“Tita, kumusta po si Nanay?” Nakangiti kong tanong habang ibinababa sa ibabaw ng aparador ang pagkain na niluto ko ngayong umaga. “Naku, anak, ang sabi ng doktor pwede na raw nating maiuwi ang nanay mo at sa bahay na lang magpagaling. Imbes na matuwa ay nakadama ako ng matinding lungkot. Iniisip ko kasi kung saan ko iuuwi ang aking ina. Hindi naman ito pwedeng ibyahe pauwi ng Cordillera dahil makakasama sa kalagayan nito ang mahabang biyahe. “Mabuti naman, hayaan n’yo po at aayusin ko ang lahat para kaagad na makalabas ng hospital si Nanay. Hindi ko na po aabalahin ang tulog ni Nanay, kailangan ko ng umalis dahil masyadong traffic ng ganitong oras.” Paalam ko sa aking tiyahin. “Sige, anak, mag-ingat ka.” Bilin pa nito, pagkatapos na humalik sa noo ng aking ina ay yumukod muna ako sa aking tiyahin bago tuluyang lumabas ng silid. Kailangan ko munang dumiretso sa kumpanya para magpasa ng resignation letter. Pagkatapos magresign ay plano ko na humanap ng bahay na aming malilipatan.
Terakhir Diperbarui : 2024-09-22 Baca selengkapnya