Blag! Pabalibag na isinara ni Winter ang pintuan pagkatapos na marahas na bitawan ang braso ni Faith. Nanlilisik sa matinding galit ang mga mata nito na halos mag-tunugan ang kanyang mga bagang dahil sa matinding panggagalaiti. Ngunit, walang pakialam si Faith dahil ang higit na mahalaga sa kanya ng mga sandaling ito ay si Xaven. Ang lalaking kinababaliwan nito. “Ang lakas ng loob mo na lokohin ako? Huh? At talagang ang kapatid ko pa ang pinili mo? Ito ba ang paraan mo para makaganti sa akin?” Hinihingal sa galit na tanong ni Winter. Subalit tila hindi ito naririnig ni Faith. Nagulat pa si Winter ng sa unang pagkakataon ay lumuhod sa kanyang harapan ang asawa. Habang ang nanginginig nitong mga kamay ay magkalapat at patuloy na pinagkikiskis. “Pakiusap, nagmamakaawa ako sayo, h-huwag mo akong ilayo kay Xaven! Hm? P-Parang awa mo na, I love him… s-siya lang ang lalaking minahal ko ng ganito. Believe me, hindi talaga ako si Samara, maniwala ka. So, please! Please! I beg you…” Natulos
”Six o’clock in the morning ng magising ako, isang matamis na ngiti ang lumitaw sa aking mga labi ng sa pagmulat ng aking mga mata ay nasilayan ko ang magandang mukha ng aking asawa. Gustuhin ko man na gisingin ito ay hindi ko ginawa, bagkus ay masuyo kong hinagkan ang noo nito. Alam ko na pagod ito buong magdamag kaya hahayaan ko muna siyang magpahinga. Bumangon na ako at umalis sa higaan. Pumasok sa loob ng banyo upang maligo. Paglabas ko ay nadatnan ko pa rin na mahimbing na natutulog si Samara. Walang ingay na lumabas ako ng silid na tanging roba lang ang suot. “How’s your night, Honey? Mukhang nag-enjoy ka sa kandungan ng babaeng ‘yun? Hindi mo man lang ba naisip ang nararamdaman ko habang ikaw ay nagpapakasasâ sa katawan ng ibang babae?” Pagpasok ko pa lang sa loob ng silid ay ito na kaagad ang bungad sa akin ni Sophia. Una kong napansin ay ang pang lalalim ng mga mata nito na halatang wala itong maayos na tulog.Isang marahas na buntong hininga ang pinakawalan ko para habaan
“Are you really the wife of Mr. Winter Hilton, Ma’am?” Tanong ng isang reporter kay Sam, makikita sa mukha ng lahat ang labis na pagkagulat dahil sa biglang pagsulpot ng babaeng nagpakilala na asawa ng business tycoon na si Mr. Winter Hilton. Para sa mga media na katulad nilang gutom sa impormasyon tungkol sa pamilyang Hilton ay isa itong malaking pribilehiyo. Siguradong pagkakaguluhan ito ng buong mundo dahil sa pagkakahantad sa publiko ng pribadong buhay ng isang Hilton. “Yes, kaya kong patunayan sa lahat na asawa ako ng walang pusong lalaki na ‘yan. I have a marriage contract na magpapatunay na nagkaroon ng isang civil wedding sa pagitan naming dalawa.” Matapang na sagot ni Sam sabay lahad ng kanilang marriage certificate. Di magkandatuto sa pagkuha ng larawan ang lahat habang si Sam ay nanatiling seryoso ang ekspresyon ng mukha. Nakataas ang noo nito at makikita ang katatagan sa kanyang awra. Suot niya ang isang high waisted black pencil skirt na may split sa gilid kaya l
“Natigilan ako ng marinig ko ang huling sinabi ni Winter. Umangat ang kaliwang kamay ko at napahawak ito sa gitnang bahagi ng dibdib ko. Dumiin ang kamay ko dito, at kulang na lang ay pigain ko ang aking dibdib. Ramdam ko kasi ang sakit na bumabalot sa puso ni Samara. Masyadong mabigat sa dibdib at tila nahihirapan na akong huminga. Dapat ikatuwa ko ang narinig ko mula sa lalaking ito, ngunit isang malungkot na ngiti ang lumitaw sa aking mga labi. Ilang sandali pa, naging seryoso ang mukha ni Winter ng mangibabaw ang malakas na halakhak ko sa loob ng opisina nito. Kakaiba ang tawa na kusang lumabas sa bibig ko, iyong tipo na tila nangungutya, na para bang may halong pait at kalaunan ay ramdam mo na ang sakit. “Stop it, Sam!” Saway ni Winter sa akin dahil hindi pa rin ako tumigil sa kakatawa at alam ko na nagmumukha na akong baliw sa paningin nito. Wari moy nainsulto ang kanyang pagkalalaki sa ugali na ipinakita ko sa kanya. Ilang sandali pa biglang nagbago ang awra ko. Nanli
“Damn! I said stop it!” Napipikon ko nang sigaw pero ang asawa ko ayaw pa ring tumigil sa kakasabunot sa buhok ko. Pakiramdam ko ay matatanggal na ang anit ko. Habang nakupo ako dito sa sofa sa loob ng aking opisina ay pasalakang na nakaupo sa kandungan ko si Samara ngunit siya raw si Faith. Dama ko ang panggigigil nito mula sa dalawang kamay niya na nakasabunot sa maikli kong bukok.Tulad ng inaasahan ako ay nagwala ito sa galit ng mag-isa lang akong pumasok sa loob ng opisina. Nagalit ito ng hindi na bumalik ang kapatid ko.“Hmp!” “Ouch! Masakit Sweetheart!” Reklamo ko ng kagatin nito ang balikat ko. Halos magmukhang kamatis na nga ang mukha ko dahil sa ginagawa nito. “I hate you! Ibalik mo sa akin si Xaven ko!” Nanggagalaiti nitong sigaw na kulang na lang ay umiyak. Para itong bata na inagawan ng laruan.“Fine! Dadalhin kita sa kanya kung titigil ka sa pananakit mo sa akin!” Napipikon kong saad na sinundan ng isang marahas na buntong hininga. Tumigil nga ito sa pagwawala pero is
“Hmmm…” naalimpungatan ako ng marinig ko na umungol ang asawa ako tanda na gising na ito. Imbes na magmulat ng aking mga mata ay hinapit ko ang maliit nitong baywang palapit sa akin kaya naramdaman ko ang ng katawan nito. Mabilis na nag-init ang aking pakiramdam lalo na ng lumapat ang malusog niyang dibdib sa bandang dibdib ko. Napangiti ako ng yumakap din siya sa akin. Ngunit, ang hindi ko inaasahan ay ang nakabibinging tiliik nito. “Ahhhh!!!!” Malakas niyang sigaw kaya mabilis kong naimulat ang aking mga mata. Subalit, isang malakas na sampal ang nagpayanig sa aking kamalayan. Tuluyang nawala ang antok ko, at hindi lang ‘yun, pagkatapos ng sampal ay sinundan pa ito ng dalawang magkasunod na tadyak. Kulang na lang ay mahulog ako sa kama. Namimilipit sa sakit na hawak ko ang nasaktang sikmura habang bumabangon. “Ahhhh! Rapist! Please! help me! May rapist na nakapasok sa silid ko!” Nahintakutan na sigaw nito. Isang marahas na buntong hininga ang pinakawalan ko at pilit na hin
“Crash!!!” Ang malakas na tunog ng nabasag na bote ang bumasag sa katahimikan ng silid na kinaroroonan ni Sophia. Nagkalat ang ilang bahagi nito sa kung saan. Maging ang laman nitong likido ay kumapit sa maputi at balahibuhing carpet. Pagkatapos na ibato ang bote ng champagne ay pabasak na umupo siya sa single sofa. Dinampot ang wine glass na may lamang alak at parang tubig na tinungga ito. Makikita sa kanyang mukha na frustrated na ito. “This can’t be! Paano ‘to nagawa sa akin ni Winter? Bigla na lang silang nawala ng hindi ko nalalaman?” Hindi makapaniwala na singhal ni Sophia habang nakapaskil ang isang sarkastikong ngiti sa mga labi nito. Tila hinihingal sa galit habang nakatitig siya sa sahig. Ang kanyang mukha ay kababakasan mo ng matinding sakit. Ilang buwan ang lumipas simula ng alisin ni Winter si Samara at ang mga anak nila sa Villa. Ang tanging nadatnan na lang niya ng araw na umuwi siya galing trabaho ay ang mga katulong na personal na nag-aasikaso sa kanya. Lab
“What is it, Bro?” Naguguluhan na tanong ni Xaven sa tono na tila hindi makapaniwala. Dahil saktong papasok siya sa pintuan ng opisina ni Winter ay nakasalubong naman niya si Sophia na ngayon ay palabas ng opisina nito. Ang tanong nito ay nasundan ng isang marahas na buntong hininga, dahil tila nauunawaan na niya ang ibig nitong sabihin.“Don’t tell me, patuloy pa rin ang relasyon mo kay Sophia? My God, Winter! Paano si Samara, ang asawa mo!?” Seryosong tanong ni Xaven. Mas concerned siya kay Samara, dahil hindi lang niya ito hipag kundi pasyente rin niya ito. Bilang doktor nito ay tungkulin niya na protektahan ito lalo na at seryoso ang kondiyon ng kanyang hipag. And besides iniisip din niya ang kanyang mga pamangkin. “Samara is the part of Hiltons family, Winter, kaya hindi ako papayag na ipagpatuloy mo ang kalokohan mong ‘yan.” Matigas na saad ni Xaven na may halong banta. Isinantabi muna niya ang pagiging kuya nito sa kanya because for him this is a serious matter.“I’m still