Home / Romance / ENTANGLED HEARTS / Chapter 61 - Chapter 70

All Chapters of ENTANGLED HEARTS: Chapter 61 - Chapter 70

78 Chapters

CHAPTER 61

Niyakap ko ang aking anak. Ayaw kong kontrahin ang sinasabi niya. Ayaw kong i-invalidate ang kaniyang nararamdaman kaya hahayaan ko na munang humupa ang kaniyang emosyon. Pinalitan ko siya ng damit at nahiga na din muna kami sa kama. Pagod na siya at kanina pa din siya umiiyak. Nag-aalala ako dahil baka mamaya ay mapaano siya. "Mommy loves you, anak."Nakapikit na ang kaniyang mga mata habang nakayakap ng mahigpit sa akin. Nang masiguro na malalim na ang kaniyang tulog, bumangon na din ako.Naupo ako at sa pagpa-practice na lang ng paglalagay ng eyebrows tinuon ang atensyon ko. Nang matapos ako ay saktong padilim na din. Tulog pa si Drix. Maya-maya ay gigising na din ito at kakain na. Magluluto na ako ng hapunan namin. Nadatnan ko si Hendrix sa may living room. Nakaupo siya sa sofa pero nakapikit ang mga mata. Hindi pa siya nagpapalit ng damit. Mukhang mula kanina ay hindi pa ito pumapasok ng kaniyang kuwarto. Nagdilat siya ng mga mata nang maramdaman niya ako. "Tulog pa siya?"
last updateLast Updated : 2024-08-19
Read more

CHAPTER 62

Dinala muna ni Hendrix sa sasakyan ang mga pinamili namin. Kami naman ni Drix ay nagpunta sa arcade upang doon siya hintayin. Nagpalit ako ng one hundred pesos na coins at hinayaan ang aking anak na maglaro. Isang beses pa lang niyang naranasan 'to. Dahil madalas kapos at kung may pera ay napupunta naman sa mga bills, kaya hindi ko siya naipapasyal sa mall. More on sa park kami namamasyal. Sa palengke ko lang din siya binibili ng mga mumurahing laruan. Minsan mayroon ding magagandang laruan sa Japan surplus kaya mayroon siyang maganda at matibay na laruan. Nakaupo ako habang pinagmamasdan ang anak ko na masayang naglalaro. "Ayaw mong maglaro?" Nilingon ko ang lalake sa aking tabi. "Ayaw ko..." wala sa mood na sagot ko, dahil wala talaga ako sa mood. Gusto ko siyang komprontahin ngayon, pero pinigilan ko ang aking sarili. "Samahan mo na lang ang anak mo. Baka huling beses na 'to na—""Shut up!" mariing bulong niya sa aking tenga. Galit siya, pero hindi ko maintindihan kung bakit na
last updateLast Updated : 2024-08-19
Read more

CHAPTER 63

At hindi lang sina Ranna at Tita ang narito. Nandito din si Dina. May mga dala pa siyang pasalubong para sa anak ko. "Kumain na tayo," aya ni Hendrix sa mga kasama namin. Dumulog din sa mesa si Dina. Feel at home na feel at home siya. Ako naman ay nakaramdam ng pagkailang. Pakiramdam ko ay nakagawa ako ng isang malaking pagkakamali. Bakit ko ba nakalimutan na mayroon ng nobya si Hendrix? Dapat kahit magdikit ang mga balat namin ay hindi ko hinahayaan. Nag-uusap sina Dina, Ranna at Hendrix patungkol sa work. Mas lalo pa tuloy akong nakaramdam ng pagkailang. I feel like I don't belong. Siguro dahil na din sa aking status ngayon, hindi na mayaman, hindi nakapag-aral at wala ding maayos na trabaho. Habang kumakain, tumunog ang aking celphone. Text ito galing sa wedding coordinator na nakausap ko nang nakaraan. Ako sana ang mag-aayos ng bride sa isang weeding bukas pero bigla daw nag-back out ang bride. May nakuha na daw itong ibang hair and make up artist. Malaki pa man din sana ang k
last updateLast Updated : 2024-08-19
Read more

CHAPTER 64

Sobrang sakit ng ulo ko pagkagising ko kinaumagahan. Hindi ako umiinom ng alak kaya sobrang tindi ng sakit ng aking ulo. Gising na silang lahat. At ba't dito ako sa sofa natulog? Naalala ko na hindi pala ako pumayag na sa kuwarto ni Hendrix matulog. Mabuti na lang at kahit lasing ako, nakapagkontrol ako. Pero may hindi ako nakontrol. Damn!"Good morning, Mommy!" masiglang bati ni Drix. Karga siya ni Hendrix na bagong ligo. "Morning," sagot ko naman, pero hindi ako tumingin sa dalawa. Nahihiya ako. Umiyak ako kagabi. Sinabi ko kay Hendrix iyong saloobin ko tungkol kay Dina. Sinabi ko na nasaktan ako nang malaman ko na sila ni Dina. Pinagseselosan ko ang babaeng iyon noon. Tapos may pasabi-sabi pa siya na hindi niya gusto ang babae, pero kinain din niya lahat ng sinabi niyang iyon. "Aalis tayo in one hour. Ayos ka lang?"Hindi ako sumagot. Mabilis akong nagtungo sa silid ni Drix para makaligo na. Napansin ko na nakahanda na ang mga damit na dadalhin ni Drix. Pati iyong mga damit n
last updateLast Updated : 2024-08-19
Read more

CHAPTERS 65

"Mula noon, hanggang ngayon... Mahal pa din kita." Hindi ako makapagsalita. Hindi ko din alam kung ano ang dapat kong sabihin. Mahal ko pa din siya kahit ilang taon kaming nagkahiwalay. Pero deserve ko pa ba siya? "Kung gusto mong magpakipot muna, ayos lang naman.""A-Ano? Hindi ako nagpapakipot, Hendrix." Nakangisi siya habang nakataas ang isang kilay niya. "Bakit hindi ka nagsasalita kung ganoon?" nang-aasar pa niyang tanong. "Wala naman kasi akong dapat na sabihin. Baka hinahanap na ako ni Drix. Puwede na ba akong lumabas?"Tumango siya. "Mamayang gabi na ulit tayo mag-usap."Mamayang gabi? May ibang pinaplano ata itong lalake na 'to. Akala naman niya hahayaan ko siya sa gusto niyang mangyari. Alam ko naman na ginagawa niya lang ito para sa anak namin. Bata pa si Drix kaya ganoon ang reaksyon niya. Kailangan lang ipaintindi sa kaniya ang sitwasyon. Ayos lang naman kung maghiraman kaming dalawa sa anak namin. Lahat naman madadaan sa usapan. Hindi iyong magbabanta siya na kuku
last updateLast Updated : 2024-08-19
Read more

CHAPTER 66

Nakauwi na kami sa bahay nina Hendrix. Sobrang tahimik ng lalake mula pa kanina. Sina Tita at Ranna naman ay halos ayaw ng humiwalay sa akin. Kulang na lang ay sumama sila kahit na magbabanyo lang naman ako. Nagtataka naman si Drix sa mga nangyayari ngunit hindi ito nagtatanong. Nasa sala ito habang nanonood ng discovery channel. Nandito naman kami sa kusina nina Tita at Ranna. Naghihimay kami ng mga talbos na uulamin namin mamaya. Napatingin ako kay Tita na kanina pa sumisinghot. Si Ranna naman ay nagpunas ng luha at napasinga sa tissue. Sinipon na siya sa pag-iyak. Mahapdi na din ang mga mata ko, pero naiiyak na naman ako dahil nahahawa ako sa kanila. "Hi, pogi! Nasaan ang Daddy mo?" Nagkatinginan kami nang marinig namin ang boses ni Dina. Mabilis na tumayo si Ranna pero pinigilan ko siya. Umiling ako. Alam kong aawayin niya ang babae. Kanina pa ito nagbabanta. Nangyari na ang lahat. Pero hindi ko palalagpasin ang ginawa niya. Hindi ko siya mapapatawad. Darating ang araw na ma
last updateLast Updated : 2024-08-20
Read more

CHAPTER 67

Tutulong sana ako sa paghahanda ng aming hapunan pero itong si Hendrix, hindi na binibitawan ang kamay ko. Yayakap siya sa akin, hahalik sa aking pisngi, leeg at kung saan-saan pa. Tingin ba niya okay na kami? Nandito kami sa sala na tatlo ngayon. Si Drix ay nanonood ng discovery channel, habang pasulyap-sulyap sa amin ng Daddy niya. May ngiti sa kaniyang mga labi. Makikita mo talaga ang saya sa kaniyang mukha. "Come here, buddy..." tawag sa kaniya ni Hendrix. Pinaupo naman siya ni Hendrix sa kaniyang mga hita. "Are you happy?" masuyong tanong niya sa kaniyang anak, sabay halik sa pisngi nito. "Yes, Daddy," medyo nahihiyang sagot ng bata. "Why?""Because you and mommy are back together. Am I right, Daddy?" Umaasang tanong niya. I can't say no. Hindi ko kayang tanggalin ang kasiyahan sa kaniyang puso. "Yes. That's right, Son. Mommy and Daddy are back together. We've never broke up in the first place." Ngumuso ako. Inakbayan naman ako ni Hendrix sabay halik sa aking pisngi.
last updateLast Updated : 2024-08-20
Read more

CHAPTER 68

Nakabalik na kami ng Manila. Babalik na din sa work ngayon si Hendrix, pero hindi siya makaalis-alis. Parang gusto pa niya akong isama. "Bawal kang umalis," bilin pa niya sa akin. "May lakad ako, Hendrix. Ano'ng gusto mong gawin sa akin? Ikulong ako dito?""Pero babalik ka agad?" tanong niya. Takot na takot na maiwan. "Oo. May lalakarin lang ako. Isasama ko na din muna si Drix." Wala siyang nakuha na makakasama sa bahay. Tagalinis lang twice a week ang nakuha niya. Mahirap kasing magtiwala. Sabi ko humanap na lang ng kakilala sa probinsya. O maghahanap ako. Iyong mga dati naming kasambahay noon sa mansyon, o kaya mga kamag-anak ng kasambahay. "Okay. Mag-usap tayo mamayang hapon," sabi niya. Sa wakas pumayag din siya, pero alanganin pa din ang itsura. Nakabihis na siya. Formal ngayon ang suot niya. Hindi gaya kapag ibang araw na nakasuot siya ng jeans at polo na mukha siyang model ng jeans. "Bantayan mo ang Mommy mo, okay?" Tumango naman si Drix. "Don't worry, Daddy. Mommy only
last updateLast Updated : 2024-08-20
Read more

CHAPTER 69

"Gusto mo bang mag-aral ulit?" Tulog na si Drix at ako ay inaantok na din, pero nagsalita pa si Hendrix. Tumagilid siya paharap sa akin. "Hindi ko alam." Wala pa kasi iyon sa isip ko. Kung mag-e-enroll man ako, gusto ko iyong course na makakatulong sa akin sa gusto kong simulan na negosyo, kapag may puhunan na ako. "Bakit? Pag-aaralin mo ba ako?" nakangiting tanong ko. Tumango siya. "Yeah. Kahit saang university mo pa gusto."Kaya ko namang tustusan ang pag-aaral ko kung sakali. Hindi ko na kailangang kumayod ng husto ngayon para sa needs ni Drix dahil nandito na siya. "Siguro saka na. Or pag-iisipan ko muna. Nag-t-treatment si Drix. Dapat available ako lagi for him. Gusto ko siyang samahan sa mga check ups niya.""Okay, babe. Wala namang edad ang pag-aaral. It can wait. Basta nandito lang ako nakasuporta sa'yo. Iyong pinagkakakitaan mo pala ngayon, puwede mong gawing business.""Iyon nga din ang plano ko. Soon.""Kung kailangan mo ng puhunan..."Tumawa ako. "Saka na ako magpap
last updateLast Updated : 2024-08-20
Read more

CHAPTER 70

Hindi ko namamalayan na sobrang nagiging komportable na ulit ako kay Hendrix. Natutulog kaming magkatabi—kasama ang aming anak. Niyayakap niya ako at hinahalikan sa pisngi, ulo at ilong. Palagi din niyang sinasabi sa akin kung gaano niya ako kamahal. He'd buy me flowers, kahit sinasabi kong huwag na. Sabi ko ay nalalanta kasi ito, sayang lang ang pera. "Pinangarap ko ito," sagot naman niya. "Pangarap ko noon na mabigyan ka ng bulaklak at mga regalo. Kaya nga ayaw ko sanang manligaw muna. Dahil hindi ko afford manligaw at magka-girlfriend. I'm poor. Wala akong maipagmamalaki." Ang humble niya talaga. Iyong looks niya, mamasel na katawan, pagiging matalino at mabuting tao niya, hindi iyon mapapantayan ng mamahaling bulaklak o regalo. "Kaya nga ayaw ko noon manligaw. Kaso makulit ka." Napangiti ako. Ilang araw na din ang lumipas. Hindi ko pa sinasabi sa kaniya iyong magic words kung tawagin niya, pero pinaparamdam ko naman sa kaniya lagi na mahalaga siya sa akin. Kapag hinahatid niy
last updateLast Updated : 2024-08-20
Read more
PREV
1
...
345678
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status