“Anak, kinabahan ako. Paano kung tuluyan na akong mabulag?”
“Mama naman. ‘Wag po kayong mag-isip ng ganiyan. Think positive lang dapat palagi,” pang-aalo ni Cielo sa ina. Bumukas naman ang pinto at iniluwa na ang doctor na nag-opera sa kaniyang ina at isang nurse. “Okay. Good morning po, ma’am. Kumusta po ang pakiramdam nin’yo? Excited na ho ba kayong tanggalin iyang benta sa mga mata mo?” Nakangiting bati ng doctor. “Good morning po, Doc. Ako po ‘y kinakabahan. Paano kung hindi na talaga ako makakita? Magpapa-opera ba ako ulit?” hindi mapigilang magtanong ng ina ni Cielo. “In that case, should we take another test, kung bakit? Pero parang wala naman ho kayong bilib sa akin niyan, eh,” kunwaring nagtatampo ang doctor. “Ay, hindi po. Paumanhin sa aking nasabi, hindi naman po sa gano'n,” hinging paumanhin ng ina ni Cielo. Natawa naman ito dahil nagbibiro lamang naman siya. “Mama, magaling po si Doctor Chavez. Sigurado makakakita ka na.” “Hmmn… Siya, sige. Shall we start?” Tumango naman si Cielo. “Relax mama, okay?” “Oo anak.” Dahan-dahang timanggal ng nurse ang benda sa mga mata ng ina ni Cielo hanggang sa matapos. Kabado si Cielo sa mga oras na iyon kaya halos ang paghinga niya ay sumasabay sa pag-iikot ng benta na inaalis sa mata ng ina. “Ma’am. Dahan-dahan mo pong imulat ang in’yong mga mata.” Sumunod naman Carmela ang sa sinabi ng doctor. Unti-unti siyang nagmulat subalit halos wala siya ibang magkita kung ‘di puro puti at sobrang silaw sa kaniyang paningin. “Go on, sige pa. Imulat mo pa, po,” ani ni Doc Chavez. Hanggang sa ang mga puti ay nakaaninag na siya ng kung anu-anong kulay at mga bagay. Nang tuluyan na siyang nakamulat ay lumingon ito kung nasaan si Cielo na nakatayo. “Cielo, anak,” tanging nasambit ni Carmela. “Mama. Nakikita mo na po ako? Kaming lahat?” Sunod-sunod namang tumango si Carmela kung Kaya ‘t tinakbo ni Cielo ang pagitan nila ng ina upang yakapin sa sobrang saya. “Salamat sa Dios,” ani pa ni Carmela habang yakap si Cielo. Lumingon ito kay Doctor Chavez na nakangiti at nag-thumbs up naman sa kan'ya. “Doc. Maraming salamat po!” Lumapit si Cielo kay Doc Chavez ay sobrang pasasalamat nito ay hindi niya mapigilang mayakap ito. “No worries. It's my job, and masaya po ako para sa in'yo, ma’am. Mga ilang araw na lamang ay puwede na po kayong ma-discharge after some test to make sure na hundred percent okay na iyang mga po nin’yo,” saad ni Doc Chavez bago magpaalam. Tinawagan naman agad ni Cielo ang ama niya upang ibalita. Saglit lang nag-ring ang cellphone nito na agad namang sumagot. “Hello? May problema ba anak?” Nang makitang si Cielo ang tumatawag ay agad naman iitong sinagot ni Rafael. “Wala naman po, ‘Pa. Gusto ko lang pong sabihin na okay na si Mama. Na-agapan mo ang kaniyang pagkabulag. Maraming salamat po, Papa.” Tila nabunutan naman ng tinik sa dibdib si Rafael dahil sa magandang balita. “Mabuti naman kung gano'n, anak. Masaya ako para sa iyong ina.” “Opo, Papa. Wala na po kayong dapat na ipag-alala. Magiging maayos po kami,” ani naman ni Cielo. “Patawarin nin'yo ako anak. Pakisabing mag-iingat siya palagi,” bakas ang lungkot at panghihinayang kay Rafae ngunit ang mahala ay magiging maayos na sina Cielo at Carmela. “Ikaw rin po. Mag-iingat rin po kayo palagi, Papa. Okay na sa amin na malamang okay rin ho kayo.” Habang nag-uusap sina Cielo at ama nito ay nasa tabi lamang si Carmela na tahimik lamang na umiiyak. Nais man niyang kausapin si Rafael ngunit matinding pagpipigil ang ginawa niya. Sandaling natahimik sila gayun din si Rafael, gusto man niyang magsalita ay tulad ni Carmela ay nagpipigil lamang din ito. “Ahmm… Sige na po, ‘Pa. Tatawag na lang po ako ulit.” Ramdam ni Cielo ang bigat sa pagitan ng mga magulang kung kaya ‘t nagpaalam na ito sa kaniyang ama. Tuluyan silang nakauwi. Ngayong maayos na ang ina ni Cielo ay tutupad na siya sa pango. Magpapakasal siya sa boyfriend ni Solenn. Balak niya na ring sabihin iyon sa kaniyang ina dahil kahapon pa ito nagtatanong kung paano siya nakahiram ng perang pangpa-opera. “Ma, may gusto po akong sabihin,” panimula niya. “Ano iyon anak?” Kasalukuyang kumakain sila ng gabihang mag-ina. “Tungkol po sa perang nahiram ko. Ang totoo ay lumapit po ako kila Madam Lucille–” “Ano kamo? Kay Lucille?! Hindi makapaniwala si Carmela sa nalaman. Alam na kasi nito ang ugali ng Lucille na iyon. “Ano? Sinaktan ka ba niya? Pinagsabihan ng kung ano-ano? Hayaan mo. Babayaran natin sila! Magta-trabaho ako mabalik lang ang pera nila. Kung alam ko lang ay hindi na ako nagpa-opera,” may bahid ng galit sa boses ni Carmela. Alam niyang isusumbat iyon ni Lucille sa kanilang mag-ina. “May kasunduan po kami ni Solenn kaya gano’n.” Lalong nangunot ang noo ni Carmela. Hindi makapaniwala sa nangyayari. “Anong kasunduan?” “Pumayag po sila na bigyan ako ng pera basta pong kailangan kong magpakasal sa boyfriend ni Solenn.” Natutop ni Carmela ang bibig sa pagkabigla. May gano'ng kasunduan na naganap? “Cielo, bakit ka pumayag, anak? Bakit mo iyon ginawa?” Nasasaktan si Carmela para sa anak. Puro na lamang problema ang naibigay niya rito. “Mama, ayos lang! Dalawang taon lang naman po at kailangan naman po naming maghiwalay. Iyon po ang kasunduan namin ni Solenn at may tiwala naman po ako,” paliwanag ni Cielo sa ina. Hindi na alam pa ni Carmela ang sasabihin sa anak. Nakadama siya ng awa para kay Cielo. Kung may kaya lang sana itong gawin para lang mabayaran agad ang utang na iyon ay gagawin niya upang hindi na mapasubo pa ang anak. Pinaalam na ni Cielo kay Solenn na nakauwi na sila ng kaniyang ina at maayos na ang kundisyon nito. Usapan nilang pagkatapos ni Cielo asikasuhin ang ina ay kailangan na siyang ipakilala ni Solenn ky Warren at maikasal sila sa lalong madaling panahon. Kinagabihan bago matulog si Cielo ay nakatanggap siya ng mensahe mula kay Solenn. Iyon na ang araw na makikilala niya si Warren. “Hi Cielo! See you tomorrow at 2 pm. Ipapasundo kita bukas 9 am. Ako nang bahala sa lahat, okay? Night….” ‘Wala nang atrasan, Cielo!’“Ma, alis na po muna ako.” “Sige, mag-iingat ka anak. Sigurado ka na ba talaga?” Muling tinanong ni Carmela ang anak sa huling pagkakataon baka sakaling magbago ang isip. “Opo, ‘Ma. ‘Wag na po kayong mag-alala,” paniniguro ni Cielo ngunit ang totoo ay dinadaga dibdib niya. “Ma’am Cielo, tayo na po,” sabi ng driver na nagsundo sa kan’ya. Tahimik lamang si Cielo at sarili lamang ang dala. Panay ang sipat niya sa sarili kung maayos naman ba ang itsura niya. Ayaw niyang mapahiya si Solenn kaya pumili siya ng kaniyang bistida na pinakamagandang mero'n siya. ‘Hays… Sana ayos lang ‘tong suot ko!’ Nagtaka si Cielo dahil hinatid siya ng driver sa isang kilalang beauty salon. Nagtatakang nilingon niya pa muna ang driver. “Pasok na po kayo, ma'am. May naghihintay na po sa in'yo sa loob at sila na po ang bahala. Maghihintay na lamang po ako rito,” magalang na sabi ng driver. Pinagbuksan na siya nito ng pinto at wala sa sariling sumunod na lamang siya sa sinabi nito. Hindi niya alam na gani
“Wow! You look stunning! Hindi ko alam na may tinatago kang ganda, ah!” nakaramdam naman ng hiya si Cielo dahil pakiramdam niya ay namaliit siya ni Solenn. Tipid na lamang siyang ngumiti bilang tugon. “Hon, she's my step sister. Cielo Vallejo,” pakilala ni Solenn sa kan’ya. “,and he's my boyfriend, Warren Sandoval.” “Nice to meet you, Cielo,” naunang bumati si Warren kay Cielo. Naglahad ito ng kamay upang makipagkamay sa kan’ya kaya nahihiya niya naman itong tinanggap. “H-hello, nice meeting you too,” nahihiyang tugon naman ni Cielo. “Guys… Don't be shy with each other, okay? Soon, you too are getting married.” Nakaramdam ng inis si Warren dahil pakiramdam nito ay pinagdudul-dulan siya nito talaga! He's thinking if Solenn is really into him? Pagkatapos nilang kumain ay napag-usapan na nila ang magiging set up nina Cielo and Warren. Nag-set na rin ito ng date kung kailan siya ipapakilala ni Warren sa family nito lalong-lalo sa lolo nito. Nakinig lamang si Cielo at puro
“Ija, kailan ka babalik?” tanong ng lolo ni Warren kaya nakangiting lumapit naman si Cielo rito. “Lolo, hindi pa nga ho ako nakakaalis. Iyong pagbabalik ko na agad?” pabirong sabi pa ni Cielo na ikinatawa naman ng matanda. “Pagpasensyahan mo na ako. Ako ‘y natutuwa lamang sa iyo dahil napakamasayahin mo.“Ay, iyon ba? Lolo, marunong din po akong magpaiyak. Gusto niyo po bang paiyakin ko kayo?” mas lalo lamang tumawa nang malakas ang matanda kung kaya ‘t nagsalubong ang kilay ni Cielo. ‘Bakit ba tawa nang tawa ‘tong si Lolo? Mukha ba akong clown?’Si Warren naman ay palihim na natatawa at napapailing dahil sa usapan ng dalawa lalo na sa ekpresyon ng mukha ni Cielo. Lalong naningkit kasi ang mga mata nitong chinita. “And now you're smiling, huh? Mukhang maganda nga ang pagdating ni Cielo sa bahay,” komento naman ni Wallace nang mahuli ang kuya na napapangiti habang nakatingin kay Cielo. “Lo, sabihin mo nga. Bulong mo lang po sa akin,” sabi naman ni Cielo dahil bakit tawa nang tawa
Nagulat ako sa sinabi ni Warren kay Marco. Hindi ko inaasahan na iyon ang kan’yang isasagot at hinawi pa ako nito papunta sa likod niya.“Wala naman. Totoo bang may boyfriend ka na, Cielo?” mahinahon na tanong naman ni Marco. Bakas sa mukha nito ang lungkot sa nalaman. “H-ha? A-ah, kasi–”“Soon to be a husband,” putol pa ni Warren sa sasabihin ko. Napayuko naman si Marco, alam kong nadismaya ito sa lalo.“Gano'n ba? Talagang wala na akong pag-asa nito pala. Sige, congrats na lang pare.” Inilahad ni Marco ang kamay kay Warren upang makipag-kamay na tinanggap naman nito.“Thanks,” tipid na tugon naman ni Warren. Nang makaalis na si Marco ay hindi ko namalayang nakaharap na pala si Warren sa akin. Tila nailang ako sa mga titig niya kaya ibinaling ko sa ibang direksyon ang tingin ko.“Will you stop biting your lips?” Iritadong sabi pa niya. Hind koi maintindihan ang mood swing nitong si Warren, eh!“Pasensiya na–”“Don't do that anywhere, especially in front of a man,” dugtong niya pang
Warren’s Pov“Tita, I have to go. Kailangan niyo na rin po ‘ng magpahinga. Thanks for the dinner,” paalam ko dahil lumalalim na rin ang gabi. Mukhang wala nang balak bumaba pa si Cielo kaya hinayaan ko na. Napapangiti ako dahil mabilis lang pala itong mapikon, ang sarap niya tuloy asarin. “Siya, sige. Mag-iingat ka, sandali at tatawagin ko lang si Cielo–”“‘Wag na po. Hayaan na lang po natin siyang magpahinga. Iti-text ko na lang po siya,” sabi ko. Napakabait ng mama ni Cielo at magaan ang loob ko sa kanila. “Gano'n ba? Ikaw bahala. Dahan-dahan lang sa pagmamaneho, sige na ‘t lumakad ka na.” “Salamat po ulit.” Nakangiting tumango naman si Tita Carmela. Buong byahe ay hindi mawala sa isip ko si Cielo. Ang pagkakalapit ng mga mukhang namin kanina, lalo na ang labi niyang kinakagat-kagat niya pa. Shit! I was turned on by her gesture. Ipinilig ko ang sarili dahil mukhang nahihibang lamang ako. ‘Lagot ka kay Solenn!’ “F*ck! But I can't! Unang kita ko pa lang kay Cielo ay tila may ku
Unti-unti kong minulat ang aking mga mata baka sakaling nagkakamali lamang ako. Ngunit pagdilat ko ay nakatunghay ito sa akin na tila hinihintay rin na ang pagdilat ko. “B-bakit mo ‘ko hinalikan?” matapang kong taqnong sa kan'ya habang salubong ang mga titig niya. Bakit ba basta-basta na lang siya nanghahalik? May girlfriend siya tapos ito ang ginagawa niya! “I thought. You want me to kiss you, pumikit ka kasi,” sagot niya at tila nakakaloko pa itong umalis sa pagkakalapit naming dalawa. “Ano? H-hindi ah! Pumikit ako kasi sobrang lapit mo, naduduling ako,” naiinis kong sabi! ‘Iniisip ko ba na hahalikan niya nga ako? Ay hindi! Kasalanan niya iyon! Sinad’ya niya talaga! Hmmp!’ “Oh, sorry but not sorry. Your lips are inviting me to kiss you.” “Wow ha! Ang sabihin mo–” “Yeah, I like it. So, what? Magiging asawa naman na kita,” sabi niya pa at talaga confident siya ro’n! ‘Aba, ang loko!’ “Hoy! Ikaw nga, magkalinawan tayo rito ah. Alam mong kasunduan lang itong pagpap
After 2 years "Cielo! Cielo!” malakas na sigaw ni Warren nang tawagin ako habang abala rito sa kusina sa pagluluto ng pananghalian. May pagmamadali ang kilos ko ‘t baka magalit na naman ito sa 'kin."Ano po iyon, Sir?" kabadong tanong ko rito. Oo, sir ang tawag ko sa kan'ya. Nakiusap ako sa parents namin na kahit hindi niya ako naaalala ay dito pa rin ako tumira, nagbabakasakali na isang araw ay magbalik na siya sa dati."Ilang beses ko ba'ng sasabihin na ayaw ko nang makakailang tawag pa ako sa 'yo?” Salubong ang kilay nito at matalim ako titig sa akin. Palagi na lang mainit ang ulo nito, nakasanayan ko na lamang. Sa araw-araw ba namang ganito siya– ewan ko na lang. Minsan nga napaisip akong gawing ringtone. Tsk!'Hmmp! Kung hindi ka lang guwapo, kanina pa kita hinambalos ng walis tambo!’"A-ah…pasensiya naman po, Sir. Nagluluto kasi ako ng paborito mong ulam. Tamang-tama diyan sa mukha mong may asim at alat," pahinang-pahina kong sabi.Nakakainis kasi ang ugali nitong napakasuplad
'Relax ka lang Cielo! Nakaya mo nga ng dalawang taon 'di ba? Ito pa kaya? Nakalimot lang siya, tatagan mo lang ang loob mo. Ikaw pa rin ang totoong mahal ni Warren.' Pagpapalakas ko sa sarili habang hilam ang luha sa aking mga mata dahil sa nalaman ko. Kumain na lamang ako para makainom na ng gamot. Talagang nilagnat na ako at masakit pa pati ang kasu-kasuan ko. Bumalik ako sa aking silid at nagpahinga, nais ko sanang matulog ngunit hindi na ako dalawin ng antok. Nang bumuti-buti na ang aking pakiramdam ay lumabas na ako ng aking silid dahil kailangan ko na rin magluto ng hapunan. Hinahanda ko pa lang ang sangkap ng aking lulutuin nang biglang bumukas ang pinto. Iniluwa no'n si Warren at saktong nagtama ang aming mga mata ngunit ako rin ang naunang mag-iwas ng tingin, ipinagpatuloy ang aking ginagawa. Narinig ko ang mga yabag nito papalapit sa akin, ako naman ay nasa lababo naghuhugas ng mga gulay. "Kumusta na ang pakiramdam mo?" bigla akong natuod sa kinatatayuan ko dahil nasa l
~Drake~Hindi ko na talaga matiis, hindi ko kayang hindi ko siya mahawakan kaya bahala na! Agad ko na siyang sinunggaban ng halik dahil pakiramdam ko, nauuhaw ako na malasap muli ang labi niya. Wala akong pakialam sa parusa umano nito dahil sisiguraduhin ko na pati siya ay hindi rin naman matitiis iyon!Wala namang pagtutol ang nangyari kaya mas nahibang na yata ako dahil tumugon na rin naman siya sa mga halik ko at ang mga kamay ko ay maglulumikot na sa malambot niyang katawan. Gusto-gusto kong mahawakan ang perpektong hubog nito. "Aahh..." Pinagapang ko na ang aking labi pababa sa kan'yang leeg nang dahan-dahan patungo sa malulusog niyang dibdib. Hindi ko akalain na ganito ito kaganda at ngayon ay maaangkin ko na. Hinayaan ko na muna ang dibdib niya dahil kanina ko pa iyon pinanggigilan. "Hmmn... Drake, sige pa..." Napalunok ako nang marinig ko ang klase ng boses niya na iyon dahil mas lalo niya pa akong pinasabik sa kan'ya, hindi ko na ito patatagalin pa. Mula dibdib niya pababa
Sandali siyang tumigil at saka niya ako tinitigan sa mga mata, puno nang magkahalong pagmamahal, galak, at pagnanasa.Napakagat ako sa aking ibabang-labi dahil parang hindi ko na mapaglabanan ang mga titig ni Drake sa 'kin. Ang lakas nang kabog sa dibdib ko, kinakabahan ako dahil wala na talaga akong kawala rito."Are you nervous?" nahulaan niyang kabado nga ako, oo, pero hindi ako aatras.Gusto kong iparamdam sa kan'ya kung gaano ko siya ka mahal, hindi man lang namin maranasan na maging masaya nang matagal at wala kung anong poblema basta na lamang sumusulpot.Nang hindi ako nagsalita upang sagutin ang tanong niya ay dahan-dahan niyang ibinaba ang mukha sa 'kin hanggang sa maglapat na ang mga labi naming dalawa. Magaan lang ang halik niya, walang pagmamadali na pawang ninanamnam ang sandaling ito ngayong gabi. Mas natutukso naman ako sa paraan nang kan'yang paghalik kaya mas lalo akong nag-iinit."I love you," sambit niya. Pansamantala siyang tumigil para sabihin na namang mahal niy
~Akira~. Gusto ko man siyang pigilan pero hindi ko nagawa, napako ako sa puwesto ko. Tinatawag ko siya sa isip ko pero hindi ko masambit sa bibig ko.'Akira, ang sama mo! Habulin mo si Drake.' utos ng isipan ko ngunit hindi ko magawa. Tanging iyak lang nagawa ko dahil sa mga pag-aalinlangan koMasyado yata akong nag-over think sa mga posibleng mangyari ulit. Ang tanga ko dahil nasaktan ko siya ngayong birthday pa niya talaga. Nang mahimasmasan na ako ay agad na akong lumabas ng bahay at nagtungo sa kanila. Nando'n pa ang lahat, sina kuya ay nag-iinuman. "Guys nasa'n si Drake?" tanong ko agad sa kanila. "Aba'y lokong bata ka! Sinundan ka niya kanina sa bahay tapos dito mo hahanapin. Ano ba ang nangyayari sa in'yong dalawa?" Hindi ko na sinagot si mommy kaya alam ko na kung nasa'n siya ulit. Nagmadali na akong puntahan siya sa park, at hindi nga ako nagkakamali nando'n siya nakaupo at umiinom na mag-isa. "Drake," tawag ko sa kan'ya, lumingon siya sa 'kin pero malungkot ang mga m
~Drake~Nang makarating kami sa bahay l, nalaman kong alam pala nilang lahat na pauwi na si Akira., Gusto lang talaga nila akong i-surprised. Alam na rin nila pati ang nagbalik na alaala nito. "Anak, kumain ka na muna. Baka gutom ka pa?" alok ni tita Cielo kay Aki. "Yes po, sabay na po kami ni Drake na kakain," tugon naman nito kay tita. "Baby, samahan mo ko kumain. Na-miss ko ang luto nila." Nakangusong sabi nito sa 'kin, ito 'yong nakaka-miss. "Sure, halika na." Dinala ko na siya sa dining table. "Bakit? Hindi ka ba nakakain nang maayos do'n sa pinuntahan niyo?" tanong ko. "Uhmn...nakakakain naman, pero, hindi ganito eh!Alam mo naman na med'yo malayo na 'yon at bundok na kaya madalas ay gulay kami do'n. Doon nga ako nakatikim ng dagang bukid," aniya.Pinaghain ko naman siya kung anong gusto niya pang kainin. Hindi na ako kumuha ng plato ko siyang kasalo, gano'n ko siya ka-miss. "Thank you, baby. Grabe, na-miss ko talaga 'to!"Ang gana niyang kumain, sinubuan ko pa siya
Nagmadali akong magpunta kina Aki upang itanong kong nasa'n ito ngayon dahil gusto ko siyang sundan. Sinamahan naman ako ni mommy upang makita sina tita at tito. Nang makarating kami ay si mommy na ang naunang pumasok. Sakto naman na nando'n silang lahat. "Magandang hapon," bati ni mommy."Oh, Mars kayo pala. Pasok kayo," ani naman ni tita Cielo."Ahmn… Mars may sasabihin si Drake," kaya ako na ang magsasabi sa kanila. "Ano 'yon. Drake?" tanong naman ni tita Gretta."Tita, Tito, mga Kuys. Bumalik na ang alaala ko," sabi ko na ikinabigla nila. "Tagala? Magandang balita 'yan, Drake," masayang sabi ni tita. "Congrats, 'tol! You're back!" Tinapik naman nina Kuya Gavin ang balikat ko. "Thank you mga, kuys," pasalamat ko rin sa kanila. Pero ito na nga sasabihin ko na ang sad'ya ko. "Ah… Tita, Tito, mga Kuys. Puwede ko po bang malaman kung nasaan si Akira?" tanong ko, Hindi na ako makapaghihintay pa Gusto ko na siyang makita."Ah...'yon na nga, kasi hindi naman sila ma-contact. Baka
~Drake~ "Drake!" sigaw ni Mommy kasabay nang pagpreno ko.Natigilan ako 't hindi makagalaw, si mommy naman ay bumaba sa kot'se upang puntahan ang babae, med'yo dumami ang tao at nag-usisa. May pumunta ring traffic enforcer at security guards ng mall at kinausap nila ni mommy.Nakatingin lang ako sa kanila pero ang isip ko ay naglalakbay. 'Akira!'Pero bakit magkasama kami ni mommy at bakit nasa pilipinas na ako? Ang alam ko ay nasa Italy ako.Mayamaya lang ay bumalik na rin si mommy sa kot'se at kinamusta ako."Anak, Drake. Okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni mommy sa 'kin. Tumango lang ako. "Mom, kumusta po 'yong babae? Nabangha ko ba siya?" tanong ko rin dahil baka nga kung napano ito. "She's fine, hindi mo siya nabangga anak.Nagulat lang din siya at wala naman nangyari sa kan'ya. Nag-usap na rin kami at humingi na ako nang pasensiya at gano'n rin naman siya," saad ni mommy. Nakahiga naman ako nang maluwag. "Uuwi na po ba tayo?" Tumango naman si mommy kaya pinaandar ko
~Drake~"Okay mga bata! Uuwi na muna kami ni Ate Akira dahil nilalamig na siya, kayo hindi pa ba tayo uuwi?" paalam ko sa mga bata."Sige po kuya, uuwi na rin po kami. Babye!" Kumaway naman ang mga ito sa 'min. "Bye guys! Sa uulitin, ah? Ingat kayo," ani naman ni Akira at umalis na kami."Yay! Ang lamig na, Drake. Lagot ako nito kina Mommy kapag nagkasakit ako," aniya. Nag-alala naman ako dahil baka nga magkasakit siya. "Halika na nga at baka nga magkasakit ka pa. Tigas kasi ng ulo, mo," kanina ko pa siya kasi inaayang umuwi, ayaw."Minsan lang naman kasi umulan, Drake. Hindi ko nga matandaan kung kailan ako huling naligo sa ulan, eh. Tapos wala pa akong maalala, ikaw? Hindi pa rin ba bumabalik ang alaala mo?" tanong niya sa 'kin."Wala pa rin, may naalala akong boses at mukha pero hindi naman klaro, ewan ko kung alaala o panaginip lang 'yon kasi pagkagising ko ay parang nakalimutan ko bigla." Lumingon naman siya sa'kin at ngumiti."Hayaan mo na, babalik din nang kusa ang mga alaala
~Drake~Nang marinig ko ang kanta nang buo ay hindi ko mapigilan ang maging emosiyonal at kung sino ang kumakanta sa 'kin no'n sa alaala ko. Naririnig ko pero hindi klaro ang boses ng babae hindi ko makilala. Gusto ko na talagang maka-alala. Malapit na ang birthday ko sabi ni mommy, sana kahit 'yon na lang. 'God wala na akong mahihiling pang iba kun 'di ibalik mo lang ang alaala ko. Please..."Dapat ko pa bang ituloy ang panliligaw ko sa kan'ya? Paano kapag muling nagbalik ang alaala ko ay may iba naman talaga akong mahal?Pero bakit ang bilis nang tibok nitong puso ko para kay Akira? Na parang kilalang-kilala siya nito. Hindi ko mapigilan, eh. Litong-lito na talaga ako.Alam kong makakasama sa 'kin ang masiyadong pag-iisip subalit hindi ko talaga mapigilan. Minsan ay gusto ko na lang i-umpog ang ulo ko sa pader baka sakaling bumalik ang alaala ko. Kinabukasan ay naisipan ko na 'wag na munang magpunta kina Akira. Susubukan kong pigilan ang sarili ko sa kan'ya. "Oh, anak. Bakit a
~Akira~Nasa kuwarto na ako ngayon at nakahiga na, nakakaloka naman 'yong lalaking 'yon!Kakalilala pa nga lang namin ligaw agad. Well, guwapo nga naman siya. Pero masiyado naman yata siyang mabilis.'Parang praning, palaging tulala. Gano'n na ba talaga ako kaganda sa paningin niya?' Pero willing pa rin naman akong kilalanin siya, ipapakilala ko siya sa isa ko pang tropa. Im sure na magkakasundo sila.Pareho silang praning sa kagandahan ko, eh. 'Haha'Hirap kapag buong maghapon kang tulog, kasi heto ako, gising sa gabi. Wala naman akong magawa.Bakit kaya nawala ang alaala ko?Sino kaya ako dati? Gusto ko man magtanong kina mommy ay pinigilan ko na. No'ng panay kasi ang pagtatanong ko ay sobrang sumakit ang ulo ko. Grabe! Ayaw ko nang maulit.Kinabukasan ay inutusan akong mag groceries dahil maraming nang kulang sa stocks namin.Wala naman akong gagawin kaya okay lang sa 'kin.Sa pasukan ay mag-aaral na ako ulit. Ayaw pa sana nina mommy dahil nga may amnesia ako, ang kaso ay nabobor