W-Winter…” Napako siya kinatatayuan ng tawagin ng isang pamilyar na tinig ang kanyang pangalan. Dahil sa matinding kasiyahan na kanyang nararamdaman ay hindi na niya napansin ang paglitaw ng isang babae mula sa bungad ng pintuan. Ilang segundo na naghinang ang kanilang mga mata. At matinding katahimikan nangibabaw sa buong paligid habang nanatiling nakatitig ang dalawa sa mukha ng isa’t-isa.. Nagsimulang lumuha ang mga mata ni Sophia, at masasalamin mula dito ang labis na pagsisisǐ. Marahil, nang dahil sa ginawa niyang pang-iiwan sa kanyang nobyo. Tulad ng kanyang inaasahan ang gulat sa mukha ni Winter ay naging seryoso, na kalaunan ay dumilim ang ekspresyon ng mukha nito. Halatang hindi nito gusto na makita ang kanyang pagmumukha. “What are you doing here!?” Matigas nitong tanong sa kanya bago malaki ang mga hakbang na tinawid ang kanilang pagitan. Nang makalapit, marahas na hinaklit nito ang kanyang braso saka kinaladkad siya palabas ng Villa. “Bakit bumalik ka pa? Umalis ka n
“Pabalik-balik ako ng lakad sa loob ng silid, hindi ako mapakali. Gustuhin ko man na lumabas para puntahan ang aking asawa ay hindi ko magawa.Nag-aalala kasi ako na baka magalit siya sa akin at tuluyan na ako nitong hindi puntahan dito sa silid na kinaroroonan ko. Ilang sandali pa ay bumukas ang pinto, mabilis ang ginawa kong pagharap dito. Ngunit nadismaya lang ako ng si ate Tess ang pumasok mula sa pintuan. May pag-aatubili na lumapit ako kay ate Tess at humawak sa isang braso nito. Inayos ang salamin ko sa mata bago magtanong. “A-Ate, si Winter, dumating na ba?” Nakangiti kong tanong, naron sa tinig ko ang matinding pananabik na masilayan muli ang mukha ng aking asawa. Dalawang araw ko na kasing hindi ito nakikita, kaya ganun na lang ang pagnanais ko na makita ito. Simula kasi ng dumating si Ma’am Sophia ay kailanman hindi na nagawi dito ang aking asawa. Hindi nakaligtas na aki ang lungkot mula sa mga ni ate Tess, bumadha rin sa mukha nito ang matinding awa para sa akin.“H-hi
“Hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Naiinis ako pero hindi ko alam kung bakit. Gusto kong umiyak o di kaya ay magwala. Nagdadamdam ako dahil may gusto akong makuha pero hindi ko alam kung ano. Frustrated na ako, kaya naisip ko na lang na maligo at baka sakaling gumaan ang pakiramdam ko. Marahil ay parte ito ng pagbubuntis ko. Ngayon ko lang nalaman na sadya pa lang mahirap ang magbuntis. Halos nagtagal ako sa ilalim ng tubig, nilalasap ang hatid na ginhawa nito sa aking pakiramdam. Pagkatapos ng halos kalahating oras na pagbababad sa maligamgam na tubig ay nakatapis ng tuwalya na lumabas ako ng banyo. Subalit, napatda ako sa aking kinatatayuan ng biglang bumukas ang pinto ng silid ng wala man lang paalam. Ang tangka kong paglapit sana sa closet para kumuha ng damit ay hindi na natuloy.Napahawak ako sa buhol ng tuwalya na nasa tapat ng dibdib ko. Hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan habang nakatitig sa mukha ng bagong pasok na si Ma’am Sophia. Ito ang unang paghaharap nam
Mabilis na lumipas ang mga oras, araw at buwan. Sa ilang buwan na nagdaan ay tulad ng nais ni Winter, nanatili sa loob ng silid si Samara. Naging bilanggo siya ng kanyang asawa, at nagpaparamdam lang sa gabi kapag kailangan ng kaulayaw. Naging masalimuot ang buhay ni Samara. Sapagkat nasaksihan niya kung paanong pahalagahan ng kanyang asawa ang kabit nito na nakatira sa mismong pamamahay nilang mag-asawa, since na kasal naman sila. Sa paningin ni Samara ay wala siyang karapatan na magreklamo sa takbo ng kanilang mga buhay. Subalit ang ilang mga katulong ay hindi pabor sa mga nangyayari sa loob ng Villa. Lalo na ang hindi magandang pakikitungo ni Winter sa kanyang asawa. Isa si Tess na naging saksi ng lahat ng paghihirap ni Samara, kaya masasabi niya na sa magkakapatid na Hilton si Winter na yata ang naiiba sa lahat, dahil sa pagiging bato nito sa inosenteng si Samara. Sapagkat mas pinahahalagahan pa niya ang ibang tao kaysa sa kanyang mag-ina. “Hmp….” Halos mapatid na ang hininga
Tila slow motion ang pagpasok ko sa silid ng aking mag-ina. Kusang lumitaw ang ngiti sa mga labi ko ng makita ko ang aking mga anak. Walang ingay na lumapit ako sa kanila at matamang tinitigan ang mukha ng mga sanggol. Proud ako sa sarili ko bilang isang ama ng mga batang ito. Because finally may mga tagapagmana na ako. Maingat na kinuha ko mula sa higaan ang isa sa aking mga anak at medyo natakot pa ako na baka mapisa ito sa mga bisig ko. Bukod sa sobrang lambot ay napakaliit ng katawan nito kaya nakakatakot itong kargahin. Nakakatuwang pagmasdan ang malasutla nitong balat lalo na ang mala anghel nitong mukha. He’s so cute na kailanman ay hindi ka magsasawa na pagmasdan ito. Kamukha ko man ang anak ko ngunit ang ekspresyon ng mukha nito ay hindi nalalayo sa kanyang ina. Buong pagmamahal na hinagkan ko ang katawan nito, medyo nanggigigil pa nga ako dahil ang puso ko ay tila sasabog na sa matinding kasiyahan. Maingat ko itong ibinalik sa tabi ng kanyang ina, at ang sunod ko namang
“Katatapos ko lang palitan ng diaper ang aking anak ng bumukas ang pinto ng silid. Mabilis ang ginawa kong paglingon sa pintuan at nakita ko na pumasok si Ate Tess. Malungkot ang maamo nitong mukha habang ang kanyang mga kamay ay nakahawak sa laylayan ng kanyang kulay brown na bestida. Imbes na ngumiti dahil sa presensya ng butihing ginang ay tila nahawaan ako ng ekspresyon ng mukha nito. Tulad nito ay nalungkot din ako, sabay tingin sa mukha ng aking mga anak na tila gustong makipaglaro sa akin. Nang makita ko ang ngiti ng aking mga anak ay isang malungkot na ngiti ang lumitaw sa mga labi ko. Kahit hindi pa man sabihin sa akin ni Ate Tess kung ano ang kanyang pakay ay alam ko na kung ano ang ibig sabihin ng ekspresyon ng mukha nito. Nagsimula na namang manubig ang aking mga mata. Mas lalo akong nasaktan ng pumasok ang dalawang katulong at maingat na binuhat ang aking mga anak. Gusto kong sigawan ang mga ito, at palayasin palabas ng silid, pero hindi ko kaya. Wala akong lakas ng l
“Diyos ko, mahabaging langit! Samara, anak!” Natataranta na sambit ni Tess ng datnan niya na nakahandusay sa sahig si Samara. Maging ang katulong na kasama nito ay halos mamuti na ang mukha dahil sa labis na pag-aalala. Mabilis, ngunit may pag-iingat na ibinaba ni Tess ang sanggol na hawak sa ibabaw ng kama. Habang ang katulong ay nakabatay sa dalawang sanggol. “Samara, anong nangyari sayo?” Naiiyak na tanong ni Tess habang nakaunan sa kanyang mga hita ang ulo nito at patuloy na tinatapǐk ang pisngi ng kanyang alaga. Mabilis na nilagay ni Tess ang daliri sa tapat ng ilong nito, nakahinga naman siya ng maluwag ng malaman na buhay pa ito.“Bilis! Humingi ka ng tulong sa babâ.” Natataranta na utos ni Tess sa kasama nitong katulong. Iniisip niya na hindi niya kayang buhatin ang kanyang alaga dahil kahit na may kapayatan ang katawan ni Samara ay malaking babae pa rin ito.“O-Opo!” Natataranta na sagot ng katulong. Subalit bago pa man ito makalapit sa pintuan ay biglang umungol si Samara
“Pinatawag ko kayo para sabihin sa inyong lahat na walang sinuman ang papasok sa silid ng mga anak ko. Ni hawakan ay huwag na huwag ninyong gagawin. Selosa akong tao, kapag sinuway n’yo ako, kayo rin, baka magsisi kayo.” Mataray kong pahayag na magkasamang banta. “Si Ma’am Sophia lang ang sinusunod namin dito, dahil iyon ang bilin sa amin ni Sir Winter.” Matapang na sagot ng isa sa kanila at tinaasan pa ako nito ng kilay., Umangat ang sulok ng bibig ko bago nagsimulang humakbang ang aking mga paa palapit dito. PAK! Isang malutong na sampal ang nagpayanig sa pagkatao ng kasambahay na labis na ikinagulat ng lahat. Umawang pa ang kanilang mga bibig habang ang ilan ay napa-atras pa. “Opps, sorry, nakalimutan kong sabihin na hindi ako tumatanggap ng rejection.” Anya na sinundan ng isang matalim na ngiti, sabay tikwas ng kaliwang kilay ko. “Do you know who I am? I’m the owner of this house, I’m your boss, or gusto n’yo na palayasin ko kayong lahat dito ay maghahired ako ng mga bag