"Ayos ka lang ba, Kai? Mukhang matamlay ka. Sigurado ka bang maayos na ang pakiramdam mo?" nag-aalalang tanong ni Tristan at hinawakan ang noo ko. "Wala ka namang lagnat," dagdag niya bago ipinagpatuloy ang paglilinis ng kitchen. "Huwag mo na akong alalahanin, Tristan. Kulang lang ako sa tulog," pagdadahilan ko. Ang totoo, kanina pa ako nakatunganga habang iniisip ang mga sinabi ni Theo kanina bago ko siya iniwan sa labas ng CR. Hindi ko na alam kung ano ang takbo ng isip niya kung bakit niya 'yon nasabi. Bakit naman siya magseselos sa tuwing may kasama o kausap akong ibang lalaki? Sa kaniya na mismo nanggaling na hindi niya ako gusto. Ginulo ko ang buhok ko at napahilamos ng mukha gamit ang mga kamay ko. Mas mabuti siguro kung kakalimutan ko na lang ang mga sinabi niya. Imbes mag-overthink, focus na lang ako sa trabaho ko. Kailangan kong makabawi kasi dalawang araw akong lumiban sa trabaho. Ayokong magkaroon ng bad record at mag-isip ng masama ang ibang mga empleyado sa resto lalo
Nakahiga na ako sa kama ko, pero hindi ko maipikit ang mga mata ko. Nanatili lang akong nakatitig sa kisame habang inaalala ang bawat salitang binitawan ni Theo sa loob ng kotse niya. Pinagtagpi-tagpi ko ang mga nangyayari sa maikling panahon. Ako palagi ang inuuna niya. Palagi niyang iniisip ang kapakanan ko lalung-lalo na pagdating sa pag-aaral ko. Ang bilis-bilis ng panahon. Noong una, sinusungitan niya lang ako. Ngayon, inamin niyang may gusto siya sa akin. Ang hirap-hirap paniwalaan kasi para sa akin, lahat ng mga ipinapakita at ipinaparamdam niya para lang 'yon sa pagkakaibigan naming dalawa. Hindi ko alam na may ibang kahulugan na pala 'yon. He's falling for me and I don't know if I can reciprocate his feeling towards me. Masyado pang maaga at sobrang bata pa namin. Wala akong ibang goal sa buhay kundi ang makapagtapos sa pag-aaral upang magkaroon ako ng magandang kinabukasan, at masuklian ang mga taong tumulong sa akin. Hindi ko hiniling na mahalin niya ako, pero bakit gano
Parang mga karayom ang mga salita ni Kaisha na tumutusok sa puso ko. Hindi ako makapagsalita kasi biglang nanuyo ang lalamunan ko. Wala akong ibang nagawa kundi titigan ang maamo niyang mukha. "Hindi kita gusto, Theo. Sorry. Kung ano man ang nangyari o nagpag-usapan natin ngayon, sana hindi maapektuhan ang pagkakaibigan natin." Suminghap siya at ibinalik sa TV ang atensiyon. Gusto kong tingnan niya ako sa mga mata, pero kahit isang salita ay nahihirapan akong bigkasin. "Let's be friends. Mas mabuti siguro kung hanggang doon lang. Alam mo naman kung gaano kahalaga sa akin ang scholarship na 'to, 'di ba?" Sinulyapan niya ako. "Gusto ko pang makapagtapos ng pag-aaral. At kapag nalaman ni Rain ang tungkol sa nararamdaman mo para sa akin, baka alisan ako ng mga magulang niya ng scholarship." "Kaisha..." namamaos kong sambit. "Look at me," pagmamakaawa ko, pero hindi niya ako pinakinggan. Nakatitig lang siya sa TV. "I don't like you, Theo. Sana tanggapin mo ang gusto kong mangyari. Kung
Hindi ko maalis ang paningin ko kay Kaisha na mahimbing na natutulog sa tabi ko. Ni hindi man lang ako nakaramdam ng antok. Ayokong matulog kasi baka panaginip lang ang lahat. Nagkunwari akong natutulog nang mapansing ang pagdilat ng mga mata niya. Palihim ako napangiti nang halikan niya ang noo ko, pisngi, at ang labi ko. Nagdilat ako ng mata nang marinig ang pagbukas ng pinto. Nakita kong lumabas si Kaisha habang kumakanta. Bumangon ako at tiningnan ang sarili ko sa malaking salamin. Sinampal ko ang sarii ko kasi baka panaginip lang ang lahat. Napahawak ako sa labi ko habang iniisip ang mga sinabi ni Kaisha. Kung hindi ako umiyak, baka hindi pa rin siya umamin hanggang ngayon. Pagkalabas ko ng silid niya, agad ko siyang hinanap. Dumiretso ako sa kusina nang hindi ko siya nakita sa sala. Abot tainga ang ngiti ko nang makita siyang nagluluto ng breakfast namin. Mas lalong sasarap ang niluluto niya kasi kumakanta siya. "Good morning," nakangiting bati ko at naglakad papalapit sa ka
"Kumusta ang pag-aaral mo, hijo?" tanong ni Tita Rhian. Nasa isang fastfood restaurant kami ngayon. Gusto raw nila akong makausap ng maayos kaya lumabas muna kami saglit. "Ayos lang naman po," tamad kong sagot. Hindi maalis sa isipan ko si Kai kasi iniwan ko siya sa school clinic. Kasama niya si Rain at baka may gagawin na naman siyang masama. "Naikwento pala ni Rain sa amin ang tungkol sa kaibigan mo." Nag-angat ako ng tingin. Biglang sumeryoso ang mukha ng mag-asawa. Sumandal ako sa upoan. "May kinalaman po ba kay Kaisha ang pag-uusapan natin ngayon?" "Mukhang napapadalas na yata ang pagsama ninyong dalawa ni Kaisha kesa sa anak namin, TJ." Uminom ng tubig si Tita Rhian, habang ang asawa niya naman ay nakatitig lang sa akin. "Mas kumportable lang po talaga akong kasama si Kai kesa sa anak ninyo, Tita." "Bakit? Anong meron kay Kai na wala sa anak namin?" tanong ni Tito Archie. Tumayo ako. "Mawalang-galang na po. Kung wala tayong ibang pag-uusapan, babalik na po ako sa school
Napabangon ako kaagad nang makita ko si Rain sa harapan ko pagkagising ko. Nakatayo at nakakrus ang mga braso niya. Luminga-linga ako sa paligid, nasa clinic na naman ako. Hinanap ko si Theo, pero kahit anino niya ay hindi ko makita. Niyakap ko ang sarili ko at lumayo sa kaniya. "Anong gagawin mo sa akin?" nanginginig ang boses ko. Pinigilan ko ang sarili kong maiyak nang maalala ang ginawa nila ng mga kaibigan niya sa akin. "Sige. Sumigaw ka. Ilaglag mo ako, Kai." Pinanlakihan niya ako ng mata at humakbang papalapit sa akin. Umilag ako nang sinubokan niya akong hawakan. "Lumayo ka sa akin! Tama na, Rain!" sigaw ko. "Sumigaw ka pa at sabihin mo sa kanila ang totoo. Sisiguraduhin kong ibabalik kita ng Pilipinas. Sasabihin ko sa mga magulang ko na alisan ka ng scholarship. Sisiguraduhin kong magbabagsak ka sa lahat ng subjects mo!" pagbabanta niya. "Rain, ano ba ang kasalanan ko sa 'yo? Bakit mo ako ginaganito?" "Kung hindi ka lang sana nakilala ni TJ, tahimik sana ang buhay mo ng
Pinagmasdan ko si Theo na mahimbing na natutulog sa tabi ko. Ako ang binabantayan niya, pero siya ang nakatulog sa aming dalawa. Hinayaan ko na lang din siya kasi ilang araw na rin kaming kinulang sa tulog. Hindi nawala sa isipan ko ang pangalang binigkas niya roon sa school clinic. Isinandal ko ang ulo ko sa headboard ng kama. Umahon ako nang makita ang maliit na box sa ibabaw ng study table niya. Sinulyapan ko muna si Theo bago kinuha ang box at binuksan. Nakita ko sa loob ang kwintas na palagi niyang sinusuot. Ngayon ko lang napansin na hindi niya na pala ito sinusuot nang aksidente ko itong naputol. Pinag-aralan ko ng maigi ang kwintas. May kalumaan na ito, pero pinapahalagahan niya pa rin. Napasinghap ako nang maalala kung paano siya magalit sa tuwing nasisira ang kwintas niya. "Anong ginagawa mo?" Napaigtad ako nang marinig ang boses niya. Nakaupo na siya sa kama nang hinarap ko siya. Palihim kong inilagay sa table ang kwintas. Tumagilid ang ulo niya. "May hinahanap ka? I'l
Tinanghali ako ng gising dahil madaling araw na akong nakauwi kanina. Nagtatrabaho ako sa isang convenience store bilang cashier. Nagsaing ako ng kanin at nagluto ng hotdog. Binuksan ko ang aking mini refrigerator at kumuha ng karneng manok na nakasilid sa isang plastic. Magluluto ako ng adobong manok para kay Nanay dahil bibisitahin ko siya mamaya bago ako pumunta sa trabaho. Ito ang paborito niyang ulam kaya sisiguradohin kong magugustohan niya ito. Napatalon ako nang may marinig akong sunod-sunod na katok sa pintuan ng aking kwarto. “Sandali lang!” sigaw ko habang tinatanggal ang suot kong apron. Pagbukas ko ng pinto ay nakita ko si Aling Maria na nakabusangot ang mukha habang ito’y nakapamewang. Siya ang may ari ng bahay o kwartong inuupahan dito. Kasama niya ang tatlong lalaking karpintero na nagtatrabaho sa kaniya. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. “Magandang tanghali po,” bati ko ngunit nilampasan niya lang ako. Pumasok siya sa loob ng kwarto at tiningnan ang akin