NAKAGAT NA NI Bethany ang kanyang labi. Gustong-gusto na talaga niyang umiyak pero hindi iyon pwedeng makita ni Gavin. Hindi niya pwedeng makita na sobrang nasasaktan siya dahil pihadong pagtatawanan lang siya nito. Bakit ba kasi hinayaan niyang mahulog sa abogado ang kanyang sarili?‘Hindi ka pwedeng umiyak, Bethany. Hindi mo pwedeng pagmukhaing tanga pa ang sarili!’“Huwag mo sanang pansinin ang existence ni Nancy, kung iyon ang pinagsimulan nito. Nakaraan ko na iyon. Hindi mo ba kayang sumabay na makipaglaro? Pinagbigyan ko lang din siya dahil ayaw ko siyang mapahiya sa mga nakakakilala sa kanya.” rason ni Gavin na para kay Bethany ay ang lamya nito.Kaya pala okay lang sa kanya na siya ang mapahiya. Kung ganito ang mindset ng abogado sana man lang ay hindi na siya ipinakilalang girlfriend nito sa halos lahat ng bisita sa party. Nakaka-proud na sana ang bagay na iyon, kaso lang biglang natabunan ng pagpapakita doon ng nakaraang babae sa buhay nito. Hindi niya tuloy mapigilang maawa
SA MISMONG GABI ng engagement party ni Albert ay mag-isang nagtungo ng bar at nagpakalasing si Bethany Guzman; ang ex-girlfriend ng lalake. Subalit hindi rin siya nagtagal dahil sa mabilis siyang malasing. Lumabas siya ng bar at nagpasyang umuwi na lang. Pagdating niya sa bahaging madilim na pasilyo papalabas ng bahay-aliwan ay may natanaw siyang bulto ng katawan, nakatalikod ‘yun banda sa dalaga. Napagkamalan niya itong ang ex-boyfriend, bunga ng espirito ng alak. Mahigpit niya itong niyakap. Biglang humarap sa kanya ang nagulat na binata. Namumungay ang mga matang inilagay ni Bethany ang dalawang palad sa magkabilang pisngi ng lalake. Hindi pa siya doon nakuntento, tumingkayad pa ang dalaga upang abutin at taniman ng mariing halik ang labi ng lalakeng bahagyang napaawang na lang ang bibig dala ng labis niyang pagkagulat.“Alam kong miss na miss mo na rin ako, Albert…” usal ni Bethany sa pagitan ng kanilang mga halik, ginantihan na rin kasi siya ng lalake bagamat hindi siya kilala. “
MATABANG ANG TINGIN na binitawan ni Gavin ang katawan ng babae. Bahagyang isinandal niya ito sa pader. Dumukot siys ng isang stick ng sigarilyo sa kaha sa bulsa at inilagay na iyon sa kanyang bibig. Hinanap din niya sa bulsa ang lighter upang sindihan ang sigarilyo. Mukhang nakatulog na sa kalasingan ang babae na walang kagalaw-galaw sa pagkakasandal. Ang hindi niya alam ay nagpapanggap lang itong nakatulog. Gusto ng tuktukan ni Bethany ang sarili dahil hindi niya napigilang usalin ang pangalan ng kanyang ex-boyfriend habang may ibang lalakeng kahalikan. Sino ba namang gaganahan na ituloy pa ang kanyang ginagawa doon?“Albert…” mahinang anas ni Gavin sa pangalang binanggit ni Bethany.Bumalatay sa mukha ang kakaibang pagkairita habang pinagmamasdang mabuti sa mukha si Bethany. Naisip na sobrang interesting naman na ang babaeng ito ay nagkataon pa lang ex-girlfriend ng gunggong na magiging future brother-in-law niya. Sa dami ng makakatagpo niya, sinadya nga ba iyon ng panahon na magkit
PAGKAPASOK NA PAGKAPASOK pa lang ni Bethany sa kanilang pintuan ay natanaw na niya agad ang kanyang Tita. Nang mahagip ng mga mata nito ang pagdating niya ay mabilis itong napatayo sa sofa. Kapansin-pansin ang pamumula ng mata. Halatang galing lang sa bago at matinding pag-iyak. Lumibot sa paligid ang mga mata ni Bethany na mayroong hinahanap.“Anong nangyari po ba, Tita? Saka nasaan po ngayon si Papa?”Tita ang tawag niya sa babae dahil ito ang pangalawang asawa ng ama. Hindi naman sa ayaw niya dito kung kaya di matawag na Mama, nasanay kasi siya sa salitang ito.“Napakawalang-hiya talaga niyang ex-boyfriend mo, Bethany!” bungad ng Ginang na hindi sinagot ang tanong niya, “Napakaitim ng budhi!”Napanganga si Bethany. Hindi niya ma-gets kung bakit ipinasok iyon sa usapan nila ng madrasta. Kung tutuusin ay ang layo nito sa tanong niya.“Noong mga panahong nasa laylayan sila ng pamilya niya, pinili mo ang manatili sa tabi niya. Tapos ngayon na nakabangon na sila at nakaangat na, hindi k
MALAKAS NA NAPAMURA na ang madrasta ni Bethany pagkababa niya ng tawag kay Albert. Hindi niya namalayan na lumapit sa kanya kanina ang babae upang makinig lang sa magiging usapan nila ng ex-boyfriend. Hindi nakaligtas sa pandinig nito ang huling mga sinabi ng pagbabanta ni Albert na mas ikinagalit lang ng madrasta niya.“Walang utang na loob talaga ang lalakeng iyan! Anak talaga ng demonyo! Buhay pa siya dito sa mundo ay sinusunog na ang kaluluwa ng lalakeng iyan!”Napaupo na si Bethany. Hindi na niya alam ang gagawin. Litong-lito na siya sa mga nangyayari. Bakit ganun? Bakit hindi umaayon sa kanya ang anumang planuhin niya?“Huwag kang mag-alala, Bethany. Hanggang pangarap lang ang gagong iyon. Kahit pumuti ang kulay ng uwak ay hindi kami papayag ng Papa mo na sirain niya ang buhay mo. Mag-iisip tayo ng ibang paraan.”Ganunpaman ka-positibo ang sinabi ng kanyang ma-drasta ay hindi pa rin mapigilan ng babaeng patuloy na lumuha. Alalang-alala na sa asawa.“Huwag na huwag mong kakausapi
PARANG HINOG NA kamatis na namula ang buong mukha ni Bethany. Dala ng biglang pagkagulat sa sinabi ni Gavin ay bigla na lang niyang itinaas ang bitbit na paper bag, kung saan nakalagay ang jacket. Dinala niya ito para kung sakaling magkagipitan ay maaari niya itong gawing alibi sa pagpunta.“P-Pumunta ako dito para isauli itong jacket mo. Nakalimutan mo kagabi.”Biglang sumeryoso ang mukha ni Gavin. Ang buong akala niya ay iba ang sadya ng pagpunta ng babae rito. Umaasa siyang mas malalim ang dahilan ng babaeng kaharap. Mabilis pa sa alas-kwatrong tinanggap niya ang paper bag. “Okay, salamat sa pagsauli. Hindi ka na sana nag-abala pang dalhin dito.”Pagkasabi noon ay mabilis na siyang humakbang patungo ng elevator. Iniwan na si Bethany doon. Dala ng pagkataranta ay mabilis siyang hinabol at sinundan ng babae. Kailangan niya itong makausap. Hindi naman hinarang ng mga receptionist si Bethany sa pag-aakala na kilala siya ng abugado dahil kinausap siya kanina.“Attorney Dankworth, pwed
“Eh bakit hindi mo dalhan ng foam?” pabalang na sagot na ni Bethany. Hindi na niya napigilan ang sarili dahil sobrang rinding-rindi na siya sa madrasta. Bakit siya ang sinisisi nito? Ginagawan naman niya ng paraan. Hindi siya nagpapabaya.“Sa tingin mo ba Tita ay hindi ako nasasaktan kada maiisip ko siya?” pumiyok na doon ang tinig ni Bethany, naiiyak na. “Ama ko siya. Dugo at laman niya ang nananalaytay sa katawan ko. Huwag mo po naman sanang iparamdam sa akin na wala akong kwentang anak, Tita. Ginagawa ko po ang lahat para makakuha ng magaling na abugado at nang matapos na ito. Please lang po, dahan-dahan ka naman po sa mga akusasyon mong pabaya ako!”Bunga ng matinding pressure at stress sa loob ng bahay nila ay umisip ng paraan si Bethany kung ano pa ang nararapat niyang gawin. Hindi na siya mapakali sa pagbubunganga ng madrasta niya. Minabuti niyang makipagkita sa isa sa mga kaibigan niya noong college, kay Rina. Pagkatapos nila ng college ay nagpakasal na ang kaibigan niya sa i
BATID NG ASAWA ni Rina na imposibleng hindi ito makilala ng abugado, ngunit para hindi ito mapahiya ay pinili na lang niyang sakyan. Wala namang mawawala. Isa pa, nabanggit na ng asawa niya ang pakay ni Bethany sa abugado.“Attorney Gavin Dankworth, ito nga po pala si Bethany Guzman. Kaibigan nitong asawa ko noong nag-aaral pa lang sila sa kolehiyo. Isa siyang talentadong music teacher. Tumutugtog din siya ng iba’t-ibang uri ng mga instrument.”Maliit na ngumiti si Gavin. “Ah, isa pala siyang guro.” usal nitong sinipat ng tingin mula ulo hanggang paa si Bethany.Hinarap na ni Gavin ang dalaga upang ilahad ang kanyang kamay. Nagdulot iyon ng mahinang komosyon mula sa mga kapwa golfer's nasa paligid nila. Hindi lingid sa mga ito ang tunay na katauhan ni Attorney Gavin Dankworth. Hindi rin maikaila sa kanilang mga mata ang inggit dahil batid nilang ang abugado pala ang ipinunta ng maganda doong maestra ng musika.“Ang swerte naman ni Attorney, mukhang siya ang dahilan ng pagpunta dito n