Share

Chapter 7 - Hiling

Nagulat ako sa sinabi ni Warren kay Marco. Hindi ko inaasahan na iyon ang kan’yang isasagot at hinawi pa ako nito papunta sa likod niya.

“Wala naman. Totoo bang may boyfriend ka na, Cielo?” mahinahon na tanong naman ni Marco. Bakas sa mukha nito ang lungkot sa nalaman. 

“H-ha? A-ah, kasi–”

“Soon to be a husband,” putol pa ni Warren sa sasabihin ko. Napayuko naman si Marco, alam kong nadismaya ito sa lalo.

“Gano'n ba? Talagang wala na akong pag-asa nito pala. Sige, congrats na lang pare.” Inilahad ni Marco ang kamay kay Warren upang makipag-kamay na tinanggap naman nito.

“Thanks,” tipid na tugon naman ni Warren. Nang makaalis na si Marco ay hindi ko namalayang nakaharap na pala si Warren sa akin. Tila nailang ako sa mga titig niya kaya ibinaling ko sa ibang direksyon ang tingin ko.

“Will you stop biting your lips?” Iritadong sabi pa niya. Hind koi maintindihan ang mood swing nitong si Warren, eh!

“Pasensiya na–”

“Don't do that anywhere, especially in front of a man,” dugtong niya pang sabi. 

‘Ano ba ang problema niya?’

“Bakit ba? Anong mali ko?! inis kong sabi dahil sa ilang minuto, ang dami niya nang pinuna!

“Really, Cielo? You're not aware of it?”

“Ang alin nga–” 

Muntik pa akong mapatili nang bigla ako nitong hapitin sa bewang kung kaya’t halos magkalapit na ang mga mukha namin. Maling galaw ko na lamang ay posibleng magdikit na ang aming mga labi. 

“I said,stop biting your lips. Or else– You inviting me to kiss you, Cielo,” bulong nito sa aking tainga. Sa lamig at buritonong boses ni Warren ay nanigas ang aking katawan at maging ang aking mga balahibo ko ‘y nanindig kung kaya’t tila napapaso ko itong tinulak. 

“Ano ka ba?! Umuwi ka na nga lang! Kanina ko pa sinasabing ‘wag mo akong ihatid at kaya ko naman!” 

Naiinis ako! Ganito ba siya sa lahat ng babae? Ako pa ang pagbibintangan niyang gustong magpahalik. Kapal Niya! Inis na tinalikuran ko siya at malalaki ang hakbang kong pauwi. Walang lingun likod, siguro naman ay umuwi na ang mokong na iyon! 

“Ma, narito na po ako!” tawag ko kay mama nang makapasok na ako sa bahay. Na-amoy ko na agad ang niluluto nito kaya parang nagutom ako bigla. Ginutom yata ako sa inis ko sa lalaking iyon!

“Mabuti at nakauwi ka na, kumusta ang lakad niyo?” Lumabas si mama galing kusina. Nagtaka ako dahil ako lang naman ang kausap niya pero sa iba siya nakatingin. Paglingon ko ay naroon si Warren, nakatayo sa labas ng pintuan. 

“Good evening, po,” bati niya kay mama. Sumunod pa rin pala siya. 

“Magandang gabi rin sa iyo, Iho. Pasok ka.” 

Pumasok naman si Warren at nagmano kay mama. Napataas ang kilay ko dahil magalang rin pala ito. Isinantabi ko na muna ang inis ko dahil maayos naman akong tinanggap ng kaniyang pamilya sa kanila. 

“Maupo ka muna, kukuha lang ako ng maiinom. Ano ang gusto mo?” tanong ko.

“I'm good. Talagang hinatid lang kita,” sabi niya. 

“Sabi ko naman sa iyo na kaya ko, ang kulit mo rin, ‘no?” 

“Anak, luto na ang hapunan. Iho, dito ka na maghapunan at tamang-tama lang ang dating ninyo.”

“Sure, po. Salamat.” Ang akala ko ay inihatid niya lang ako, eh, bakit makikikain? Baka mamaya hindi pa ‘to kumakain ng pagkain namin. 

Nang makabalik si mama sa kusina ay nilapitan ko si Warren at binulungan. 

“Hoy! Baka mamaya hindi ka sanay sa pagkain namin at masira iyang tiyan mo! Puwede ka naman tumanggi eh.” 

“No, it's okay. Gusto ko rin naman kakilala ang soon to be mother in-law ko.” Naiwan akong nakatunganga dahil sa sinabi niya at nauna pa talaga siya sa akin. 

‘Lakas maka-trip nito ah!’ 

Umupo na ako habang si Warren ay feel at home pa talaga. Nang tumingin ako sa kan’ya ay kinindatan pa ako nito. Nang-aasar talaga ang isang ‘to! 

“Iho, anong pangalan mo?” tanong ni mama. 

“I'm Warren Sandoval po,” sagot naman ni Warren. Mukhang maraming itatanong si mama kaya inimbita niya itong si Warren. 

“Ah… Ako naman si Carmela, Sige, kumain ka na muna riyan at masarap kumain habang mainit pa.”

“Sige, salamat po.” 

“Anak, asikasuhin mo si Warren,” sabi pa ni mama. 

“Opo.” 

Tahimik lamang kaming kumain at ang ulam namin ay sinigang na sugpo. Ang sarap ng sabaw nito ma-asim talaga! Paborito ko ito kaya hindi ko na napansin pa si Warren. Nagulat na lamang ako nang pinagbalat na pala ako nito ng sugpo. 

“Here. Pinagbalat na kita, baka pati balat makain mo pa.” Napalingon naman ako kay mama dahil natatawa kasi ito. 

“Naku, Iho. Paborito kasi ni Cielo iyang sinigang na sugpo kaya ganiyan iyan!” natatawang sabi pa ni mama. Pati ba naman pagkain ko ay pinupuna nitong lalaking ‘to? 

“Salamat pero kaya ko naman magbalat niyan, eh! Kumain ka dahil baka ma-traffic ka pa pauwi,” sabi ko. Dinaan ko na lang siya sa tingin pero kita ko sa mga mata niya na tila nag-i-enjoy pa siya.

“Malayo pa ba ang uuwi mo, Warren? Ay! Baka nga gabihin ka na masyado. Kung gusto mo ay may isang kuwarto pa naman kami. Dito ka na lang matulog dahil delikado ang daan.” 

Napabaling ako agad kay mama dahil sa sinabi niya. Ayaw ko nga! 

“Hindi na, Ma! Baka hanapin siya ni Lolo. ‘Di ba Warren?” Sinipa ko ito sa ilalim ng lamesa. 

“Salamat po, pero, malapit lang naman iyong condo ko rito. Doon po ako uuwi ngayon,” sagot naman ni Warren. Mabuti naman, akala ko makikitulog pa siya rito eh! Pagkatapos kong kumain ay nagpaalam na muna akong magtungo sa k’warto at naiwan si Warren kasama si mama.

Warren

“Warren, pasensiya ka na pero maari bang magtanong ako sa iyo?” tanong ng mama ni Cielo kaya maghintay ako kung ano ang nais nitong itanong. 

“Alam mo naman siguro kung bakit nasa ganitong sitwasiyon si Cielo ngayon ‘di ba?” 

Ang tanging alam ko lamang ay ang sinasabing usapan na raw umano ni Solenn at Cielo ngunit hindi ko alam kung ano?

“Ah, ang alam ko po ay may usapan sina Cielo at Solenn. Hindi ko naman po inalam ang bagay na iyon,” pag-amin ko. 

“Gano'n ba? Sige, Basta kahit ano pa man iyon. Sana ay ingatan mo ang anak ko. Iyon lamang ang mahihiling ko sa iyo.” 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status