“Wow! You look stunning! Hindi ko alam na may tinatago kang ganda, ah!” nakaramdam naman ng hiya si Cielo dahil pakiramdam niya ay namaliit siya ni Solenn. Tipid na lamang siyang ngumiti bilang tugon.
“Hon, she's my step sister. Cielo Vallejo,” pakilala ni Solenn sa kan’ya. “,and he's my boyfriend, Warren Sandoval.” “Nice to meet you, Cielo,” naunang bumati si Warren kay Cielo. Naglahad ito ng kamay upang makipagkamay sa kan’ya kaya nahihiya niya naman itong tinanggap. “H-hello, nice meeting you too,” nahihiyang tugon naman ni Cielo. “Guys… Don't be shy with each other, okay? Soon, you too are getting married.” Nakaramdam ng inis si Warren dahil pakiramdam nito ay pinagdudul-dulan siya nito talaga! He's thinking if Solenn is really into him? Pagkatapos nilang kumain ay napag-usapan na nila ang magiging set up nina Cielo and Warren. Nag-set na rin ito ng date kung kailan siya ipapakilala ni Warren sa family nito lalong-lalo sa lolo nito. Nakinig lamang si Cielo at puro tango lamang ito kay Solenn. Wala naman umano siyang karapatang tumanggi. Dumating na ang raw na ipakikilala na ni Warren si Cielo sa family niya at sa kaniyang lolo. Magkasama silang dalawa ni Cielo ngayon lulan ng sasakyan patungong mansion nina Warren. Naramdaman ni Warren na kinakabahan si Cielo kung kaya’t kinuha nito ang isang kamay ni Cielo na ikinagulat naman ng dalaga. “Don't be nervous. I'm here,” mahinang sambit nito at pinisil ang palad niya. Napalunok na lamang si Cielo dahil tila napapaso siya habang magkahawak kamay. Hanggang sa makababa ay hindi na binitawan pa ni Warren ang kamay ni Cielo. Isip niya siguro ay kailangan nga talaga ito sa palabas nila upang hindi makahalata ang pamilya ni Warren. Sinalubong sila ng mga katulong at nagsiyuko ito nang dumaan sila. “Narito na po sila!” sabi naman ng babaeng may edad na nagpatiuna na sa kanilang dalawa. “Hello, everyone! Lolo. Let me introduce to you my girlfriend or should I say my fiancee. Cielo Vallejo,” agad na pakilala ni Warren sa kan’ya. Isang lalaki at babae na halos kaedaran lang niya at hindi naman nalalayo ang edad sa kanila ni Warren. Sa kabilang side naman ay hula niya ay mag-asawa at kamuha ni Warren ang isa maharil ay ito ang ama nito. Na sa pinakasentro naman ay ang nakaupong matanda na nasisiguro ni Cielo na ito nga ang lolo ni Warren. “Maupo ka, Ija,” aya naman ng lolo ni Warren kay Cielo. Nagulat pa siya nang magsalita ito sa kan'ya at ngumiti. Ipinaghila naman si Warren si Cielo ng mauupuan at magkatabi sila. “Hi, I'm Wendy. Kuya Warren's sister. Nice to meet you, Cielo,” bati nito sa kan'ya. “Welcome to the family, Cielo. I'm Wallace. His brother.” “Mamaya na muna ka mag-kumustahan. Let Cielo eat first. ‘Wag kang mahiya, Ija. Enjoy the food and pinahanda ko iyan para sa mapapangasawa ng apo ako,” ani ng matanda. Tila nabawasan naman ang kabang naramdaman ni Cielo dahil sa pagtanggap sa kan'ya ng mga kapatid at lolo ni Warren. Samantalang tahimik lamang ang parents ni Warren ngunit kapag napapatingin si Cielo sa Gawi ng mga ito ay ngumiti naman at daddy ni Warren at inaalok pa siyang kumain pa. Ang akala ni Cielo ay maha-hotsit siya sa lolo ni Warren ngunit kabaliktaran ang nangyari. Hindi man lang siya nito tinanong tungkol sa backgrounds niya kung saan ba siya nakatira or kung ano nga ba ang tinapos niya. Iyon kasi ang alam niyang ganap sa mga napapanood na drama sa Tv. Pinansin naman siya ng mommy ni Warren ngunit hindi tipid lamang ang pakikipag-usap nito sa kan'ya. Nagpaalam na rin ang mga ito dahil masama umano ang pakiramdam at sinamahan naman ito ng daddy ni Warren. Naiwan ang mga kapatid ni Warren at ang lolo nito. Natagpuan na lamang ni Cielo ang sarili na napapalagay na siya sa mga ito lalo na sa lolo ni Warren. Palabiho kasi ito at kapag si Cielo naman ay nagbiro ay nagtatawanan ang mga ito. Napapangiti naman si Warren dahil mukhang nawala na ang kaba ni Cielo na kanina ay sobrang lamig ng mga palad nito. Nakakahawa ang mga tawa att ngiti nito at natutuwa siyang napapangiti nito ang lolo niya. Mukhang sumigla rin ito kaya masasabi niyang nagustuhan nito si Cielo. Iniwan saglit ni Warren si Cielo at kumuha ng alak sa bar counter nang masalubong nito ang kapatid na si Wallace. “I think, grandpa likes her for you, dude! She's nice and I like her,” kumento nito kay Cielo. Pati pala ito ay nakita rin iyon. “She's Solenn's step sister.” “Really? But to be honest, I haven't seen Solenn as a wife material. I know your plan, the set up and everything. So, good luck! If you don't change your mind, akin lang si Cielo,” pang-aasar pa nito kay Warren na may halong katotohanan. “Wendy, saan dito ang Cr nin'yo?” pabulong na tanong ni Cielo dahil nakaramdam siya ng pagkaihi. “Oh, samahan na kita, Ate,” ngunit agad nang tumangi si Cielo dahil maiiwang mag-isa ang matanda. Hindi pa kasi bumabalik si Warren at hindi niya alam kung saan ito nagpunta. “Ako na lang, kaya ko na ‘to! ‘Wag mo nang iwan si Lolo rito saglit lang naman ako.” “Sige, dumirecho ka lang diyan tapos kaliwa ka. Nariyan na iyon, Ate.” “Salamat.” Agad namang nahanap ni Cielo ang cr kung kaya't guminhawa na ang pakiramdam niya. Agad na siyang lumabas upang makabalik ngunit pagliko niya ay muntik pa siyang mapasigaw sa gulat dahil naroon ang mommy Warren. “Kayo po, pala. Ahm…nakigamit lang po ako ng Cr,” aniya. “Gusto talaga kitang makausap,” sambit ng ina ni Warren. Talagang inabangan niya si Cielo para makausap at paalalahanan. “S-sige po, ano po iyon?” “I know a lot about you and your mother. Lucille told me and explained to me everything kaya hindi mo kailangan magpanggap kapag tayong dalawa lang!” Napayuko naman si Cielo at naikuyum ang kamao. Akala niya pa naman ay matatapos na kalbaryo niya sa mga taong hinuhusgahan silang mag-ina. Mas lalo lamang pala itong nadagdagan. “Ipapaalala ko lang iyo na may usapan kayo ni Solenn at baka nakalimutan mo! Siya lang ang gusto kong maging daughter in law!” Napayuko na lamang si Cielo. Nangilid ang kaniyang mga luha dahil sa masasakit na salita galing sa mommy ni Warren. Wala naman siyang balak sumira sa kasunduan nila ni Solenn. “‘Wag po kayong mag-alala. Tutupad po, ako.” Subalit bago pa siya iwan ng mommy ni Warren ay muli itong pumalatak ng salita. “Good. At least! You know your place!”“Ija, kailan ka babalik?” tanong ng lolo ni Warren kaya nakangiting lumapit naman si Cielo rito. “Lolo, hindi pa nga ho ako nakakaalis. Iyong pagbabalik ko na agad?” pabirong sabi pa ni Cielo na ikinatawa naman ng matanda. “Pagpasensyahan mo na ako. Ako ‘y natutuwa lamang sa iyo dahil napakamasayahin mo.“Ay, iyon ba? Lolo, marunong din po akong magpaiyak. Gusto niyo po bang paiyakin ko kayo?” mas lalo lamang tumawa nang malakas ang matanda kung kaya ‘t nagsalubong ang kilay ni Cielo. ‘Bakit ba tawa nang tawa ‘tong si Lolo? Mukha ba akong clown?’Si Warren naman ay palihim na natatawa at napapailing dahil sa usapan ng dalawa lalo na sa ekpresyon ng mukha ni Cielo. Lalong naningkit kasi ang mga mata nitong chinita. “And now you're smiling, huh? Mukhang maganda nga ang pagdating ni Cielo sa bahay,” komento naman ni Wallace nang mahuli ang kuya na napapangiti habang nakatingin kay Cielo. “Lo, sabihin mo nga. Bulong mo lang po sa akin,” sabi naman ni Cielo dahil bakit tawa nang tawa
Nagulat ako sa sinabi ni Warren kay Marco. Hindi ko inaasahan na iyon ang kan’yang isasagot at hinawi pa ako nito papunta sa likod niya.“Wala naman. Totoo bang may boyfriend ka na, Cielo?” mahinahon na tanong naman ni Marco. Bakas sa mukha nito ang lungkot sa nalaman. “H-ha? A-ah, kasi–”“Soon to be a husband,” putol pa ni Warren sa sasabihin ko. Napayuko naman si Marco, alam kong nadismaya ito sa lalo.“Gano'n ba? Talagang wala na akong pag-asa nito pala. Sige, congrats na lang pare.” Inilahad ni Marco ang kamay kay Warren upang makipag-kamay na tinanggap naman nito.“Thanks,” tipid na tugon naman ni Warren. Nang makaalis na si Marco ay hindi ko namalayang nakaharap na pala si Warren sa akin. Tila nailang ako sa mga titig niya kaya ibinaling ko sa ibang direksyon ang tingin ko.“Will you stop biting your lips?” Iritadong sabi pa niya. Hind koi maintindihan ang mood swing nitong si Warren, eh!“Pasensiya na–”“Don't do that anywhere, especially in front of a man,” dugtong niya pang
Warren’s Pov“Tita, I have to go. Kailangan niyo na rin po ‘ng magpahinga. Thanks for the dinner,” paalam ko dahil lumalalim na rin ang gabi. Mukhang wala nang balak bumaba pa si Cielo kaya hinayaan ko na. Napapangiti ako dahil mabilis lang pala itong mapikon, ang sarap niya tuloy asarin. “Siya, sige. Mag-iingat ka, sandali at tatawagin ko lang si Cielo–”“‘Wag na po. Hayaan na lang po natin siyang magpahinga. Iti-text ko na lang po siya,” sabi ko. Napakabait ng mama ni Cielo at magaan ang loob ko sa kanila. “Gano'n ba? Ikaw bahala. Dahan-dahan lang sa pagmamaneho, sige na ‘t lumakad ka na.” “Salamat po ulit.” Nakangiting tumango naman si Tita Carmela. Buong byahe ay hindi mawala sa isip ko si Cielo. Ang pagkakalapit ng mga mukhang namin kanina, lalo na ang labi niyang kinakagat-kagat niya pa. Shit! I was turned on by her gesture. Ipinilig ko ang sarili dahil mukhang nahihibang lamang ako. ‘Lagot ka kay Solenn!’ “F*ck! But I can't! Unang kita ko pa lang kay Cielo ay tila may ku
Unti-unti kong minulat ang aking mga mata baka sakaling nagkakamali lamang ako. Ngunit pagdilat ko ay nakatunghay ito sa akin na tila hinihintay rin na ang pagdilat ko. “B-bakit mo ‘ko hinalikan?” matapang kong taqnong sa kan'ya habang salubong ang mga titig niya. Bakit ba basta-basta na lang siya nanghahalik? May girlfriend siya tapos ito ang ginagawa niya! “I thought. You want me to kiss you, pumikit ka kasi,” sagot niya at tila nakakaloko pa itong umalis sa pagkakalapit naming dalawa. “Ano? H-hindi ah! Pumikit ako kasi sobrang lapit mo, naduduling ako,” naiinis kong sabi! ‘Iniisip ko ba na hahalikan niya nga ako? Ay hindi! Kasalanan niya iyon! Sinad’ya niya talaga! Hmmp!’ “Oh, sorry but not sorry. Your lips are inviting me to kiss you.” “Wow ha! Ang sabihin mo–” “Yeah, I like it. So, what? Magiging asawa naman na kita,” sabi niya pa at talaga confident siya ro’n! ‘Aba, ang loko!’ “Hoy! Ikaw nga, magkalinawan tayo rito ah. Alam mong kasunduan lang itong pagpap
After 2 years "Cielo! Cielo!” malakas na sigaw ni Warren nang tawagin ako habang abala rito sa kusina sa pagluluto ng pananghalian. May pagmamadali ang kilos ko ‘t baka magalit na naman ito sa 'kin."Ano po iyon, Sir?" kabadong tanong ko rito. Oo, sir ang tawag ko sa kan'ya. Nakiusap ako sa parents namin na kahit hindi niya ako naaalala ay dito pa rin ako tumira, nagbabakasakali na isang araw ay magbalik na siya sa dati."Ilang beses ko ba'ng sasabihin na ayaw ko nang makakailang tawag pa ako sa 'yo?” Salubong ang kilay nito at matalim ako titig sa akin. Palagi na lang mainit ang ulo nito, nakasanayan ko na lamang. Sa araw-araw ba namang ganito siya– ewan ko na lang. Minsan nga napaisip akong gawing ringtone. Tsk!'Hmmp! Kung hindi ka lang guwapo, kanina pa kita hinambalos ng walis tambo!’"A-ah…pasensiya naman po, Sir. Nagluluto kasi ako ng paborito mong ulam. Tamang-tama diyan sa mukha mong may asim at alat," pahinang-pahina kong sabi.Nakakainis kasi ang ugali nitong napakasuplad
'Relax ka lang Cielo! Nakaya mo nga ng dalawang taon 'di ba? Ito pa kaya? Nakalimot lang siya, tatagan mo lang ang loob mo. Ikaw pa rin ang totoong mahal ni Warren.' Pagpapalakas ko sa sarili habang hilam ang luha sa aking mga mata dahil sa nalaman ko. Kumain na lamang ako para makainom na ng gamot. Talagang nilagnat na ako at masakit pa pati ang kasu-kasuan ko. Bumalik ako sa aking silid at nagpahinga, nais ko sanang matulog ngunit hindi na ako dalawin ng antok. Nang bumuti-buti na ang aking pakiramdam ay lumabas na ako ng aking silid dahil kailangan ko na rin magluto ng hapunan. Hinahanda ko pa lang ang sangkap ng aking lulutuin nang biglang bumukas ang pinto. Iniluwa no'n si Warren at saktong nagtama ang aming mga mata ngunit ako rin ang naunang mag-iwas ng tingin, ipinagpatuloy ang aking ginagawa. Narinig ko ang mga yabag nito papalapit sa akin, ako naman ay nasa lababo naghuhugas ng mga gulay. "Kumusta na ang pakiramdam mo?" bigla akong natuod sa kinatatayuan ko dahil nasa l
Sumidhi ang init sa aking katawan na parang may apoy na biglang sumiklab. Init na ang asawa ko lang ang makakapawi, init na matagal ko nang pinanabikan sa piling ni Warren. "Ahh… Warren…" halinghing ko nang maramdaman ko ang isang kamay nito na ngayo'y sakop ang isang s*s* ko. Napaliyad ako nang bigla nitong pinisil at nilamas na nagparamdam sa akin ng ibayong kiliti. Lalo na nang bumaba ang mukha nito sabay subo ng kabilang s*s* ko, halos mahigit ko ang aking hininga at nanigas ang aking katawan nang s******n niya pa iyon na tila sanggol na gutom. Nang magsawa ay lumipat pa siya sa kabila habang ang dalawang kamay ay walang tigil sa kalalamas ng dalawang s*s* ko. Gumapang ang halik ni Warren paakyat sa aking leeg na lalong nagpapabaliw sa akin nang s********p at pinapadaanan ng kan'yang dila hanggan sa sakupin niyang muli ang aking labi. Ilang segundong nagtagal ang aming halikan nang inayos niya ako paharap sa kan'ya at bigla siyang tumayo, karga na ako nito ngayon. "Let's cont
Kinakinabukasan ay maaga na ulit akong nagising upang ipaghanda siya ng agahan. Hindi ko namalayang nakatulugan ko na pala ang pag-iyak kagabi at med'yo maga pa ang aking mga mata. Masakit ang ulo ko dahil kulang pa sa tulog ngunit napapaisip ako kung maaalala pa kaya ni Warren ang nangyari sa amin kagabi dahil hindi ko alam kung paano siya haharapin ngayon. 'Tsk! Sana naisip mo iyan bago ka bumukaka!' sermon ko sa aking sarili. Iiwasan ko na lamang siguro siya ngayon, tatapusin ko ang na muna ang kailangan kong tapusin para wala siyang masabi. Kakatukin ko lang naman siya para sabihang kumain at naihanda ko naman na ang kakainin nito kung sakali. Lalabas na lamang ako ulit kapag tapos na siya. Tama! Iyon ang gagawin ko. Nang matapos ako sa 'king gawain ay balak ko na sanang maligo nang biglang tumog ang cellphone ko. Kinuha ko ito sa aking bulsa at nang tingnan ko ito ay si Mommy ang tumatawag. Agad ko naman itong sinagot dahil na-miss ko na rin naman si Mommy. "Hello,Mom,"