Semua Bab The Billionaire's Substitute Bride: Bab 161 - Bab 170

392 Bab

Chapter 161

Pilit ko kinalimutan ang nangyari kagabi. Hindi ko aakalain na gagawin 'yon ni Theo sa akin. Hindi niya ako pinatulog dahil hinalikan niya ako sa pisngi. Ang mga biro niya rin hindi ko pa rin ma-process ng maayos. "My future wife is here. And we're planning together what our dream house will look like..." Ginulo ko ang buhok ko. Nababaliw na yata ako. Hindi ko maalis sa isipan ko ang mga sinabi niya kagabi. Ginawa niya akong future wife. Trip niya talagang asarin ako. Dinadamay niya pa ang proyekto ko sa mga biro niya. Naputol ang pag-iisip ko nang mahagip ko si Theo na naglalalad sa hallway. Nagtago ako sa gilid ng hagdanan habang sinisilip siya. Para siyang may hinahanap. Sinabunutan niya ang buhok niya habang may sinasabi, pero hindi ko makuha kung ano ang pinuputak niya. "Are you hiding?" Napapikit ako at ikinuyom ang kamao ko nang marinig ang boses ni Ben. Dahan-dahan akong lumingon sa kaniya. Kasama niya na naman ang mga kaklase namin. "I'm not hiding," I lied. Inayos ko a
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-10-01
Baca selengkapnya

Chapter 162

Pinagmasdan ko si Kai na tahimik na nakaupo sa couch. Kanina pa kami nakauwi. Nasa mga gamit niya ang kaniyang atensiyon. Sinabihan ko siya na maligo upang makapag-ayos sa sarili niya, pero hindi siya nakikinig. Napasinghap ako nang mapansin ang pagpatak ng kaniyang luha na mabilis niya namang pinunasan. Nilabas niya ang mga gamit niya. "Kai, mamaya mo na 'yan gawin. Mag-ayos ka muna," sabi ko, pero hindi niya ako pinapakinggan. "Kailangan kong matapos 'to. Wala akong ipapasa kinabukasan," saad niya sabay punas ng mukha niya. Humakbang ako papalapit sa kaniya at inagaw ang mga gamit niya. "Mag-ayos ka muna. Hindi mo 'yan matatapos kung ganiyan ang itsura mo. Magiging marumi ang kinalalabasan kung ipagpapatuloy mo." "Huwag mo akong pakialaman, Theo. Kailangan kong -" "I know, Kai. Hindi ako nangingialam sa 'yo. Concern ako sa 'yo - sa pag-aaral mo. Pakinggan mo naman ako, Kai, kahit ngayon lang." Sinabunutan ko ang buhok ko. Naiirita ako sa sarili ko. Hindi sana siya mabubuyo ni
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-10-01
Baca selengkapnya

Chapter 163

Kaisha's POV Namamaga ang mga mata ko nang magising ako. Hindi ko man lang namalayang nakatulog pala ako habang umiiyak. Naghilamos ako ng mukha at tiningnan ang sarili ko sa salamin. Paano ako haharap ngayon kay Theo? Baka isipin niyang umiyak ako kasi sinabi niyang hindi niya ako gusto. Ikinuyom ko ang aking kamao nang maalala na naman ang ginawa ni Rain kanina. Patapos na ako sa plate na 'yon, pero sinira niya lang. Tumingin ako sa relos ko. Napamura ako nang makita ang oras. Madaling araw na at mahihirapan akong tapusin ang plate na 'yon. Hindi ko rin alam kung paano ipapaliwanag sa professor ko ang nangyari kasi takot ang nangingibabaw sa akin. Baka makatanggap lang ako ng masasamang salita dahil sa katangahan ko. Nagpasya akong lumabas muna ng silid upang kunin ang mga gamit kong naiwan sa sala. Pagkalabas ko, nakita ko si Theo na mahimbing nang natutulog sa couch. Nasa sahig ang phone niya kaya pinulot ko 'yon. Namilog ang mga mata ko nang makita ang tapos ng plate na iniy
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-10-02
Baca selengkapnya

Chapter 164

Patapos na ang klase sa panghuling subject ko sa umaga nang mahagip ng mga mata ko si Theo na nakatayo sa gilid ng pinto, sumisilip, at kumakaway sa akin. Pinanlakihan ko siya ng mga mata at pilit na nginitian ang mga kaklase kong nang-aasar sa akin. Tinatanong ako ng mga kaklase ko kung nililigawan daw ba ako ni Theo. Gusto kong matawa sa tanong nila kasi binibigyan nila ng ibang kahulugan ang treatment namin ni Theo sa isa't isa. Napag-usapan din namin ang nangyari kahapon. Nakita pala ako ng mga kaklase kong foreigners, pero hindi sila naglakas-loob na tulongan ako nang makitang si Rain Gazelles ang kaaway ko. Ngayon ko lang napagtanto, na kinakatakutan pala si Rain dito ng ibang mga estudyante kasi isa ang kaniyang mga magulang na tumutulong sa mga mahihirap na estudyante. At hindi ko makapaniwalang, isa ako sa mga scholars ng pamilya ni Rain. Mas lalo lang akong nakaramdam ng takot sa posibleng gagawin niya kapag makikita niya na naman kaming dalawa ni Theo na magkasama. Baka
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-10-02
Baca selengkapnya

Chapter 165

Halos hindi ko malunok ang kinakain ko kasi nawalan na ako ng ganang kumain. Nasa malapad na table kami kasama ang mga kaibigan ni Rain. Hindi ako kumportable na makasama silang kumain. Sinulyapan ko si Theo, pati siya pinaglalaruan niya lang ang pagkain niya. Nakadikit na naman si Rain na parang linta. Sinubokan siyang suboan ni Rain, pero hindi siya pumayag. Pinagtitinginan na rin kami ng ibang mga estudyante kasi ang ingay-ingay nilang kumain. Ang lakas-lakas nilang tumawa, na para bang sila lang ang nasa loob ng cafeteria. Nang maubos ko na ang pagkain ko, niligpit ko na ang mga gamit ko upang makaalis na at makapunta sa lugar na tahimik. Inaantok kasi ako at gusto kong magpahinga bago magsimula ang klase ko sa next subject. "Aalis ka na?" Tinaasan ako ng kilay ni Rain. Tumingin siya sa mga gamit ko. "Pupunta muna ako ng library. Doon muna ako tatambay para magkaroon naman kayo ng oras ni Theo." Tumingin ako kay Theo. Nakakunot ang noo niyang tumingin sa akin. "I'm full," saad
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-10-02
Baca selengkapnya

Chapter 166

"Ayos ka lang ba, Kai? Mukhang matamlay ka. Sigurado ka bang maayos na ang pakiramdam mo?" nag-aalalang tanong ni Tristan at hinawakan ang noo ko. "Wala ka namang lagnat," dagdag niya bago ipinagpatuloy ang paglilinis ng kitchen. "Huwag mo na akong alalahanin, Tristan. Kulang lang ako sa tulog," pagdadahilan ko. Ang totoo, kanina pa ako nakatunganga habang iniisip ang mga sinabi ni Theo kanina bago ko siya iniwan sa labas ng CR. Hindi ko na alam kung ano ang takbo ng isip niya kung bakit niya 'yon nasabi. Bakit naman siya magseselos sa tuwing may kasama o kausap akong ibang lalaki? Sa kaniya na mismo nanggaling na hindi niya ako gusto. Ginulo ko ang buhok ko at napahilamos ng mukha gamit ang mga kamay ko. Mas mabuti siguro kung kakalimutan ko na lang ang mga sinabi niya. Imbes mag-overthink, focus na lang ako sa trabaho ko. Kailangan kong makabawi kasi dalawang araw akong lumiban sa trabaho. Ayokong magkaroon ng bad record at mag-isip ng masama ang ibang mga empleyado sa resto la
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-10-03
Baca selengkapnya

Chapter 167

Nakahiga na ako sa kama ko, pero hindi ko maipikit ang mga mata ko. Nanatili lang akong nakatitig sa kisame habang inaalala ang bawat salitang binitawan ni Theo sa loob ng kotse niya. Pinagtagpi-tagpi ko ang mga nangyayari sa maikling panahon. Ako palagi ang inuuna niya. Palagi niyang iniisip ang kapakanan ko lalung-lalo na pagdating sa pag-aaral ko. Ang bilis-bilis ng panahon. Noong una, sinusungitan niya lang ako. Ngayon, inamin niyang may gusto siya sa akin. Ang hirap-hirap paniwalaan kasi para sa akin, lahat ng mga ipinapakita at ipinaparamdam niya para lang 'yon sa pagkakaibigan naming dalawa. Hindi ko alam na may ibang kahulugan na pala 'yon. He's falling for me and I don't know if I can reciprocate his feeling towards me. Masyado pang maaga at sobrang bata pa namin. Wala akong ibang goal sa buhay kundi ang makapagtapos sa pag-aaral upang magkaroon ako ng magandang kinabukasan, at masuklian ang mga taong tumulong sa akin. Hindi ko hiniling na mahalin niya ako, pero bakit gano
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-10-03
Baca selengkapnya

Chapter 168

Parang mga karayom ang mga salita ni Kaisha na tumutusok sa puso ko. Hindi ako makapagsalita kasi biglang nanuyo ang lalamunan ko. Wala akong ibang nagawa kundi titigan ang maamo niyang mukha. "Hindi kita gusto, Theo. Sorry. Kung ano man ang nangyari o nagpag-usapan natin ngayon, sana hindi maapektuhan ang pagkakaibigan natin." Suminghap siya at ibinalik sa TV ang atensiyon. Gusto kong tingnan niya ako sa mga mata, pero kahit isang salita ay nahihirapan akong bigkasin. "Let's be friends. Mas mabuti siguro kung hanggang doon lang. Alam mo naman kung gaano kahalaga sa akin ang scholarship na 'to, 'di ba?" Sinulyapan niya ako. "Gusto ko pang makapagtapos ng pag-aaral. At kapag nalaman ni Rain ang tungkol sa nararamdaman mo para sa akin, baka alisan ako ng mga magulang niya ng scholarship." "Kaisha..." namamaos kong sambit. "Look at me," pagmamakaawa ko, pero hindi niya ako pinakinggan. Nakatitig lang siya sa TV. "I don't like you, Theo. Sana tanggapin mo ang gusto kong mangyari. Kung
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-10-03
Baca selengkapnya

Chapter 169

Hindi ko maalis ang paningin ko kay Kaisha na mahimbing na natutulog sa tabi ko. Ni hindi man lang ako nakaramdam ng antok. Ayokong matulog kasi baka panaginip lang ang lahat. Nagkunwari akong natutulog nang mapansing ang pagdilat ng mga mata niya. Palihim ako napangiti nang halikan niya ang noo ko, pisngi, at ang labi ko. Nagdilat ako ng mata nang marinig ang pagbukas ng pinto. Nakita kong lumabas si Kaisha habang kumakanta. Bumangon ako at tiningnan ang sarili ko sa malaking salamin. Sinampal ko ang sarii ko kasi baka panaginip lang ang lahat. Napahawak ako sa labi ko habang iniisip ang mga sinabi ni Kaisha. Kung hindi ako umiyak, baka hindi pa rin siya umamin hanggang ngayon. Pagkalabas ko ng silid niya, agad ko siyang hinanap. Dumiretso ako sa kusina nang hindi ko siya nakita sa sala. Abot tainga ang ngiti ko nang makita siyang nagluluto ng breakfast namin. Mas lalong sasarap ang niluluto niya kasi kumakanta siya. "Good morning," nakangiting bati ko at naglakad papalapit sa ka
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-10-04
Baca selengkapnya

Chapter 170

"Kumusta ang pag-aaral mo, hijo?" tanong ni Tita Rhian. Nasa isang fastfood restaurant kami ngayon. Gusto raw nila akong makausap ng maayos kaya lumabas muna kami saglit. "Ayos lang naman po," tamad kong sagot. Hindi maalis sa isipan ko si Kai kasi iniwan ko siya sa school clinic. Kasama niya si Rain at baka may gagawin na naman siyang masama. "Naikwento pala ni Rain sa amin ang tungkol sa kaibigan mo." Nag-angat ako ng tingin. Biglang sumeryoso ang mukha ng mag-asawa. Sumandal ako sa upoan. "May kinalaman po ba kay Kaisha ang pag-uusapan natin ngayon?" "Mukhang napapadalas na yata ang pagsama ninyong dalawa ni Kaisha kesa sa anak namin, TJ." Uminom ng tubig si Tita Rhian, habang ang asawa niya naman ay nakatitig lang sa akin. "Mas kumportable lang po talaga akong kasama si Kai kesa sa anak ninyo, Tita." "Bakit? Anong meron kay Kai na wala sa anak namin?" tanong ni Tito Archie. Tumayo ako. "Mawalang-galang na po. Kung wala tayong ibang pag-uusapan, babalik na po ako sa school
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-10-04
Baca selengkapnya
Sebelumnya
1
...
1516171819
...
40
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status