Home / Romance / The Spoiled Wife of Attorney Dankworth / Kabanata 231 - Kabanata 240

Lahat ng Kabanata ng The Spoiled Wife of Attorney Dankworth: Kabanata 231 - Kabanata 240

399 Kabanata

Chapter 112.2

HABANG PATUNGO NG law firm ay walang nagsalita sa kanilang dalawa. Diretso ang tingin ni Bethany sa kalsada habang si Gavin naman ay nasa labas lang ng bintana. Narating na lang nila at lahat ang harap ng building ay hindi man lang sila nag-usap.“Siya nga pala, Thanie, magiging busy ako pansamantla sa mga susunod na araw.” saad ni Gavin bago tuluyang bumaba ng loob ng sasakyan, nakabukas na ang pintuan. “Ano pa bang bago? Palagi ka namang busy.” pabirong sagot ni Bethany na mahina pang humalakhak, “Sige na baba na, late ka na.” utos pa ni Bethany nang tingnan siya ng abogado ng masama na para bang napikon ito sa kung ano ang kanyang sinabi. Binitawan ni Gavin ang pintuan at dumukwang palapit kay Bethany. Marahas ng pinisil nito ang kanyang isang pisngi na agad namang ikinangiwi ng dalaga sa lakas. “Aray ko naman!” daing niyang inirapan pa ng mga mata si Gavin na tumawa lang. “Masyado kang pilosopo, humanda ka sa akin mamaya pag-uwi ko!” Kumibot-kibot na ang bibig ni Bethany na
Magbasa pa

Chapter 112.3

UMIGTING NA ANG panga ni Bethany, nanggigigil na naman siya sa asawa ng kanyang kaibigan. Hindi lang iyon. Gigil na gigil na naman siya kay Audrey na walang pinagkatandaan. Pinagsabihan niya na ito, ayaw niya pa ‘ring makinig. Hindi na talaga naawa sa kanyang sarili.‘Punyeta talaga ang lalaking iyon, hindi na nagtanda!’ palihim na mura na ni Bethany sa lalaki, ‘At ang lintik namang si Audrey, ayaw niya talagang pakinggan ang mga payo ko? Ayos ah!’Kakilala man niya si Miss Gen ay hindi pa rin naman lubos ang tiwala ni Bethany sa kanya. Hindi niya na kinuwento pa ang buong detalye tungkol sa kanila kahit pa alam niyang mukhang alam na iyon ng babae kahit na hindi niya sabihin, dahil kung hindi ay hindi nito ibabalita sa kanya ang tungkol doon. Pinili na lang niyang itikom na ang kanyang bibig. Ganunpaman ay labis ng nag-aalala si Bethany kay Rina, baka kapag nalaman niya iyon ay ano na naman ang gawin nito sa kanyang sarili. Ang buong akala pa naman niya ay okay na talaga.“Naku, mukh
Magbasa pa

Chapter 112.4

PARANG SA MATA ng mga asong kinawawa ang naging tingin ni Rina kay Bethany nang tumingala ito upang magtama ang kanilang mga mata. Kasalukuyang nakasandal sa may pintuan ng cubicle si Bethany, nakahalukipkip at matamang pinapanood lang ang pag-aalboroto ng sikmurang ginagawa ng kaibigan. Hinihintay niya itong sumagot sa kanyang sinabi. Gumuhit pa ang masaganang luha pababa ng mukha ni Rina. Ang ilang hibla ng kanyang buhok ay dumikit na sa nanlilimahid sa luha at pawisan niyang mukha. “Narinig mo ang sinabi ko, Rina? Iwanan mo na kasi siya, hiwalayan mo na. Ano bang nagustuhan mo sa kumag na 'yun? Katawan niya? May lalaking mas maganda pa ang katawan kumpara sa kanya pati ang ugali. Kung ako sa’yo hindi ako mangingiming gawin iyon. Alam ko ang worth ko bilang babae at ako.”Humikbi pa si Rina na ikinailing lang ni Bethany, sobrang wasted na ng kaibigan niya na halatang hindi na makakausap pa ng matino. Magsasayang lang siya ng kanyang laway tapos wala rin naman iyong kwenta. “Kung a
Magbasa pa

Chapter 113.1

NATAHIMIK NA ANG lahat sa tinurang iyon ni Zac. Napabaling na ang kanilang paningin kay Gavin na biglang nagbago ang hilatas ng mukha, naging visible din sa kanilang mga mata ang pag-igting ng kanyang magkabilang panga. Tumikhim ang ilan sa mga kasama nila sa table upang sawayin sana si Zac, subalit ang lalaki ay halatang hindi ma-gets ang ginagawa nilang pagsenyas. Nagpatuloy pa rin ang gago. “Mr. Magbanua, mukhang lasing ka na yata. Tama na ang inom.”“Oo nga, ano kaya at tumayo ka na at sundin mo na ang iyong asawa? Tayong mga matitinong mga lalaki ay hindi nakikipag-away sa ating asawa. Tama?” “Tama iyon. May mga pagkakataon na tama rin naman tayon pero hindi madalas. Alam mo namang palagi silang tama. Iyon ang paniniwala ng mga kababaihan na mahirap suwayin.”“Oo nga naman, Zac. Pagbigyan mo na kahit ngayon lang. Tumayo ka na at umuwi ka na muna...” Ngumisi lang doon si Zac, ilang beses na umiling. Wala siyang pakialam kung ano ang sasabihin ng mga kasama niya doon. Hindi siya
Magbasa pa

Chapter 113.2

NAPAHILAMOS NA NG mukha si Zac makaraan ang ilang sandali. Gumala na ang kanyang mga mata sa paligid. Para siyang nahimasmasan nang makita ang mga kasamahan niyang matamang nakatunghay sa kanya. Iyong tipong parang may hinihintay sila na mangyari at sabihin niya kung kaya nakatutok sa kanya.“Eh kumusta naman ang tungkol kay Attorney Dankworth at sa girlfriend niyang si Bethany Guzman? Sa tingin niyo, katuwaan lang din ba ang ginagawa ng dalawang iyon? Naglalaro lang din ba sila ng apoy?”Makahulugang nagkatinginan ang mga kaharap niyang kapwa negosyante na parang nag-uusap ang kanilang mga mata na bakit tinatanong iyon ni Zac sa kanila? Malay din ba nila sa dalawa. Hindi naman nila personal silang kakilala kung kaya hindi nila iyon kayang sagutin. Hindi naman din sila usisero. Kilala rin nila si Gavin Dankworth na workaholic at lalaking ayaw sa commitment at responsibilities kung kaya naman mukhang walang anumang plano ito sa buhay na magpakasal. Hindi rin si Zac naniniwala na kayang
Magbasa pa

Chapter 113.3

ILANG MINUTO NA ang lumipas magmula nang makaalis doon sina Rina, ngunit si Bethany ay masama pa rin ang timpla habang iniisip ang desisyon ng kaibigan niya. Makailang beses na pinag-isipan niyang usapin ang kaibigan na hiwalayan na ang asawa kahit pa parang nahuhulaan na niyang hindi iyon gagawin ng kaibigan. Siya kasi ang namro-mroblema tuwing nag-aaway sila. Binuhay niya na ang makina ng sasakyan at mabilis na rin niyang nilisan ang lugar matapos na iwaglit iyon sa kanyang isipan. Pagdating sa parking lot ng building kung nasaan ang penthouse ni Gavin, ay ilang minutong nanatiling buhay ang makina ng kanyang sasakyan. Panay ang sulyap niya sa screen ng kanyang cellphone, hinihintay na makita ang pangalan ng kaibigang si Rina doon upang sabihin na nasa bahay na sila ng kanyang asawang si Zac.“Hindi niya talaga ako sini-seryoso, sabi kong mag-chat siya sa akin kapag nasa bahay na sila eh. Bahala nga siya diyan kung ayaw niya akong bigyan ng update. Malaki na siya para alalahanin ko
Magbasa pa

Chapter 113.4

DAHAN-DAHAN NG TUMAYO si Bethany nang marinig niya kung sino ang tumatawag. Ayaw niyang makinig kung ano ang pinag-uusapan nito kung kaya naman walang imik niyang pinulot ang mga saplot at ang kanyang gamit na nagkalat sa sahig upang tunguhin na sana ang kanilang silid. Subalit ilang hakbang pa lang ang nagagawa niya nang maramdaman ang yakap ni Gavin mula sa kanyang likuran. Gamit ang isa nitong kamay ay nagawa nitong idikit ang kanyang katawan sa kanya na parang nilalagnat sa init ng balat.“Kausapin mo muna iyan!” buka ng bibig niyang nandidilat na ang mata nang lingunin ang binata. Hindi siya pinakinggan ni Gavin na mas kiniskis pa at idinikit ang hubad na katawan sa kanya. Hindi na iyon matagalan pa ni Bethany na muling yumakap na lang sa binata keysa naman mag-protesta. Hinalikan siya ni Gavin sa noo habang nasa isang tainga pa rin ang cellphone. Hindi nito magawang tanggalin ang kanyang mga mata sa magandang mukha ni Bethany na halatang puno ng pananabik at paghihintay na mata
Magbasa pa

Chapter 114.1

MAGKALAPAT ANG MGA ngiping mariin na namang napapikit ng kanyang mga si Gavin. Parang mauubos na ang kanyang pasensya dahil hindi na niya mapigilan ang pagiging traydor ng katawan. Bahagya pa siyang napatingala upang pigilan ang sariling mahinang mapaungol dahil sa ligayang hatid ng kakaibang ginagawa sa katawan niya ni Bethany ng mga sandaling ‘yun. “O-Opo, Tito narito pa ako…magsalita lang po kayo...” mababa ang boses na sagot niya dito.Puno ng pagbabanta ang mga matang tiningnan niya si Bethany. Ilang beses na rin siyang umiling ngunit hindi iyon pinansin ng dalaga sa halip ay mas ginanahan pa siyang tuksuhin ito at kulitin. Naghuramentado pa ang kanyang pagkalalaki nang mabilis na iyong himasin ni Bethany gamit ang kanyang mainit na palad at akmang didilaan ngunit agad niyang iniharang ang isa niyang palad doon. Napaungot na si Bethany nang gawin iyon ng abogado. Naikiling ng musician ang ulo nang hindi iyon nakaligtas sa kanyang pandinig. Nahulaan niyang kasama ni Gavin ang ka
Magbasa pa

Chapter 114.2

NAKANGITING SUMANDAL SI GAVIN sa headboard ng kama ng gabing iyon para magpahinga at magsindi na ng sigarilyo na nakaugalian niya ng gawin dati pa. Kakatapos lang nila ni Bethany na pagsaluhan ang mainit na gabi. Isa lang iyon sa mga gabi nilang pilit na sinusulit kahit na pagod sa trabaho si Gavin at abala naman sa pag-ayos ng magiging bagong music center niya ang dalaga. Tumagilid si Bethany paharap sa banda ni Gavin upang magtama ang kanilang mga mata. Gustong-gusto niyang makita na lumubog ang pisngi ng binata sa tuwing humihithit ito sa stick ng sigarilyo, lalo siyang pomo-pogi sa paningin niya na kung minsan ay napagtatanto niyang ang weird kung iisipin ng normal na tao. Ewan ba niya, nakadagdag pa talaga iyon ng pogi points dito. Sabay silang napatingin sa cellphone ni Gavin na nakapatong sa bedside table ng dalawang beses itong tumunog sign na may dumating na text o message at tuloy-tuloy na itong tumunog. Kinuha ito ni Gavin at tinignang mabuti habang patuloy lang sa paghithi
Magbasa pa

Chapter 114.3

MAGMULA NANG MABANGGIT ni Gavin kay Bethany ang tungkol sa DNA bank kung saan nag-sbumit si Mr. Conley ay hindi na iyon nawala pa sa isipan ng dalaga. Pinagpla-planuhan niya kasing gawin din iyon. Magbabakasakali rin siya na iyon ang magiging tulay at hakbang upang mahanap niya ang tunay niyang ama. Hindi niya alam na baka hinahanap na rin pala siya nito sa mga sandaling iyon. Noong una ay puno pa siya ng pag-aalinlangan, ngunit may bahagi ng kanyang puso na gustong-gusto niyang gawin iyon. “Gusto kong gawin, pero paano kapag nakarating kina Papa at Tita Victoria? Hindi kaya masaktan ko sila dahil hindi ko muna idiniscuss ang aking magiging mga hakbang? Hindi naman nila siguro ako pagbabawalan.” Ilang beses na iyong tinanong ng dalaga sa kanyang sarili. Ngunit iisa pa rin ang sagot niya. Gusto niyang subukan. Gusto niyang gawin dahil gusto niyang makilala ang tunay na ama.“Bahala na nga, siguro sasabihin ko na lang muna kina Papa at kung anuman ang maging desisyon nila, kailangan k
Magbasa pa
PREV
1
...
2223242526
...
40
DMCA.com Protection Status