Two years later…. Nasisilaw na nagmulat ng kanyang mga mata si Sophie,. Nag-inat muna ito ng kanyang mga braso bago matamis na ngumiti. Pakiramdam niya ay para siyang nakalutang sa alapaap. Magaan ang pakiramdam na bumangon siya at pumasok sa loob ng banyo upang gawin ang kanyang daily routine. Pagkatapos ng ilang minuto na pagbababad sa bathtub ay mabilis na siyang nagbanlaw. Suot ang roba na lumabas siya ng banyo. Pinili niya ang damit na sa kanyang tingin ay siyang pinaka maganda sa lahat. Isang red mini dress na hanggang kalahating hita ang tabas nito. Lumitaw ang isang nang-aakit na ngiti sa kanyang mga labi ng masilayan niya ang magandang hubog ng kanyang katawan. Lalo na ang malusog niyang dibdib na mas lalong tumingkad ang kaputian dahil sa kulay ng kanyang damit. Ilang sandali pa ay nakarinig siya ng ilang katok mula sa pintuan. Kasunod nito ay ang pagpasok ng kanyang assistant. Kaagad na inihanda nito ang dalang makeup kit at sinimulan na nitong ayusan ang kanyang
“Tila tumigil sa pag-ikot ang mundo ko ng masilayan ko ang naglalakihang billboard ng asawa ko. Her innocent face had completely disappeared. Ang kanyang mga mata na noon na kung makatingin ay puno ng pagsamo, pero ngayon ay tila inaarok nito ang buong pagkatao ko. Larawan pa lang itong kaharap ko pero ang tingin nito ay tumatagos sa puso ko. Parang gusto kong man lumo ng makita ko ang mga larawan ni Samara na halos kita na ang mga pribadong bahagi ng katawan nito. Nagbloom na ng husto ang awra ni Samara at napakalayo na niya noon sa dating Samara. Para siyang isang bulaklak na tapos ng mamukadkad kaya nasilayan na ng lahat ang taglay nitong ganda. Napakahirap ipaliwanag ng nararamdaman ko ang mga oras na ‘to. Ang dibdib ko ay parang sasabog na dahil sa pinaghalong sakit, sama ng loob at matinding pangungulila para sa aking asawa. Sa loob ng dalawang taon ay para akong nanghahanting ng hayop sa gubat. Wala na akong ginawa kundi ang sundan at puntahan ang kinaroroonan ni Sa
Mula sa malawak na bulwagan ay makikita ang isang mahaba at itim na stage na nababalot ng manipis na usok. Ito ang nagsisilbing disenyo ng entablado para sa mga modelo na rarampa ngayong gabi sa harap ng daan-daang tao na nakaupo paikot sa mahabang stage. Makikita sa mukha ng lahat ang labis na pananabik na makita ang mga modelo mula sa iba’t-ibang bansa. Ngunit, nang mga oras na ito ay matinding kabâ ang nararamdaman ni Winter. Hindi na kasi siya makapaghintay na makita sa personal ang kanyang asawa. Ilang sandali pa, dumilim ang buong paligid. Nang magsimulang magbago ang tugtog at isa-isang lumabas ang mga naggagandahang modelo. Ang tema ng okasyong ito ay para sa Spring 2024 fashion show dahilan kung bakit may mga modelo na nakasuot ng mga sleeveless na tinernuhan ng maluwag na palda na hanggang sakông ang haba. Meron din namang naka-maong short ngunit maluwang ang pang-itaas nitong hanging blouse. Kasama sa mga modelong lumabas ay si Sophia na suot ang isang bulaklaking
Sa pagtapak ng aking mga paa sa entablado ay ibayong kasiyahan ang nararamdaman ko. Wari moy nakalutang sa alapaap ang aking mga paa habang tinatahak ang mahabang entablado na ito. May malaking kumpiyansa sa sarili, at ang tindig ko ay puno ng dignidad na tila kailanman hindi malulupig ninuman. Ngayon ko lang naisip ang mga pinagdaanan ko, dahilan kung bakit naitanong ko ang mga ito sa aking sarili. Sino ba sila para magpaalipin ako sa kanila? Na ang tinutukoy ko ay ang dalawang tao na sumira ng buhay ko. Sa mundong ito ay isang malaking pagkakamali ang maging mahina. Napagtanto ko na kapag nakita ng lahat na mahina ka ay mas lalo ka nilang tatapakan, aapihin at kukutyain. Xav is right. Hindi malupit ang mundong ito at angvlahat ng nangyari sa akin ay kasalanan ko, dahil naging mahina ako. Daan-daang mga tao ang nasa aking harapan ngunit pakiramdam ko ay tatlo lang kami sa loob ng bulwagang ito. Si Sophia na tila natuklaw ng ahas habang nakatitig sa aking mukha ang mga mat
“Sa loob ng ilang araw ay tila naging anino ko ang aking asawa. Wala itong ginawa kundi ang bantayan ang bawat kilos ko, at sumunod sa kung saan ako pupunta. Maging ang mga fans ko ay hindi na nabigyan ng pagkakataon na malapitan ako dahil sa sobrang higpit ng pagbabantay sa akin ng mga tauhan ni Winter. Hindi ko na alam kung maaasar ba ako o matutuwa sa ginagawa nito sa akin. “Ma’am, may nagpadala po ng bulaklak para sayo.” Ani ng isang staff bago inilahad ang isang bungkos ng mga bulaklak sa aking harapan. Tinanggap ko ‘to, hindi para samyuin ang bango nito kundi para ilapag sa ibabaw ng lamesa kasama ng mga gamit ng aking assistant. Kita ko ang panghihinayang sa mukha ng aking assistant dahil hindi ko man lang binigyang pansin ang nakakaakit na ganda ng magbulaklak na ito. “Are you done?” Bungad naman sa amin ng aking manager. “Yeah! She’s ready!” Sagot naman ng makeup artist ko sa malakas na boses. Lumapit naman sa akin ang dalawang staff ng jewelry company, bitbit ang da
“Ms. Sophia, what can you say about the new model, Ms. Samara?” “Some say she’s overshadowing your current, in-demand projects. What’s your response to that?” “Is it true that you’ve lost projects because of her?” Ilan lamang ito sa mga katanungan ng ilang reporter mula sa isang ambush interview kay Sophia. Halatang nagulat ito sa biglang pagsulpot ng mga press sa kanyang harapan. Kasalukuyan siyang palabas ng kanyang sasakyan dahil plano niyang komprontahin ang isa sa kanyang mga sponsor tungkol sa biglaang pag-atras ng mga ito sa kontrata na kanilang pinirmahan. Ang gulat sa mukha ni Sophia ay napalitan ng galit. Mariǐn na naglapat ang kanyang mga bagâng. Ngunit kalaunan ay kaagad din niyang nakontrol ang galit na nagsisimulang lumukob sa kanyang dibdib. “She’s quite good for a newcomer, and I can see her dedication to the work. Let’s see how things unfold from here.” Very humble ang pagkakasagot ni Sophia sa tanong ng isang reporter kaya makikita na sports lang siya sa mga
“Kailan mo balak na bumalik ng bansa, Sam?” Seryosong tanong ni Xav habang karga nito ang dalawang taong gulang kong anak na si Mathew ang panganay sa kambal. Kulang na lang ay umiyak ako sa labis na kasiyahan ng masilayan ko ang mukha ng anak ko. Simula kasi ng umalis ako ay hindi na ako na bigyan ng pagkakataon na makita ang mga anak ko. Ipinagkait kasi ito ni Winter kay Xaven dahil ang nais nitong mangyari ay bumalik ako sa kanya. Nalaman ko na kinuha ng mga magulang ni Winter ang aming mga anak. Kaya naman malaya na si Xaven na madalaw ang kanyang mga pamangkin att ngayon ay nakikita ko na rin sila sa video call. Ang problema lang ay bawal daw itong ilabas ng Mansion. “Hindi ko pa alam Xav, but I think hindi na muna ako tatanggap ng mga project dito sa France dahil plano ko na magbakasyon sa Pilipinas para makasama ko ang aking mga anak. Because I really miss them. Hi Baby! Mommy is here, I love you!” Halos maluha na ako sa pagsasalita habang kinakausap ko ang aking anak. Lal
“Tuluyan ng nagiba ang pader na iniharang ko sa pagitan namin ni Winter, dahil hindi ko rin pala ito kayang tiisin. At mas lalong hindi ko kayang tiisin ay ang aking mga anak, dahilan kung bakit bumigay na ako sa panunuyo ng asawa ko. Pagkatapos ng madamdaming pag-uusap, tumayo ito mula sa pagkakaluhod sa sahig. Kaya ngayon ay bahagya na akong nakatingala at siya naman ngayon ang nakayuko dahil masyado itong matangkad. Kung kanina ay mukha siyang kahabag-habag ngayon ay nagmukha iyong bata nantila nakatanggap ng isang malaking regalo. Naglaho ang lungkot sa kanyang mukha dahil sa isang ngiti na sumilay mula sa kanyang mga labi. Hinawakan ng kanyang mga kamay ang magkabilang pisngi ko, at paulit-ulit na hinaplos ito ng kanyang mga hinlalaki habang nakatitig sa mga mata ko ang asul nitong mga mata. Natigilan akong bigla, at halos mabingǐ ako sa lakas ng kabôg ng dibdib ko. Wari moy may kung anong mahika na umaalipin sa aming dalawa. Hanggang sa dahan-dahan na bumaba ang kanyang mukh