Nagtagal ako sa 'king silid, hindi ko kayang harapin siya ngayon lalong-lalo na't mugto ang mga mata ko. Nakakapanghina! Pero ito na lang talaga ang magandang gawin. Hanggang dito na lang talaga kami siguro. Napakislot ako nang bigla may kumatok sa pintuan. "Cielo? Are–" Tumugil si Warren sa sasabihin, siguro naman alam niya kung anong nararamdaman ko! "Will talk some other time. I'll go now." Narinig ko na lamang ang mga yabag nitong papalayo kaya muling bumuhos na naman ang mga luha ko. Sa bawat hakbang nito papalayo ay tila nauupos na kandila rin ako, nang marinig ko na ang pagbukas ng pinto at ang paglabas nito ay ang pagtapos ko sa kung ano man ang mero'n kaming dalawa. Natawa pa ako, matagal na niya pa lang tinapos. Ako lang iyong kumapit at naniwala na babalik siya sa akin. Nang tuluyan nang sumara ang pinto ay binuhos ko na lahat. Ito na ang huling iiyakan ko si Warren. Umpisa ngayon kalilimutan ko siya tulad nang paglimot niya sa akin. Humiga na lamang ako kama, yak
~Warren's Pov~ "Bullsh*t!" Hinagis ko kung saan ang bote ng alak na aking iniinom, ngayon ay nagkalat na sa sahig ang mga bubog dahil sa pagkabasang nito. "Warren! Warren! What's that noise? Are you alright? Open the door!" Sunod-sunod na tawag sa akin ni mommy mula sa labas at nakailang katok pa ngunit hindi ko pa rin pinagbubuksan. "Manang! Akin na iyong susi ng kuwarto ni Warren, bilis!" Napabuntong-hininga ako't napilitang tumayo upang pagbuksan si mommy. "I'm okay! Bakit po ba?" walang gana kong sabi pagkabukas ko. "Anak naman. Anong puwede kong gawin para tumigil ka na sa kagaganiyan mo? Look at yourself." Inilibot pa ni mommy ang paningin dito sa loob ng kuwarto ko na kitang-kita ko agad ang pag-ngiwi nito dahil sa mga nakita niya. Wala akong pakialam, basta ang gusto ko ay magpakalasing! "Tingnan mo naman itong kuwarto mo. Iba na ang amoy at ang gulo, madumi! Warren. Bukas na bukas din ay ipapalinis ko na ito sa mga kasambahay natin!" "No! Hayaan niyo ko.
Kakauwi ko lang galing gym at kasalukuyan akong nagpapahinga nang biglang nag-ring ang cellphone ko. Nang i-check ko kung sino ang tumatawag ay napangiti ako dahil si mommy iyon. Out of town sila ngayon dahil sabi ko na mag-enjoy naman sila paminsan-minsan. Nakangiti ko itong sinagot. "Hello my lovely, mother..." "Sus, binola mo pa 'ko. Kumusta ka diyan, anak?" Natuwa na ako. Masaya para sa kanila ni dad dahil sa nakalipas na mahigit dalawang taon ay puro sakit ng ulo lang nabigay ko sa kanila kaya babawi ako. "I'm fine, mom. Don't mind me and just enjoy your vacation with dad. Hmmn?" "Ang sweet naman ng anak ko," saglit na natahimik si mommy kaya alam kong may nais itong sabihin. "Anak, may ipapasuyo sana kami ng daddy mo sa iyo kung okay lang naman," alanganing sabi ni mommy kaya hinintay ko kung ano nga ba iyon. "Sa makalawa na kasi ang 60th birthday ni Elton. Eh, wala nga kami diyan ng daddy mo. Puwede na ikaw na lang ang um-attend at magbigay ng gift namin ng daddy
"Yes mom, narito na po ako kadarating ko lang," kausap ko si mommy sa cellphone ngayon habang pababa na ako ng kotse. It was 10 pm at sinadya ko na talagang magpa-gabi dahil wala naman akong balak na magtagal. I-aabot ko lang naman itong gift sa mga in-laws ko na matagal ko nang hindi nakakausap at alam kong galit ang mga ito sa akin. May mga bisita pa rin naman dahil may mga sasakyan pang mga nakaparada rito sa labas. Bumuga muna ako ng hangin bago nagpasiyang pumasok sa loob. Agad na hinanap ng aking mga mata ang mga in-laws ko sumablit hindi ko sila mahanap. Lumapit ako sa isa sa mga bisita na naroon upang magtanong. "Hi, good evening! May I asked if where the celebrant is?" "Ah, nandiyan lang sila may inasikaso lang na bagong dating," tugon naman sa akin ng bisita. "Okay, thank you," pasasalamat ko. Naiinip na ako kaya humingi na lamang ako sa waiter ng alak upang malibang kahit papaano habang naghihintay. Ilang saglit lang ay natanaw ko na sila ngunit napako ang aki
"Bakit ka pa bumalik? Bakit ka pa nagpakita?" nasaktan ako sa mga tanong niya, damang-dama ko ang sakit na naudulot ko sa kan'ya noon. "Please, Mahal. Hayaan mo 'kong bumawi! Hindi na ako hihingi ng kapatawaran kung iyon ang gusto mo, pero hayaan mo 'kong ayusin ang lahat. Pangako–""Babawi? Ano pang babawiin mo? Wala na, sinasayang mo na, naubos na!" Napailing-iling ako. Matigas na ang puso ng mahal ko at kasalanan ko iyon! "Hayaan mo 'kong punan iyo ulit. Magsisimula tayo ulit, liligawan kita ulit. Please, Cielo... Hindi ko na kakayanin kapag iniwan mo pa 'ko ulit," pagmamakaawa ko. Hindi ko siya susukuan. Pagak siyang tumawa. "Wala ka nang pupunuan dahil tapos na tayo, tinapos mo na 'di ba? Nakalimot ka na naman ba?""Hindi. Naaalala ko lahat, mahal. Lahat-lahat nang nagawa ko sa iyo at sisingsisi ako. Hindi ko iyon ginusto, please... Maniwala ka sa 'kin." Hindi ko na alam kung ano pa ba ang dapat kong sabihin sa harap niya para lang pagbigyan niya 'ko ulit ng pagkakataon. "T
~Cielo~Napatayo ako at iniwan ko sila habang kumakain. Ayaw kong hawakan niya ang anak ko, akin lang si Drake.Pero nang kunin niya ang anak ko upang kargahin ay tila kumirot ang puso ko sa tagpong iyon. Lalo na no'ng titig na titig ang maamong mukha ng anak ko kay Warren, kinikilala niya ito.'Ramdam kaya ng anak ko na ito ang kaniyang ama?'Madalas kapag may gustong kargahin siya ay ayaw niyang sumama basta-basta o 'di kaya 'y umiiyak agad ang anak ko. Pero kanina, hindi iyon nangyari. Parang palagay talaga ang loob niya kay Warren.Narito ako ngayon sa aking silid at hindi ako mapalay kalalakad ng pabalik-balik. Kailangan kong mag-isip para hindi na niya kami guluhin. Maayos na kami ng anak ko, ang kapal ng mukha niyang magpakita sa akin, sa amin!Hindi na namin siya kailangan, kaya kong palakahin ang anak ko ng mag-isa, hindi na ako ulit manglilimos sa kan'ya ng pansin at konting pagmamahal tulad noon!"Cielo, anak," tawag sa akin mommy. Sinundan niya ako rito. "Mom. Bakit ho ni
Sa loob ng isang buwan ay hindi pumapalya ang paggalaw at pagsuyo sa akin ni Warren. Kahit pa hindi ko naman siya gaano pinapansin, madalas nga kung sungita ko pa rin ito pero talagang hindi ko siya nakikitaan ng pagsuko. Inaamin kong med'yo lumalbot na rin naman ang puso ko sa kan'ya, dahil, sa totoo lang ay hindi naman siya nawala sa puso ko. Mas pinalagay ko na lang ang sarili ko na ayaw ko nang masaktang muli nang dahil sa kan'ya. Nagka-usap kami ng parents ko nakaang gabi at dahil seryoso talaga sila sa bagay na iyon ay nakapag-pasya akong sumugal muli. Tataya na naman ako sa amin ni Warren. Isusugal ko na naman ang puso kong nawasak at pinilit na maghilom sa loon ng mahigit apat na taon. Pero kahit anong pilit kong maging maayos, makuntento para sa amin ng anak ko ay pakiramdam ko pa rin ay tila hindi ako mabuo-buo. 'Dahil may kulang.' "Sige na, anak. Give a chance. Alam naming mahal mo pa si Warren," saad ni mommy at hinawakan ang kamay ko at pinisil. Dahan-dahan n
Lumipat ng tirahan ang family Sandoval sa Taguig dahil sa pag-aaral ni Drake. Mas maganda kasi ang pag-aaral dito sa siyudad kumpara sa probinsiya.Dito ay magkapit-bahay lang sila ng kaibigan si Axel Buencamino, tulad nina Cielo at Warren ay may mga anak na rin ito sa asawang si Anya. Tumibay pa lalo ang pagkakabigan ng dalawang pamila dahil sa mga nangyaeri noon. Si Axel lang naman ang may kagagawan kung bakit at anong hanap pa ni Warren sa asawa ay tila may humaharang umano nito. Iyon ay dahil nga kay sa matalik na kaibigan ni Cielo. Ang rason ni Axel ay gusto niya lang turuan Ng leksyon si Warren dahil sa pasakit na pinaranas nito sa kaibigang si Cielo, itinago niya ito hanggang manganak at doon ay Kasama nila si Anya na noon ay magkasintahan pa lamang sila. Pinagselosan pa nga si Cielo nitong si Anya dahil sa pag-aalaga at pag-alala nito sa kaibigan. Ngunit nang makapag-usap naman ang dalawang babae ay naayos naman ang sa pagitan nila at naging magkaibigan na rin, at ito na nga