"Anong nakita mo?" pang-aasar ni Kaisha pagkatapos naming kumain ng pananghalian. Panay ang reklamo niya na masakit daw ang balakang niya at kanina niya pa ako inaasar. Tumayo ako at hinugasan ang pinagkainan ko. Napansin ko ang pagsunod niya sa akin. "Wala akong nakita, Kai. Bakit ba pinagpipilitan mong -" Namilog ang mga mata ko nang bigla na naman siyang na-slide kaya nabitawan niya ang bitbit niyang baso at plato. "Be careful. You're so clumsy!" "Aray! Ang balakang ko!" usal niya. Tinulungan ko siyang makataya at inalalayang makaupo. Kinuha ko ang first aid kit nang makita ang maliit na sugat sa paa niya. "Dahan-dahan kasi sa mga kinikilos mo," reklamo ko habang ginagamot ang sugat niya. "Baka bali-bali na ang mga buto mo sa mga susunod na araw kasi hindi ka marunong mag-ingat." "Thanks," saad niya pagkatapos kong gamutin sa kaniyang sugat. Umupo ako sa tabi niya. Dali-dali kong kinuha ang phone ko sa ibabaw ng center table nang biglang may tumawag. Baka makita niya ang wall
Kaisha's POV Malayo pa lang ay naririnig ko na ang nakakairitang boses ni Rain na tumatawag sa akin pagkarating ko sa cafeteria. Papalapit sa akin ang grupo nila. Naghanap ako ng m bakanteng table pagkatapos kong bumili ng pagkain. "Kilala mo ba kung sino ang girlfriend ni TJ?" tanong ni Rain. Muntik ko ng mabitawan ang mga pagkain sa tanong niya. Umupo ako at inayos ang aking mga gamit habang pilit na pinipigilan sng sarili kong matawa. "Hindi. Bakit ako ang tinatanong mo, Rain? Pwede namang sa kaniya ka na lang dumiretso." Nag-angat ako ng tingin. Ngumuso ako nang mahagip ng mga mata ko si Theo na papasok sa cafeteria. "Nandiyan na pala siya. Itanong mo sa kaniya." Nagsisimula na akong kumain nang mapansing umupo si Theo sa harapan ko st tumabi naman si Rain sa kaniya. Pinanlakihan ko siya ng mata nang kainin niya ang burger ko. "Hey, TJ. Kailan ka pa nagkaroon ng girlfriend?" tanong ni Rain. Desperada na talaga siyang malaman kung sino ang babaeng narinig niya kahapon.
Nahihirapan akong lunokin ang pagkaing inorder ni Theo rito sa American Food Restaurant, hindi kalayuan sa unibersidad na pinapasukan namin, kasi panay ang pagtitig niya sa akin. "Kinikilig ka siguro sa panghaharana ni Ben sa 'yo kanina. May pa bulaklak pa, pero bakit mo ibinigay kay Elise?" pang-aasar ni Theo. "Kanina ka pa. Nakararami ka na. Kapag ako napikon sa 'yo, pasensiyahan na tayo," pagbabanta ko. Humigpit ang paghawak ko sa kubyertos. Kung hindi lang 'to anak ng mag-asawang tumutulong sa akin upang maitaguyod ang pag-aaral ko, baka kanina ko pa 'to sinaksak. Mauubos na ang oras namin dito sa resto, pero si Ben pa rin ang bukambibig niya. Kapag binabanggit ko naman ang pangalan ni Rain, ang bilis niyang mag-iba ng usapan. "Ano? Niyaya ka niyang maging date sa acquaintance party?" pngungulit niya. Nilagyan niya ng kanin ang plato ko. Sinamaan ko siya ng tingin, pero ngumisi lang siya at nag-peace sign. "Kumain ka ng marami. Ang payat-payat mo." "Alam mo, Theo, naiirita na
I found myself smiling as I watched him play basketball. I'd noticed he hadn't stopped smiling all this time. Even when he tripped, he just smiled. Apparently, it was tryouts today, which explained why he was playing. Hindi rin nagtagal ay natapos ko na siyang iguhit. Panay ang pagtingin ko sa kaniya kasi parang hindi ko nakuha ng perpekto ang mukha niya. Paniguradong pagtatawanan niya ako kapag nakita niya 'to. Napaka-bully niya pa namang tao. Ang hilig niyang mamintas kahit sa maliit na bagay o pagkakamali. Ibinalik ko sa bag ko ang sketch book nang makitang naglalakad papalapit si Theo sa akin. Kinuha ko ang malinis na tuwalya at ibinigay 'yon sa kaniya, ngunit hinila niya ang kamay ko kaya napasubsob ako sa dibdib niya. Infairness, hindi siya mabaho kahit tagaktak ang pawis niya sa katawan. Hindi rin malagkit. "Punasan mo ako. Napagod ako sa kalalaro," nakangising sabi niya at uminom ng tubig. "Hindi mo ako katulong, 'no. Punasan mo ang sarili mo!" asik ko at itinapon sa mukh
Nagpaalam si Theo na kakausapin ang manager ng resto. Siya na rin ang nagpaalam sa manager ko na hindi ako papasok ngayong araw kasi magpapatulong daw siya sa gagawing proyekto. Pero ang totoo, ako ang tutulongan niya. Hinanda ko ang mga materials na gagamitin namin habang hinihintay siyang makabalik. Nagluto na rin ako ng hapunan namin. Nakakahiya naman kong pati sa pagkain ay ililibre niya ako. Bayad ako ngayong gabi ng pang-isang buwanang sahod ko kahit ako ang tutulongan niya. Makalipas ang mahigit isang oras ay nakabalik na si Theo. Hindi pa rin siya nakapagbihis. Nakasuot pa rin siya ng jersey at mukhang natuyo na ang pawis niya. "Maliligo muna ako," paalam niya at dumiretso sa silid niya. Binuksan ko ang laptop ko at nanuod ng mga magagandang disenyo ng bahay para may ideya naman ako kung papaano ko sisimulan ang proyekto ko. Bumukas ang pinto sa kwarto ni Theo at nakita ko siyang lumabas. Pinupunasan niya ang ulo niya ng tuwalya. Umupo siya sa tabi ko at sinandal ang kani
Pilit ko kinalimutan ang nangyari kagabi. Hindi ko aakalain na gagawin 'yon ni Theo sa akin. Hindi niya ako pinatulog dahil hinalikan niya ako sa pisngi. Ang mga biro niya rin hindi ko pa rin ma-process ng maayos. "My future wife is here. And we're planning together what our dream house will look like..." Ginulo ko ang buhok ko. Nababaliw na yata ako. Hindi ko maalis sa isipan ko ang mga sinabi niya kagabi. Ginawa niya akong future wife. Trip niya talagang asarin ako. Dinadamay niya pa ang proyekto ko sa mga biro niya. Naputol ang pag-iisip ko nang mahagip ko si Theo na naglalalad sa hallway. Nagtago ako sa gilid ng hagdanan habang sinisilip siya. Para siyang may hinahanap. Sinabunutan niya ang buhok niya habang may sinasabi, pero hindi ko makuha kung ano ang pinuputak niya. "Are you hiding?" Napapikit ako at ikinuyom ang kamao ko nang marinig ang boses ni Ben. Dahan-dahan akong lumingon sa kaniya. Kasama niya na naman ang mga kaklase namin. "I'm not hiding," I lied. Inayos ko a
Pinagmasdan ko si Kai na tahimik na nakaupo sa couch. Kanina pa kami nakauwi. Nasa mga gamit niya ang kaniyang atensiyon. Sinabihan ko siya na maligo upang makapag-ayos sa sarili niya, pero hindi siya nakikinig. Napasinghap ako nang mapansin ang pagpatak ng kaniyang luha na mabilis niya namang pinunasan. Nilabas niya ang mga gamit niya. "Kai, mamaya mo na 'yan gawin. Mag-ayos ka muna," sabi ko, pero hindi niya ako pinapakinggan. "Kailangan kong matapos 'to. Wala akong ipapasa kinabukasan," saad niya sabay punas ng mukha niya. Humakbang ako papalapit sa kaniya at inagaw ang mga gamit niya. "Mag-ayos ka muna. Hindi mo 'yan matatapos kung ganiyan ang itsura mo. Magiging marumi ang kinalalabasan kung ipagpapatuloy mo." "Huwag mo akong pakialaman, Theo. Kailangan kong -" "I know, Kai. Hindi ako nangingialam sa 'yo. Concern ako sa 'yo - sa pag-aaral mo. Pakinggan mo naman ako, Kai, kahit ngayon lang." Sinabunutan ko ang buhok ko. Naiirita ako sa sarili ko. Hindi sana siya mabubuyo ni
Kaisha's POV Namamaga ang mga mata ko nang magising ako. Hindi ko man lang namalayang nakatulog pala ako habang umiiyak. Naghilamos ako ng mukha at tiningnan ang sarili ko sa salamin. Paano ako haharap ngayon kay Theo? Baka isipin niyang umiyak ako kasi sinabi niyang hindi niya ako gusto. Ikinuyom ko ang aking kamao nang maalala na naman ang ginawa ni Rain kanina. Patapos na ako sa plate na 'yon, pero sinira niya lang. Tumingin ako sa relos ko. Napamura ako nang makita ang oras. Madaling araw na at mahihirapan akong tapusin ang plate na 'yon. Hindi ko rin alam kung paano ipapaliwanag sa professor ko ang nangyari kasi takot ang nangingibabaw sa akin. Baka makatanggap lang ako ng masasamang salita dahil sa katangahan ko. Nagpasya akong lumabas muna ng silid upang kunin ang mga gamit kong naiwan sa sala. Pagkalabas ko, nakita ko si Theo na mahimbing nang natutulog sa couch. Nasa sahig ang phone niya kaya pinulot ko 'yon. Namilog ang mga mata ko nang makita ang tapos ng plate na iniyak