All Chapters of The Billionaire's Substitute Bride: Chapter 181 - Chapter 190

392 Chapters

Chapter 181

"I'll talk to her," saad ni Theo at inagaw ang phone ko. Tinapik niya ang balikat ko. "I'll handle this. Don't worry." Nauna akong pumasok sa loob ng kotse niya kasi kinakausap niya pa ang Mommy niya. Pinagpapawisan na ako sa sobrang kaba. Gusto kong marinig ang pinag-uusapan nila. Hindi ako mapakali. Napatingin kaagad ako kay Theo nang pumasok siya sa loob ng kotse. Bumagsak ang balikat niya. Mas lalo akong nakaramdam ng pangangamba. "Let's meet my family after the acquaintance party, Kaisha. They'll accept you. Trust me. Huwag kang masyadong mag-isip ng kahit ano." Hinalikan niya ang noo ko. Napabuntong-hininga ako at napasandal sa upuan ng kaniyang kotse. "Are you sure?" Tumango siya at kinurot ang pisngi ko. "Yes, Kaisha. Ipapakilala rin kita sa mga kapatid ko. They'll like you!" Gumaan ang loob ko sa mga sinabi ni Theo, pero hindi pa rin maalis sa isipan ko kung ano ang napag-usapan nila. Namumutla si Theo nang pumasok siya sa kotse. May tiwala ako sa kaniya, pero ayokong m
last updateLast Updated : 2024-10-08
Read more

Chapter 182

Theodore Jasper's POV Niyaya ko si Kaisha na sumayaw upang makaalis sa table namin kasi pinagtitinginan na rin kami ng ibang mga estudyante. Ayokong dumating sa punto na masaktan si Rain physically lalo na't nauubos niya na ang pasensiya ko. Nakapag-usap at nakapagpatawaran na silang dalawa ni Kaisha last week, pero parang wala lang sa kaniya ang nangyari. Ang bait-bait niya kapag nasa harapan niya si Mommy, pero ang sama-sama ng ugali niya kapag nakatalikod. Hindi ko ugaling pumatol sa babae, pero baka hindi ako makapagtimpi at masaktan ko siya dahil sa mga pinanggagawa niya kay Kaisha. "Inaantok ka na ba?" tanong ko kay Kai nang isubsob niya ang mukha niya sa leeg ko. "Magwo-work kaya ang relasyon natin?" Nag-angat siya ng tingin. Pumungay ang mga mata niya. "Bakit mo naitanong, Kai?" "I'm just wondering kung hanggang kailan ang relasyon natin. Magtatagal kaya 'to? Tayo pa rin ba after five years?" "I'm sure about you, Kaisha. Ang random ng tanong mo. Kinakabahan ako bigl
last updateLast Updated : 2024-10-09
Read more

Chapter 183

Awa ang nararamdaman ko matapos ikwento ni Kaisha ang mga naalala niya noon nang iwan siya ng totoo niyang pamilya. Hindi niya totoong mga magulang ang nagpalaki sa kaniya kasi itinakwil daw siya ng sarili niyang mga kapatid at ina. Gusto kong iparanas sa kaniya ang totoong pagmamahal na hindi niya naranasan sa kaniyang totooy pamilya. Kaya nakapagpasya ako na ipakilala na siya sa pamilya ko. Wala akong pakialam kung ano ang magiging consequences ng gagawin kong desisyon. Ang nasa isip ko ngayon, hinding-hindi ko siya iiwan. Kung hindi siya matanggap ng pamilya ko, gagawin ko ang lahat para matanggap siya. Ipaglalaban ko si Kaisha. Sana ganoondin siya sa akin - she's willing to fight para sa relasyon namin. Today is our first monthsary, I want to surprise her, pero tinawagan ako ni Mommy na ngayon daw sila darating kasama ang mga kapatid ko. Hindi niya alam na ngayong araw ko siya ipapakilala sa kanila. Wala na kaming dapat itago pa kasi sigurado akong may alam na silang lahat tungk
last updateLast Updated : 2024-10-10
Read more

Chapter 184

Pinagmasdan ko si Theo na masayang kumakanta habang tinatahak namin ang daan patungo sa bahay nila. Hindi ko maalis sa isipan ko ang mga nalaman ko ngayong araw. Nawalan ako ng lakas na kausapin siya at sabihin ang mga sinabi ni Ma'am Rhian kasi natatakot akong mahusgahan kahit hindi ko naman ginusto ang nangyari kay Ella. Hindi rin naman ako sigurado kung may katotohanan ba ang mga sinabi ni Ma'am Rhian o gawa-gawa niya lang 'yon upang layuan ko si Theo. "Ayos ka lang ba, Kai? Kanina ka pa tahimik?" tanong niya at tiningnan ako sa salamin. "Napapangitan ka na ba sa boses ko?" Mabilis akong umiling. "Kinakabahan lang ako," pagdadahilan ko. Hindi ko siya matingnan ng diretso. "Kumusta pala ang lakad mo? Nakuha mo ba lahat ng notes mo?" Tumango ako. "Pwede ba tayong mag-usap pagkatapos nating kausapin ang pamilya mo? Kung magiging maayos pa rin tayo pagkatapos ng araw na 'to." "Nag-uusap na tayo, Kaisha. Pwede naman ngayon bakit kailangan pa na mamaya?" "Mamaya na lang." Ngumiti a
last updateLast Updated : 2024-10-10
Read more

Chapter 185

Pinigilan ko ang sarili kong maiyak sa harapan ng pamilya ni Theo. Hindi ako makapaniwalang tanggap nila ang relasyon namin lalung-lalo na sa Mommy niya. Maaga akong naulila sa pamilya, pero hindi ko aakalaing sa kanila ko lang mararanasan ang pagkakaroon ng masayang pamilya. "I'm sorry, Kai, kasi noong una hindi kita matanggap para sa anak ko. Nadala lang siguro ako sa mga sinabi ni Rain. Napamahal na rin kasi ako sa batang 'yon. Mahal niya si Theo, pero ikaw naman ang mahal ng anak ko. Ayaw ko rin maging hadlang sa inyong dalawa," sabi ni Tita Anabelle habang pinagmamasdan niya si Theo na mahimbing na natutulog. "And to be honest, upon seeing him right now na maayos na siyang nakakatulog, mas lalo lang kitang nagustohan. Siguro, Theo found the right person kung saan siya makapagpahinga. Stress siya sa amin at sa pag-aaral niya. It's been years, ngayon ko lang siya narinig na humihilik habang natutulog. Hindi kasi siya nakakatulog ng maayos. Palaging nagigising ng madaling araw. Pal
last updateLast Updated : 2024-10-11
Read more

Chapter 186

Nanginginig ang katawan ko sa pinaghalong emosiyon na nararamdaman ko. Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas upang masabi lahat ng 'yon kay Ma'am Rhian. Ang tanging nasa isip ko ngayon ay ipaglaban ang relasyon namin. Mamaya ko na lang iisipin kung ano ang magiging epekto ng ginawa ko ngayong gabi. "Ano, TJ? Papayag kang makasama ang kapatid ng taong bumaboy kay Ella?" Pinagkrus ni Ma'am Rhian ang mga braso niya. Nanatili namang tahimik ang mga magulang ni Theo. "You doesn't know anything about Ella. Who told you about her?" matigas na sabi ni Theo. Namilog ang mga mata ni Ma'am Rhian at bumaling sa Mommy ni Theo. "I'm so sorry, TJ," namamaos na usal ni Tita Anabelle. Sinulyapan ko si Theo. Napapailing siya. Bumaba ang paningin ko sa kamay niya nang hilahin niya ako papalapit sa kaniya. Ipinagsiklop niya ang mga kamay namin. "I don't fucking care kung magkapatid silang dalawa. Her real family abandoned her when she was young. She doesn't know anything about them. Stop bri
last updateLast Updated : 2024-10-11
Read more

Chapter 187

Pinagmasdan ko si Theo na nilalagay sa maleta ang mga gamit namin. Hindi pa rin ako makapaniwala sa desisyon niya. We'll leave their condo kasi lilipat kami ng matutuluyan. "Seryoso ka ba talaga sa desisyon mo?" paulit-ulit kong tanong. Baka nagbibiro lang siya at babawiin niya ang sinabi niya sa mga magulang niya. "Kailan ba ako hindi nagseryoso, Kai? We'll living together. Itatanan na kita." "Nababaliw ka na ba? Ang bata-bata pa natin!" asik ko. Sinapo ko ang noo ko. Mali 'tong ginagawa namin. Mali ang talikuran ang sarili niyang pamilya nang dahil lang sa akin. "Bata? We're not kids anymore, Kaisha. Hindi naman kita gagalawin kahit -" "Huwag mo na ituloy 'yan!" Binato ko siya ng unan. Naalala ko na naman ang nangyari noong first date namin. "Tulongan mo na lang ako. Bukas na lang natin kukunin ang ibang mga gamit natin. Ang importante, makaalis tayo ngayong gabi. Baka magpunta sila rito." Napapailing na lang ako at sinunod ang sinabi niya. Kung makikipagtalo pa ako, wala rin
last updateLast Updated : 2024-10-12
Read more

Chapter 188

Naging maayos naman ang buhay namin nang lumipat kami ng condo. Sinusuportahan namin ang isa't isa lalung-lalo na sa pag-aaral. Tatlong buwan na rin ang nakalipas at hanggang ngayon wala pa rin akong balita sa pamilya niya. Napag-usapan din kasi namin na huwag ko raw munang i-mention ang pamilya niya. Sinunod ko na lang din ang sinabi niya kasi 'yon lang daw ang nagbibigay ng peace of mind niya. May bago na rin akong trabaho, katulad pa rin sa huli kong trabaho. Mas malaki nga lang ang sahod ko. Kahit papaano ay nalilibre ko naman si Theo gamit ang sahod ko. Nabibili ko rin ang mga pangangailangan ko sa school. Gusto kong magkaayos ang pamilya ni Theo. Ayokong masira ang pamilya niya dahil lang ako ang pinili niya. Pero hindi ko alam kung papaano ko sila pagbatiin. Masama pa rin ang loob niya sa mga magulang niya. Mga kapatid niya lang ang kinakausap niya. Pinapatay niya ang tawag kapag naririnig ang boses ng mga magulang niya sa kabilang linya. Malapit na ang araw ng pasko, pero h
last updateLast Updated : 2024-10-12
Read more

Chapter 189

Hindi ko maalis ang paningin ko sa dalawang singsing na ibinigay ni Theo sa akin habang hinihintay namin ang pagdating ng pamilya niya. Mabuti na lang at pumayag siya sa gagawin ko. Ilang araw ko rin siyang kinulit kasi ayokong paasahin ang pamilya niya. Napalingon ako kay Theo nang isinandal niya ang ulo niya sa balikat ko. Kinuha niya ang kamay ko at hinalikan. "Mahal na mahal kita. You're my fiancé. We'll stick together." Ngumiti ako. Abot tainga na naman ang ngiti ko kasi sinabihan niya na naman akong fiancé. Ang sarap pakinggan. Ako na yata ang pinakamasayang babae sa balat ng lupa. Siya ang una kong boyfriend tapos nag-propose kaagad sa akin kahit kabagu-bago pa lang ng relasyon namin. Dinaig niya pa yata ang magkarelasyon na matagal ng nagsasama. Kahit hindi pa naging kami, nakatira na kaming dalawa sa iisang bubong. "They're here, Theo," bulong ko nang makita ko ang pamilya niyang pumasok VIP room. Ipinagsiklop niya ang mga kamay namin. Malamig ang kamay niya kaya napaling
last updateLast Updated : 2024-10-13
Read more

Chapter 190

One year later... Para akong nakalutang sa ulap habang inaalala ang mga pinagdaanan namin ni Theo last year. Kahit papaano ay nairaos namin ang relasyon at pag-aaral namin. Halos hindi makapaniwala ang magulang niya nang malamang nag-propose si Theo sa akin. Mas lalo lang kaming naging matatag kasi nasa tabi namin ang pamilya niya. Nakasuporta ang mga magulang niya sa amin. Pinili naming ilihim sa publiko ang engagement upang maiwasan ang pangbabatikos ng ibang tao lalo na't pareho pa kaming nag-aaral. Pati mga kaibigan at kaklase namin ay walang alam. Ang alam lang nila ay magkarelasyon kaming dalawa. Nagpapasalamat ako kasi lumipat ng ibang paaralan si Rain. Balita ko isa sa ginawang rason niya kaya siya lumipat ay dahil hindi natuloy ang engagement nila. Nagkaroon ng alitan ang mga magulang nina Rain at Theo dahil lang sa pagtutol ng mga magulang ni Theo sa engagement. Napabuntong-hininga ako habang inaayos ang mga gamit ni Theo na dadalhin niya sa Pilipinas. Doon siya sa komp
last updateLast Updated : 2024-10-13
Read more
PREV
1
...
1718192021
...
40
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status