“Bukas paglabas ng nanay mo mula sa hospital ay dito na sila di-diretso sa condo. Ang mga tauhan ko na ang bahalang maghakôt ng mga gamit mo para dalhin dito sa condo. Nasa bank account mo na rin ang ipinangako ko na five million. Sundin mo lang ang lahat ng gusto kong mangyari para wala tayong maging problema.” Napatingin ako sa mukha ng aking asawa dahil sa mga sinabi nito. “P-Paano mo nalaman na nasa hospital ang nanay ko?” Nasusurpresa na tanong ko dito, pero ni hindi man lang ako nito sinagot kaya nanghahaba na lang ang nguso ko. Napaka suplado talaga ng lalaking ito. “Pwede ba muna akong umuwi sa bahay? may kailangan lang akong ayusin.” Malumanay kong tanong, ngunit nagulat ako ng bigla na lang siyang nagtaas ng boses. “Nakikinig ka ba sa sinasabi ko!?” Napaigtad ako sa aking kinatatayuan at halos mawindang ako sa lakas ng kabôg ng dibdib ko. Napalunok ako ng wala sa oras at bigla akong naduwag kaya mas pinili ko na lang na huwag na lang magsalita. Nandito kami ngayon s
“Hindi maintindihan ni Winter ang sarili kung bakit tila excited siya na umuwi ng bahay. Kulang na lang ay takbuhin nito ang hagdan para mabilis na makarating sa silid na kanyang pakay. Imbes na sa sariling silid ay sa guest room kaagad siya dumiretso. Pinihit niya ang seradura at tila nananabik na tinulak ang dahon ng pinto. Pigil ang hininga na pinagmasdan niya ang magandang mukha ni Samara na kasalukuyang mahimbing na natutulog sa ibabaw ng king size bed. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na nasa harap niya ang magandang babae na ‘to. At hindi lang ‘yun, pag-aari na rin niya ito. He think that he’s so lucky dahil tanging siya lang ang nakakakita ng lahat ng itinatago nito.Marahil kung hindi lang siya busy sa kumpanya buong maghapon, baka mas pinili niya na manatili sa loob ng silid na ‘to kasama ni Samara.Isa-isang hinubad ang lahat ng saplot sa kanyang katawan at hubo’t-hubad na pumasok sa loob ng banyo. Natapos na siya’t lahat sa paliligo ay mahimbing pa rin
“Nay, kumusta na po kayo dito?” Nakangiti kong tanong habang ibinababa ang mga pinamili kong groceries para sa aking ina. Napangiti ako ng tumayo ang aking ina at mabagal na humakbang palapit sa akin. Sobrang hina ng bawat kilos nito pero halatang magaling na sya.“Bakit ngayon ka lang umuwi? Ikaw bata ka marami ka ng inililihim sa akin, ni hindi mo pa naipapaliwanag sa kung paano mo nakuha ang bahay na ‘to?” Seryoso nitong tanong saka ako pinukol ng isang nagdududang tingin.“Nay, w-wala po akong ginagawang masama. Ang totoo nga po niyan ay hindi pa bayad ang bahay na ‘to. Masyadong malaki ang buwanang hulog nito kaya naisip ko na mag-abroad na lang.” Malumanay kong paliwanag. Napansin ko na natigilan ang aking ina at malungkot na tumingin ito sa mukha ko. Parang gusto ko siyang yakapin at umiyak sa dibdib nito habang humihingi ng tawad. Nakokonsensya kasi ako sa pagsisinungaling ko, hindi ko naman kasi ugali na magsinungaling dito ngunit kailangan kong gawin ito.“N-Nay, pasensya
“Excited na pumasok ako sa loob ng silid, nadatnan ko si Samara na inaayos ang higaan. Kusang lumitaw ang ngiti sa mga labi ko ng lumingon siya sa akin. “I’m home.” Malambing kong saad bago lumapit sa aking asawa. Nang makalapit ay kaagad kong hinalikan ang mala rosas niyang mga labi. Sa gigil ko ay bahagya ko pa itong nakagat, pero sinigurado ko na hindi siya masasaktan. Pagkatapos ng isang mapusok na halik ay masuyo kong hinaplos ang impis nitong tiyan. Parang sasabog sa matinding kasiyahan ang puso ko because finally ay natupad na rin ang pagnanais ko na maging-isang ama. Napangiti ako ng mamula ng husto ang mukha ni Samara, she’s so cute. And I love the way kung paano siyang mahiya sa akin. “K-kumain ka na ba?” Nahihiya pa nitong tanong dahil na late ako ng uwi. Isa ito sa ikinaiinis ko sa kanya ang madalas na pagsasalita nito ng pautal-utal sa tuwing nakikipag-usap sa akin. Pakiramdam ko tuloy ay hindi siya masaya na makasama ako. Imbes na sumagot ay walang imik na iniwan ko
W-Winter…” Napako siya kinatatayuan ng tawagin ng isang pamilyar na tinig ang kanyang pangalan. Dahil sa matinding kasiyahan na kanyang nararamdaman ay hindi na niya napansin ang paglitaw ng isang babae mula sa bungad ng pintuan. Ilang segundo na naghinang ang kanilang mga mata. At matinding katahimikan nangibabaw sa buong paligid habang nanatiling nakatitig ang dalawa sa mukha ng isa’t-isa.. Nagsimulang lumuha ang mga mata ni Sophia, at masasalamin mula dito ang labis na pagsisisǐ. Marahil, nang dahil sa ginawa niyang pang-iiwan sa kanyang nobyo. Tulad ng kanyang inaasahan ang gulat sa mukha ni Winter ay naging seryoso, na kalaunan ay dumilim ang ekspresyon ng mukha nito. Halatang hindi nito gusto na makita ang kanyang pagmumukha. “What are you doing here!?” Matigas nitong tanong sa kanya bago malaki ang mga hakbang na tinawid ang kanilang pagitan. Nang makalapit, marahas na hinaklit nito ang kanyang braso saka kinaladkad siya palabas ng Villa. “Bakit bumalik ka pa? Umalis ka n
“Pabalik-balik ako ng lakad sa loob ng silid, hindi ako mapakali. Gustuhin ko man na lumabas para puntahan ang aking asawa ay hindi ko magawa.Nag-aalala kasi ako na baka magalit siya sa akin at tuluyan na ako nitong hindi puntahan dito sa silid na kinaroroonan ko. Ilang sandali pa ay bumukas ang pinto, mabilis ang ginawa kong pagharap dito. Ngunit nadismaya lang ako ng si ate Tess ang pumasok mula sa pintuan. May pag-aatubili na lumapit ako kay ate Tess at humawak sa isang braso nito. Inayos ang salamin ko sa mata bago magtanong. “A-Ate, si Winter, dumating na ba?” Nakangiti kong tanong, naron sa tinig ko ang matinding pananabik na masilayan muli ang mukha ng aking asawa. Dalawang araw ko na kasing hindi ito nakikita, kaya ganun na lang ang pagnanais ko na makita ito. Simula kasi ng dumating si Ma’am Sophia ay kailanman hindi na nagawi dito ang aking asawa. Hindi nakaligtas na aki ang lungkot mula sa mga ni ate Tess, bumadha rin sa mukha nito ang matinding awa para sa akin.“H-hi
“Hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Naiinis ako pero hindi ko alam kung bakit. Gusto kong umiyak o di kaya ay magwala. Nagdadamdam ako dahil may gusto akong makuha pero hindi ko alam kung ano. Frustrated na ako, kaya naisip ko na lang na maligo at baka sakaling gumaan ang pakiramdam ko. Marahil ay parte ito ng pagbubuntis ko. Ngayon ko lang nalaman na sadya pa lang mahirap ang magbuntis. Halos nagtagal ako sa ilalim ng tubig, nilalasap ang hatid na ginhawa nito sa aking pakiramdam. Pagkatapos ng halos kalahating oras na pagbababad sa maligamgam na tubig ay nakatapis ng tuwalya na lumabas ako ng banyo. Subalit, napatda ako sa aking kinatatayuan ng biglang bumukas ang pinto ng silid ng wala man lang paalam. Ang tangka kong paglapit sana sa closet para kumuha ng damit ay hindi na natuloy.Napahawak ako sa buhol ng tuwalya na nasa tapat ng dibdib ko. Hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan habang nakatitig sa mukha ng bagong pasok na si Ma’am Sophia. Ito ang unang paghaharap nam
Mabilis na lumipas ang mga oras, araw at buwan. Sa ilang buwan na nagdaan ay tulad ng nais ni Winter, nanatili sa loob ng silid si Samara. Naging bilanggo siya ng kanyang asawa, at nagpaparamdam lang sa gabi kapag kailangan ng kaulayaw. Naging masalimuot ang buhay ni Samara. Sapagkat nasaksihan niya kung paanong pahalagahan ng kanyang asawa ang kabit nito na nakatira sa mismong pamamahay nilang mag-asawa, since na kasal naman sila. Sa paningin ni Samara ay wala siyang karapatan na magreklamo sa takbo ng kanilang mga buhay. Subalit ang ilang mga katulong ay hindi pabor sa mga nangyayari sa loob ng Villa. Lalo na ang hindi magandang pakikitungo ni Winter sa kanyang asawa. Isa si Tess na naging saksi ng lahat ng paghihirap ni Samara, kaya masasabi niya na sa magkakapatid na Hilton si Winter na yata ang naiiba sa lahat, dahil sa pagiging bato nito sa inosenteng si Samara. Sapagkat mas pinahahalagahan pa niya ang ibang tao kaysa sa kanyang mag-ina. “Hmp….” Halos mapatid na ang hininga