NAKANGITING SUMANDAL SI GAVIN sa headboard ng kama ng gabing iyon para magpahinga at magsindi na ng sigarilyo na nakaugalian niya ng gawin dati pa. Kakatapos lang nila ni Bethany na pagsaluhan ang mainit na gabi. Isa lang iyon sa mga gabi nilang pilit na sinusulit kahit na pagod sa trabaho si Gavin at abala naman sa pag-ayos ng magiging bagong music center niya ang dalaga. Tumagilid si Bethany paharap sa banda ni Gavin upang magtama ang kanilang mga mata. Gustong-gusto niyang makita na lumubog ang pisngi ng binata sa tuwing humihithit ito sa stick ng sigarilyo, lalo siyang pomo-pogi sa paningin niya na kung minsan ay napagtatanto niyang ang weird kung iisipin ng normal na tao. Ewan ba niya, nakadagdag pa talaga iyon ng pogi points dito. Sabay silang napatingin sa cellphone ni Gavin na nakapatong sa bedside table ng dalawang beses itong tumunog sign na may dumating na text o message at tuloy-tuloy na itong tumunog. Kinuha ito ni Gavin at tinignang mabuti habang patuloy lang sa paghithi
MAGMULA NANG MABANGGIT ni Gavin kay Bethany ang tungkol sa DNA bank kung saan nag-sbumit si Mr. Conley ay hindi na iyon nawala pa sa isipan ng dalaga. Pinagpla-planuhan niya kasing gawin din iyon. Magbabakasakali rin siya na iyon ang magiging tulay at hakbang upang mahanap niya ang tunay niyang ama. Hindi niya alam na baka hinahanap na rin pala siya nito sa mga sandaling iyon. Noong una ay puno pa siya ng pag-aalinlangan, ngunit may bahagi ng kanyang puso na gustong-gusto niyang gawin iyon. “Gusto kong gawin, pero paano kapag nakarating kina Papa at Tita Victoria? Hindi kaya masaktan ko sila dahil hindi ko muna idiniscuss ang aking magiging mga hakbang? Hindi naman nila siguro ako pagbabawalan.” Ilang beses na iyong tinanong ng dalaga sa kanyang sarili. Ngunit iisa pa rin ang sagot niya. Gusto niyang subukan. Gusto niyang gawin dahil gusto niyang makilala ang tunay na ama.“Bahala na nga, siguro sasabihin ko na lang muna kina Papa at kung anuman ang maging desisyon nila, kailangan k
NANG MATAPOS MAGSALITA si Bethany ay hindi nakaligtas kay Alejandrino ang malungkot nitong mga ngiti. Mamasa-masa at medyo pula na rin ang gilid ng kanyang mga mata, halatang naluluha na ang dalaga sa paggunita sa yumao niyang ina. Hindi maitatanggi na na-miss niya na ang kanyang ina. Sa pagkakataong iyon, bumilis ang tibok ng puso ni Drino. “Namatay siya noong bata ka pa lang?” “O-Opo…” Napailing na ang musician. Ang mamatay nang napakabata ay sobrang nakakagulat sa kanya. Ipinalagay niyang hindi si Bethany ang kanyang anak kahit pa may pagkakahawig ito sa dati niyang kasintahan. Hindi ito ang anak ng kanyang minamahal na si Beverly. Malusog iyon at imposibleng pabayaan niya ang kanyang kalusugan. Natatandaan niya rin na sinabi sa kanya noon ng isang manghuhula na mabubuhay siya ng mahaba, matagal at sagana. Nang dahil sa kanyang narinig ay nawalan na ng gana si Drino na inumin ang kanyang kape. “Nakakalungkot naman iyon…” Maliit na ngumiti lang si Bethany, pilit lang iyon. Dati
MATAPOS NA HALIKAN ang tuktok ng ulo ni Bethany at ikulong pa sa mga bisig ng ilang minuto ang katawan ng dalaga ay marahang hinaplos naman ni Gavin ang buhok nito na parang ginagawa niya lang ang bagay na iyon upang pagtakpan ang guilt na nararamdaman niya sa oras na ito dahil sa pagbabalik ng dati niyang nobya. Saglit niyang inamoy-amoy pa iyon na parang adik dito, ngunit hindi noon nabawasan ang paghihinalang nabuo sa isipan ni Bethany na piniling manahimik na lang at hindi na magkomento pa.“Pasensya ka na, Thanie ha? Doon muna ako sa study room ko ngayon. May mga ilang business related na documents na naman akong kailangang basahin at unahing pag-ukulan ng pansin. Babawi rin ako sa’yo oras na matapos ito…huwag mo sanang masamain iyon ngayon...”Pagkatapos na sabihin niya iyon ay tumayo na ang abogado at naglakad palabas ng silid, patungo sa study room niya. Hindi inaasahan iyon ni Bethany kaya naman hindi niya mapigilang mas malala pang mag-isip. Ang akala pa naman niya ay sa kan
HATINGGABI NA AY nanatili pa rin si Gavin na nakaupo sa loob ng kanyang study room. Puno na ng upos ng sigarilyo at abo ang ashtray niya na nasa gilid ng kanyang mesa na hindi niya namalayang naubos niya. Nanlilimahid rin sa makapal na usok ng sigarilyo ang loob ng study room na nagmistulang binalot na ng makapal na ulap nang dahil doon. Matapos na maubos ang huling stick ng sigarilyo at mailagay iyon sa ashtray, nilamukos na niya ang kaha nito at malakas na inihagis iyon patungo sa basurahan sa may gilid. “Shoot!” bulalas niyang napatalon na malapit sa kanyang upuan, ngunit muli rin siyang nakaupo.Namumula na ang kanyang mga mata at halos sumasara na rin pareho ang talukap noon na tila ba nagpapaalala sa kanya na malalim na ang gabi at kailangan na niyang matulog. Tumayo siya matapos na ilang beses na humikab at dire-diretso ng lumabas ng study room. Wala naman talaga siyang official business na kailangan niyang unahin. Nagtungo lang siya sa study room upang mapag-isa at ng makapag
MARAHANG TUMANGO LANG si Bethany, naka-oo nga yata siya sa Ginang nang mag-invite sa kanya noong nagtungo ito bigla ng penthouse. Hindi niya iyon maalala pero mukhang ganun nga ang nangyari.“Iyong pinakamagandang dress na bigay ko sa’yo ang isuot mo. Huwag mong tipirin ang sarili mo. May mga jewelries ka rin di ba? Ipakita mo sa kanila kung paano mag-alaga ang isang Gavin Dankworth.”Bahagyang natawa doon si Bethany. Habang nakatitig sa mukha ni Gavin ay naisip niya na baka kaya nasa bansa si Nancy ay para mag-attend ng birthday ng kapatid ng abogado. Imposible na hindi iyon pupunta doon at hindi sila magkakilala kung ilang taon din ang itinagal nilang magkarelasyon. Hindi lang iyon, sumilid pa sa isipan ng dalaga na malamang kaya pupunta iyon ay para magpakita rin kay Gavin. Ngayon pa lang ay parang nagseselos na siya kay Nancy. Maaaring hindi sila nito magkita sa mga ordinaryong oras at araw habang nasa bansa siya, ngunit sa mga okasyon tulad ng mga birthday party, hindi maiiwasang
NAPALINGON NAMAN ANG grupo nila sa kanilang banda. Agad silang napahanga sa mukha ng nobya ni Gavin nang makita nila ito habang kasamang naglilibot ng binata.“Oh, ang ganda-ganda naman ng girlfriend niya!”“Oo nga! Kailan ba sila magpapakasal? Kailan mo matatawag na manugang mo na ang babae?”“Naku, ang mga ganyang hitsura hindi na dapat pang pinapatagal. Dapat ay itinatali na kaagad.”“Hindi ko rin alam. Nasa kanila naman ang desisyon. Bata pa ang babae pero ipinanganak siya sa year of the rabbit.” kwento ng Ginang na nabanggit na rin sa kanila ang tungkol sa sinabi ng manghuhula, “Ayokong manghimasok sa relasyon nila. Siguro ay mga dalawang taon pa iyon mula ngayon.”Sinabi lang iyon ng Ginang pero sa loob-loob niya, gusto niya na talagang lumagay sa tahimik ang dalawa at magsimula ng bumuo ng sarili nilang pamilya. Natutulog naman na sila sa iisang kama, bakit hindi pa nila gawing legal iyon at magkaroon ng basbas? Paano kung biglang mabuntis siya? Sabagay, hindi naman niya iyon p
NABALOT NG KATAHIMIKAN ang buong paligid. Iyong tipong parang biglang nabingi si Bethany na para bang walang anumang ingay sa buo nilang paligid. Hindi niya inalis ang mga mata sa pagkakatitig sa dalawang bulto ng katawan na hindi kalayuan. Sa kaloob-looban niya ay gusto na niyang umiyak. Nakikita niya kasi kung paano tingnan ni Gavin ang dati niyang kasintahan bagama't puno ng komplikasyon ang mga mata ng binata, magkahalong sakit at gulat. Batid niyang mayroon pa rin itong pagtingin sa dating nobya. Mayroon pa rin itong nararamdaman para sa babae. Natatabunan lang iyon ng galit niya. Alam ni Bethany na ang galit ay kabaligtaran ng pag-ibig, pero hindi niya pa rin iyon pwedeng ipagdiwang at ipagpalagay ng kalooban. Sa kanyang nakikita, iisa lang ang natuklasan niya. Hindi pa ni Gavin nagagawang kalimutan si Nancy. May halik pa rin ng pag-ibig sa mga mata nito habang nakatingin.“Anong pakiramdam na makita mo silang ganyan ngayon, Bethany? Masakit ba? Para bang sinasakal ka ng sarili
ILANG SEGUNDO PA ang pinalipas ni Bethany bago muling bumalik sa loob ng kanilang bahay. Hindi mawala sa kanyang labi ang ngiting inilibot ang mga mata sa buong paligid na parang ang gaan ng lahat sa buhay niya ngayon. Walang pabigat. Walang masakit na iniisip. Muli niyang sinulyapan ang dalawang singsing sa kanyang daliri. Hinipo na niya iyon dahil iniisip niya na baga panaginip lang ang nangyari kanina. Itinaas niya pa ang palad na agad kuminang ang diamond sa tama ng liwanag ng ilaw sa bulwagan ng kanilang bahay. Napakurap-kurap na siyang muli. “Tagal maghatid ah? Saan mo inihatid? Sa kanila ba? Akala ko ay sa kotse mo lang ihahatid?” sunod-sunod na bungad ni Benjo sa anak habang may nanunuksong tinig at mga mata na tila may iba pa doong mga ipinapahiwatig. Napanguso na doon ang dalaga. Mahina ng natawa sa pang-iinis ng ama niya. “Kakaalis lang ba ni Gavin, Thanie?”Tumango lang si Bethany at dumiretso na sa kusina kung nasaan naman si Victoria. Nag-aasikaso ang madrasta ng mga lu
HINDI MAGAWANG MAKAPAGSALITA ni Gavin lalo na nang makita ang mukha ni Bethany na may halo-halong emosyon. Hindi na mapigilan na mangilid na ang mga luha nito sa mata. Namula pa lalo ang magkabila niyang pisngi. Ilang beses niyang binuksan ang bibig upang sagutin ang katanungan ng nobya ngunit ibang salita ang lumabas dito.“Hey, Thanie? Ayaw mo ba? Hindi mo gusto? Masyado bang maliit ang diamond?”Ilang beses na umiling si Bethany. Hindi iyon ang problema niya.“Natatakot na ako sa sobrang kasiyahan na binibigay mo, Gavin. Baka mamaya ‘yung kapalit nito ay—” “Sssh, wala kang dapat na ipag-alala.” harang na niya ng hintuturo sa bibig ng nobya upang matigilan lang itong magsalita pa, “Walang masamang mangyayari upang nakawin ang kaligayahan natin dalawa, Thanie. Huwag kang mag-isip ng ganyan at magpapaniwala sa mga walang kwentang bagay. Mga lumang kasabihan lang naman iyan.”Ikinulong na ni Gavin sa kanyang mga bisig si Bethany upang pakalmahin na ito. Basang-basa niya kasi ang takot
HUMANTONG ANG DALAWA sa penthouse na sa halip na magtungo sila sa kung saan para lang mag-date. Hanggang hapon ay nakayakap lang sa nobya si Gavin na para bang hindi nito kayang mapawi ang mga pananabik niya. Ilang beses nilang inangkin ang makulay na mundo ng pagtatalik hanggang sa makatulog nang dahil sa labis na pagod. Nang magising si Bethany ay papalubog na ang haring araw. Ang maputlang ginintuang sinag noon ay walang pakundangang pumapasok sa kabuohan ng master bedroom dahil sa nakahawing kurtina nito. Nanatiling nakahiga sa kama si Bethany. Natatamad na igalaw pa ang katawan. “Gising ka na?” untag ng malalim na boses ni Gavin na parang noon lang nagkaroon ng kausap. Napaangat ng mga mata si Bethany at hinanap kung nasaan ang nakapwesto ang nobyo. Natagpuan niya itong nakatayo sa gilid ng kama sa kabila niyang banda. Kinailangan niya pang tumagilid paharap doon upang makita na ito nang maayos. Sa hitsura ni Gavin ay nakaligo na ito at nakapagpalit na rin ng bagong damit na t-
TAHIMIK NA LUMABAS sa kusina si Bethany nang mabawi ang pustora na alam niyang ipinagtataka na ng madrasta, upang tumungo sa kanyang silid at mag-ready na. Naiwan niya sina Victoria at Gavin sa loob ng kusina. Hinugasan ni Gavin ang kanyang kamay at muli pang inayos ang nakatupi niyang manggas ng polo shirt. Komportable pa rin siya kahit na tinititigan siya ng Ginang mula ulo hanggang paa.“Mama, ibabalik ko rin po dito ang anak niyo bago ang hapunan. Sa weekend po ay iinvite ko kayo sa bahay para pag-usapan ang plano naming kasal kasama ng mga parents ko. Makikipag-communicate na lang ako kung paano.”Hindi na maitago pa ang saya sa mukha ni Victoria nang marinig niya iyon. Halata niya sa mga mata ng kaharap na abogado na desidido na talagang lumagay sila sa tahimik. Hindi na rin naman sila mga bata kaya bakit hahadlangan?“Hindi ka ba nabibigla, hijo? Hindi sa tutol ako. Ayaw mo bang patagalin muna ang relasyon niyo? Ang ibig kong sabihin ay gusto mo na ba talagang lumagay sa tahimi
BINUHAT NA NI Gavin ang juice at uhaw na uminom doon. Nakalahati niya ang laman nito. Matapos iyon ay ini-angat na niya ang mga mata sa problemado pa ‘ring si Victoria. Naiimbyerna ito sa bumabaha pa nilang kusina dahil sa tubo. “Gaano po ba kalala ang sira, Mama? Pwede ko bang makita? Baka kaya ko ng ayusin.”Nabaling na ang paningin ng tatlo sa binata. Sabay-sabay silang umiling, maging si Benjo at lalong-lalo na si Bethany.“Huwag na Gavin, tinawagan ko naman na ang management. Paniguradong papunta na sila. Mababasa ka. Baha na sa kusina namin.” harang agad ni Bethany sa nais gawin ng nobyo, ayaw niyang pati iyon ay iasa pa nila sa fiance niya.“Baha na? Naku, mas lalong kailangang ayusin na iyon agad.”Tumayo ang abogado at tinungo na ang kusina habang itinutupi ang manggas ng suot niyang polo. Napatayo na rin doon si Bethany at Victoria na may pagkataranta. Makahulugan na lang tumingin si Bethany sa ama habang naiiling. Sinundan na kasi ni Victoria si Gavin patungong kusina na a
NAGING PARANOID SI Bethany nang mga sumunod na araw hanggang sa tuluyang mapabalita na tapos na ang kasal ni Nancy sa hindi niya kilalang lalaki. Ipinaskil ang mga larawan nila ng kasal online na tanging mga larawan lang ng mga magulang ni Gavin ang nahagip na nasa kasal at nasa reception ng nasabing okasyon. Wala doon sina Briel gaya ng hinuha ng kaibigan niyang si Rina. Nang e-check ni Bethany ang social media ng kapatid ni Gavin ay napag-alaman niyang hindi naman talaga ito pumunta dahil bumalik din sila ng bansa ilang araw na ang nakakalipas base sa mga post nilang gala ng fiance nitong si Albert. “Hay naku, Rina! Makakalbo talaga kita!” bulalas ni Bethany na natatawa na sa kanyang sarili, “Pinag-overthink mo akong malala at pinalala mo pa ang mood swings ko na hindi ko alam kung saan galing!”Bago ma-bisperas ng New Year nang siya na ang kusang tumawag kay Gavin upang magtanong kung ano ang plano nila. Inaasahan niya kasing baka nakauwi na rin ng bansa ang mga magulang nito at b
PAGDATING NG MAGKASINTAHAN penthouse ay hindi inaasahan ni Bethany na nakabalik na pala doon ang kasambahay. Nagulat na lang siya nang bigla siya nitong yakapin nang mahigpit na animo ay parang sobrang na-miss siyang makasama. Marahang hinagod lang ni Bethany ang likod ni Manang Esperanza.“Akala ko hindi ka na pupunta dito, Miss Bethany!” anitong mabilis na inilayo ang kanyang katawan sa dalaga na itinaas na ang dalawang kamay matapos na tumingin kay Gavin na nagulantang sa reaction ng maid niya. “Sorry po Attorney, sobrang na-miss ko lang talaga na makita si Miss Bethany.” hingi pa nito ng paumanhin na kapansin-pansin na ang hiya sa buo niyang mukha.“Ayos lang naman po, Manang Esperanza…” nakangiting sambit ni Bethany na umabot na sa mga mata. Hindi nagtagal ay nagpaalam na rin sa kanila ang matanda. Ngunit bago ito umalis ay inabutan ito ni Gavin ng red envelope kung saan ay may laman iyong pera. Ganun na lang ang pasasalamat ni Manang Esperanza sa kanilang dalawa. Sinuklian lang
WALANG PALIGOY-LIGOY NA ibinigay ni Rina ang cellphone niya kay Bethany. Tinawagan naman ng dalaga si Ramir gamit ang cellphone. Ang buong akala ni Ramir ay ang babae iyon kung kaya naman naging casual na siya doon. “Nasaan ka na? Akala ko ba gagamit ka lang ng banyo?” “Si Bethany ito, Ramir.” “Oh? Bethany, bakit nasa sa’yo ang cellphone ni Rina? Nasaan siya?” “Nandito sa banyo. Hindi na makalakad ng maayos si Rina. Pwede bang pakisundo na siya dito ngayon?” “Sige. Papunta na ako diyan.” Hindi nagtagal ay dumating na si Ramir sa pintuan ng women bathroom. Pilit ang naging ngiti sa kanya ni Bethany nang magtama ang kanilang mga mata. Nahihiya na nitong kinuha ang braso ni Rina upang iakbay sa balikat niya. “Ang ganda mo ngayon ah? Hindi na ako magtataka kung bakit patay na patay si River sa’yo.” Biglang hindi na naging komportable ang pakiramdam ni Bethany. Hindi niya gustong banggitin pa nito ang lalaki. “Pasensya na Ramir, pero wala na akong kaugnayan sa pinsan mo—”“Alam ko
SINUNOD NI BETHANY ang guidelines na sinabi ni Gavin sa kanya na kailangan niyang gawin kapag nasa banquet na. Pagdating niya sa venue ay tama nga ang hula niyang karamihan sa mga bisita ay nakakainom na at busog na. Kumain muna siya, nakipagbatian sa iilang mga kakilala na nasa party, usap-usap ng kaunti sa mga naroon na binabati siya. Nagpahaging na rin siya kay Miss Gen na hindi magtatagal kasi hinihintay siya ni Gavin dahil may lakad umano sila.“Bakit hindi mo pinapasok dito? Ikaw talaga, sana man lang inimbitahan mo siya dito sa loob, hija.”“I did, Miss Gen.” agad na paghuhugas ng kamay ni Bethany, “Ayaw talaga niya. Kilala mo naman iyon. Baka mang agaw-eksena lang daw siya kaya hindi na lang daw siya papasok. Feeling artista kasi ang isang iyon. Pagkakaguluhan.”Nailing na lang si Miss Gen sa biro niya na agad naman siyang pinayagan. Aniya ay kaya niya na ang mag-estima ng mga bisita. Palabas na si Bethany ng banyo nang makasalubong niya ang kaibigang si Rina na nakalimutan ni