Semua Bab The Billionaire's Substitute Bride: Bab 171 - Bab 180

392 Bab

Chapter 171

Napabangon ako kaagad nang makita ko si Rain sa harapan ko pagkagising ko. Nakatayo at nakakrus ang mga braso niya. Luminga-linga ako sa paligid, nasa clinic na naman ako. Hinanap ko si Theo, pero kahit anino niya ay hindi ko makita. Niyakap ko ang sarili ko at lumayo sa kaniya. "Anong gagawin mo sa akin?" nanginginig ang boses ko. Pinigilan ko ang sarili kong maiyak nang maalala ang ginawa nila ng mga kaibigan niya sa akin. "Sige. Sumigaw ka. Ilaglag mo ako, Kai." Pinanlakihan niya ako ng mata at humakbang papalapit sa akin. Umilag ako nang sinubokan niya akong hawakan. "Lumayo ka sa akin! Tama na, Rain!" sigaw ko. "Sumigaw ka pa at sabihin mo sa kanila ang totoo. Sisiguraduhin kong ibabalik kita ng Pilipinas. Sasabihin ko sa mga magulang ko na alisan ka ng scholarship. Sisiguraduhin kong magbabagsak ka sa lahat ng subjects mo!" pagbabanta niya. "Rain, ano ba ang kasalanan ko sa 'yo? Bakit mo ako ginaganito?" "Kung hindi ka lang sana nakilala ni TJ, tahimik sana ang buhay mo ng
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-10-04
Baca selengkapnya

Chapter 172

Pinagmasdan ko si Theo na mahimbing na natutulog sa tabi ko. Ako ang binabantayan niya, pero siya ang nakatulog sa aming dalawa. Hinayaan ko na lang din siya kasi ilang araw na rin kaming kinulang sa tulog. Hindi nawala sa isipan ko ang pangalang binigkas niya roon sa school clinic. Isinandal ko ang ulo ko sa headboard ng kama. Umahon ako nang makita ang maliit na box sa ibabaw ng study table niya. Sinulyapan ko muna si Theo bago kinuha ang box at binuksan. Nakita ko sa loob ang kwintas na palagi niyang sinusuot. Ngayon ko lang napansin na hindi niya na pala ito sinusuot nang aksidente ko itong naputol. Pinag-aralan ko ng maigi ang kwintas. May kalumaan na ito, pero pinapahalagahan niya pa rin. Napasinghap ako nang maalala kung paano siya magalit sa tuwing nasisira ang kwintas niya. "Anong ginagawa mo?" Napaigtad ako nang marinig ang boses niya. Nakaupo na siya sa kama nang hinarap ko siya. Palihim kong inilagay sa table ang kwintas. Tumagilid ang ulo niya. "May hinahanap ka? I'l
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-10-05
Baca selengkapnya

Chapter 173

Theodore Jasper's POV Halos paliparin ko na ang kotse ko sa pagmamaneho habang tinatahak ang daan patungo sa bahay nila Rain. Expelled na si Ben, habang si Rain ay hindi magawang i-expell ng school kasi hindi raw sapat ang mga sinasabi ko na may kasalanan din siya sa nangyari kay Kaisha. Hindi nakuhanan sa CCTV ang nangyari noong araw na 'yon kasi nag-malfunction. Ako ang nagmukhang masama pagkatapos kong magsumbong at kausapin ang mga school heads. Hindi nila papakinggan ang aking mga hinaing hangga't wala akong naiipakitang ebidensya na magkasabwat ang grupo ni Ben at Rain. Pagkarating ko sa labas ng bahay nila, sinalubong ako ni Rain ng yakap, ngunit mabilis ko siyang naitulak papalayo sa akin kaya muntikan na siyang matumba. Nagdidilim ang paningin ko nang maalala ang ginawa nila kay Kaisha. "Theo, may problema ba?" Sinulyapan niya ang mga katulong nila na nakakita sa ginawa ko. "Maghanda kayo ng pagkain. Dito siya kakain ng lunch." "Sa tingin mo ba mas magugustuhan kita dahil
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-10-05
Baca selengkapnya

Chapter 174

Kaisha's POV Tiningnan ko ang sarili ko sa malaking salamin na nasa banyo ko. Napapikit ako nang maalala na naman ang ginawa ni Ben sa akin. Masaya ako nang mabalitaang expelled na siya at ang ibang mga kasama niya, ngunit ang grupo nila Rain ay mananatili pa rin sa universidad. Napag-alaman ko na isa sa mga dahilan kung bakit nagawa 'yon ni Ben sa akin ay dahil sa matinding selos at pagkaadik sa druga. Simula nang dumating siya sa US, naimpluwensyahan siya ng mga kaibigan niyang gumamit ng ipinagbabawal na gamot. Inamin niya rin sa mga school heads na labis ang pagseselos na nararamdaman niya nang malamang pangalawa lang siya sa overall results kung sino ang pinakamatalino. Gusto niya akong mawala kaya nakalimutan niya rin daw na may nararamdaman siya para sa akin. Hindi ko rin naman aakalain na ako ang nangunguna sa department namin. Pero ang babaw ng rason niya kaya niya 'yon nagawa sa akin. At isa pa, hindi niya inamin na magkasabwat sila ni Rain. Napasinghap ako at pilit na ki
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-10-06
Baca selengkapnya

Chapter 175

Theodore Jasper's POV Kanina ko pa napapansin ang pagiging tahimik ni Kaisha simula nang dumating si Mommy. Nagsasalita lang siya kung tinatanong siya ni Mommy tungkol sa pag-aaral niya. Napag-usapan din namin ang tungkol sa trabaho niya. Hindi alam ni Mommy na roon ko sa restaurant namin pinapasok ng trabaho si Kaisha kasi mas convenient sa school at condo. Gustung-gusto ko ng sabihin kay Mommy na si Kaisha ang gusto ko, pero pinangungunahan ako ng takot. Nasabi ko na sa kaniya ang tungkol sa ginawa ni Rain, pero pati siya parang hindi rin naniniwala sa akin. Baka na-brain wash ng mga magulang ni Rain bago pa ako nakapagsumbong sa kaniya. "Hindi ka ba nagugutom, Kai?" tanong ni Mommy nag mapansin ang pagiging tahimik niya. Hindi niya rin ginagalaw ang pagkain niya. Nag-angat ng tingin si Kaisha. "Nagugutom naman po. Medyo -" Naputol ang sasabihin ni Kaisha nang lagyan ni Mommy ng ulam ang plato niya. "Kumain ka ng maayos, Kaisha. Baka sabihin ng mga magulang mo napapabayaan na k
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-10-06
Baca selengkapnya

Chapter 176

Gusto ni Mommy na sa bahay muna namin titira si Kaisha habang inaayos pa ang problema sa school. Next week pa siya papasok at gusto ni Mommy na makasama ang anak ng kaibigan niya. Ngunit hindi ako pinayagan ni Mommy na umuwi sa bahay namin dito sa US kasi may pasok daw ako. Hindi na lang ako nakipagtalo kasi ayokong makahalata siya kaagad na ayaw kong mapalayo kay Kaisha. Kahit labag sa loob ko ang hindi makasama at makita si Kaisha ng isang linggo, pumayag na lang ako. Gusto ko rin sana siyang tulongan sa miniature niya, pero mukhang malabong makakatulong ako sa kaniya. Tinulungan ko si Kaisha na mag-impaki ng mga gamit niya habang si Mommy naman ay may kausap sa phone niya. Next week din ay bibisita ang pamilya ko rito. Excited na akong makita ang mga kapatid ko. Ipinagsiklop ko ang mga kamay namin ni Kaisha. Gulat na gulat siya sa ginagawa ko. Mabilis ko ring binitawan ang kamay niya nang mapansin ang pagpasok ni Mommy sa silid niya. "Ako na ang magdadala nito," sabi ko at kinuh
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-10-07
Baca selengkapnya

Chapter 177

Katatapos lang namin mag-usap ni Rain. I had no choice but to forgive her and give her another chance na makabawi at magbago kahit na alam kong hindi siya sincere sa mga binitawan niyang salita sa akin. Nasa harapan namin sina Tita Anabelle at Theo, ayoko rin palakihin ang gulong 'to. Marunong akong magpatawad, pero hindi ako madaling makalimot lalo na't nakaka-trauma ang ginawa nila sa akin. Buong araw na magkasama sina Rain at Theo, nag-uusap kasi 'yon ang gusto ni Tita Anabelle. Mas pinili ko na lang ang manatili sa loob ng guest room kesa makisali sa kanila. Ipagpapatuloy ko na lang ang paggawa ng miniature upang hindi ako mainip. Sa mga sumunod na araw, hindi ko na nakitang pumunta si Theo sa bahay nila. Naninibago ako kahit tatlong araw pa lang kaming hindi nagkita. Hindi rin siya nag-text o tumawag sa akin kung bakit hindi na siya ulit bumisita. Kinuha ko ang phone ko sa ibabaw ng kama upang tawagan siya. Baka naging busy lang siya kaya hindi niya ako dinalaw. Tatawagan ko
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-10-07
Baca selengkapnya

Chapter 178

Parang malalaglag ang panga ko pagdating namin sa rooftop nang makita ang maliit na table sa gitna na napapalibutan ng iba't ibang ilaw na kumikinang sa buong paligid. Nilibot ko ang aking paningin sa paligid, hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. This is our first date, pero parang pinagplanuhan niya ng maigi. Ipinagsiklop ni Theo ang aming mga kamay habang naglalakad patungo sa maliit na table na nasa gitna. Siniguro niya talagang mababagay ang suot ko sa first date namin. Gandang-ganda na naman ako sa sarili ko kasi niyaya niya akong makipag-date sa araw kung kailan kami naging opisyal. "Kailan mo 'to plinano?" tanong ko nang makaupo na ako. Hindi ko maalis ang paningin ko sa paligid. May pa romantic song pa siyang nalalaman. "One week ago. Yayayain sana kitang makipag-date kaso biglang dumating si Mommy. Actually, hindi ko rin naman aakalaing sasagutin mo kaagad ako." "First time kong maranasan ang ganito," nahihiyang sabi ko. "First time ko rin gumawa ng effort sa b
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-10-08
Baca selengkapnya

Chapter 179

Sinunggaban kaagad ni Theo ako ng halik nang makapasok na kami sa loob ng condo. Nawawala na rin ako sa sarili ko dahil sa kakaibang sensasyon na ibinibigay niya. Wala akong ibang nasa isip kundi ang sulitin ang gabing 'to kasi pakiramdam ko parang mawawala na naman ulit siya. Naramdaman ko na lang na nakahiga na pala ako sa kama habang patuloy na hinahalikan ni Theo. Pagdilat ko ng mata, napansin kong nasa silid niya pala kami. Nakapatay ang ilaw at tanging lampshade lang ang nagsisilbing ilaw namin kaya kitang-kita ko ang mukha ni Theo. Napalunok ako nang biglang bumaba ang halik niya sa leeg ko. Napahawak ako ng mahigpit sa batok niya. Nararamdaman ko rin ang malikot niyang mga kamay sa dibdib at hita ko. Napapikit ako nang biglang sumagi sa isipan ko ang ginawa ni Ben. Umiling-iling ako at pilit na inaalis ang bangungot na 'yon, pero mas lalo lang lumala ang sitwasyon. Naririnig ko sa isipan ang mga sinasabi ni Ben. Paulit-ulit akong napamura sa isipan ko. Si Theo ang kasama ko
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-10-08
Baca selengkapnya

Chapter 180

Isinulat ko ang gown na binili ni Theo para sa akin na susuotin ko para sa gaganaping acquaintance party kinabukasan. Tiningnan ko ang sarili ko sa malaking salamin habang ini-enjoy ang moment. Infairness, magaling siyang pumili at kuhang-kuha niya ang insaktong sukat ng katawan ko. Hindi rin siya nagkamaling pumili ng size ng paa ko. Habang iniisip kung paano niya binili ang lahat ng mga gamit ko, hindi ko maitago ang kilig na nararamdaman ko. Napatingin ako sa phone ko nang mapansing may tumatawag. Nakita ko sa screen ang pangalan ni Theo kaya kaagad kong sinagot ang tawag. "Where are you? May game ako ngayon. Hindi ka ba manunuod?" Napatakip ako ng bibig at nagmamadaling mahubad ang suot kong gown. "I'll be there, Theo. I'll watch you. I'm on way na patungo sa school." Kinuha ko ang bag ko at angbanmer na ginawa ko kagabi para kay Theo tsaka mabilis na lumabas ng condo. "I'll wait for you. Patapos na ang game, pero hindi ka pa rin dumarating." "Papunta na po. Huwag ka ng m
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-10-08
Baca selengkapnya
Sebelumnya
1
...
1617181920
...
40
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status