MARAHANG TUMANGO LANG si Bethany, naka-oo nga yata siya sa Ginang nang mag-invite sa kanya noong nagtungo ito bigla ng penthouse. Hindi niya iyon maalala pero mukhang ganun nga ang nangyari.“Iyong pinakamagandang dress na bigay ko sa’yo ang isuot mo. Huwag mong tipirin ang sarili mo. May mga jewelries ka rin di ba? Ipakita mo sa kanila kung paano mag-alaga ang isang Gavin Dankworth.”Bahagyang natawa doon si Bethany. Habang nakatitig sa mukha ni Gavin ay naisip niya na baka kaya nasa bansa si Nancy ay para mag-attend ng birthday ng kapatid ng abogado. Imposible na hindi iyon pupunta doon at hindi sila magkakilala kung ilang taon din ang itinagal nilang magkarelasyon. Hindi lang iyon, sumilid pa sa isipan ng dalaga na malamang kaya pupunta iyon ay para magpakita rin kay Gavin. Ngayon pa lang ay parang nagseselos na siya kay Nancy. Maaaring hindi sila nito magkita sa mga ordinaryong oras at araw habang nasa bansa siya, ngunit sa mga okasyon tulad ng mga birthday party, hindi maiiwasang
NAPALINGON NAMAN ANG grupo nila sa kanilang banda. Agad silang napahanga sa mukha ng nobya ni Gavin nang makita nila ito habang kasamang naglilibot ng binata.“Oh, ang ganda-ganda naman ng girlfriend niya!”“Oo nga! Kailan ba sila magpapakasal? Kailan mo matatawag na manugang mo na ang babae?”“Naku, ang mga ganyang hitsura hindi na dapat pang pinapatagal. Dapat ay itinatali na kaagad.”“Hindi ko rin alam. Nasa kanila naman ang desisyon. Bata pa ang babae pero ipinanganak siya sa year of the rabbit.” kwento ng Ginang na nabanggit na rin sa kanila ang tungkol sa sinabi ng manghuhula, “Ayokong manghimasok sa relasyon nila. Siguro ay mga dalawang taon pa iyon mula ngayon.”Sinabi lang iyon ng Ginang pero sa loob-loob niya, gusto niya na talagang lumagay sa tahimik ang dalawa at magsimula ng bumuo ng sarili nilang pamilya. Natutulog naman na sila sa iisang kama, bakit hindi pa nila gawing legal iyon at magkaroon ng basbas? Paano kung biglang mabuntis siya? Sabagay, hindi naman niya iyon p
NABALOT NG KATAHIMIKAN ang buong paligid. Iyong tipong parang biglang nabingi si Bethany na para bang walang anumang ingay sa buo nilang paligid. Hindi niya inalis ang mga mata sa pagkakatitig sa dalawang bulto ng katawan na hindi kalayuan. Sa kaloob-looban niya ay gusto na niyang umiyak. Nakikita niya kasi kung paano tingnan ni Gavin ang dati niyang kasintahan bagama't puno ng komplikasyon ang mga mata ng binata, magkahalong sakit at gulat. Batid niyang mayroon pa rin itong pagtingin sa dating nobya. Mayroon pa rin itong nararamdaman para sa babae. Natatabunan lang iyon ng galit niya. Alam ni Bethany na ang galit ay kabaligtaran ng pag-ibig, pero hindi niya pa rin iyon pwedeng ipagdiwang at ipagpalagay ng kalooban. Sa kanyang nakikita, iisa lang ang natuklasan niya. Hindi pa ni Gavin nagagawang kalimutan si Nancy. May halik pa rin ng pag-ibig sa mga mata nito habang nakatingin.“Anong pakiramdam na makita mo silang ganyan ngayon, Bethany? Masakit ba? Para bang sinasakal ka ng sarili
MULING NILINGON NI Gavin ang banda kung nasaan sila upang matagpuan lang na wala na doong tao. Ikinurap-kurap niya na ang mga mata. Naisip na baka guni-guni lang niya ito.‘Wala na siya? Paniguradong nakita niya kaming dalawa ni Nancy!’Bumakas na ang matinding pag-aalala sa kanyang mukha. Naisip na baka mamaya kung ano ang isipin ni Bethany sa tanawing nakita niya kasama ang dating nobya. Mataman naman siyang tiningnan ni Nancy. Noong nasa Canada pa siya naririnig na niya na may kasintahan na nga raw si Gavin. Sinamantala niya ang pagbabalik ng bansa upang tingnan kung tama nga ang naririnig niya. Gusto rin niyang makita kung anong klase ng babae ang ipinalit sa kanya ni Gavin. Sa tingin niya, wala namang kakaiba at espesyal sa babae. Normal lang sa tingin niya. Ang tanging nakapagpabago lang sa pananaw niya ay ang lantarang reaction dito ni Gavin.“Gavin, hindi mo ba ako sasamahan sa loob ng mansion niyo? Matagal na panahon na noong huli akong magawi dito sa inyo.” malambing na sam
SA HALIP NA SUMAGOT ay muli lang hinarap ni Bethany ang cocktail drinks niya. Matapos niyang titigan iyon ng ilang segundo ang laman ay muli siyang sumimsim doon. Inuunti-unti niya lang inumin ang alak. Kung pagbibigyan niya ang kanyang sarili, malamang ay kanina pa siya nakarami at paniguradong sa mga sandaling iyon ay lango na rin siya. Ayaw niyang malasing at baka mawala siya sa tamang katinuan at makagawa ng mga bagay na kanyang pagsisisihan oras na mahimasmasan. Kumbaga ay moderate lang ang pag-inom niya ng nakakalasing na inumin dahil hindi niya alam ang mangyayari oras na malasing siya. Mabuti na iyong nag-iingat siya keysa naman pagsisisihan niya ang mga nangyari ng hindi niya naaalala.“Ikaw na ang girlfriend, ikaw na ang present ni Attorney Dankworth kaya bakit itinatago mo ang sarili mo dito? Inilalayo mo ang sarili mo sa kanya na para bang wala kang karapatan na magdamdam, Bethany.” Sinagot lang muli ng dalaga ng katahimikan ang katanungang iyon ni Patrick. Hindi niya kai
NAKAHANDA NA ANG puso, mga mata, damdamin at kalooban ni Bethany sa kanyang makikita oras na pumasok siya sa banquet hall kung saan naroon ang karamihan ng mga bisita upang kumain ng dinner. Busog pa naman siya pero gusto niya lang pumasok doon at hanapin si Gavin. Tingnan kung tama nga ang sinasabi ni Patrick sa kanya. Paglabas niya sa banquet hall ay naroon naman ang venue kung saan maaaring magsayawan ang mga bisita. Itinatak ni Bethany ang sinabi ni Patrick sa kanyang isipan na si Gavin at Nancy ay nagsasayaw. Sa imahinasyon niya pa ang scene na iyon ay magandang pagmasdan, ngunit ang laki pala ng pagkakaiba kapag actual na. Iba sa pakiramdam kapag nakikita na ng mata. Iyong inihanda ni Bethany kanina na katatagan, parang biglang natibag iyon nang makita niya na ang scenario.'Sana hindi na lang pala ako pumasok dito.' Talaga nga namang bagay sila kung sa pagiging bagay lang ang pag-uusapan. Magaling din silang mag-partner sa pagsasayaw dahil nagagawa nilang magtugma ang bawat ga
SUBALIT NANG MGA sandaling iyon ay nagawa ng makaalis ni Bethany. Hindi niya na matagalan ang kanyang nakikita. Ang buong akala pa naman niya ay kaya niya silang panoorin nang hindi nasasaktan. Mali siya. Para siyang pinapatay habang patagal nang patagal na nakaburo ang mga maya niya sa kanila.“Pasensya na po, Mrs. Dankworth. Medyo masama po kasi ang pakiramdam ko. Maaari niyo po ba akong matulungang makahanap ng taxi na maghahatid sa akin pauwi? Hindi na po ako kailangang ihatid pa.” Kulang na lang ay maiyak si Mrs. Dankworth nang sabihin ni Bethany iyon. Babae siya kung kaya naman alam niya ang kanyang nararamdaman habang nakikita niya ang ginagawa ni Gavin nang harapan. Hindi man iyon sabihin ni Bethany. Kitang-kita naman niya sa mga mata nitong hindi makatingin ng diretso. “Hija, hindi ka na ba talaga mapipigilan? Pwede ka naman sa bakanteng silid na lang magpahinga hanggang bumuti ang pakiramdam mo. Sasabihan ko na lang ang isa sa mga maid na asikasuhin ka.” “Pasensya na po t
HALOS ALA-UNA NA ng madaling araw ng makarating si Bethany ng penthouse. Dumaan pa kasi siya sa isang coffee shop upang tumambay doon na malapit lang sa lugat at kumain na rin ng slice ng cake na kanyang comfort food kapag malungkot siya. Ganunpaman ay nararamdaman niya pa rin ang gutom. Hindi niya kasing nagawang kumain ng main course sa birthday party. Hindi niya tuloy na-enjoy ang mga iyon. Patay pa ang mga ilaw pagpasok niya ng pintuan, patunay na wala pa rin doon si Gavin na inaasahan na naman niya. Malamang busy pa rin ngayon ang abogado sa dating kasintahan nitong na-miss niya.“Ano bang inaasahan mo, Bethany? Umasa ka pang narito na talaga siya. Hindi ka niya priority, wake up!” Tinanggal niya ang manipis na suot an make up at naligo. Iyon ang una niyang ginawa. Matapos noon ay binalot niya ang kanyang katawan sa black silk na roba habang. Lumabas na siya ng silid matapos noon at tumayo sa tabi ng glass wall upang pagmasdan lang ang gabing buhay na buhay pa ang mga street lig
BUMUNGISNGIS LANG DOON si Gavin na hinagod na ng isang palad ang kanyang buhok na bahagyang tumakip sa kanyang mukha. Hindi malaman ni Briel kung ano ang pumasok sa utak ng kapatid at nagpahaba ito ng kanyang buhok. Pasalamat din ito na siya ang nasusunod sa kanyang propesyon kung kaya hindi ito napupuna sa bagay na iyon. Kumislap pa ang kanyang mga mata na para bang may naiisip itong nakakakilig dahil halos mapunit ang labi sa ngiti.“Oo naman, Tito. Kayang-kaya ko pa…saka matagal na akong hulog na hulog sa pamangkin mo.” humagikhik pa ito at nagawa pang takpan ang bibig ng kanyang isang palad na para bang kinikilig sa kanyang sinabi, “Kapag narinig ito ng asawa ko baka masundan namin agad si Bryson.” dagdag pa ni Gavin na ikinahalakhak na rin ni Briel habang naiiling. Humahapay na umakyat na si Gavin ng hagdan na halatang mas lalo itong nalasing. Hindi na kailangang sabihan pa si Giovanni na halatang sakto lang ang inom na patakbong hinabol si Gavin upang alalayan itong maayos na m
PARANG SUMABOG NA bombang umalingawngaw sa pandinig ni Briel ang sinabi ni Bethany patungkol sa pagpunta ni Giovanni ng Canada na lingid sa kanyang kaalaman. Bakas na bakas iyon sa mukha niya; ang labis na pagkagulat dito. Ibig sabihin ay hindi aksidente ang pagkikita nilang dalawa. Sinadya iyon ng dating Gobernador kaya sila ay nagtagpo. “Ha? Pumunta siya ng Canada?” naguguluhan na naman niyang tanong na tumayo pa upang harapin ang hipag niya.Bakit hindi niya alam iyon? Bakit sa Hongkong na sila nagkita? Hindi kaya mula Canada pa lang ay sinundan na siya nito patungo sa Hongkong? Bakit hindi niya napansin? Bakit hindi nito sinabi sa kanya noong nasa Hongkong na sila? Napakarami ng kanyang katanungan na alam niyang si Giovanni lang ang makakapagbigay ng kasagutan sa kanya.“Oo, hindi mo ba alam?” naguguluhan na rin na tanong ni Bethany sa hipag na hindi na niya mapigilang pagtaasan ng isang kilay, hindi naman ito mapagpanggap kung kaya bakit siya magsisinungaling sa kanya? “Kung ga
MAKULAY, MAINGAY AT naging masaya ang unang Pasko na sama-sama silang nagdiwang nito. Ganun nila ipinagdiwang ang noche buena ng taong iyon. Walang sinuman ang nagbukas ng usapan tungkol sa tunay na relasyon nina Giovanni at Briel. Maliit pa man ang kanilang pamilya ay nagkaroon sila ng parlor games per family. Ang mag-asawang Dankworth ang magkakampi. Ang mag-anak nina Bethany at Gavin. Sina Giovanni at Briel kasama si Brian na tanging palakpak lang ang ginagawa upang ipakita na excited siya. At upang mas maging masaya ang kanilang pagdiriwang doon ay sinali nila ang mga tauhan ni Giovanni at ng kanilang mga maid. Halos lahat naman sa kanila ay nakakuha ng prizes at gifts. Sa kanilang lahat, ang sobrang nag-enjoy sa mga palaro nila ay sina Brian at Gabe.“Bilisan niyo na kasing sundan ni Tito si Brian nang may kakampi ka na at hindi ka nang-aagaw ng anak ng iba.” pahaging ni Bethany nang gustong hiramin na naman ni Briel si Bry, hindi niya kasi mauto ang anak na palaging naka-karga
NANATILING NAKATAYO LANG doon si Briel. Pinapanood si Giovanni na kausapin ang kanilang anak na pulang-pula ang mukha bunga ng kanyang pag-iyak. Particular na ang ilong nito. Lumambot pa ang tingin niya sa anak na halatang naghahanap na ng kalinga ng ama niya. Bilang ina, hindi na niya mapigilan na mahabag sa ginagawa ng kanilang anak.“Brian, tama ang Daddy. Magbibihis lang siya sa kabilang silid at babalik din agad dito.” eksena na ni Briel, nagbabakasakaling pakikinggan siya ng kanyang anak tutal siya naman ang palaging kasama at siya ang nagpalaki.Parang walang narinig si Brian na hindi man lang nilingon ang ina. Isinandal pa nito ang ulo sa dibdib ni Giovanni at patuloy na ipinakita ang kanyang mga hikbi. Puno ng pagdududa ang mga mata nitong patuloy na namula pa doon.“O siya sige, sumama ka na sa Daddy mo at iwan mo na ako dito. Hindi mo naman yata ako love eh. Sige na, Gabriano…” Hindi pa rin nag-react doon si Brian kahit na pinalungkot pa ni Briel ang kanyang boses. Nasakta
MATAPOS NA MARINIG iyon ay nilingon na ni Giovanni ang anak na pinaglalaruan na ang toy cars na kanyang pasalubong. Pinapagulong iyon sa sofa malapit sa kanyang kinauupuan habang panaka-naka ang tingin sa kanya. Tumingin siya ulit sa itaas na palapag ng mansion. Ano kaya at siya na ang umakyat at magsabi kay Briel ng pinapasabi ng ina? Ang lungkot naman kung doon lang din silang tatlo sa mansion kahit pa pagod sa biyahe. Kahit pagod at gusto na rin niyang matulog, syempre gusto rin niyang pumunta ng Batangas para makita ang pamangkin at mga apo dito.“Daddy?” kuha ng atensyon ni Brian kay Giovanni nang mapansin ng bata ang dahan-dahan nitong paghakbang papuntang hagdan upang takasan siya. Puno ng pagiging inosente ang mga matang nagtatanong na iyon. “Where?”Ngumiti lang si Giovanni at namulsa na ang mga kamay. Ang akala niya ay makakatakas na siya sa anak.“Aakyat lang ako. Pupuntahan ko lang ang Mommy.” Patakbong lumapit na sa kanya ang bata at itinaas na ang dalawang kamay na anim
ANG BUONG AKALA ni Briel ay liliko na ito pero nakasunod pa rin talaga ang kotse sa taxi na kanyang sinasakyan. Pikon na napahilamos na siya ng mukha. Sa loob niya mabuti pang sumabay na lang siya sa kanya keysa naman nagmumukha itong stalker niya sa mga sandaling iyon. Pati ang driver ng taxi ay makahulugan na siyang tiningnan at nagtatanong.“Hay naku, ang kulit. Hindi niya naman ako kailangang ihatid. Sabing huwag na eh! Tigas talaga ng bungo niya!” “Stalker mo, Miss?” Hindi pinansin ni Briel ang taxi driver na patuloy siyang inuusisa kung sino ang nakasunod sa kanila hanggang sa mansion. Nagkunwari na lang siyang hindi niya iyon narinig. Hindi naman sila close para magkuwento siya ng mga nangyari. Ipinakita ni Briel ang busangot ng mukha niya pagbaba niya ng taxi pagdating ng kanilang mansion at malingunan na malakas pa talaga ang loob na bumaba ng kotse niya si Giovanni. Nag-iwas naman ito ng tingin nang humakbang na siya patungo ng gate nila matapos na paulanan siya ng nanlili
HUSTONG PAGPASOK NI Briel sa immigration ay siya namang tayo ni Giovanni upang pumasok na sa eroplano. Muntik ng ma-late si Briel sa flight nang dahil sa kaibigan niyang napakaraming tanong na kinailangan niya pang sagutin kahit na pasakay na siya sa loob ng sasakyang gagamitin niya papuntang airport. Deretso na sa pila agad ang babae papasok ng eroplano. Sa lalim ng kanyang iniisip ay hindi na niya namalayan pa na ilang pasahero lang ang pagitan nilang dalawa ni Giovanni na hindi sinasadyang nagkasabay ang pag-uwi nila ng bansa. Paupo na sana si Briel nang mapansin niya sa gilid na bahagi ng kanyang mga mata ang bulto na ang pares ng mga mata ay matamang nakatingin sa kanya. Damang-dama niya ang init noon. Nang lingunin niya naman ito ay saktong dumaan ang ibang pasahero kaya natakpan nila ang bulto ni Giovanni na tulala na naman at hindi makapaniwalang nakikita niya si Briel sa harap. Ganunpaman pa man ay ipinagkibit na lang iyon ni Giovanni ng balikat at naupo na sa designated niya
TUMAGAL PA ANG tingin ni Giovanni sa mukha ni Briel na para bang hinahanap niya kung totoo ba ang sinasabi nito. Ganundin ang babae na ilang sandali lang na ginawa iyon at nag-iwas na ng kanyang tingin. Sinundan ni Giovanni ng tingin ang galaw nito na kumuha na ng tisyu upang ilagay lang iyon sa kanyang isang kamay. Umawang ang bibig ni Giovanni upang magbigay ng kanyang reaction, ngunit hindi niya nagawang pakawalan kung ano iyon. Nagawa na lang makatayo ni Briel mula sa kanyang inuupuan at walang lingon sa likod na siyang iniwan ay nanatili pa rin si Giovanni na tahimik na nakatitig sa mukha ng babae na animo ay tulala. Sinundan nito ang likod noon na tuloy-tuloy ang hakbang papalayo sa kanyang table. Dumating ang order ni Briel na salad para sa kanya na hindi ni Giovanni pinag-ukulan ng pansin. Hanggang sa makalabas ay pinanood niya lang itong sumakay ng taxi at hindi niya man lang hinabol gaya ng unang pumasok sa kanyang isipan. Ewan ba niya kung bakit hindi niya magawang pakilosi
NAMUMUO NA ANG mga luhang napaangat na ang paningin ni Giovanni kay Briel na hindi na inaalis ang paningin sa kanya na gaya ng ginagawa nito kaninang panay ang iwas ng kanyang mga mata. Pigil na ng lalaki ang hinga dahil pakiramdam niya ay hindi na niya makakayanan na hindi pumatak ang mga luha sa harap ng babaeng mahal niya. Sa kabila ng pasakit na nagawa niya na alam niyang nasaktan niya ng labis si Briel, heto at pilit pa rin siya nitong iniintindi kahit na alam niyang sa part nito ay ang sakit na ng mga nagawa niya. Lumambot na ang mukha nito kumpara kanina na nagmamatigas na ayaw makipag-usap sa kanya at hindi niya alam kung anong gayuma ang nagawa na naman niya o marahil ay sobrang mahal pa rin siya ng isang Gabriella Dankworth kung kaya puno na naman ito ng pag-intindi..“Walang may kontrol, Giovanni, naiintindihan mo?” mas malumanay din ang boses ng mga sandaling iyon ni Briel na sa pakiramdam ni Giovanni ay mas lalo siyang nilalamon ng konsensya dahil puro pasakit ang naging