NABALOT NG KATAHIMIKAN ang buong paligid. Iyong tipong parang biglang nabingi si Bethany na para bang walang anumang ingay sa buo nilang paligid. Hindi niya inalis ang mga mata sa pagkakatitig sa dalawang bulto ng katawan na hindi kalayuan. Sa kaloob-looban niya ay gusto na niyang umiyak. Nakikita niya kasi kung paano tingnan ni Gavin ang dati niyang kasintahan bagama't puno ng komplikasyon ang mga mata ng binata, magkahalong sakit at gulat. Batid niyang mayroon pa rin itong pagtingin sa dating nobya. Mayroon pa rin itong nararamdaman para sa babae. Natatabunan lang iyon ng galit niya. Alam ni Bethany na ang galit ay kabaligtaran ng pag-ibig, pero hindi niya pa rin iyon pwedeng ipagdiwang at ipagpalagay ng kalooban. Sa kanyang nakikita, iisa lang ang natuklasan niya. Hindi pa ni Gavin nagagawang kalimutan si Nancy. May halik pa rin ng pag-ibig sa mga mata nito habang nakatingin.“Anong pakiramdam na makita mo silang ganyan ngayon, Bethany? Masakit ba? Para bang sinasakal ka ng sarili
MULING NILINGON NI Gavin ang banda kung nasaan sila upang matagpuan lang na wala na doong tao. Ikinurap-kurap niya na ang mga mata. Naisip na baka guni-guni lang niya ito.‘Wala na siya? Paniguradong nakita niya kaming dalawa ni Nancy!’Bumakas na ang matinding pag-aalala sa kanyang mukha. Naisip na baka mamaya kung ano ang isipin ni Bethany sa tanawing nakita niya kasama ang dating nobya. Mataman naman siyang tiningnan ni Nancy. Noong nasa Canada pa siya naririnig na niya na may kasintahan na nga raw si Gavin. Sinamantala niya ang pagbabalik ng bansa upang tingnan kung tama nga ang naririnig niya. Gusto rin niyang makita kung anong klase ng babae ang ipinalit sa kanya ni Gavin. Sa tingin niya, wala namang kakaiba at espesyal sa babae. Normal lang sa tingin niya. Ang tanging nakapagpabago lang sa pananaw niya ay ang lantarang reaction dito ni Gavin.“Gavin, hindi mo ba ako sasamahan sa loob ng mansion niyo? Matagal na panahon na noong huli akong magawi dito sa inyo.” malambing na sam
SA HALIP NA SUMAGOT ay muli lang hinarap ni Bethany ang cocktail drinks niya. Matapos niyang titigan iyon ng ilang segundo ang laman ay muli siyang sumimsim doon. Inuunti-unti niya lang inumin ang alak. Kung pagbibigyan niya ang kanyang sarili, malamang ay kanina pa siya nakarami at paniguradong sa mga sandaling iyon ay lango na rin siya. Ayaw niyang malasing at baka mawala siya sa tamang katinuan at makagawa ng mga bagay na kanyang pagsisisihan oras na mahimasmasan. Kumbaga ay moderate lang ang pag-inom niya ng nakakalasing na inumin dahil hindi niya alam ang mangyayari oras na malasing siya. Mabuti na iyong nag-iingat siya keysa naman pagsisisihan niya ang mga nangyari ng hindi niya naaalala.“Ikaw na ang girlfriend, ikaw na ang present ni Attorney Dankworth kaya bakit itinatago mo ang sarili mo dito? Inilalayo mo ang sarili mo sa kanya na para bang wala kang karapatan na magdamdam, Bethany.” Sinagot lang muli ng dalaga ng katahimikan ang katanungang iyon ni Patrick. Hindi niya kai
NAKAHANDA NA ANG puso, mga mata, damdamin at kalooban ni Bethany sa kanyang makikita oras na pumasok siya sa banquet hall kung saan naroon ang karamihan ng mga bisita upang kumain ng dinner. Busog pa naman siya pero gusto niya lang pumasok doon at hanapin si Gavin. Tingnan kung tama nga ang sinasabi ni Patrick sa kanya. Paglabas niya sa banquet hall ay naroon naman ang venue kung saan maaaring magsayawan ang mga bisita. Itinatak ni Bethany ang sinabi ni Patrick sa kanyang isipan na si Gavin at Nancy ay nagsasayaw. Sa imahinasyon niya pa ang scene na iyon ay magandang pagmasdan, ngunit ang laki pala ng pagkakaiba kapag actual na. Iba sa pakiramdam kapag nakikita na ng mata. Iyong inihanda ni Bethany kanina na katatagan, parang biglang natibag iyon nang makita niya na ang scenario.'Sana hindi na lang pala ako pumasok dito.' Talaga nga namang bagay sila kung sa pagiging bagay lang ang pag-uusapan. Magaling din silang mag-partner sa pagsasayaw dahil nagagawa nilang magtugma ang bawat ga
SUBALIT NANG MGA sandaling iyon ay nagawa ng makaalis ni Bethany. Hindi niya na matagalan ang kanyang nakikita. Ang buong akala pa naman niya ay kaya niya silang panoorin nang hindi nasasaktan. Mali siya. Para siyang pinapatay habang patagal nang patagal na nakaburo ang mga maya niya sa kanila.“Pasensya na po, Mrs. Dankworth. Medyo masama po kasi ang pakiramdam ko. Maaari niyo po ba akong matulungang makahanap ng taxi na maghahatid sa akin pauwi? Hindi na po ako kailangang ihatid pa.” Kulang na lang ay maiyak si Mrs. Dankworth nang sabihin ni Bethany iyon. Babae siya kung kaya naman alam niya ang kanyang nararamdaman habang nakikita niya ang ginagawa ni Gavin nang harapan. Hindi man iyon sabihin ni Bethany. Kitang-kita naman niya sa mga mata nitong hindi makatingin ng diretso. “Hija, hindi ka na ba talaga mapipigilan? Pwede ka naman sa bakanteng silid na lang magpahinga hanggang bumuti ang pakiramdam mo. Sasabihan ko na lang ang isa sa mga maid na asikasuhin ka.” “Pasensya na po t
HALOS ALA-UNA NA ng madaling araw ng makarating si Bethany ng penthouse. Dumaan pa kasi siya sa isang coffee shop upang tumambay doon na malapit lang sa lugat at kumain na rin ng slice ng cake na kanyang comfort food kapag malungkot siya. Ganunpaman ay nararamdaman niya pa rin ang gutom. Hindi niya kasing nagawang kumain ng main course sa birthday party. Hindi niya tuloy na-enjoy ang mga iyon. Patay pa ang mga ilaw pagpasok niya ng pintuan, patunay na wala pa rin doon si Gavin na inaasahan na naman niya. Malamang busy pa rin ngayon ang abogado sa dating kasintahan nitong na-miss niya.“Ano bang inaasahan mo, Bethany? Umasa ka pang narito na talaga siya. Hindi ka niya priority, wake up!” Tinanggal niya ang manipis na suot an make up at naligo. Iyon ang una niyang ginawa. Matapos noon ay binalot niya ang kanyang katawan sa black silk na roba habang. Lumabas na siya ng silid matapos noon at tumayo sa tabi ng glass wall upang pagmasdan lang ang gabing buhay na buhay pa ang mga street lig
TINANGGAL MUNA NI Gavin ang kanyang suot na coat at pagkatapos ay itinapon niya iyon sa sofa. Ilang segundong naburo pa ang kanyang mga mata sa bote ng wine na nasa table. Wala pang kalahati ang bawas noon. Napalunok na siya ng laway. Kilala niya si Bethany. Hindi karaniwang gawain nito ang umiinom ng alak dahil namumuhay ng may disiplina sa kanyang sarili ang dalaga. Ang kanyang pag-inom ay nangangahulugan lamang na siya ay masama ang kalooban. Kung bakit masama ang loob niya, nahulaan na ni Gavin na siya malamang ang dahilan noon. Tuloy-tuloy na siyang pumasok sa loob ng music room na naging dahilan upang mapatayo na nang maayos si Bethany para salubungin si Gavin.“Thanie, galit ka ba sa akin?” gamit ang pagaw na boses ay tanong ni Gavin. Halos mahigit ng binata ang kanyang hininga habang hinihintay niya ang magiging sagot ng dalaga. Hindi nagsalita si Bethany. Mukhang tama yata ang sinabi ni Briel na nagtatampo ito dahil sa nangyari kanina. Hindi nagsinungaling ang dalaga upang p
NAKAGAT NA NI Bethany ang kanyang labi. Gustong-gusto na talaga niyang umiyak pero hindi iyon pwedeng makita ni Gavin. Hindi niya pwedeng makita na sobrang nasasaktan siya dahil pihadong pagtatawanan lang siya nito. Bakit ba kasi hinayaan niyang mahulog sa abogado ang kanyang sarili?‘Hindi ka pwedeng umiyak, Bethany. Hindi mo pwedeng pagmukhaing tanga pa ang sarili!’“Huwag mo sanang pansinin ang existence ni Nancy, kung iyon ang pinagsimulan nito. Nakaraan ko na iyon. Hindi mo ba kayang sumabay na makipaglaro? Pinagbigyan ko lang din siya dahil ayaw ko siyang mapahiya sa mga nakakakilala sa kanya.” rason ni Gavin na para kay Bethany ay ang lamya nito.Kaya pala okay lang sa kanya na siya ang mapahiya. Kung ganito ang mindset ng abogado sana man lang ay hindi na siya ipinakilalang girlfriend nito sa halos lahat ng bisita sa party. Nakaka-proud na sana ang bagay na iyon, kaso lang biglang natabunan ng pagpapakita doon ng nakaraang babae sa buhay nito. Hindi niya tuloy mapigilang maawa