Matapos dumalaw ang parents ni Warren ay nakahinga ako ng maluwag. Akala ko ay ora mismo ay sasabihin na nila ang totoo. "Anak, pumunta ka sa bahay bukas. May mahalaga lang kaming sasabihin sa iyo ng Daddy mo," ani ni mommy. Napakunot naman ang noo nito, marahil nagtataka kung bakit. "Bakit? May problema po ba? Sabihin niyo na lang po ngayon. Bakit kailangan pa ipagpabukas?" Nagkatinginan naman sina daddy at mommy, naghihintay naman si Warren ng sagot kung bakit. "Bukas na lang anak. Kagigising mo lang at halatang masakit pa ang ulo mo, mas mabuti pa'ng magpahinga ka na muna. Basta, hihintayin ka namin bukas ng daddy mo." Napatango na lamang si Warren. "Fine!" "Sige, mauna na kami. Maligo ka nga anak! Amoy alak ka pa!" Napangiwi naman ako sa sinabi ni mommy, bumaling naman ito sa akin at ngumiti nang matamis. "Cielo…aalis na kami,kaw na ang bahala dito," paalam na nila. "Opo," tipid kong sagot habang nakangiti. Kinabukasan bago umalis si Warren ay kabado na talaga ako sa
Buong gabi akong umiyak, halos wala akong tulog. Pagmulat ng aking mga mata ay ramdam kong mugto pa ito, pero bigla akong nataranta nang makita ko kung anong oras na. 'Patay! Alas diyes na pala!'Kahit mabigat ang aking pakiramdam ay dali-dali akong naligo, kailangan ko pa rin kumilos dito sa bahay. Nang matapos ako ay agad na akong lumabas ng aking silid pero agad na napansin ko ang isang note sa table kaya kinuha ko iyon at binasa."Aalis na ako, at hindi rin ako uuwi mamaya. Pag-isipan mo ang sinabi ko sa iyo Cielo, palayain mo na ako." – WarrenNapasabunot ako sa buhok ko dahil hindi ko na alam ang gagawin ko ngayon, siya na mismo ang humihiling na palayain ko siya. May magagawa pa ba ako? 'Cielo, baka oras na rin na isipin mo na rin ang sarili mo! Dalawang taon ka nang nagdusa, ito na siguro ang oras na palayain mo na siya lalong-lalo na ang sarili mo. At Least, hindi siya tuluyang nawala at makikita mo pa rin naman siya. Ang mahalaga ay buhay siya 'di ba?' Untag ng isipan ko.
Axel : "Alam kong natatandaan mo pa ako, imposibleng makalimutan mo ang kahuwapohan ko." Aba ang loko, masiyado pa rin naniniwalang guwapo siya. Hindi pa rin talaga nagbabago ang isang 'to!Me : "Pasensiya na, wrong number ka siguro. Wala akong kilalang Axel, tapos guwapo ba kamo? Naku!" Natatawa pa ako nang i-send ko iyon sa kan'ya, palagi kasing asar talo ito sa akin dati. Axel : "Ah gano'n? Lumabas ka riyan ngayon para malaman mo. Nasa baba ako, bilisan mo kung ayaw mong ako na sumundo sa iyo!" Namilog pa ang mga mata ko at binasa ko pa ulit ang reply ni Axel. 'Anak ng– Talaga ba? Gag* iyon ah!'Me : "Seryoso? Anong ginagawa mo dito? Paano mo nalaman kung saan ako nakatira? Umuwi ka na!" Axel : "Uhuh! Ayaw mo ha? Hintayin mo 'ko!" Nataranta ako bigla kaya dali-dali ko na siyang tinawagan. Hindi nagbibiro ang loko."Hoy! 'Wag na, hintayin mo na lang ako riyan, magbibihis lang ako," ani ko rito. Narinig ko naman ang mahina nitong tawa kaya lalo akong naiinis. Humanda talaga 'to e
Nang matapos kaming magdinner ni Axel ay hinatid niya na rin ako pauwi, nagpasalamat din ako dahil hindi niya akon tinanong about Warren. Which is nakakapagtaka? Oo ayaw kong pag-usapan pero imposible 'tong si Axel dahil tandang-tanda ko pa noon na pinagbantaan niya pa si Warren noon nang maikasal kami na kapag sinaktan ako ay malilintikan ito sa kan'ya, pero based sa reactions niya kanina? Ay ewan! "Good night, Cielo. See you," sabi ni Axel nang hinatid niya na ako malapit sa entrance ng condo na tinitirhan namin ni Warren. "Good night. Mag-iingat ka," tugon ko. Ngumiti lang siya sa akin at mataman akong tinitigan."Ahmn...may sasabihin ka pa ba? Sabihin mo na," tinanong ko na siya pero agad naman siyang umiling kaya napakunot ang noo ko. Kilalang-kilala ko na siya kaya alam kong may gusto siyang sabihin. "Ano nga kasi? 'Wag ako, Axel. Ano nga?" pagpupumilit ko pa. "Matulog ka na, iyon ang gusto kong sabihin. Go ahead, pasok ka na." Inirapan ko na lamang siya dahil ayaw niya nama
Nagtagal ako sa 'king silid, hindi ko kayang harapin siya ngayon lalong-lalo na't mugto ang mga mata ko. Nakakapanghina! Pero ito na lang talaga ang magandang gawin. Hanggang dito na lang talaga kami siguro. Napakislot ako nang bigla may kumatok sa pintuan. "Cielo? Are–" Tumugil si Warren sa sasabihin, siguro naman alam niya kung anong nararamdaman ko! "Will talk some other time. I'll go now." Narinig ko na lamang ang mga yabag nitong papalayo kaya muling bumuhos na naman ang mga luha ko. Sa bawat hakbang nito papalayo ay tila nauupos na kandila rin ako, nang marinig ko na ang pagbukas ng pinto at ang paglabas nito ay ang pagtapos ko sa kung ano man ang mero'n kaming dalawa. Natawa pa ako, matagal na niya pa lang tinapos. Ako lang iyong kumapit at naniwala na babalik siya sa akin. Nang tuluyan nang sumara ang pinto ay binuhos ko na lahat. Ito na ang huling iiyakan ko si Warren. Umpisa ngayon kalilimutan ko siya tulad nang paglimot niya sa akin. Humiga na lamang ako kama, yak
~Warren's Pov~ "Bullsh*t!" Hinagis ko kung saan ang bote ng alak na aking iniinom, ngayon ay nagkalat na sa sahig ang mga bubog dahil sa pagkabasang nito. "Warren! Warren! What's that noise? Are you alright? Open the door!" Sunod-sunod na tawag sa akin ni mommy mula sa labas at nakailang katok pa ngunit hindi ko pa rin pinagbubuksan. "Manang! Akin na iyong susi ng kuwarto ni Warren, bilis!" Napabuntong-hininga ako't napilitang tumayo upang pagbuksan si mommy. "I'm okay! Bakit po ba?" walang gana kong sabi pagkabukas ko. "Anak naman. Anong puwede kong gawin para tumigil ka na sa kagaganiyan mo? Look at yourself." Inilibot pa ni mommy ang paningin dito sa loob ng kuwarto ko na kitang-kita ko agad ang pag-ngiwi nito dahil sa mga nakita niya. Wala akong pakialam, basta ang gusto ko ay magpakalasing! "Tingnan mo naman itong kuwarto mo. Iba na ang amoy at ang gulo, madumi! Warren. Bukas na bukas din ay ipapalinis ko na ito sa mga kasambahay natin!" "No! Hayaan niyo ko.
Kakauwi ko lang galing gym at kasalukuyan akong nagpapahinga nang biglang nag-ring ang cellphone ko. Nang i-check ko kung sino ang tumatawag ay napangiti ako dahil si mommy iyon. Out of town sila ngayon dahil sabi ko na mag-enjoy naman sila paminsan-minsan. Nakangiti ko itong sinagot. "Hello my lovely, mother..." "Sus, binola mo pa 'ko. Kumusta ka diyan, anak?" Natuwa na ako. Masaya para sa kanila ni dad dahil sa nakalipas na mahigit dalawang taon ay puro sakit ng ulo lang nabigay ko sa kanila kaya babawi ako. "I'm fine, mom. Don't mind me and just enjoy your vacation with dad. Hmmn?" "Ang sweet naman ng anak ko," saglit na natahimik si mommy kaya alam kong may nais itong sabihin. "Anak, may ipapasuyo sana kami ng daddy mo sa iyo kung okay lang naman," alanganing sabi ni mommy kaya hinintay ko kung ano nga ba iyon. "Sa makalawa na kasi ang 60th birthday ni Elton. Eh, wala nga kami diyan ng daddy mo. Puwede na ikaw na lang ang um-attend at magbigay ng gift namin ng daddy
"Yes mom, narito na po ako kadarating ko lang," kausap ko si mommy sa cellphone ngayon habang pababa na ako ng kotse. It was 10 pm at sinadya ko na talagang magpa-gabi dahil wala naman akong balak na magtagal. I-aabot ko lang naman itong gift sa mga in-laws ko na matagal ko nang hindi nakakausap at alam kong galit ang mga ito sa akin. May mga bisita pa rin naman dahil may mga sasakyan pang mga nakaparada rito sa labas. Bumuga muna ako ng hangin bago nagpasiyang pumasok sa loob. Agad na hinanap ng aking mga mata ang mga in-laws ko sumablit hindi ko sila mahanap. Lumapit ako sa isa sa mga bisita na naroon upang magtanong. "Hi, good evening! May I asked if where the celebrant is?" "Ah, nandiyan lang sila may inasikaso lang na bagong dating," tugon naman sa akin ng bisita. "Okay, thank you," pasasalamat ko. Naiinip na ako kaya humingi na lamang ako sa waiter ng alak upang malibang kahit papaano habang naghihintay. Ilang saglit lang ay natanaw ko na sila ngunit napako ang aki