HINDI SUMAGOT SI Bethany, nagdahilan na lang siya sa kaibigan na tatawagan na lang niya ito mamaya dahil nagmamaneho siya kahit hindi pa naman umaandar ang sasakyan niya. Pinaniwalaan naman iyon ni Rina. Humigpit ang hawak ng dalaga sa manibela matapos na maputol ang tawag ng kaibigan niya. Natulala na lang siya sa unahan ng kanyang sasakyan. Prino-proseso ng kanyang isipan ang mga nalaman.Paano ba siya mawawalan ng pakialam sa binata?Paano iyon posible?Kung nagkaroon siya ng magandang relasyon sa binata kahit na wala silang label na dalawa, at pagkatapos ng lahat ay siya ay naging spoiled din sa abogado? At hindi lang iyon, she likes him too.Nang maramdamang kalmado na siya ay binuhay na niya ang makina ng sasakyan ngunit agad siyang natigilan nang muling mag-ring ang cellphone. Ang buong akala niya ay si Rina ulit ulit, ngunit pagtingin niya ay nagulat siyang si Gavin pala iyon. Mabilis niyang pinindot ang answer button noon upang sagutin, gamit ang mahinahon at kalamadong tini
BAGAMA’T INUTUSAN NI Bethany ang sarili na tama na ang panonood sa video at gumalaw na, hindi pa rin siya natinag sa harap ng cellphone na para bang may glue na nakapagkit sa kanya upang manatili dito. Ilang beses niyang inulit-ulit panoorin ang video na tila ba may magbabago pa doon kung sakaling gawin niya iyon. Nang mahimasmasan siya na para siyang tanga, nanakit ang buong katawan niya pati na ang muscles niya. Iyong tipong para siyang lalagnatin. Sumama kasi ang pakiramdam niya hindi lang ang loob niya nang dahil sa kanyang napanood. Kinusot niya na ang mga mata. Muling napahinga na naman nang malalim. Buti na lang at nasa kamusmusan pa lang ang damdaming nararamdaman niya para kay Gavin na pwede niyang baguhin at pwede niya pang kontrolin kung pipilitin. Hindi pa iyon gaanong masakit ika nga.“Ano ka ba naman, Bethany? Huwag mo na kasing pansinin iyan.” muling kastigo niya sa kanyang sarili upang iwaglit lang ang nilalaman ng napanood niyang video. Ibinaba niya ang kanyang cellp
ALAS-ONSE Y MEDYA na nang makauwi si Gavin. Masyado ng late iyon. Papunta na sana siya sa may elevator nang ma-ispatan niya ng tingin ang pamilyar na bulto ng katawan ni Bethany na nasa may garden ng building. Sa bandang iyon ay may mga stray animals. Napaatras ang binata nang makita niyang tumayo na sa pagkakaupo ang dalaga. Nakita niyang may ilang pusa dito na binigyan niya ng kaunting pagkain. “Pinakain niya sa mga ito ang dinner namin?” puno ng pagtatakang tanong niya gamit ang mababang boses, hindi pa rin siya umalis sa kanyang kinatatayuan doon.Batid niyang may mga pinapakain si Bethany na stray animals sa ibaba ng building. Noong una nga ang akala niya ay aso iyon, ngunit mga pusa pala ito. Tatlong kuting. Isang itim, isang ginger at isang kulay puti na sa tingin niya ay magkakapatid sila.“Hindi man lang siya nagsuot ng jacket, ang lamig ng hangin. Hindi man lang niya inisip na maaari siyang dapuan ng sakit.” muling sambit ni Gavin sa sarili niya. Pinili ni Gavin na manatil
MULI PANG BINASA iyon ni Gavin ng ilang beses. Kahit siya na siyang topic ng dalawa ay hindi makaisip ng magandang idadahilan kay Bethany. Ang tanging masasabi niya ay kamakailan lang nang magsimula si Nancy na bumuntot sa kanya. Noong una ang buong akala niya ay nagkataon lang iyon. Hindi niya inisip na siya talaga ang pakay ng dating nobya. Ang muling kunin ang atensyon niya. May malalim na pinagsamahan sila kung kaya naman nahihirapan siyang tuluyang e-deadma ito. Dati silang magkasintahan kung kaya naman ang pangit tingnan na muli silang mag-uusap. Ano na lang ang sasabihin ng mga taong nasa paligid nila? Batid din ng sinuman kung ano ang ibig sabihin kapag ang isang babae ay naghabol sa isang lalaki buong araw. Sa pananaw ni Gavin ay sobrang interesante rin noon. At bilang lalaki, gusto niyang subukan kung hanggang saan hahabol ang dating nobya. Wala siyang planong makipagbalikan dito, o kahit gawin itong side chick niya man. Tutal hindi naman nagtatanong si Bethany, hindi niya k
TAHIMIK NA UMALIS ng gabing iyon si Gavin at nagtungo ng kanyang opisina kahit na wala naman siyang trabahong gagawin. Doon siya nagpalipas ng buong magdamag habang hindi mawala sa kanyang isipan ang napag-usapan nila ni Bethany. Nang mga sumunod na araw ay pinili ng abogado na huwag umuwi ng penthouse. Ayaw niyang magpakita sa dalaga. Nahihiya siya na hindi niya mapakiwari. Ni hindi siya nag-text o kahit ang tumawag man lang sa dalaga sa loob ng mga araw na lumipas. Inutusan niya lang din ang kanyang secretary na magtungo sa penthouse upang kunan siya ng mga gamit na mga kailangan niya. Hindi na iyon ipinagtaka pa ni Bethany nang mabungaran ang secretary sa labas ng pintuan ng penthouse. Malamang kay Nancy uuwi ang binata kung kaya nagpapakuha ito ng mga gamit. Marahil ay ayaw ng makipagtalo sa kanya ng abogado kung kaya iniutos na lang niya iyon. Ganunpaman ay hindi siya nag-usisa sa secretary habang kumukuha ng gamit ng abogado at inilalagay iyon sa kanyang maleta. Ni hindi siya na
MAGKAHARAP NA SILANG naupo ng Ginang sa isang coffee shop na nasa loob pa rin ng mall matapos na bayaran ang damit na binili nito sa kanya at ang ilang set ng make up na ilang beses niyang iginiit na hindi niya kailangan pero kinuha pa rin iyon ng Ginang at ipinilit na kunin niya. Panaka-naka ang tingin nito sa mukha ni Bethany habang hinahalo ang inumin nitong nasa harapan niya. Para bang binabasa siya nito. “Hija, anong problema niyong dalawa ni Attorney Dankworth?” Napalinga-linga na si Bethany sa paligid nila dahil ang lakas ng boses ni Victoria. Kabado siyang baka may makarinig at magdulot pa iyon ng isyu. Ayaw niyang sumabay sa viral na isyu ng abogado online. “Tita, ang boses niyo po—”“Bakit biglang pumasok sa eksena ang dating nobya niya? Alam mo ba iyon o hindi?” Mariing naipikit na ni Bethany ang kanyang mga mata. Binabalot na siya ng hiya. Alam na niyang mangyayari iyon, shunga siyang hinayaan niyang makaladkad siya ng Ginang doon banda.“At bakit hinahayaan mo lang na
HINDI LANG DOON natapos ang bonding nina Bethany at ng step-mother niya. Umikot pa sila sa mall at halos yata lahat ng makitang boutique na bago sa kanilang paningin ay pinasukan nila. Pagod na pagod ang mga paa ng dalaga. Kung hindi pa siya nagreklamo na puro paltos na iyon, malamang ay hindi pa mag-aayang umuwi ang Ginang na sobrang ini-enjoy ang quality time na ibinibigay sa kanya ni Bethany.“Hindi mo naman ako kailangang ihatid sa bahay, hija.” anang Ginang na nasa passenger seat ng bago niyang sasakyan, “Kaya ko namang mag-taxi na lang pauwi ng bahay eh.”“Bakit po kung may sasakyan naman ako? Saglit lang din naman iyon. Saka mapapanatag ako kung ako mismo ang naghatid sa inyo sa bahay.” sambit ni Bethany na nanatili sa daan ang mga mata, maliit na nangingiti na ang kanyang labi. “Saka ito po ang first time na makakasakay kayo ng sasakyang binili ko. Enjoy lang, Tita Victoria. Hayaan mo na po ako…” Ilang beses na proud na sinulyapan ng Ginang si Bethany. Mukha namang masaya ang
BIGLANG TUMAHIMIK ANG buong paligid nang lumapat ang pintuan noon pasara. Nasa kay Bethany na ang mata ng lahat ng naroon na halatang may larong nagaganap sa pagitan nila na hindi maunawaan ng dalaga kung ano. Basta ang alam niya may hawak silang mga baraha. Masyado siyang inosente sa mga ganung bagay at ignorante dahil hindi naman siya palaging lumalabas ng bahay. Si Rina lang ang kanyang nakakasama at nakakahalubilo sa mga ganong pagkakataon. Hindi lang iyon, may alak din na nakalagay sa kanilang mga baso kaya batid ni Bethany na umiinom din sila habang naglalaro.Nanuyo na ang lalamunan ni Bethany, hindi niya alam kung babati siya sa kanila o pipiliing tumalikod na lang para sundan sa labas si Briel. Kung gagawin niya naman iyon, pihadong lalabas na talunan siya. Naglabas na ng malamig na pawis ang mga palad niya, nababadtrip na siya lalo pa at sa gilid ng kanyang mga mata ay nakita niya na katabi ni Gavin si Nancy. Sa suot niyang maikling damit na kulang na lang ay maghubad para m
PUNO NG KAHULUGAN ang mga salita ng doctor na ang dating sa Governor ay para bang sinasabi nito na kung wala lang ang baby sa katawan ng pamangkin niya, hindi siya gaanong mahihirapan sa kanyang sitwasyon. Hindi niya maatim na isipin na kailangan nilang mamili sa dalawa. Wala sila sa tamang posisyon upang gawin ang bagay na iyon. Ilang minutong natulala si Giovanni sa sinabi ng doctor. Hindi niya namalayan na nakalapit na ang mag-asawang Dankworth sa kanya na may alanganin pang mga tingin na para bang naiilang sila kung kakausapin ba siya o hindi. Sinabi na rin iyon sa kanila ng doctor kanina at hindi sila makapag-decide. Ilang beses nilang pinag-iisipan ang gagawin, at ngayon na naroon na ang tiyuhin nito iniisip nila na siya na ang mag-decide. Kung ano ang magiging desisyon nito, iyon na lang din ang kanila dahil wala naman doon ang kanilang anak para siya ang magpasya ng lahat.“Governor Bianchi—”“Nasaan ang asawa ng pamangkin ko?” malamig ang tono ng boses nito. Alam ng mag-asaw
BAGAMA’T NATATARANTA AY kalmadong tinawag ni Giovanni ang kanyang secretary at agad na inutusan na alamin kung ano ang nangyayari sa pamangkin niya. Hindi mapalagay ang isipan niya na ganun na lang ang sinabi sa tawag nito. Idagdag pa na biglang naputol ang kanilang linya. Kunot ang noo na ilang beses niya pang tinawagan ang numero ni Bethany ngunit ring lang iyon nang ring. Hindi nawala ang composure ng Gobernador sa harap ng kanyang mga nasasakupan kahit pa parang sa mga sandaling iyon ay gusto na niyang lumipad patungo kung nasaan ang kanyang pamangkin. Kung saan-saan na tumatakbo ang isipan niya pero pinili niya pa rin ang maging kalmado ang hitsura.“I apologize. Mukhang may emergency lang sa isa sa mga pamangkin ko.” aniya na tinanguan lang ng mga kausap.Samantala, nagdatingan na ang mga rescuers at dahil nasa bungad sina Bethany ng pinangyarihan ay sila ang unang natagpuan ng mga ito at mabilis na sinugod sa pinakamalapit na hospital. Sinimulan na rin tawagan ng mga rescuers a
ILANG SANDALI PA ay parang kidlat na lumiwanag ang buong paligid dahil natanggal ang bubong ng sasakyan nina Bethany kung saan ay natanaw niya ang maliwanag na langit. Sa sobrang bilis ng mga pangyayari ay hindi na niya nagawa pang makapag-react ng tama. Mabilis niyang tinanggal ang suot niyang seatbelt. Gusto niyang makaalis sa loob ng sasakyan. Iyon ang tanging nasa isip niya dahil natatakot siya na baka iyon naman ang sunod na liparin. Nagawa iyon ni Bethany sa sobrang pagkataranta, ngunit isang malakas na shock wave ang dumating na siyang nagpabagsak sa kanyang katawan at nagpasandal sa malapit na pader ang likod niya. Sa sandaling iyon ay tila nabali ang kanyang balakang sa lakas ng kanyang pagkakabagsak. Hindi na niya napigilan ang buong sistema na balutin ng matinding takot. Hindi para sa kanyang sarili kung hindi para sa kanyang anak na nasa kanyang sinapupunan na kulang na kulang pa sa buwan. Wala sa sarili niyang niyakap ang kanyang tiyan na biglang nanigas gamit ang kanyang
GAANO MANG PAGTUTOL ang gawin ni Bethany na huwag umalis ang asawa sa araw na iyon ay hindi niya pa rin ito napigilan sa nais. Sa halip din na si Briel ang kanyang kasama sa paghatid dito sa airport ay si Manang Esperanza iyon dahil hindi agad nasabihan si Briel na mayroong lakad ng araw na iyon. Ganundin si Mrs. Dankworth na may importanteng pupuntahan. Ihahatid lang din naman siya ni Manang Esperanza sa mansion ng mga Dankworth at aalis na rin ang maid upang bumalik sa penthouse at ituloy ang ginagawa nitong paglilinis. Iyon ang malinaw na usapan nila bago umalis ng bahay. Dala na rin ni Bethany ang mga gamit niya para sa tatlong araw na pananatili sa mansion. “Babalik din ako agad, Thanie…” sambit ni Gavin nang itulak niya ang pintuan ng sasakyan sa gilid niya nang marating nila ang airport, “Huwag ka ng bumaba. Hmm? Dito ka na lang sa loob ng sasakyan at umalis na rin kayo agad para makapagpahinga ka ng maaga sa mansion.”“Hindi naman ako sasama sa’yo sa loob. Huwag mo nga akong
ILANG ARAW NA lihim na pinag-isipang mabuti iyon ni Gavin na sa bandang huli ay nagpasya na sasaglit siya sa ibang bansa. Pupuntahan niya ang kliyente. Sisikapin niyang matapos ang kasong iyon sa loob lamang ng tatlong araw upang makabalik siya agad ng Pilipinas. Inaasahan na niyang hindi papayag ang asawa oras na sabihin niya ang bagay na iyon, pero ang hirap para sa kanyang talikuran ang tungkulin niya na siumpaan niya at hindi niya ito matiis na hindi gawin lalo na at may buhay na manganganib na maparusahan kung hindi siya ang haharap at makikipaglaban. Ang ipagtanggol sa batas ang mga taong walang kasalanan. Hindi siya silaw sa halagang ibabayad nito pero gusto niyang tumulong doon sa kaso. Sisiw lang iyon sa kanya kung kaya naman ang laki ng tiwala nila. Hindi niya naman sila masisisi doon.“Stable naman ang lahat ng check up sa baby natin at sa’yo kaya wala namang magiging problema, Thanie. Tatlong araw. Bigyan mo lang ako ng tatlong araw. Pagkalipas ng tatlong araw na iyon nari
NATATAKOT SI GAVIN na baka kapag nalaman ito ng asawa ay makaapekto iyon nang mas malala. Hindi lang sa pagsasama nila, kundi pati na rin sa kalagayan ngayon ng asawa. Bagay na hindi niya makakayang mangyari. Kaya naman ang plano niyang dalhin iyon sa hukay ay mas nadepina pa sa araw na iyon. Hinding-hindi niya ito sasabihin. Anuman ang mangyari hindi niya ipapaalam kay Bethany iyon kahit na alam niyang sobrang unfair nito sa asawa niya.“Oo isa lang, Rina. Paano kaya gumawa ng dalawa? Iyong iba ang galing-galing. May tatlo pa nga di ba? Sana all na lang sa kanila.” Napahawak na si Bethany sa tiyan sabay ngiti nang malapad sa mga kaharap nila, mga ngiting ayaw maglaho ni Gavin oras na malaman nito ang kanyang lihim. Mabuti pa na siya na lang ang nakakaalam noon kaysa naman mas kamuhian siya ng asawa niya kung pipiliin niyang maging tapat sa kanya. Hindi iyon kalabisan ng pagmamahal niya sa asawa.“Ah, hati ang makukuha niyan sa inyo gaya ng baby namin. Hati ang mukha niya sa amin. P
PAGAK NA NATAWA si Bethany kung kaya naman medyo nilingon siya ni Gavin. Nasa paahan niya ito ng kama nila at nasa kandungan ang laptop. May tinatapos na trabaho. Napag-alaman din ni Bethany na nauna pa pala sa kanyang mabuntis ang kaibigan at wala rin siyang kaalam-alam sa bagay na iyon. Sa dami ng problema, nakaligtaan niya kaya naman naungusan siya at hindi gaanong napaghandaan ang pasabog nito. Hindi niya napansin noong libing ng kanyang ama na ang akala niya ay tumaba lang ang kaibigan at hiyang sa pag-aalaga ni Ramir, ibang taba na pala iyong nakita niya kundi baby na kaya naman heto, nang-aasar. “Oo naman. Execption na ‘yun. Ibang usapan na. Panigurado na pupunta kami ni Gavin.”“Aasahan namin iyan, Bethany. Huwag mo akong paasahin. Kami na ang pupunta kung nasaan ka ng inaanak mo kapag di kayo pumunta na mag-asawa para lang magkita.”Natawa na naman si Bethany, napasulyap na naman tuloy si Gavin sa kanya. Tumagal din iyon ng mga ilang minuto sa kanyang mukha. “Oo nga, para k
SAMANTALA, SA LOOB ng study room ni Gavin ay pinili niyang panoorin ang video nang mag-isa. Siya na lang ang magku-kuwento sa asawa kung sakaling pilitin pa rin nito na mapanood iyon. Para sa kanya ay wala naman doong mahalagang parte na umiikot lang sa paghingi ng tawad ni Nancy. Paulit-ulit na sorry na para sa abogado ay sobrang late na. Paano pa nila ito makakausap, eh wala na nga siya sa mundo? “Kung noon ka pa sana nanghingi ng tawad sa asawa ko, sana bago ka namahinga ay may bonding kayo ni Bethany kahit na papaano...” sambit niya na hindi mapigilan ang lungkot, kahit papaano naman ay may nakaraan sila.Ilang minuto lang ang video kaya naman nang matapos iyon ay sinilip ni Gavin ang asawa sa sala kung naroon ito at nakatambay. Iyon kasi ang favorite na tambayan ni Bethany madalas kapag nasa penthouse sila. Wala ito doon. Matapos na ligpiting muli ang usb ay lumabas na siya ng study room. Pwede naman niya na ipakinig sa asawa ang audio sana ng video. Huwag na lang nitong papano
LUMIPAS ANG ILANG sandali bago natauhan si Bethany na mabilis tumayo sa kanyang upuan at lumapit kay Gavin. Akmang hahawiin na niya ang katawan ng asawa sa harap ng screen nang biglang bunutin ni Gavin ang usb na nakasalpak sabay silid sa kanyang bulsa. Sinamaan siya ni Bethany ng tingin ngunit hindi alintana iyon ng abogado. Mabuti na iyong magalit ito sa kanya at magtampo, kaysa mapahamak pa sila. “Hindi niya iyan ipapadala kung hindi mahalaga. Baka may gusto siyang sabihin sa akin o sa atin kaya pinadala ito ni Mr. Conley? Hindi ka ba curious, Attorney? Kasi ako sobrang curious na curious...”Ayaw maging sarado ng isipan ni Bethany sa posibilidad na iyon. Hindi naman siguro hibang ang matanda para i-video si Nancy tapos ipapanood sa kanila. Naniniwala si Bethany na may ibang pakay ang musician. Iyon ang gusto niyang malaman at ipaintindi kay Gavin na tila ba buo ang desisyon na huwag na panoorin.“No. Hindi ako papayag na makaapekto ‘to sa’yo at sa anak natin. Iba na lang ang hili