Nagpaalam si Theo na kakausapin ang manager ng resto. Siya na rin ang nagpaalam sa manager ko na hindi ako papasok ngayong araw kasi magpapatulong daw siya sa gagawing proyekto. Pero ang totoo, ako ang tutulongan niya. Hinanda ko ang mga materials na gagamitin namin habang hinihintay siyang makabalik. Nagluto na rin ako ng hapunan namin. Nakakahiya naman kong pati sa pagkain ay ililibre niya ako. Bayad ako ngayong gabi ng pang-isang buwanang sahod ko kahit ako ang tutulongan niya. Makalipas ang mahigit isang oras ay nakabalik na si Theo. Hindi pa rin siya nakapagbihis. Nakasuot pa rin siya ng jersey at mukhang natuyo na ang pawis niya. "Maliligo muna ako," paalam niya at dumiretso sa silid niya. Binuksan ko ang laptop ko at nanuod ng mga magagandang disenyo ng bahay para may ideya naman ako kung papaano ko sisimulan ang proyekto ko. Bumukas ang pinto sa kwarto ni Theo at nakita ko siyang lumabas. Pinupunasan niya ang ulo niya ng tuwalya. Umupo siya sa tabi ko at sinandal ang kani
Pilit ko kinalimutan ang nangyari kagabi. Hindi ko aakalain na gagawin 'yon ni Theo sa akin. Hindi niya ako pinatulog dahil hinalikan niya ako sa pisngi. Ang mga biro niya rin hindi ko pa rin ma-process ng maayos. "My future wife is here. And we're planning together what our dream house will look like..." Ginulo ko ang buhok ko. Nababaliw na yata ako. Hindi ko maalis sa isipan ko ang mga sinabi niya kagabi. Ginawa niya akong future wife. Trip niya talagang asarin ako. Dinadamay niya pa ang proyekto ko sa mga biro niya. Naputol ang pag-iisip ko nang mahagip ko si Theo na naglalalad sa hallway. Nagtago ako sa gilid ng hagdanan habang sinisilip siya. Para siyang may hinahanap. Sinabunutan niya ang buhok niya habang may sinasabi, pero hindi ko makuha kung ano ang pinuputak niya. "Are you hiding?" Napapikit ako at ikinuyom ang kamao ko nang marinig ang boses ni Ben. Dahan-dahan akong lumingon sa kaniya. Kasama niya na naman ang mga kaklase namin. "I'm not hiding," I lied. Inayos ko a
Pinagmasdan ko si Kai na tahimik na nakaupo sa couch. Kanina pa kami nakauwi. Nasa mga gamit niya ang kaniyang atensiyon. Sinabihan ko siya na maligo upang makapag-ayos sa sarili niya, pero hindi siya nakikinig. Napasinghap ako nang mapansin ang pagpatak ng kaniyang luha na mabilis niya namang pinunasan. Nilabas niya ang mga gamit niya. "Kai, mamaya mo na 'yan gawin. Mag-ayos ka muna," sabi ko, pero hindi niya ako pinapakinggan. "Kailangan kong matapos 'to. Wala akong ipapasa kinabukasan," saad niya sabay punas ng mukha niya. Humakbang ako papalapit sa kaniya at inagaw ang mga gamit niya. "Mag-ayos ka muna. Hindi mo 'yan matatapos kung ganiyan ang itsura mo. Magiging marumi ang kinalalabasan kung ipagpapatuloy mo." "Huwag mo akong pakialaman, Theo. Kailangan kong -" "I know, Kai. Hindi ako nangingialam sa 'yo. Concern ako sa 'yo - sa pag-aaral mo. Pakinggan mo naman ako, Kai, kahit ngayon lang." Sinabunutan ko ang buhok ko. Naiirita ako sa sarili ko. Hindi sana siya mabubuyo ni
Kaisha's POV Namamaga ang mga mata ko nang magising ako. Hindi ko man lang namalayang nakatulog pala ako habang umiiyak. Naghilamos ako ng mukha at tiningnan ang sarili ko sa salamin. Paano ako haharap ngayon kay Theo? Baka isipin niyang umiyak ako kasi sinabi niyang hindi niya ako gusto. Ikinuyom ko ang aking kamao nang maalala na naman ang ginawa ni Rain kanina. Patapos na ako sa plate na 'yon, pero sinira niya lang. Tumingin ako sa relos ko. Napamura ako nang makita ang oras. Madaling araw na at mahihirapan akong tapusin ang plate na 'yon. Hindi ko rin alam kung paano ipapaliwanag sa professor ko ang nangyari kasi takot ang nangingibabaw sa akin. Baka makatanggap lang ako ng masasamang salita dahil sa katangahan ko. Nagpasya akong lumabas muna ng silid upang kunin ang mga gamit kong naiwan sa sala. Pagkalabas ko, nakita ko si Theo na mahimbing nang natutulog sa couch. Nasa sahig ang phone niya kaya pinulot ko 'yon. Namilog ang mga mata ko nang makita ang tapos ng plate na iniy
Patapos na ang klase sa panghuling subject ko sa umaga nang mahagip ng mga mata ko si Theo na nakatayo sa gilid ng pinto, sumisilip, at kumakaway sa akin. Pinanlakihan ko siya ng mga mata at pilit na nginitian ang mga kaklase kong nang-aasar sa akin. Tinatanong ako ng mga kaklase ko kung nililigawan daw ba ako ni Theo. Gusto kong matawa sa tanong nila kasi binibigyan nila ng ibang kahulugan ang treatment namin ni Theo sa isa't isa. Napag-usapan din namin ang nangyari kahapon. Nakita pala ako ng mga kaklase kong foreigners, pero hindi sila naglakas-loob na tulongan ako nang makitang si Rain Gazelles ang kaaway ko. Ngayon ko lang napagtanto, na kinakatakutan pala si Rain dito ng ibang mga estudyante kasi isa ang kaniyang mga magulang na tumutulong sa mga mahihirap na estudyante. At hindi ko makapaniwalang, isa ako sa mga scholars ng pamilya ni Rain. Mas lalo lang akong nakaramdam ng takot sa posibleng gagawin niya kapag makikita niya na naman kaming dalawa ni Theo na magkasama. Baka
Halos hindi ko malunok ang kinakain ko kasi nawalan na ako ng ganang kumain. Nasa malapad na table kami kasama ang mga kaibigan ni Rain. Hindi ako kumportable na makasama silang kumain. Sinulyapan ko si Theo, pati siya pinaglalaruan niya lang ang pagkain niya. Nakadikit na naman si Rain na parang linta. Sinubokan siyang suboan ni Rain, pero hindi siya pumayag. Pinagtitinginan na rin kami ng ibang mga estudyante kasi ang ingay-ingay nilang kumain. Ang lakas-lakas nilang tumawa, na para bang sila lang ang nasa loob ng cafeteria. Nang maubos ko na ang pagkain ko, niligpit ko na ang mga gamit ko upang makaalis na at makapunta sa lugar na tahimik. Inaantok kasi ako at gusto kong magpahinga bago magsimula ang klase ko sa next subject. "Aalis ka na?" Tinaasan ako ng kilay ni Rain. Tumingin siya sa mga gamit ko. "Pupunta muna ako ng library. Doon muna ako tatambay para magkaroon naman kayo ng oras ni Theo." Tumingin ako kay Theo. Nakakunot ang noo niyang tumingin sa akin. "I'm full," saad
"Ayos ka lang ba, Kai? Mukhang matamlay ka. Sigurado ka bang maayos na ang pakiramdam mo?" nag-aalalang tanong ni Tristan at hinawakan ang noo ko. "Wala ka namang lagnat," dagdag niya bago ipinagpatuloy ang paglilinis ng kitchen. "Huwag mo na akong alalahanin, Tristan. Kulang lang ako sa tulog," pagdadahilan ko. Ang totoo, kanina pa ako nakatunganga habang iniisip ang mga sinabi ni Theo kanina bago ko siya iniwan sa labas ng CR. Hindi ko na alam kung ano ang takbo ng isip niya kung bakit niya 'yon nasabi. Bakit naman siya magseselos sa tuwing may kasama o kausap akong ibang lalaki? Sa kaniya na mismo nanggaling na hindi niya ako gusto. Ginulo ko ang buhok ko at napahilamos ng mukha gamit ang mga kamay ko. Mas mabuti siguro kung kakalimutan ko na lang ang mga sinabi niya. Imbes mag-overthink, focus na lang ako sa trabaho ko. Kailangan kong makabawi kasi dalawang araw akong lumiban sa trabaho. Ayokong magkaroon ng bad record at mag-isip ng masama ang ibang mga empleyado sa resto la
Nakahiga na ako sa kama ko, pero hindi ko maipikit ang mga mata ko. Nanatili lang akong nakatitig sa kisame habang inaalala ang bawat salitang binitawan ni Theo sa loob ng kotse niya. Pinagtagpi-tagpi ko ang mga nangyayari sa maikling panahon. Ako palagi ang inuuna niya. Palagi niyang iniisip ang kapakanan ko lalung-lalo na pagdating sa pag-aaral ko. Ang bilis-bilis ng panahon. Noong una, sinusungitan niya lang ako. Ngayon, inamin niyang may gusto siya sa akin. Ang hirap-hirap paniwalaan kasi para sa akin, lahat ng mga ipinapakita at ipinaparamdam niya para lang 'yon sa pagkakaibigan naming dalawa. Hindi ko alam na may ibang kahulugan na pala 'yon. He's falling for me and I don't know if I can reciprocate his feeling towards me. Masyado pang maaga at sobrang bata pa namin. Wala akong ibang goal sa buhay kundi ang makapagtapos sa pag-aaral upang magkaroon ako ng magandang kinabukasan, at masuklian ang mga taong tumulong sa akin. Hindi ko hiniling na mahalin niya ako, pero bakit gano
January 11, 2024 TBSB is now signing off na po. Yes po, tinuldukan ko na ang book na ito. Hanggang Book 3 lang siya kasi nakapagpasya na ako na gawing separate books ang Book 4 at Book 5. Baka next week ay masimulan ko na siya at mai-apply. Maraming salamat sa pagsama sa akin nang mahigit pitong buwan. Wala akong balak tapusin ng ganito kaaga ang librong ito kasi nagbabalak pa akong magsulat ng kwento sa mga apo ng Del Fuego, pero lahat ng 'yon ay naglaho sa isipan ko simula noong October 2024. Sa mga taong nagtiwala at patuloy na sumuporta sa akin, maraming salamat po. Sa mga taong nakilala ko rito, ikinagagalak ko po kayong makilala. Isa sa mga dahilan kaya maaga kong tinapos ang TBSB ay dahil magiging abala na ako next month o after ng LET 2025. I'm a student po. A 4th year student taking up a Bachelor of Secondary Education Major in Mathematics. Magiging abala na po ako sa mock board review kaya baka mawala ako pansamantala sa GoodNovel. Simula po bukas, ipagpapatu
Brielle’s POV Maingat na pinarada ni Mark ang kotse sa labas ng gate ng aming bahay. Pinagbuksan niya ako ng pintuan at siniil kaagad ang labi ko ng halik. Nangunot ang aking noo nang kagatin niya ang labi ko. Itinulak ko siya palayo sa akin. Nang tingnan ko siya, namumula ang mga mata niya. “May problema ka ba sa akin?” Tinaasan ko siya ng kilay at pinagkrus ang aking mga braso. Ngumisi siya, dahilan kaya uminit ang ulo ko. “It’s our wedding anniversary, pero hindi mo man lang maalala.” Napakagat-labi ako at nag-iwas ng tingin sa kaniya. Biglang nanuyo ang aking lalamunan. Sa sobrang busy ko sa ospital ay hindi ko na namalayan kung anong petsa na ngayon. Humakbang ako palapit sa kaniya, mukhang nagtatampo siya sa akin kasi nakalimutan ko ang wedding anniversary namin. “Sorry na. Nakalimutan ko. Alam mo namang marami akong iniisip na problema, ‘di ba?” Niyakap ko siya, pero hinawi niya ang kamay ko. “Sa lahat ng pwedeng makalilimutan, wedding anniversary pa talaga
Brielle’s POV “Baby, come here,” sabi ni Mark akin nang pumasok siya sa aming kwarto. “Hey, ilabas mo lang lahat ng hinanakit mo,” bulong niya at niyakap ako ng mahigpit. “Just cry and cry hanggang sa mawala ang sakit…” “I missed him already,” mahinang sabi ko at kumalas sa yakap niya. Pinunasan ko ang aking mukha gamit ang palad ko at hinawakan ang picture frame ni Daddy. “Can’t believe it that you’re gone, Dad…” Umupo ako sa kama. Napansin ko agad ang pagtabi niya sa akin. Hinawakan niya ang ulo ko at pinasandal sa balikat niya. “Thank you for killing that bastard.” Tiningnan ko si Mark, bakas sa mukha niya ang pagkagulat. “Thank you for saving me, Mark. Kung pareho kaming nawala ni Daddy, baka mas lalong hindi kakayanin ni Mommy at ng mga kapatid ko.” “Hindi mo kailangang magpasalamat. Asawa kita. Obligasyon kita. Responsibilidad ko ang protektahan ka.” Hinaplos niya ang aking mahabang itim na buhok. Bumuntong-hininga ako. Isang taon na ang nakalipas mula nang nawala si D
Mark’s POV Basang-basa ako ng tubig-ilog, halos hindi na makahinga sa pagod at takot. Nakayakap ako kay Brielle, ang katawan niya ay walang buhay na nakasandal sa akin. Ang puso ko ay tila tumigil sa pagtibok. Hindi ko alam kung paano ko siya nailabas sa malamig na tubig, ang tanging nasa isip ko lang ay mailigtas siya. “Brielle,” bulong ko sa kanyang tainga, ang boses ko ay halos hindi marinig. “Brielle, please.” Pinagmasdan ko ang kanyang mukha, ang kanyang mga labi ay namumutla, at ang kanyang mga mata ay nakapikit. Naalala ko ang lahat ng mga nangyari. Ang pagkidnap sa kanya, ang paghabol ko kay Luigi, ang pag-iwas sa mga bala, at ang pagtalon ko sa ilog para lang mailigtas siya. Lahat ng iyon ay parang isang malabong panaginip. “Brielle…” Pinagpatuloy ko ang pag-alog sa kanya, umaasang kahit papaano ay magising siya. “Gising na, please. Kailangan kita. Huwag mo akong iiwan. Kailangan ka namin. Hinihintay ka ng mga anak natin.” Ginawa ko na ang lahat para masagip siya. Nags
Brielle’s POV Napabalikwas ako ng bangon at napahawak sa leeg ko. Nakahinga ako ng maluwag nang mapagtantong panaginip lang ang lahat. Walang kadenang nakatali sa mga kamay at paa ko. Wala ring sugat ang aking paa. Buhay pa ako. Pinasadahan ko ng tingin ang buong silid. Madilim ang paligid. Hinanap ko ang switch ng ilaw at binuksan ‘yon. Pagkabukas ko sa ilaw, mukha kaagad ni Luigi ang nakita ko. Napaatras ako pabalik sa kama nang makita ang hawak niyang baril. “We are leaving,” matigas niyang sabi at hinawakan ng mahigpit ang braso ko. “Pakawalan mo ako!” Pilit kong binawi ang aking braso sa kaniya. “Tama na! Nasasaktan ako!” Napamura ako nang bigla niya akong sampalin sa pisngi. “Sasama ka sa akin!” sigaw ni Luigi. “Hindi ako sasama sa ‘yo! Pakawalan mo na ako!” Itinutok niya ang baril sa akin. Namilog ang aking mga mata nang maaalala ang nangyari sa panaginip ko. Bigla na lang lumambot at nanginig sa takot ang aking tuhod. Hindi ako pwedeng mamatay dahil kailangan
Brielle’s POV “Let me go!” sigaw ko nang marahas akong hilahin ni Luigi papasok sa loob ng van. I can’t believe it. He kidnapped me. Bagay na hindi ko aakalaing magagawa niya sa akin. He raped me. Ilang gabi niya akong ginagamit. Diring-diri na ako sa sarili ko. “Luigi, I’m begging you. Pakawalan mo na ako,” pagmamakaawa ko. “Nakuha mo na ang gusto mo, ‘di ba? You raped me…” halos hindi ko na makilala ang boses ko nang bumagsak ang mga luha ko. “I won’t do that, Brielle. You’re mine.” Hinawakan niya ang pisngi ko. Hinalikan niya ang labi ko, pero kinagat ko ang labi niya. Tumawa siya at mahigpit na hinawakan ang aking braso. “Kaya pala baliw na baliw ang asawa mo sa ‘yo kasi ang sarap-sarap mo.” Marahas niyang hinalikan ang leeg ko. Ginamit ko ang natitirang lakas sa katawan ko upang pigilan siya sa gagawin niya. “Kill me, Luigi! Huwag mo na akong pahirapan pa!” sigaw ko sa kaniya. “Ano pa ba ang gusto mong gawin sa akin? You touched me multiple times. Please let me go. M
Mark’s POV Mag-iisang buwan na mula nang ma-kidnap si Brielle sa airport. Habang tumatagal ay mas lalo lang akong kinakabahan. Ilang araw na rin akong hindi makatulog at makakain ng maayos sa kaiisip kung saan siya dinala. Sa tuwing may nababalitaan akong may natagpuang katawan sa iba’t ibang lugar ang mga pulis, hindi ko mapigilan ang sarili kong magpunta sa lugar dahil baka si Brielle na ‘yon. Ang kalusugan ng triplets ay naaapektuhan na rin dahil ilang linggo nang nawawala si Brielle. Hinahanap na siya ng mga anak namin. Sa tuwing naririnig ko ang pag-iyak nila, parang hinihiwa ang puso ko. “Wala pa rin bang balita tungkol sa kapatid ko?” matigas na tanong ni TJ nang dumating ang mga pulis sa bahay nila. Nagpaalam ako kay Kaisha na aalis muna dahil may tatawagan lang ako. Dinial ko kaagad ang numero ng tauhan kong nagbabantay sa lahat ng mga kinikilos nina Lander, Jarren, at Karina. Sila lang ang mga taong gagawa ng ganito sa akin. Wala akong ibang taong pwedeng paghinalaan
Mark’s POV Tatlong araw na ang nakalipas at hanggang ngayon wala pa rin kaming balita kay Brielle. Wala kaming maiturong suspect dahil hindi namin makita ng maayos ang mukha ng taong kumuha kay Brielle sa CR. Napatingin ako sa pinto nang bigla itong bumukas at nakita kong pumasok sa loob ang aking biological mother. Nag-iwas ako ng tingin at itinuon ang aking atensiyon sa computer. “Hijo, pwede ba tayong mag-usap?” mahinang sabi niya. “Ano naman ang pag-uusapan natin?” Pinatay ko ang computer at humarap sa kaniya. “Para saan?” “Tungkol sa kompanya…” Ngumisi ako. “Hindi pa naman ako namumulubi kahit na nawala ang mga bagay na pinaghirapan ko. Hindi ako interesado sa kompanya ninyo.” Bumuntong-hininga siya at lunapit sa akin. “I need you, hijo…” Nangunot ang aking noo. “Mukhang nakalimutan mo yatang mas pinili mo ang isa pang anak sa labas ni Papa kesa sa akin. Gusto ninyong ibigay ang posisyon na ‘yon para sa akin, pero may kondisyon. Nang hindi ko sinunod ang kagustohan n
Mark’s POV Kanina ko pa tinatawagan si Brielle, pero hindi niya sinasagot ang mga tawag ko. Nandito ako ngayon sa airport, naghihintay sa kanila. Nauna akong bumalik sa Pilipinas dahil inasikaso ko ang mga ari-ariang ninakaw ng aking mga kapatid: hotels and resorts ay nakapangalan na sa kanila. Sa tulong ng aking magaling na lawyer, may posibilidad na mabawi ko ang mga ari-ariang nawala sa akin. Sa ngayon, dahan-dahan ko munang babawiin ang mga bagay na pagmamay-ari ko. Hinding-hindi na ako magpapakaduwag at magpatalo sa takot. Kumaway ako nang makita ko sina TJ at Kaisha, hindi nila kaagad ako napansin kaya tinawagan ko si Kaisha. Kasama nila ang triplets. Mabilis silang tumakbo patungo sa kinaroroonan ko. “Nasaan si Brielle?” tanong ko at nilapitan ang mga bata. “Kanina pa namin siya hinahanap. Nagpaalam siya kanina sa amin na pupunta muna raw siya sa banyo, pero hanggang ngayon aay hindi pa nakabalik,” sagot ni Kaisha. Bigla akong nakaramdam ng kaba. Dalawang buwan ng