“Anak, kinabahan ako. Paano kung tuluyan na akong mabulag?”“Mama naman. ‘Wag po kayong mag-isip ng ganiyan. Think positive lang dapat palagi,” pang-aalo ni Cielo sa ina. Bumukas naman ang pinto at iniluwa na ang doctor na nag-opera sa kaniyang ina at isang nurse. “Okay. Good morning po, ma’am. Kumusta po ang pakiramdam nin’yo? Excited na ho ba kayong tanggalin iyang benta sa mga mata mo?” Nakangiting bati ng doctor. “Good morning po, Doc. Ako po ‘y kinakabahan. Paano kung hindi na talaga ako makakita? Magpapa-opera ba ako ulit?” hindi mapigilang magtanong ng ina ni Cielo. “In that case, should we take another test, kung bakit? Pero parang wala naman ho kayong bilib sa akin niyan, eh,” kunwaring nagtatampo ang doctor. “Ay, hindi po. Paumanhin sa aking nasabi, hindi naman po sa gano'n,” hinging paumanhin ng ina ni Cielo. Natawa naman ito dahil nagbibiro lamang naman siya. “Mama, magaling po si Doctor Chavez. Sigurado makakakita ka na.” “Hmmn… Siya, sige. Shall we start?” Tumango
Magbasa pa