~Drake~Araw ng sabado ngayon at wala akong magawa, kaya naisipan kong puntahan si Aki."Naku kang bata ka talaga! Sige na naman, subukan mong sumubo kahit ilan lang, anak," nariring kong nagsasalita si tita Anya nang papasok pa lang ako kaya kumatok na muna ako sa pintuan."Ahmmn...good morning po, Tita," bati ko pagbungad pa lang."Oh. Ikaw pala Drake, halika ka pasok ka." Pumasok naman ako agad. May dala si tita Anya na isang basong tubig at mukhang galing sa taas."Ah, si Aki po, nar'ya po ba?" tanong ko."Naku! Ayon masama ang pakiramdam, may sakit at kaya ako nagagalit dahil alam mo naman na mahirap siyang painumin ng gamot.Hay! Ewan ko ba sa batang 'yan! Kay liit-liit na gamot, hindi pa niya kayang lunukin."Tutuo 'yon, mahirap painumin ng gamot si Aki kaya 'pag may sakit siya ay pahirapan talaga sa pagpilit mapainom lang siya ng gamot."Puwede ko po ba siyang puntahan, Tita?" "Sige, puntahan mo at kumbinsihin mo baka sakaling mapainom mo siya ng gamot." Umakyat na ako agad p
Last Updated : 2024-09-08 Read more