“Pa, nagmamakaawa po ako! Tulungan po nin’yo ang mama ko,” pagsusumamo ni Cielo sa ama nito. May sakit ang kaniyang ina at kailangan ma-operahan sa lalong madaling panahon ang mga mata nito bago pa ito tuluyang mabulag.
Gustuhin man ng ama ni Cielo ay wala itong magawa dahil ang totoong mas makapangyarihan si Lucille kumpara sa kan'ya. Kahit na ang ina naman ni Cielo ang nauna ay hindi naman ikinasal ang mga ito noon kung kaya ‘t ang nabuong pamilya nila Lucille ang legal. Tahimik lamang si Solenn sa tabi ng mommy niya at nababagot nitong tinigan si Cielo. Naiirita siya sa pagpapaawa nito. “Anong akala mo rito sa asawa ko? Charity para sa katulad nin’yo? Ang kapal ng mukha mong pumunta rito sa pamamahay ko!” bulyaw ni Lucille. Pakiramdam ni Cielo ay sobrang rumi niya sa sobrang pangmamaliit ni Lucille ngunit kailangan niyang tatagan ang loob alang-alang sa inang nasa ospital. “Lucille, tama na! Anak ko pa rin si Cielo kung kaya 't dahan-dahanin mo iyang pananalita mo sa anak ko!” Tila nabigla naman si Lucille at Solenn kay Rafael. Saglit lamang natigilan si Lucille ngunit sumidlhi lalo ang galit nito sa ina ni Cielo dahil alam nito, ramdam ni Lucille na mahal pa rin nito ang ina ni Cielo. “Wala akong pakialam! Nasa pamamahay ko siya kaya ako ang masusunod!” asik pa nito na nanliliit ang mga matang tumingin kay Cielo. Yumuko naman si Cielo bilang paghingi ng paumanhin. Hindi puwedeng lalong magalit si Lucille sa kan'ya. “Patawad po, Tita–” “Call me, Madam! Don't call me Tita dahil hindi kita kapamilya,” sobrang nasasaktan si Rafael para sa anak. Kung maibabalik niya lamang noon ang nakaraan ay hindi sana niya pinakasalan si Lucille. “Cielo, anak. Umuwi ka na. Sa susunod na lamang tayo mag-usap.” “Pero bukas na bukas po ay kailangang ma-operahan si Mama… Please, Madam Lucille. Gagawin ko po ang lahat basta po ‘t tulungan po nin’yo kami.” Lumuhod na si Cielo sa harap ni Lucille at ikinagulat iyon ni Solenn, maging si Rafael ay hindi akalain na gagawin iyon ni Cielo. Pumaskil naman ang mala-impaktang ngiti sa labi ni Lucille. Pakiramdam niya ay isa siyang kagalang-galang. Tama nga ba ito nang narinig? Lahat ng gusto niya ay susunduin nito? Balak na sana nitong sabihin na pumapayag na siya kapalit nang mawala na ito at ang mag-ina sa buhay ni Rafael subalit hindi na nito natuloy pa sana ang sasabihin nang natutuwang pumalakpak si Solenn na ikinatigil nito. Silang tatlo ay lumipat ang tingin kay Solenn at naghintay sa sasabihin nito. “Perfect! Mom, pumayag ka na,” aniya. Nabuhayan naman ng loob si Cielo sa sinabi ni Solenn. Nakahanda siya sa kahit ano. “But, why?” “Mom, maawa ka na sa kanila. And I have something to tell kasi,” maarteng sabi pa nito na nag-aalangan pang sabihin sa mommy niya ang totoo. “Solenn. Ano na naman iyan? Don't tell me that you're giving me another trouble again!” may pagdududang angil ni Lucille sa anak. “A-ah– Yeah! But, not really naman. Warren proposed to me last night but I said, I will think about it,” parang baliwalang sabi lang nito. “What?! Are you out of your mind, Solenn?! Bakit? Matagal na rin naman ang 4 years. Nasa wastong edad ka na, ano pang pinag-iisapan mo? Warren is good for you! Matutuwa rin ang lolo mo sa iyo dahil makakatulong sa family business natin si Warren at ang angkan nila.” Napanguso naman si Solenn dahil ang totoo ay mas importante pa sa mommy niya ang yaman, kung sa yaman ay mayaman naman na sila. Ano pa ba umano ang nais nito? “But I'm not ready to settle down. May upcoming project ako sa Italy and 2 years contact lang naman iyon,” saad nito. Isa kasing Modelo si Solenn at itong upcoming project ang hinihintay niya talaga. Mas lalo siyang sisikat lalo na ‘t makakasama pa nito ang mga kilalang modelo. Gusto niyang maging proud ang lolo niya sa larangan na kung saan siya magaling. Hindi niya gusto ang panghawakan ang family business nila! “Lucille, let her. Hayaan mo kung saan masaya ang anak natin. Puro na lang yaman ang nasa isip mo! Give our daughter's freedom to choose what's best for her.” Tila hinaplos naman ang puso ni Solenn. Mabuti pa ang daddy niya ay naiintindihan siya at handang suportahan sa kung ano man ang gusto niya. “Kaya nga I have plan B and Cielo will do it for me. Right, my dear sister?” Kahit wala pang alam ay tumango-tango naman si Cielo. “O-oo! Kahit ano pa iyan ay gagawin ko.” “At ano naman ba iyon anak?” nagtatakang tanong ni Rafael. “Marry my boyfriend, Cielo!” “What?! “Ano?! Sabay na pagkabigla nina Lucille at Rafael. Tila hindi naman agad pumasok sa isip ni Cielo ang narinig. O baka mali siya nang dinig? “You heard it! I won't say it again.” Sa galit ni Lucille ay nahila nito ang buhok ni Solenn. “Nahihibang ka na ba? You're so stupid, mana ka talaga sa daddy mo! My God!” “Mom! Masakit, aray…” “Talagang masasaktan ka talaga! Ipapakasal mo si Cielo kay Warren? Sa tingin mo ba ay papayag iyon? Ha?! “Yes, he will. His grandpa wants him to get married as soon as possible, then after 2 years puwede naman silang mag-divorce. Akin pa rin si Warren.” “Bakit hindi na lang ikaw?” “Ayaw ko nga! Bawal sa akin ang maging married. Kakausapin ko si Warren about this. I'm sure that he will agree, madali lang naman ang 2 years eh!” “Tonta! Ano na lamang ang sasabihin ng parents ni Warren? Mahiya ka nga Solenn sa pinaggagawa mo!” “Ako na ang bahala, Mom. Hindi pa naman ako nakikita ng lolo ni Warren. The important thing here is Warren will introduce Cielo to his grandpa.” Naiiling na lamang si Lucille sa kagagahan ng anak. Inaalala nito na baka sa huli ay pagsisihan nito ang lahat. “But before that Cielo. I have my conditions,” seryosong sabi nito. Pinatayo nito si Cielo sa pagkakaluhod at pinaupo sa tabi niya. “A-ano iyon?” kinakabahang tugon naman ni Cielo habang nakatitig rin sa mga mata ni Solenn. “Don't you dare to fall in love with my boyfriend!”Masaya si Cielo dahil ngayong araw na isinasagawa ang operasyon ng kaniyang ina. Naroon na ito ngayon sa operating room kaya naghihintay siya ngayon kung anong oras iyon matatapos. Tumawag naman ang kaniyang ama at humingi ito ng pasensya dahil hindi makakapunta sa ospital upang damayan siya nito. Naiintindihan naman niya ang ama dahil sa sitwasyon nito sa piling ni Lucille.Malaking pera ang ibinigay ni Lucille para iyon sa pagpapa-opera ng kaniyang ina. Ngunit lingid sa kaalaman nito ay binigyan pa siya ni Solenn ng pera galing sa sarili nitong bulsa para may magamit pa sila umano pagkalabas ng ospital at mapaghandaan ang pagkikipagkita nito kay Warren. ‘Saka ko na nga muna iisipin ang tungkol sa kasala na iyon.’ Pumunta naman si Solenn sa suit ni Warren upang makipag-usap tungkol sa hindi na muna sila dapat ikasal. “Honey, sige na. 2 years lang naman ay babalik na ako. Tayo naman ang magpapakasal.”“Why do you have to do that? Why do you have to leave, Solenn?” ayaw ni Warren a
“Anak, kinabahan ako. Paano kung tuluyan na akong mabulag?”“Mama naman. ‘Wag po kayong mag-isip ng ganiyan. Think positive lang dapat palagi,” pang-aalo ni Cielo sa ina. Bumukas naman ang pinto at iniluwa na ang doctor na nag-opera sa kaniyang ina at isang nurse. “Okay. Good morning po, ma’am. Kumusta po ang pakiramdam nin’yo? Excited na ho ba kayong tanggalin iyang benta sa mga mata mo?” Nakangiting bati ng doctor. “Good morning po, Doc. Ako po ‘y kinakabahan. Paano kung hindi na talaga ako makakita? Magpapa-opera ba ako ulit?” hindi mapigilang magtanong ng ina ni Cielo. “In that case, should we take another test, kung bakit? Pero parang wala naman ho kayong bilib sa akin niyan, eh,” kunwaring nagtatampo ang doctor. “Ay, hindi po. Paumanhin sa aking nasabi, hindi naman po sa gano'n,” hinging paumanhin ng ina ni Cielo. Natawa naman ito dahil nagbibiro lamang naman siya. “Mama, magaling po si Doctor Chavez. Sigurado makakakita ka na.” “Hmmn… Siya, sige. Shall we start?” Tumango
“Ma, alis na po muna ako.” “Sige, mag-iingat ka anak. Sigurado ka na ba talaga?” Muling tinanong ni Carmela ang anak sa huling pagkakataon baka sakaling magbago ang isip. “Opo, ‘Ma. ‘Wag na po kayong mag-alala,” paniniguro ni Cielo ngunit ang totoo ay dinadaga dibdib niya. “Ma’am Cielo, tayo na po,” sabi ng driver na nagsundo sa kan’ya. Tahimik lamang si Cielo at sarili lamang ang dala. Panay ang sipat niya sa sarili kung maayos naman ba ang itsura niya. Ayaw niyang mapahiya si Solenn kaya pumili siya ng kaniyang bistida na pinakamagandang mero'n siya. ‘Hays… Sana ayos lang ‘tong suot ko!’ Nagtaka si Cielo dahil hinatid siya ng driver sa isang kilalang beauty salon. Nagtatakang nilingon niya pa muna ang driver. “Pasok na po kayo, ma'am. May naghihintay na po sa in'yo sa loob at sila na po ang bahala. Maghihintay na lamang po ako rito,” magalang na sabi ng driver. Pinagbuksan na siya nito ng pinto at wala sa sariling sumunod na lamang siya sa sinabi nito. Hindi niya alam na gani
“Wow! You look stunning! Hindi ko alam na may tinatago kang ganda, ah!” nakaramdam naman ng hiya si Cielo dahil pakiramdam niya ay namaliit siya ni Solenn. Tipid na lamang siyang ngumiti bilang tugon. “Hon, she's my step sister. Cielo Vallejo,” pakilala ni Solenn sa kan’ya. “,and he's my boyfriend, Warren Sandoval.” “Nice to meet you, Cielo,” naunang bumati si Warren kay Cielo. Naglahad ito ng kamay upang makipagkamay sa kan’ya kaya nahihiya niya naman itong tinanggap. “H-hello, nice meeting you too,” nahihiyang tugon naman ni Cielo. “Guys… Don't be shy with each other, okay? Soon, you too are getting married.” Nakaramdam ng inis si Warren dahil pakiramdam nito ay pinagdudul-dulan siya nito talaga! He's thinking if Solenn is really into him? Pagkatapos nilang kumain ay napag-usapan na nila ang magiging set up nina Cielo and Warren. Nag-set na rin ito ng date kung kailan siya ipapakilala ni Warren sa family nito lalong-lalo sa lolo nito. Nakinig lamang si Cielo at puro
“Ija, kailan ka babalik?” tanong ng lolo ni Warren kaya nakangiting lumapit naman si Cielo rito. “Lolo, hindi pa nga ho ako nakakaalis. Iyong pagbabalik ko na agad?” pabirong sabi pa ni Cielo na ikinatawa naman ng matanda. “Pagpasensyahan mo na ako. Ako ‘y natutuwa lamang sa iyo dahil napakamasayahin mo.“Ay, iyon ba? Lolo, marunong din po akong magpaiyak. Gusto niyo po bang paiyakin ko kayo?” mas lalo lamang tumawa nang malakas ang matanda kung kaya ‘t nagsalubong ang kilay ni Cielo. ‘Bakit ba tawa nang tawa ‘tong si Lolo? Mukha ba akong clown?’Si Warren naman ay palihim na natatawa at napapailing dahil sa usapan ng dalawa lalo na sa ekpresyon ng mukha ni Cielo. Lalong naningkit kasi ang mga mata nitong chinita. “And now you're smiling, huh? Mukhang maganda nga ang pagdating ni Cielo sa bahay,” komento naman ni Wallace nang mahuli ang kuya na napapangiti habang nakatingin kay Cielo. “Lo, sabihin mo nga. Bulong mo lang po sa akin,” sabi naman ni Cielo dahil bakit tawa nang tawa
Nagulat ako sa sinabi ni Warren kay Marco. Hindi ko inaasahan na iyon ang kan’yang isasagot at hinawi pa ako nito papunta sa likod niya.“Wala naman. Totoo bang may boyfriend ka na, Cielo?” mahinahon na tanong naman ni Marco. Bakas sa mukha nito ang lungkot sa nalaman. “H-ha? A-ah, kasi–”“Soon to be a husband,” putol pa ni Warren sa sasabihin ko. Napayuko naman si Marco, alam kong nadismaya ito sa lalo.“Gano'n ba? Talagang wala na akong pag-asa nito pala. Sige, congrats na lang pare.” Inilahad ni Marco ang kamay kay Warren upang makipag-kamay na tinanggap naman nito.“Thanks,” tipid na tugon naman ni Warren. Nang makaalis na si Marco ay hindi ko namalayang nakaharap na pala si Warren sa akin. Tila nailang ako sa mga titig niya kaya ibinaling ko sa ibang direksyon ang tingin ko.“Will you stop biting your lips?” Iritadong sabi pa niya. Hind koi maintindihan ang mood swing nitong si Warren, eh!“Pasensiya na–”“Don't do that anywhere, especially in front of a man,” dugtong niya pang
Warren’s Pov“Tita, I have to go. Kailangan niyo na rin po ‘ng magpahinga. Thanks for the dinner,” paalam ko dahil lumalalim na rin ang gabi. Mukhang wala nang balak bumaba pa si Cielo kaya hinayaan ko na. Napapangiti ako dahil mabilis lang pala itong mapikon, ang sarap niya tuloy asarin. “Siya, sige. Mag-iingat ka, sandali at tatawagin ko lang si Cielo–”“‘Wag na po. Hayaan na lang po natin siyang magpahinga. Iti-text ko na lang po siya,” sabi ko. Napakabait ng mama ni Cielo at magaan ang loob ko sa kanila. “Gano'n ba? Ikaw bahala. Dahan-dahan lang sa pagmamaneho, sige na ‘t lumakad ka na.” “Salamat po ulit.” Nakangiting tumango naman si Tita Carmela. Buong byahe ay hindi mawala sa isip ko si Cielo. Ang pagkakalapit ng mga mukhang namin kanina, lalo na ang labi niyang kinakagat-kagat niya pa. Shit! I was turned on by her gesture. Ipinilig ko ang sarili dahil mukhang nahihibang lamang ako. ‘Lagot ka kay Solenn!’ “F*ck! But I can't! Unang kita ko pa lang kay Cielo ay tila may ku
Unti-unti kong minulat ang aking mga mata baka sakaling nagkakamali lamang ako. Ngunit pagdilat ko ay nakatunghay ito sa akin na tila hinihintay rin na ang pagdilat ko. “B-bakit mo ‘ko hinalikan?” matapang kong taqnong sa kan'ya habang salubong ang mga titig niya. Bakit ba basta-basta na lang siya nanghahalik? May girlfriend siya tapos ito ang ginagawa niya! “I thought. You want me to kiss you, pumikit ka kasi,” sagot niya at tila nakakaloko pa itong umalis sa pagkakalapit naming dalawa. “Ano? H-hindi ah! Pumikit ako kasi sobrang lapit mo, naduduling ako,” naiinis kong sabi! ‘Iniisip ko ba na hahalikan niya nga ako? Ay hindi! Kasalanan niya iyon! Sinad’ya niya talaga! Hmmp!’ “Oh, sorry but not sorry. Your lips are inviting me to kiss you.” “Wow ha! Ang sabihin mo–” “Yeah, I like it. So, what? Magiging asawa naman na kita,” sabi niya pa at talaga confident siya ro’n! ‘Aba, ang loko!’ “Hoy! Ikaw nga, magkalinawan tayo rito ah. Alam mong kasunduan lang itong pagpap