NANG MATAPOS MAGSALITA si Bethany ay hindi nakaligtas kay Alejandrino ang malungkot nitong mga ngiti. Mamasa-masa at medyo pula na rin ang gilid ng kanyang mga mata, halatang naluluha na ang dalaga sa paggunita sa yumao niyang ina. Hindi maitatanggi na na-miss niya na ang kanyang ina. Sa pagkakataong iyon, bumilis ang tibok ng puso ni Drino. “Namatay siya noong bata ka pa lang?” “O-Opo…” Napailing na ang musician. Ang mamatay nang napakabata ay sobrang nakakagulat sa kanya. Ipinalagay niyang hindi si Bethany ang kanyang anak kahit pa may pagkakahawig ito sa dati niyang kasintahan. Hindi ito ang anak ng kanyang minamahal na si Beverly. Malusog iyon at imposibleng pabayaan niya ang kanyang kalusugan. Natatandaan niya rin na sinabi sa kanya noon ng isang manghuhula na mabubuhay siya ng mahaba, matagal at sagana. Nang dahil sa kanyang narinig ay nawalan na ng gana si Drino na inumin ang kanyang kape. “Nakakalungkot naman iyon…” Maliit na ngumiti lang si Bethany, pilit lang iyon. Dati
Magbasa pa