Theodore Jasper (TJ) "Tumatapang" Del Fuego 🫶
Patapos na ang klase sa panghuling subject ko sa umaga nang mahagip ng mga mata ko si Theo na nakatayo sa gilid ng pinto, sumisilip, at kumakaway sa akin. Pinanlakihan ko siya ng mga mata at pilit na nginitian ang mga kaklase kong nang-aasar sa akin. Tinatanong ako ng mga kaklase ko kung nililigawan daw ba ako ni Theo. Gusto kong matawa sa tanong nila kasi binibigyan nila ng ibang kahulugan ang treatment namin ni Theo sa isa't isa. Napag-usapan din namin ang nangyari kahapon. Nakita pala ako ng mga kaklase kong foreigners, pero hindi sila naglakas-loob na tulongan ako nang makitang si Rain Gazelles ang kaaway ko. Ngayon ko lang napagtanto, na kinakatakutan pala si Rain dito ng ibang mga estudyante kasi isa ang kaniyang mga magulang na tumutulong sa mga mahihirap na estudyante. At hindi ko makapaniwalang, isa ako sa mga scholars ng pamilya ni Rain. Mas lalo lang akong nakaramdam ng takot sa posibleng gagawin niya kapag makikita niya na naman kaming dalawa ni Theo na magkasama. Baka m
Halos hindi ko malunok ang kinakain ko kasi nawalan na ako ng ganang kumain. Nasa malapad na table kami kasama ang mga kaibigan ni Rain. Hindi ako kumportable na makasama silang kumain. Sinulyapan ko si Theo, pati siya pinaglalaruan niya lang ang pagkain niya. Nakadikit na naman si Rain na parang linta. Sinubokan siyang suboan ni Rain, pero hindi siya pumayag. Pinagtitinginan na rin kami ng ibang mga estudyante kasi ang ingay-ingay nilang kumain. Ang lakas-lakas nilang tumawa, na para bang sila lang ang nasa loob ng cafeteria. Nang maubos ko na ang pagkain ko, niligpit ko na ang mga gamit ko upang makaalis na at makapunta sa lugar na tahimik. Inaantok kasi ako at gusto kong magpahinga bago magsimula ang klase ko sa next subject. "Aalis ka na?" Tinaasan ako ng kilay ni Rain. Tumingin siya sa mga gamit ko. "Pupunta muna ako ng library. Doon muna ako tatambay para magkaroon naman kayo ng oras ni Theo." Tumingin ako kay Theo. Nakakunot ang noo niyang tumingin sa akin. "I'm full," saad
"Ayos ka lang ba, Kai? Mukhang matamlay ka. Sigurado ka bang maayos na ang pakiramdam mo?" nag-aalalang tanong ni Tristan at hinawakan ang noo ko. "Wala ka namang lagnat," dagdag niya bago ipinagpatuloy ang paglilinis ng kitchen. "Huwag mo na akong alalahanin, Tristan. Kulang lang ako sa tulog," pagdadahilan ko. Ang totoo, kanina pa ako nakatunganga habang iniisip ang mga sinabi ni Theo kanina bago ko siya iniwan sa labas ng CR. Hindi ko na alam kung ano ang takbo ng isip niya kung bakit niya 'yon nasabi. Bakit naman siya magseselos sa tuwing may kasama o kausap akong ibang lalaki? Sa kaniya na mismo nanggaling na hindi niya ako gusto. Ginulo ko ang buhok ko at napahilamos ng mukha gamit ang mga kamay ko. Mas mabuti siguro kung kakalimutan ko na lang ang mga sinabi niya. Imbes mag-overthink, focus na lang ako sa trabaho ko. Kailangan kong makabawi kasi dalawang araw akong lumiban sa trabaho. Ayokong magkaroon ng bad record at mag-isip ng masama ang ibang mga empleyado sa resto lalo
Nakahiga na ako sa kama ko, pero hindi ko maipikit ang mga mata ko. Nanatili lang akong nakatitig sa kisame habang inaalala ang bawat salitang binitawan ni Theo sa loob ng kotse niya. Pinagtagpi-tagpi ko ang mga nangyayari sa maikling panahon. Ako palagi ang inuuna niya. Palagi niyang iniisip ang kapakanan ko lalung-lalo na pagdating sa pag-aaral ko. Ang bilis-bilis ng panahon. Noong una, sinusungitan niya lang ako. Ngayon, inamin niyang may gusto siya sa akin. Ang hirap-hirap paniwalaan kasi para sa akin, lahat ng mga ipinapakita at ipinaparamdam niya para lang 'yon sa pagkakaibigan naming dalawa. Hindi ko alam na may ibang kahulugan na pala 'yon. He's falling for me and I don't know if I can reciprocate his feeling towards me. Masyado pang maaga at sobrang bata pa namin. Wala akong ibang goal sa buhay kundi ang makapagtapos sa pag-aaral upang magkaroon ako ng magandang kinabukasan, at masuklian ang mga taong tumulong sa akin. Hindi ko hiniling na mahalin niya ako, pero bakit gano
Parang mga karayom ang mga salita ni Kaisha na tumutusok sa puso ko. Hindi ako makapagsalita kasi biglang nanuyo ang lalamunan ko. Wala akong ibang nagawa kundi titigan ang maamo niyang mukha. "Hindi kita gusto, Theo. Sorry. Kung ano man ang nangyari o nagpag-usapan natin ngayon, sana hindi maapektuhan ang pagkakaibigan natin." Suminghap siya at ibinalik sa TV ang atensiyon. Gusto kong tingnan niya ako sa mga mata, pero kahit isang salita ay nahihirapan akong bigkasin. "Let's be friends. Mas mabuti siguro kung hanggang doon lang. Alam mo naman kung gaano kahalaga sa akin ang scholarship na 'to, 'di ba?" Sinulyapan niya ako. "Gusto ko pang makapagtapos ng pag-aaral. At kapag nalaman ni Rain ang tungkol sa nararamdaman mo para sa akin, baka alisan ako ng mga magulang niya ng scholarship." "Kaisha..." namamaos kong sambit. "Look at me," pagmamakaawa ko, pero hindi niya ako pinakinggan. Nakatitig lang siya sa TV. "I don't like you, Theo. Sana tanggapin mo ang gusto kong mangyari. Kung
Hindi ko maalis ang paningin ko kay Kaisha na mahimbing na natutulog sa tabi ko. Ni hindi man lang ako nakaramdam ng antok. Ayokong matulog kasi baka panaginip lang ang lahat. Nagkunwari akong natutulog nang mapansing ang pagdilat ng mga mata niya. Palihim ako napangiti nang halikan niya ang noo ko, pisngi, at ang labi ko. Nagdilat ako ng mata nang marinig ang pagbukas ng pinto. Nakita kong lumabas si Kaisha habang kumakanta. Bumangon ako at tiningnan ang sarili ko sa malaking salamin. Sinampal ko ang sarii ko kasi baka panaginip lang ang lahat. Napahawak ako sa labi ko habang iniisip ang mga sinabi ni Kaisha. Kung hindi ako umiyak, baka hindi pa rin siya umamin hanggang ngayon. Pagkalabas ko ng silid niya, agad ko siyang hinanap. Dumiretso ako sa kusina nang hindi ko siya nakita sa sala. Abot tainga ang ngiti ko nang makita siyang nagluluto ng breakfast namin. Mas lalong sasarap ang niluluto niya kasi kumakanta siya. "Good morning," nakangiting bati ko at naglakad papalapit sa ka
"Kumusta ang pag-aaral mo, hijo?" tanong ni Tita Rhian. Nasa isang fastfood restaurant kami ngayon. Gusto raw nila akong makausap ng maayos kaya lumabas muna kami saglit. "Ayos lang naman po," tamad kong sagot. Hindi maalis sa isipan ko si Kai kasi iniwan ko siya sa school clinic. Kasama niya si Rain at baka may gagawin na naman siyang masama. "Naikwento pala ni Rain sa amin ang tungkol sa kaibigan mo." Nag-angat ako ng tingin. Biglang sumeryoso ang mukha ng mag-asawa. Sumandal ako sa upoan. "May kinalaman po ba kay Kaisha ang pag-uusapan natin ngayon?" "Mukhang napapadalas na yata ang pagsama ninyong dalawa ni Kaisha kesa sa anak namin, TJ." Uminom ng tubig si Tita Rhian, habang ang asawa niya naman ay nakatitig lang sa akin. "Mas kumportable lang po talaga akong kasama si Kai kesa sa anak ninyo, Tita." "Bakit? Anong meron kay Kai na wala sa anak namin?" tanong ni Tito Archie. Tumayo ako. "Mawalang-galang na po. Kung wala tayong ibang pag-uusapan, babalik na po ako sa school
Napabangon ako kaagad nang makita ko si Rain sa harapan ko pagkagising ko. Nakatayo at nakakrus ang mga braso niya. Luminga-linga ako sa paligid, nasa clinic na naman ako. Hinanap ko si Theo, pero kahit anino niya ay hindi ko makita. Niyakap ko ang sarili ko at lumayo sa kaniya. "Anong gagawin mo sa akin?" nanginginig ang boses ko. Pinigilan ko ang sarili kong maiyak nang maalala ang ginawa nila ng mga kaibigan niya sa akin. "Sige. Sumigaw ka. Ilaglag mo ako, Kai." Pinanlakihan niya ako ng mata at humakbang papalapit sa akin. Umilag ako nang sinubokan niya akong hawakan. "Lumayo ka sa akin! Tama na, Rain!" sigaw ko. "Sumigaw ka pa at sabihin mo sa kanila ang totoo. Sisiguraduhin kong ibabalik kita ng Pilipinas. Sasabihin ko sa mga magulang ko na alisan ka ng scholarship. Sisiguraduhin kong magbabagsak ka sa lahat ng subjects mo!" pagbabanta niya. "Rain, ano ba ang kasalanan ko sa 'yo? Bakit mo ako ginaganito?" "Kung hindi ka lang sana nakilala ni TJ, tahimik sana ang buhay mo ng