin niyang dahilan kaya tumawag siya? Baka isipin nito ay nag aalala siya kay Mike. ‘Bakit hindi nga ba, Rose?’ Tanong ng isip niya. Bumuntong-hininga siya bago muling binalik ang cellphone sa bag niya. Pagkalabas niya ng kotse ay sumalubong sa kanya ang kasambahay nilang si manang. “Ma’am Rose, may bisita kayo.” Imporma nito sa kanya. Pagkapasok niya sa loob ay naabutan niya ang Ninang Raven niya. Nang makita siya nito ay agad itong yumakap sa kanya kaya naman gumanti siya ng yakap dito. Hindi naman siya galit sa ninang niya. Masama lang ang loob niya pero hindi sapat ‘yon para hindi niya ito kausapin. Naiintindihan niya kung mas paniwalaan nito si Sofia kesa sa kanya. Bukod kasi sa mag
“ANONG sabi mo? Anong pack up?! Ngayon ang shoot ko kaya anong kalokohan ito?!” Galit na singhal ni Sofia sa babaeng assistant niya. “Miss Sofia, iyon po ang utos ng photographer. Wala na daw magaganap na shoot ngayon—“ malakas na tinabig ito ni Sofia kaya naman natumba ito at napaaray sa sakit. Nang makita ni Sofia ang mga professional na photographer na makakatrabaho niya ngayon araw ay nilapitan niya ito at tinanong.“Halos five months na pinaghandaan natin ang shoot na ito, kaya bakit titigil tayo? Come on, let’s start asap para makauwi na ako after nito.”“Pasensya na, Miss Sofia, pero nakahanap na sila ng new model para sa project na ‘to.” Mababa ang tono na sagot ng isa sa photographer na kaharap niya.“What do you mean?” Bumaling si Sofia sa katabi nito para dito kumuha ng sagot, pero gano’n din ang sagot na natanggap niya.“Pasensya na, Miss Sofia, pero tama si Allan ‘hindi na ikaw ang model na kailangan para sa project na ‘to.”Naiwan si Sofia na hindi nakapagsalita sa pa