All Chapters of The Billionaire's Substitute Bride: Chapter 151 - Chapter 160

392 Chapters

Chapter 151

Theodore Jasper's POV Patapos na ang trabaho ni Kai, pero hindi pa rin umuuwi si Ben. Kanina ko pa siya nahuhuling nakatingin kay Kai at palihim noya itong kinukuhanan ng litrato. Nagkunwari akong nagbabasa ng libro nang mapansing tumayo siya at lumapit sa staff. Inayos ko ang mga gamit ko bago tumayo upang kumuha ng maiinom na tubig. "Hello, Miss. Can you please tell Kaisha that I'll be waiting for her? I'm her classmate. My name is Ben." Nagsalubong ang kilay ko nang marinig ang sinabi ni Ben. Hindi niya talaga titigilan si Kaisha kahit tinataboy na siya nito. Kaya nang matapos akong uminom ng tubig, niligpit ko ang mga gamit ko, at dumiretso sa employees room upang sunduin si Kaisha. Pagkapasok ko sa employees room, malakas na tilian ang sumalubong sa akin. Tiningnan ko ang staff na inutusan ni Ben. Yumuko lang ito at bumati sa akin. Si Kaisha naman ay mukhang nagulat sa paspasok ko. "Let's go, Kai," sabi ko at kinuha ang bag niya. "Kaisha, don't be late tomorrow," bilin ni E
last updateLast Updated : 2024-09-27
Read more

Chapter 152

"Aalis ka?" tanong ni Ella nang makita ko siya sa sala na nag-aayos sa mga gamit niya. Tumango ako at ibinalik ko sa kaniya ang phone niya. "Uuwi muna ako ng Pilipinas. Babalik ako kaagad," sagot ko. "Ngayon agad? Hindi ka papasok? Kailan ka uuwi?" sunud-sunod niyang tanong, nasa maleta ko ang paningin niya. "I don't know. May kailangan lang akong asikasuhin doon. Huwag mong kalimutan ang palagi kong sinasabi sa 'yo, Kai. Layuan mo si Ben. Umuwi ka kaagad pagkatapos ng trabaho mo. Lock mo rin ang pintuan." *** "Dapat tumawag ka muna sa amin bago ka nagpasyang umuwi, TJ," saad ni Mommy habang sinusundan ako patungo sa kwarto ko. Kararating ko lang ng Pilipinas at ayaw nilang sabihin sa akin kung saan kulungan dinala si Ramil. Gusto ko siyang makita. Hindi ako naniniwalang magagawa niya ang bagay na 'yon kay Ella. "Gusto mo bang magalit na naman ang Daddy mo sa 'yo? Anak, huwag kang padalus-dalos sa mga kinikilos mo. Alam naman naming nasa tamang edad ka na, pero -" "Pero ano, M
last updateLast Updated : 2024-09-27
Read more

Chapter 153

Abot langit ang sayang nararamdaman ko nang ipakita ni Noel ang ebidensyang na panghahalay ni Lester kay Ella at kung paano niya ito pagsaksakin hanggang sa naubosan ito ng paghinga. Galit ang nararamdaman ko pagkatapos kong panuorin ang video. "Naka-drugs siya ng gabing 'yon. Siya rin ang nag-utos na lagyan ng pangpatulog ang iinomin ninyong alak upang masolo si Ella. Binasted kasi siya ni Ella at hindi niya matanggap na ikaw pala ang mahal ni Ella," saad ni Noel. Nanginginig ang katawan niya. Kanina pa siya hindi mapakali kasi natatakot sa ginawa niyang pag-amin sa amin. "Isang buwan na akong hindi pinapatulog ng konsensiya ko, TJ. Halos gabi-gabi ko rin napapanaginipan si Ella, humihingi siya ng tulong sa akin. Para na akong mababaliw kaya nagpakalayu-layo ako. Tumigil din ako sa pag-aaral kasi hindi ako makapag-focus simula nang mamatay si Ella." "Wala kang kasalanan, Noel. Nagpapasalamat ako kami sa 'yo kasi naglakas-loob ka pa ring lumapit sa amin kahit alam mong delikado ang
last updateLast Updated : 2024-09-27
Read more

Chapter 154

Pinagmasdan ko si Lester sa kulungan, sinisigawan ang mga pulis kasi ayaw siyang palabasin. Galit na galit siya at halos suntokin niya ang kasama niya sa loob. Sinisipa niya ang bakal habang sumisigaw. "Palabasin ninyo ako rito!" paulit-ulit niyang sigaw, pero kahit ni isang pulis ay walang pumapansin sa kaniya. Dalawang linggo na siyang nakakulong. Nakalaya na rin si Ramil sa tulong ni Noel. Nasa pangangalaga ng mga pulis ang pamilya ni Noel at mananatiling confidential ang pagkatao niya hanggang sa matapos ang kaso. Mas pinili naming huwag ipaalam sa publiko ang tunay na pagkatao ng witness upang proteksiyon ang buhay niya at ang pamilya niya. Natatakot din kami na baka balikan siya ng pamilya ni Lester kung hindi namin itatago ang tunay niyang pagkatao. Ang mahalaga, malakas, at matibay ang ebidensyang hawak namin dahil nakapaloob sa video ang panghahalay na ginawa ni Lester bago niya pinatay si Ella. Umupo ako sa tabi ng puntod ni Ella pagkatapos kong ilagay ang bulaklak at sin
last updateLast Updated : 2024-09-28
Read more

Chapter 155

"Luto na ang pop-" Napahinto ako sa paglalakad nang makitang natutulog na si Kaisha sa couch. Inilagay ko sa ibabaw ng mesa ang popcorn at pinatay ang laptop ko. Pinunasan ko ang laway sa gilid ng labi niya. Sinubokan ko siyang buhatin upang ilipat sa kwarto niya, pero masyado siyang mabigat. Humugot ako ng malalim na hininga at muling sinubokan siyang buhatin. Napapikit ako pagkapasok ko sa loob ng silid niya. Para akong nagbubuhat ng isang sako ng bigas. Inayos ko ang nagusot niyang damit at nilagyan siya ng kumot. Papatayin ko na sana ang ilaw ng kwarto niya nang mahigip ng mga mata ko ang isang sketch na nasa ibabaw ng study table niya. Tiningnan ko ito at namilog ang mga mata ko nang makita ang mukha ko. Tiningnan ko pa ang ibang portrait. Nangunot ang noo ko nang nakita ang isang artwork niya na ako pa rin ang subject, pero ginawang cartoon at caricature ang mukha ko. Hindi ko mapigilan ang sarili kong mapangiti nang mapagtantong nakasuot ako ng engineering uniform sa artwork
last updateLast Updated : 2024-09-28
Read more

Chapter 156

"Anong nakita mo?" pang-aasar ni Kaisha pagkatapos naming kumain ng pananghalian. Panay ang reklamo niya na masakit daw ang balakang niya at kanina niya pa ako inaasar. Tumayo ako at hinugasan ang pinagkainan ko. Napansin ko ang pagsunod niya sa akin. "Wala akong nakita, Kai. Bakit ba pinagpipilitan mong -" Namilog ang mga mata ko nang bigla na naman siyang na-slide kaya nabitawan niya ang bitbit niyang baso at plato. "Be careful. You're so clumsy!" "Aray! Ang balakang ko!" usal niya. Tinulungan ko siyang makataya at inalalayang makaupo. Kinuha ko ang first aid kit nang makita ang maliit na sugat sa paa niya. "Dahan-dahan kasi sa mga kinikilos mo," reklamo ko habang ginagamot ang sugat niya. "Baka bali-bali na ang mga buto mo sa mga susunod na araw kasi hindi ka marunong mag-ingat." "Thanks," saad niya pagkatapos kong gamutin sa kaniyang sugat. Umupo ako sa tabi niya. Dali-dali kong kinuha ang phone ko sa ibabaw ng center table nang biglang may tumawag. Baka makita niya ang wall
last updateLast Updated : 2024-09-28
Read more

Chapter 157

Kaisha's POV Malayo pa lang ay naririnig ko na ang nakakairitang boses ni Rain na tumatawag sa akin pagkarating ko sa cafeteria. Papalapit sa akin ang grupo nila. Naghanap ako ng m bakanteng table pagkatapos kong bumili ng pagkain. "Kilala mo ba kung sino ang girlfriend ni TJ?" tanong ni Rain. Muntik ko ng mabitawan ang mga pagkain sa tanong niya. Umupo ako at inayos ang aking mga gamit habang pilit na pinipigilan sng sarili kong matawa. "Hindi. Bakit ako ang tinatanong mo, Rain? Pwede namang sa kaniya ka na lang dumiretso." Nag-angat ako ng tingin. Ngumuso ako nang mahagip ng mga mata ko si Theo na papasok sa cafeteria. "Nandiyan na pala siya. Itanong mo sa kaniya." Nagsisimula na akong kumain nang mapansing umupo si Theo sa harapan ko st tumabi naman si Rain sa kaniya. Pinanlakihan ko siya ng mata nang kainin niya ang burger ko. "Hey, TJ. Kailan ka pa nagkaroon ng girlfriend?" tanong ni Rain. Desperada na talaga siyang malaman kung sino ang babaeng narinig niya kahapon.
last updateLast Updated : 2024-09-29
Read more

Chapter 158

Nahihirapan akong lunokin ang pagkaing inorder ni Theo rito sa American Food Restaurant, hindi kalayuan sa unibersidad na pinapasukan namin, kasi panay ang pagtitig niya sa akin. "Kinikilig ka siguro sa panghaharana ni Ben sa 'yo kanina. May pa bulaklak pa, pero bakit mo ibinigay kay Elise?" pang-aasar ni Theo. "Kanina ka pa. Nakararami ka na. Kapag ako napikon sa 'yo, pasensiyahan na tayo," pagbabanta ko. Humigpit ang paghawak ko sa kubyertos. Kung hindi lang 'to anak ng mag-asawang tumutulong sa akin upang maitaguyod ang pag-aaral ko, baka kanina ko pa 'to sinaksak. Mauubos na ang oras namin dito sa resto, pero si Ben pa rin ang bukambibig niya. Kapag binabanggit ko naman ang pangalan ni Rain, ang bilis niyang mag-iba ng usapan. "Ano? Niyaya ka niyang maging date sa acquaintance party?" pngungulit niya. Nilagyan niya ng kanin ang plato ko. Sinamaan ko siya ng tingin, pero ngumisi lang siya at nag-peace sign. "Kumain ka ng marami. Ang payat-payat mo." "Alam mo, Theo, naiirita na
last updateLast Updated : 2024-09-30
Read more

Chapter 159

I found myself smiling as I watched him play basketball. I'd noticed he hadn't stopped smiling all this time. Even when he tripped, he just smiled. Apparently, it was tryouts today, which explained why he was playing. Hindi rin nagtagal ay natapos ko na siyang iguhit. Panay ang pagtingin ko sa kaniya kasi parang hindi ko nakuha ng perpekto ang mukha niya. Paniguradong pagtatawanan niya ako kapag nakita niya 'to. Napaka-bully niya pa namang tao. Ang hilig niyang mamintas kahit sa maliit na bagay o pagkakamali. Ibinalik ko sa bag ko ang sketch book nang makitang naglalakad papalapit si Theo sa akin. Kinuha ko ang malinis na tuwalya at ibinigay 'yon sa kaniya, ngunit hinila niya ang kamay ko kaya napasubsob ako sa dibdib niya. Infairness, hindi siya mabaho kahit tagaktak ang pawis niya sa katawan. Hindi rin malagkit. "Punasan mo ako. Napagod ako sa kalalaro," nakangising sabi niya at uminom ng tubig. "Hindi mo ako katulong, 'no. Punasan mo ang sarili mo!" asik ko at itinapon sa mukh
last updateLast Updated : 2024-09-30
Read more

Chapter 160

Nagpaalam si Theo na kakausapin ang manager ng resto. Siya na rin ang nagpaalam sa manager ko na hindi ako papasok ngayong araw kasi magpapatulong daw siya sa gagawing proyekto. Pero ang totoo, ako ang tutulongan niya. Hinanda ko ang mga materials na gagamitin namin habang hinihintay siyang makabalik. Nagluto na rin ako ng hapunan namin. Nakakahiya naman kong pati sa pagkain ay ililibre niya ako. Bayad ako ngayong gabi ng pang-isang buwanang sahod ko kahit ako ang tutulongan niya. Makalipas ang mahigit isang oras ay nakabalik na si Theo. Hindi pa rin siya nakapagbihis. Nakasuot pa rin siya ng jersey at mukhang natuyo na ang pawis niya. "Maliligo muna ako," paalam niya at dumiretso sa silid niya. Binuksan ko ang laptop ko at nanuod ng mga magagandang disenyo ng bahay para may ideya naman ako kung papaano ko sisimulan ang proyekto ko. Bumukas ang pinto sa kwarto ni Theo at nakita ko siyang lumabas. Pinupunasan niya ang ulo niya ng tuwalya. Umupo siya sa tabi ko at sinandal ang kani
last updateLast Updated : 2024-10-01
Read more
PREV
1
...
1415161718
...
40
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status