“Crash!!!” Ang malakas na tunog ng nabasag na bote ang bumasag sa katahimikan ng silid na kinaroroonan ni Sophia. Nagkalat ang ilang bahagi nito sa kung saan. Maging ang laman nitong likido ay kumapit sa maputi at balahibuhing carpet. Pagkatapos na ibato ang bote ng champagne ay pabasak na umupo siya sa single sofa. Dinampot ang wine glass na may lamang alak at parang tubig na tinungga ito. Makikita sa kanyang mukha na frustrated na ito. “This can’t be! Paano ‘to nagawa sa akin ni Winter? Bigla na lang silang nawala ng hindi ko nalalaman?” Hindi makapaniwala na singhal ni Sophia habang nakapaskil ang isang sarkastikong ngiti sa mga labi nito. Tila hinihingal sa galit habang nakatitig siya sa sahig. Ang kanyang mukha ay kababakasan mo ng matinding sakit. Ilang buwan ang lumipas simula ng alisin ni Winter si Samara at ang mga anak nila sa Villa. Ang tanging nadatnan na lang niya ng araw na umuwi siya galing trabaho ay ang mga katulong na personal na nag-aasikaso sa kanya. Lab
“What is it, Bro?” Naguguluhan na tanong ni Xaven sa tono na tila hindi makapaniwala. Dahil saktong papasok siya sa pintuan ng opisina ni Winter ay nakasalubong naman niya si Sophia na ngayon ay palabas ng opisina nito. Ang tanong nito ay nasundan ng isang marahas na buntong hininga, dahil tila nauunawaan na niya ang ibig nitong sabihin.“Don’t tell me, patuloy pa rin ang relasyon mo kay Sophia? My God, Winter! Paano si Samara, ang asawa mo!?” Seryosong tanong ni Xaven. Mas concerned siya kay Samara, dahil hindi lang niya ito hipag kundi pasyente rin niya ito. Bilang doktor nito ay tungkulin niya na protektahan ito lalo na at seryoso ang kondiyon ng kanyang hipag. And besides iniisip din niya ang kanyang mga pamangkin. “Samara is the part of Hiltons family, Winter, kaya hindi ako papayag na ipagpatuloy mo ang kalokohan mong ‘yan.” Matigas na saad ni Xaven na may halong banta. Isinantabi muna niya ang pagiging kuya nito sa kanya because for him this is a serious matter.“I’m still
Naalimpungatan si Sam dahil sa walang tigil na pagtunog ng cellphone ni Winter. Dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata, sabay suri sa kanyang paligid. Hanggang sa napako ang tingin niya sa nag-iingay na parato na nakapatong sa ibabaw ng side table. Saglit niyang sinulyapan ang naka saradong pintuan ng banyo. Base na rin sa kanyang naririnig na lagaslas ng tubig ay may naliligo sa loob ng banyo. Batid niya na hindi umuwi kagabi ang kanyang asawa. Dahil ni isang gusot ay wala kang makikita sa kabilang bahagi ng kama na kanyang kinahihiligan. Mukhang walang balak na tumigil ang taong tumatawag sa kanyang asawa kaya napilitan na siyang bumangon. Dinampot niya ang aparato. Sandali siyang natigilan ng mabasa ang honey bilang pangalan ng caller. Kinakabahan man ay sinagot pa rin niya ang tawag. “Honey, bakit ang tagal mong sagutin ang tawag ko? You know I cook your favorite food, sabay na tayong mag lunch.” Malambing na saad ni Sophia mula sa kabilang linya na si
“Hindi ko alam kung ilang oras na akong nakatulala dito sa loob ng aking opisina habang pinapaikot sa mga daliri ang isang mamahaling black ballpen. Naging palaisipan sa akin ang nakita kong kakaibang awra ni Samara kanina. sa totoo lang, labag sa kalooban ko ang iwan ito sa bahay. Pero kailangan kong pumasok sa opisina dahil may nira-rush akong trabaho. Iniisip ko kasi na baka mamaya at sumamâ ang loob nito sa akin dahil sa hindi ko pag-uwi ng bahay. Hindi ko naman intensyon na gawin ang bagay na ‘yun, dahil hindi ko naman alam na may inilagay palang gamot si Sophia sa aking inumin. Dahilan kung bakit nawalan na ako ng pagkakataon na makauwi pa ng bahay. Napabuntong hininga ako ng maisip ko na kung kailan malapit ko ng mapaamo si Sam ay saka pa ito nangyari. Muli isa na namang marahas na buntong hininga ang aking pinakawalan bago ko hinarap ang aking laptop. Subalit, hindi pa man nagsisimulang tumipâ ang mga daliri ko sa keyboard ng laptop ng bigla akong nakatanggap ng
Two years later…. Nasisilaw na nagmulat ng kanyang mga mata si Sophie,. Nag-inat muna ito ng kanyang mga braso bago matamis na ngumiti. Pakiramdam niya ay para siyang nakalutang sa alapaap. Magaan ang pakiramdam na bumangon siya at pumasok sa loob ng banyo upang gawin ang kanyang daily routine. Pagkatapos ng ilang minuto na pagbababad sa bathtub ay mabilis na siyang nagbanlaw. Suot ang roba na lumabas siya ng banyo. Pinili niya ang damit na sa kanyang tingin ay siyang pinaka maganda sa lahat. Isang red mini dress na hanggang kalahating hita ang tabas nito. Lumitaw ang isang nang-aakit na ngiti sa kanyang mga labi ng masilayan niya ang magandang hubog ng kanyang katawan. Lalo na ang malusog niyang dibdib na mas lalong tumingkad ang kaputian dahil sa kulay ng kanyang damit. Ilang sandali pa ay nakarinig siya ng ilang katok mula sa pintuan. Kasunod nito ay ang pagpasok ng kanyang assistant. Kaagad na inihanda nito ang dalang makeup kit at sinimulan na nitong ayusan ang kanyang
“Tila tumigil sa pag-ikot ang mundo ko ng masilayan ko ang naglalakihang billboard ng asawa ko. Her innocent face had completely disappeared. Ang kanyang mga mata na noon na kung makatingin ay puno ng pagsamo, pero ngayon ay tila inaarok nito ang buong pagkatao ko. Larawan pa lang itong kaharap ko pero ang tingin nito ay tumatagos sa puso ko. Parang gusto kong man lumo ng makita ko ang mga larawan ni Samara na halos kita na ang mga pribadong bahagi ng katawan nito. Nagbloom na ng husto ang awra ni Samara at napakalayo na niya noon sa dating Samara. Para siyang isang bulaklak na tapos ng mamukadkad kaya nasilayan na ng lahat ang taglay nitong ganda. Napakahirap ipaliwanag ng nararamdaman ko ang mga oras na ‘to. Ang dibdib ko ay parang sasabog na dahil sa pinaghalong sakit, sama ng loob at matinding pangungulila para sa aking asawa. Sa loob ng dalawang taon ay para akong nanghahanting ng hayop sa gubat. Wala na akong ginawa kundi ang sundan at puntahan ang kinaroroonan ni Sa
Mula sa malawak na bulwagan ay makikita ang isang mahaba at itim na stage na nababalot ng manipis na usok. Ito ang nagsisilbing disenyo ng entablado para sa mga modelo na rarampa ngayong gabi sa harap ng daan-daang tao na nakaupo paikot sa mahabang stage. Makikita sa mukha ng lahat ang labis na pananabik na makita ang mga modelo mula sa iba’t-ibang bansa. Ngunit, nang mga oras na ito ay matinding kabâ ang nararamdaman ni Winter. Hindi na kasi siya makapaghintay na makita sa personal ang kanyang asawa. Ilang sandali pa, dumilim ang buong paligid. Nang magsimulang magbago ang tugtog at isa-isang lumabas ang mga naggagandahang modelo. Ang tema ng okasyong ito ay para sa Spring 2024 fashion show dahilan kung bakit may mga modelo na nakasuot ng mga sleeveless na tinernuhan ng maluwag na palda na hanggang sakông ang haba. Meron din namang naka-maong short ngunit maluwang ang pang-itaas nitong hanging blouse. Kasama sa mga modelong lumabas ay si Sophia na suot ang isang bulaklaking
Sa pagtapak ng aking mga paa sa entablado ay ibayong kasiyahan ang nararamdaman ko. Wari moy nakalutang sa alapaap ang aking mga paa habang tinatahak ang mahabang entablado na ito. May malaking kumpiyansa sa sarili, at ang tindig ko ay puno ng dignidad na tila kailanman hindi malulupig ninuman. Ngayon ko lang naisip ang mga pinagdaanan ko, dahilan kung bakit naitanong ko ang mga ito sa aking sarili. Sino ba sila para magpaalipin ako sa kanila? Na ang tinutukoy ko ay ang dalawang tao na sumira ng buhay ko. Sa mundong ito ay isang malaking pagkakamali ang maging mahina. Napagtanto ko na kapag nakita ng lahat na mahina ka ay mas lalo ka nilang tatapakan, aapihin at kukutyain. Xav is right. Hindi malupit ang mundong ito at angvlahat ng nangyari sa akin ay kasalanan ko, dahil naging mahina ako. Daan-daang mga tao ang nasa aking harapan ngunit pakiramdam ko ay tatlo lang kami sa loob ng bulwagang ito. Si Sophia na tila natuklaw ng ahas habang nakatitig sa aking mukha ang mga mat