“Sir, umalis po si Ma’am Samara, gamit ang BMW mong sasakyan. Bukod pa run ay binangga niya ang gilid ng bahay, pati rin ang gate kaya nawasak ang mga ito.” “What?” Hindi makapaniwala na sambit ko, ngunit sa pag-angat ng aking mukha ay sumalubong sa paningin ko ang isang babae na rumarampa sa gitna ng pulang carpet. Nanlaki ang mga mata ko ng makilala ko kung sino ang babaeng ito. Kahit wala na siyang suot na salamin sa mata, hindi pa rin nagbabago ang pagtingin ko dito dahil tanging ako lang ang nakakaalam ng mukha nito sa likod ng makapal na salamin nito. “S**t! What my wife’s doing here!?” Ang naibulalas ko ngunit sa pabulong na paraan. Iniiwasan ko pa rin na may makarinig sa sinabi ko. Kulang na lang ay sumabog ang ulo ko dahil sa matinding galit habang nakatitig sa magandang mukha ng aking asawa. Hindi ako makapaniwala na lumabas ito ng bahay na ganito ang suot na damit. Kita na ang makinis nitong tiyan pati ang buong pusod nito. Maging ang makinis at mala porselana nitong
“Where are you going!?” Nanggigigil na tanong sa akin ni Winter sabay haklit sa braso ko. Sumamâ ang timplada ng mukha ko dahil nasasaktan ako sa mahigpit na pagkakahawak niya sa braso ko. Halos bumaon na ang mga daliri nito sa malambot kong balat. “Excuse me! Could you please let me go!?” Mataray kong singhal dito habang pilit binabawi ang braso ko mula sa kanya. “Umuwi na tayo.” Matigas niyang saad bago ako nito hinatak palabas ng gusali. “Anong uuwi? Umuwi kang mag-isa mo!” Galit kong sabi at sinubukan kong pumalag. Wala na kaming pakialam sa mga taong nag-uusisa. “Let see kung hanggang saan ang pagmamatigas mo sa akin, wifey.” Nagbabanta niyang bulong sa akin. Nagtaka ako ng hubarin niya ang kanyang suit ng hindi binibitawan ang braso ko. Excuse me, hindi ako ang asawa mo. Nagkakamali ka ng pagkakaintindi sakin, hindi ako si Samara, okay? Ako si Faith.” Ani ko na pilit ipinapaunawa dito ang lahat. “S**t! Put me down!” Galit kong sigaw dahil ang magaling na lalaking ito
“Oh my god,” naibulalas ni Winter ng makita ang malaking pinsala na iniwan ng kanyang asawa. Napatiǐm bagang siya habang pinagmamasdan ang nawasak na bahagi ng kanyang Villa. Bukod pa run ay kasalukuyan ng hinihila ng truck mula sa kumpanya ang bago niyang sasakyan na BMW na siyang ginamit ni Samara. Sira na kasi ito at kailangan ng palitan ang buong parts nng sasakyan para magmukhang bago ulit. Natuklasan din niya na hindi lang ang kanyang Villa ang naperwisyo ng kanyang asawa. Dahil marami pang sasakyan ang nabangga nito, kaya ngayon ay kasalukuyan siyang nakikipag-usap sa mga pulis. Habang sa bungad ng pintuan ay tahimik lang na nagmamasid si Sophia. Mabilis na natunton ng mga pulis at ng mga taong naperwisyo ni Faith ang bahay ni Winter dahil sa plaka ng kanyang sasakyan. Sa loob lang ng isang araw ay gumastos siya ng halos six million dahil sa laki ng pinsala na nilikha ng kanyang asawa. Biglang sumakit ang kanyang ulo ng maalala na naman ito, dahil alas onse na ng gabi,
Blag! Pabalibag na isinara ni Winter ang pintuan pagkatapos na marahas na bitawan ang braso ni Faith. Nanlilisik sa matinding galit ang mga mata nito na halos mag-tunugan ang kanyang mga bagang dahil sa matinding panggagalaiti. Ngunit, walang pakialam si Faith dahil ang higit na mahalaga sa kanya ng mga sandaling ito ay si Xaven. Ang lalaking kinababaliwan nito. “Ang lakas ng loob mo na lokohin ako? Huh? At talagang ang kapatid ko pa ang pinili mo? Ito ba ang paraan mo para makaganti sa akin?” Hinihingal sa galit na tanong ni Winter. Subalit tila hindi ito naririnig ni Faith. Nagulat pa si Winter ng sa unang pagkakataon ay lumuhod sa kanyang harapan ang asawa. Habang ang nanginginig nitong mga kamay ay magkalapat at patuloy na pinagkikiskis. “Pakiusap, nagmamakaawa ako sayo, h-huwag mo akong ilayo kay Xaven! Hm? P-Parang awa mo na, I love him… s-siya lang ang lalaking minahal ko ng ganito. Believe me, hindi talaga ako si Samara, maniwala ka. So, please! Please! I beg you…” Natulos
”Six o’clock in the morning ng magising ako, isang matamis na ngiti ang lumitaw sa aking mga labi ng sa pagmulat ng aking mga mata ay nasilayan ko ang magandang mukha ng aking asawa. Gustuhin ko man na gisingin ito ay hindi ko ginawa, bagkus ay masuyo kong hinagkan ang noo nito. Alam ko na pagod ito buong magdamag kaya hahayaan ko muna siyang magpahinga. Bumangon na ako at umalis sa higaan. Pumasok sa loob ng banyo upang maligo. Paglabas ko ay nadatnan ko pa rin na mahimbing na natutulog si Samara. Walang ingay na lumabas ako ng silid na tanging roba lang ang suot. “How’s your night, Honey? Mukhang nag-enjoy ka sa kandungan ng babaeng ‘yun? Hindi mo man lang ba naisip ang nararamdaman ko habang ikaw ay nagpapakasasâ sa katawan ng ibang babae?” Pagpasok ko pa lang sa loob ng silid ay ito na kaagad ang bungad sa akin ni Sophia. Una kong napansin ay ang pang lalalim ng mga mata nito na halatang wala itong maayos na tulog.Isang marahas na buntong hininga ang pinakawalan ko para habaan
“Are you really the wife of Mr. Winter Hilton, Ma’am?” Tanong ng isang reporter kay Sam, makikita sa mukha ng lahat ang labis na pagkagulat dahil sa biglang pagsulpot ng babaeng nagpakilala na asawa ng business tycoon na si Mr. Winter Hilton. Para sa mga media na katulad nilang gutom sa impormasyon tungkol sa pamilyang Hilton ay isa itong malaking pribilehiyo. Siguradong pagkakaguluhan ito ng buong mundo dahil sa pagkakahantad sa publiko ng pribadong buhay ng isang Hilton. “Yes, kaya kong patunayan sa lahat na asawa ako ng walang pusong lalaki na ‘yan. I have a marriage contract na magpapatunay na nagkaroon ng isang civil wedding sa pagitan naming dalawa.” Matapang na sagot ni Sam sabay lahad ng kanilang marriage certificate. Di magkandatuto sa pagkuha ng larawan ang lahat habang si Sam ay nanatiling seryoso ang ekspresyon ng mukha. Nakataas ang noo nito at makikita ang katatagan sa kanyang awra. Suot niya ang isang high waisted black pencil skirt na may split sa gilid kaya l
“Natigilan ako ng marinig ko ang huling sinabi ni Winter. Umangat ang kaliwang kamay ko at napahawak ito sa gitnang bahagi ng dibdib ko. Dumiin ang kamay ko dito, at kulang na lang ay pigain ko ang aking dibdib. Ramdam ko kasi ang sakit na bumabalot sa puso ni Samara. Masyadong mabigat sa dibdib at tila nahihirapan na akong huminga. Dapat ikatuwa ko ang narinig ko mula sa lalaking ito, ngunit isang malungkot na ngiti ang lumitaw sa aking mga labi. Ilang sandali pa, naging seryoso ang mukha ni Winter ng mangibabaw ang malakas na halakhak ko sa loob ng opisina nito. Kakaiba ang tawa na kusang lumabas sa bibig ko, iyong tipo na tila nangungutya, na para bang may halong pait at kalaunan ay ramdam mo na ang sakit. “Stop it, Sam!” Saway ni Winter sa akin dahil hindi pa rin ako tumigil sa kakatawa at alam ko na nagmumukha na akong baliw sa paningin nito. Wari moy nainsulto ang kanyang pagkalalaki sa ugali na ipinakita ko sa kanya. Ilang sandali pa biglang nagbago ang awra ko. Nanli
“Damn! I said stop it!” Napipikon ko nang sigaw pero ang asawa ko ayaw pa ring tumigil sa kakasabunot sa buhok ko. Pakiramdam ko ay matatanggal na ang anit ko. Habang nakupo ako dito sa sofa sa loob ng aking opisina ay pasalakang na nakaupo sa kandungan ko si Samara ngunit siya raw si Faith. Dama ko ang panggigigil nito mula sa dalawang kamay niya na nakasabunot sa maikli kong bukok.Tulad ng inaasahan ako ay nagwala ito sa galit ng mag-isa lang akong pumasok sa loob ng opisina. Nagalit ito ng hindi na bumalik ang kapatid ko.“Hmp!” “Ouch! Masakit Sweetheart!” Reklamo ko ng kagatin nito ang balikat ko. Halos magmukhang kamatis na nga ang mukha ko dahil sa ginagawa nito. “I hate you! Ibalik mo sa akin si Xaven ko!” Nanggagalaiti nitong sigaw na kulang na lang ay umiyak. Para itong bata na inagawan ng laruan.“Fine! Dadalhin kita sa kanya kung titigil ka sa pananakit mo sa akin!” Napipikon kong saad na sinundan ng isang marahas na buntong hininga. Tumigil nga ito sa pagwawala pero is