"Aalis ka?" tanong ni Ella nang makita ko siya sa sala na nag-aayos sa mga gamit niya. Tumango ako at ibinalik ko sa kaniya ang phone niya. "Uuwi muna ako ng Pilipinas. Babalik ako kaagad," sagot ko. "Ngayon agad? Hindi ka papasok? Kailan ka uuwi?" sunud-sunod niyang tanong, nasa maleta ko ang paningin niya. "I don't know. May kailangan lang akong asikasuhin doon. Huwag mong kalimutan ang palagi kong sinasabi sa 'yo, Kai. Layuan mo si Ben. Umuwi ka kaagad pagkatapos ng trabaho mo. Lock mo rin ang pintuan." *** "Dapat tumawag ka muna sa amin bago ka nagpasyang umuwi, TJ," saad ni Mommy habang sinusundan ako patungo sa kwarto ko. Kararating ko lang ng Pilipinas at ayaw nilang sabihin sa akin kung saan kulungan dinala si Ramil. Gusto ko siyang makita. Hindi ako naniniwalang magagawa niya ang bagay na 'yon kay Ella. "Gusto mo bang magalit na naman ang Daddy mo sa 'yo? Anak, huwag kang padalus-dalos sa mga kinikilos mo. Alam naman naming nasa tamang edad ka na, pero -" "Pero ano, M
Abot langit ang sayang nararamdaman ko nang ipakita ni Noel ang ebidensyang na panghahalay ni Lester kay Ella at kung paano niya ito pagsaksakin hanggang sa naubosan ito ng paghinga. Galit ang nararamdaman ko pagkatapos kong panuorin ang video. "Naka-drugs siya ng gabing 'yon. Siya rin ang nag-utos na lagyan ng pangpatulog ang iinomin ninyong alak upang masolo si Ella. Binasted kasi siya ni Ella at hindi niya matanggap na ikaw pala ang mahal ni Ella," saad ni Noel. Nanginginig ang katawan niya. Kanina pa siya hindi mapakali kasi natatakot sa ginawa niyang pag-amin sa amin. "Isang buwan na akong hindi pinapatulog ng konsensiya ko, TJ. Halos gabi-gabi ko rin napapanaginipan si Ella, humihingi siya ng tulong sa akin. Para na akong mababaliw kaya nagpakalayu-layo ako. Tumigil din ako sa pag-aaral kasi hindi ako makapag-focus simula nang mamatay si Ella." "Wala kang kasalanan, Noel. Nagpapasalamat ako kami sa 'yo kasi naglakas-loob ka pa ring lumapit sa amin kahit alam mong delikado ang
Pinagmasdan ko si Lester sa kulungan, sinisigawan ang mga pulis kasi ayaw siyang palabasin. Galit na galit siya at halos suntokin niya ang kasama niya sa loob. Sinisipa niya ang bakal habang sumisigaw. "Palabasin ninyo ako rito!" paulit-ulit niyang sigaw, pero kahit ni isang pulis ay walang pumapansin sa kaniya. Dalawang linggo na siyang nakakulong. Nakalaya na rin si Ramil sa tulong ni Noel. Nasa pangangalaga ng mga pulis ang pamilya ni Noel at mananatiling confidential ang pagkatao niya hanggang sa matapos ang kaso. Mas pinili naming huwag ipaalam sa publiko ang tunay na pagkatao ng witness upang proteksiyon ang buhay niya at ang pamilya niya. Natatakot din kami na baka balikan siya ng pamilya ni Lester kung hindi namin itatago ang tunay niyang pagkatao. Ang mahalaga, malakas, at matibay ang ebidensyang hawak namin dahil nakapaloob sa video ang panghahalay na ginawa ni Lester bago niya pinatay si Ella. Umupo ako sa tabi ng puntod ni Ella pagkatapos kong ilagay ang bulaklak at sin
"Luto na ang pop-" Napahinto ako sa paglalakad nang makitang natutulog na si Kaisha sa couch. Inilagay ko sa ibabaw ng mesa ang popcorn at pinatay ang laptop ko. Pinunasan ko ang laway sa gilid ng labi niya. Sinubokan ko siyang buhatin upang ilipat sa kwarto niya, pero masyado siyang mabigat. Humugot ako ng malalim na hininga at muling sinubokan siyang buhatin. Napapikit ako pagkapasok ko sa loob ng silid niya. Para akong nagbubuhat ng isang sako ng bigas. Inayos ko ang nagusot niyang damit at nilagyan siya ng kumot. Papatayin ko na sana ang ilaw ng kwarto niya nang mahigip ng mga mata ko ang isang sketch na nasa ibabaw ng study table niya. Tiningnan ko ito at namilog ang mga mata ko nang makita ang mukha ko. Tiningnan ko pa ang ibang portrait. Nangunot ang noo ko nang nakita ang isang artwork niya na ako pa rin ang subject, pero ginawang cartoon at caricature ang mukha ko. Hindi ko mapigilan ang sarili kong mapangiti nang mapagtantong nakasuot ako ng engineering uniform sa artwork
"Anong nakita mo?" pang-aasar ni Kaisha pagkatapos naming kumain ng pananghalian. Panay ang reklamo niya na masakit daw ang balakang niya at kanina niya pa ako inaasar. Tumayo ako at hinugasan ang pinagkainan ko. Napansin ko ang pagsunod niya sa akin. "Wala akong nakita, Kai. Bakit ba pinagpipilitan mong -" Namilog ang mga mata ko nang bigla na naman siyang na-slide kaya nabitawan niya ang bitbit niyang baso at plato. "Be careful. You're so clumsy!" "Aray! Ang balakang ko!" usal niya. Tinulungan ko siyang makataya at inalalayang makaupo. Kinuha ko ang first aid kit nang makita ang maliit na sugat sa paa niya. "Dahan-dahan kasi sa mga kinikilos mo," reklamo ko habang ginagamot ang sugat niya. "Baka bali-bali na ang mga buto mo sa mga susunod na araw kasi hindi ka marunong mag-ingat." "Thanks," saad niya pagkatapos kong gamutin sa kaniyang sugat. Umupo ako sa tabi niya. Dali-dali kong kinuha ang phone ko sa ibabaw ng center table nang biglang may tumawag. Baka makita niya ang wall
Kaisha's POV Malayo pa lang ay naririnig ko na ang nakakairitang boses ni Rain na tumatawag sa akin pagkarating ko sa cafeteria. Papalapit sa akin ang grupo nila. Naghanap ako ng m bakanteng table pagkatapos kong bumili ng pagkain. "Kilala mo ba kung sino ang girlfriend ni TJ?" tanong ni Rain. Muntik ko ng mabitawan ang mga pagkain sa tanong niya. Umupo ako at inayos ang aking mga gamit habang pilit na pinipigilan sng sarili kong matawa. "Hindi. Bakit ako ang tinatanong mo, Rain? Pwede namang sa kaniya ka na lang dumiretso." Nag-angat ako ng tingin. Ngumuso ako nang mahagip ng mga mata ko si Theo na papasok sa cafeteria. "Nandiyan na pala siya. Itanong mo sa kaniya." Nagsisimula na akong kumain nang mapansing umupo si Theo sa harapan ko st tumabi naman si Rain sa kaniya. Pinanlakihan ko siya ng mata nang kainin niya ang burger ko. "Hey, TJ. Kailan ka pa nagkaroon ng girlfriend?" tanong ni Rain. Desperada na talaga siyang malaman kung sino ang babaeng narinig niya kahapon.
Nahihirapan akong lunokin ang pagkaing inorder ni Theo rito sa American Food Restaurant, hindi kalayuan sa unibersidad na pinapasukan namin, kasi panay ang pagtitig niya sa akin. "Kinikilig ka siguro sa panghaharana ni Ben sa 'yo kanina. May pa bulaklak pa, pero bakit mo ibinigay kay Elise?" pang-aasar ni Theo. "Kanina ka pa. Nakararami ka na. Kapag ako napikon sa 'yo, pasensiyahan na tayo," pagbabanta ko. Humigpit ang paghawak ko sa kubyertos. Kung hindi lang 'to anak ng mag-asawang tumutulong sa akin upang maitaguyod ang pag-aaral ko, baka kanina ko pa 'to sinaksak. Mauubos na ang oras namin dito sa resto, pero si Ben pa rin ang bukambibig niya. Kapag binabanggit ko naman ang pangalan ni Rain, ang bilis niyang mag-iba ng usapan. "Ano? Niyaya ka niyang maging date sa acquaintance party?" pngungulit niya. Nilagyan niya ng kanin ang plato ko. Sinamaan ko siya ng tingin, pero ngumisi lang siya at nag-peace sign. "Kumain ka ng marami. Ang payat-payat mo." "Alam mo, Theo, naiirita na
I found myself smiling as I watched him play basketball. I'd noticed he hadn't stopped smiling all this time. Even when he tripped, he just smiled. Apparently, it was tryouts today, which explained why he was playing. Hindi rin nagtagal ay natapos ko na siyang iguhit. Panay ang pagtingin ko sa kaniya kasi parang hindi ko nakuha ng perpekto ang mukha niya. Paniguradong pagtatawanan niya ako kapag nakita niya 'to. Napaka-bully niya pa namang tao. Ang hilig niyang mamintas kahit sa maliit na bagay o pagkakamali. Ibinalik ko sa bag ko ang sketch book nang makitang naglalakad papalapit si Theo sa akin. Kinuha ko ang malinis na tuwalya at ibinigay 'yon sa kaniya, ngunit hinila niya ang kamay ko kaya napasubsob ako sa dibdib niya. Infairness, hindi siya mabaho kahit tagaktak ang pawis niya sa katawan. Hindi rin malagkit. "Punasan mo ako. Napagod ako sa kalalaro," nakangising sabi niya at uminom ng tubig. "Hindi mo ako katulong, 'no. Punasan mo ang sarili mo!" asik ko at itinapon sa mukh