Malakas na tumili si Rose ng buhusan siya ni Mike ng tubig sa katawan. Ang lamig! Narito sila ngayon sa likurang poso ng bahay, dito sila naligo ni Mike. Akala niya kanina ay sa banyo sila maliligo, pero hindi pala. Palikuran lang pala talaga ang mga banyo dito. Nakakahiya dahil iba talaga ang nasa isip niya kanina. Lumapit si Mike sa asawa at mahina na pinisil ang pisngi nito. “Ikaw ha, pinagnanasaan mo ako.” Lalong namula si Rose. “N-no, I’m not.” Namewang ito para takpan ang pagkapahiya. “Alam mo ba na pwede kitang kasuhan sa pagbibintang mo—“ “Alam mo din ba na… pwede kitang kasuhan dahil pinagnanasaan mo ako?” Ganting biro ni Mike. “Arghh! Ang kulit mo! Sinabi ng hindi kita p-pinagnanasaan eh.” Bumalik sa pagbobomba ng poso si Mike. Nang mapuno ang balde, muli nitong binuhusan si Rose sa ulo ng tubig. Parang bata na lumayo si Rose sa kanya. “Ano bang klaseng tubig ‘to. Ang lamig!” Malamig na ang patak ng ulan, pero mas malamig ang tubig na galing sa poso, para itong may y
Hindi mawala sa isip ni Rose ang mga nalaman niya kay Darla. Apat ng taon ang asawa ni Mike ayon dito, kaya malabo na ang asawa nito ang may gawa noon. Sino kaya ang babaeng ‘yon? Niyakap ni Rose ang sarili, nakadama siya ng kilabot. Baliw lang ang taong gagawa ng gano’n. Napatili si Rose sa gulat ng bigla siyang buhatin ni Mike. “M-mike, baka madapa ka, my god!” Aniya ng tumakbo ito habang buhat-buhat siya. Tawa naman ito nang tawa nang kanya itong paghahampasin sa dibdib, dahil sa nerbiyos na baka matisod ito at magpagulong-gulong sila sa lupa. “Mike, naman eh! Kapag nadapa ka, wala kang kiss mamaya!” Ngumisi si Mike sa narinig. “Kiss lang?” Humalakhak ito ng kurutin siya ni Rose sa dibdib ng mahina. “A-ang dami mong kalokohan sa isip—ahhh!” Muling tili ni Rose ng mabilis itong tumakbo. Kung buhatin siya nito ay parang napakagaan lang niya na bagay. Takot na takot na kumapit siya sa leeg nito habang tumatawa. Aba, ang loko, ang talas ng mata sa dilim. Hindi man lang ito nada
May ngiti sa labi na iniligpit ni Rose ang kanilang gamit. Ngayong araw ang kanilang alis sa bayan. Tuluyan ng naalis ang gumuhong lupa at natumbang naglalakihan na puno sa daan. “Mag iingat kayo, Doc. Grayson at Mrs. Grayson. Sana ay makabalik kayo sa susunod pang mga taon.” Wika ng kapitan, kasama nito na nagpaalam ang mga kababayan, kabilang ang asawa at anak. Bumaling ito kay Rose. “Bumalik sana kayo sa susunod na kasama ang ‘yong asawa, Mrs. Grayson. Ikinagagalak namin kayong makilala.” Ngumiti si Rose. “Maraming salamat din po sa mainit na pagtanggap. Hayaan niyo sa susunod ay babalik ako kasama ang… asawa ko.” Namumula si Rose, na hindi nakaligtas sa mata ni Mike kaya napangiti ito. Bago umalis, tinudyo pa sila ng mga naroon na baka sa kanilang pagbalik ay hindi na lamang silang dalawa ng asawa. Baka mayro’n na silang anak. Sa daan, napansin ni Rose ang pananahimik ng nobyo. Simula ng umalis sila sa bayan at tudyuin na baka may anak na sila sa sunod na balik, hindi na i
“Narito ang impormasyon tungkol sa taong nakabangga sa kapatid mo, Sir.” Nilapag ng private investigator ang mga papeles sa mesa ni Frank. “Napag alaman ko na isa siyang adik sa sugal. Baon siya sa utang at umabot ng milyon ang halaga no’n. Dahil sa mahirap na pamumuhay, hindi niya ‘yon magawang bayaran. Hanggang sa tinatakot ba siya ng mga pinagkakautangan na papatayin siya at ang pamilya niya kapag hindi siya nakapagbayad.” Kumunot ang noo ni Frank. “It doesn’t make sense. Ano ang rason niya at ginawa niya ‘yon sa kapatid ko?” May kinuha na papeles ang imbestigador, ipinakita ito ng matanda kay Frank. “Hindi takot mamatay ang suspect. Pero ng pagbantaan na papatayin pati ang pamilya niya… doon na ito natakot at humanap ng paraan para makapagbayad. Pero hindi sapat ang pambayad nila kahit na naibenta na nila ang maliit na bahay nila. Ang nakapagtataka, Sir Evans, bago niya nabangga ang kapatid mo… nakapagbayad siya sa lahat ng utang niya, nabilhan pa ng bahay ang pamilya niya bag
Nakangiting pinagmasdan ni Rose ang picture nilang magkasama ni Mike sa cellphone niya. Nababawasan ang pagkamiss niya sa nobyo sa tuwing tinititigan niya ‘to. Pagkatapos ng trabaho, nagmamadaling naghanda si Rose sa pag uwi. Ayaw niyang paghintayin si Mike ng matagal sa labas. ‘Iyon lang ba ang dahilan?’ Kastisgo ng utak niya. Hindi ni Rose maiwasan ang mapangiti habang hawak ang pisngi. Dahilan lang niya ‘yon, ang totoo, sabik na sabik siyang makita at makasam ‘to. Hindi sapat ang oras na magkasama sila sa isang araw. Ganito yata talaga kapag masyadong inlove. Agad siyang napangiti ng abutan siya ni Mike ng bouquet ng red roses. Simula ng magkausap ito at si Frank. Lalo ‘tong naging sweet. May sinabi siguro si Frank para lalo siyang mahalin ni Mike. “Mike, bukas na pala ang alis natin papunta kila Tito David. Sigurado ka ba na mauuna na tayo doon at hindi na sasabay kay Ninang Raven?” Binuksan ni Mike ang pinto ng kotse at inalalayan siyang pumasok. Sinupil niya ang ngiti
“D-Diyos ko! Awatin niyo si Sir Mike!” Utos ni manang na kalalabas lang ng tarangkahan. Mabuti na lamang at naisipan ng matanda na lumabas para mag usisa kung bakit hindi pa rin pumapasok sa gate ang sasakyan ng amo. Kung hindi ay hindi nila maaabutan si Sofia na sakal ng kanilang amo. Nangingitim na ang mukha nito at nawalan na nang malay. Natatakot na napaatras ang lahat upang bigyan daan si Mike na ngayon ay napakadilim ng ekspresyon ng mukha dahil sa galit. Wala itong pakialam na iniwan lang ang kapatid na si Sofia, kaya naman napilitan ang mga tauhan na dalhin na lamang ito sa hospital. Mukhang galit na galit talaga ang amo nila dahil hindi man lang ito nag alala sa kapatid at basta na lamang itong iniwan na walang malay ay kinakapos sa paghinga. “Damn! Ahhh!” Lahat ng madaanan ni Mike, mahawakan, at makita ay pinagsisira niya at winawasak. Galit na galit siya sa sarili niya dahil hinayaan niya na mapaikot siya nito ng matagal. Hindi lang ang babaeng mahal niya ang nawala sa
Nakangiting bumaba ng sasakyan si Rose at sumagap ng sariwang hangin. Naalala niya noon, tuwing bakasyon ay hindi pwedeng hindi sila magbakasyon dati ng pamilya noon. Narito sila ngayon ni Mike sa bahay-bakasyunan ng kani-kanilang pamilya. Sa probinsya kung saan na naninirahan ang kaibigan ng mommy niya na si Tito David kasama ang pamilya nito. Parang kailan lang bata pa sila ni Frank at nila… Napahawak si Rose sa ulo ng may alaalang bilang lumitaw sa kanyang balintataw. Sila nila Frank, Sofia, Dana at… Mike. Yumakap si Mike mula sa kanyang likuran. “I remembered when we were kids back then. Paborito mong utusan ako na umakyat ng puno para lang kuhaan ka ng mga duhat.” Humarap siya kay Mike at ikinawit ang braso sa leeg nito. “Bigla akong may naalala. Hmm, payat ka pala noon at… iyakin.” “Pero minahal mo.” May ngisi sa labi na sagot nito. Namumula ang pisngi na hinampas ni Rose si Mike sa dibdib. “Tse! Ipagyabang ba naman.” Ingos niya. Bago pumunta si Mike sa sariling ba
Gabi na, at dahil walang kasama si Rose sa kanila dahil bukas pa ang dating ni Frank, hindi na ito pinauwi ni Mike. Kinabukasan ay maaga na nagising ang dalawa at umalis para pumunta ng bayan. “Rose? Iha, ikaw ba ‘yan?” Nanlaki ang mata ni Rose ng marinig ang boses ng matanda. “Ikaw nga, Rose. Akala ko ba ay hindi ka pa babalik? Ang sabi sa akin ni—“ “P-pasensya na po, Lola pero nagkakamali kayo.” Sagot ni Rose. Malaki ang hakbang at nagmamadali na iniwan nito ang matanda ng hindi ito nililingon. Kumunot ang noo ni Mike nang sa kanyang paglingon ay hindi niya nakita si Rose. Binitiwan ni Mike ang mga gulay na hawak, nagmamadaling bumalik ito sa sasakyan. Nakahinga ito ng maluwag ng makita si Rose sa loob. “M-mike, umuwi na tayo, sumama kasi ang pakiramdam ko.” Dahilan ni Rose, nag alala naman si Mike ng mapansin na namumutla ito. Sumakay ito ng sasakyan at pinaandar agad ito paalis ng lugar. Pagdating sa bahay, bumaba si Mike ng sasakyan upang alalayan si Rose na bumaba subalit