“No, this can’t be….” Paanas na sambit ni Sophia habang nakatitig sa sahig. Nagsisimula ng mamasâ ang kanyang mga mata habang ang kanyang dibdib ay mas lalong humihigpit dahil sa matinding galit. Nang mga sandaling ito ay larawan siya ng isang talunan. Mag-isa siyang nakaupo sa salas ng kanyang unit habang inaanalisa ang mga nangyayari sa kanyang buhay.Hindi siya makapaniwala na mangyayari sa kanya ang lahat ng ‘to. Noong nasa Pilipinas pa lang siya ay hindi niya ramdam ang malaking banta ni Samara sa kanyang career. Kaya masyado siyang ginulat ng kasikatan nito pagdating niya dito sa bansang France. At ngayon ay nagsisimula na rin itong sumikat sa buong mundo dahil marami ng kumpanya ang tumatangkilik kay Samara. Ang tuluyang pagtalikod ng mga sponsor kay Sophia ay nagdulot ng matinding kabiguan sa kanyang career. Iilan na lamang ang mga project na hawak n’ya, pero maging ang mga ito ay malapit na ring mawala sa kanya. Nasasaktan siya, dahil nakikita naman niya kung paanong tangk
“Nang mga sumunod na araw ay naging busy ang schedule ni Samara. Kabi-kabila ang mga project na nirarush niya dahil nagpaplano na siyang bumalik ng bansa. Tulad ng sinabi ni Winter ay nagsimula na rin siyang ligawan nito. Para silang mga teenagers na nagsisimula pa lang na kilalanin ang isa’t-isa. Hindi nawawala ang mga bulaklak nito sa umaga na siyang sumasalubong sa paningin ni Samara tuwing gigising siya sa umaga. Kasama rin niya si Winter sa lahat ng kanyang mga lakad at never itong umalis sa kanyang tabi. Even lunch or dinner ay sabay din silang kumain, at kapag nakakita sila ng maluwag na schedule ay tumatakas sila para magdate. Just in a few days Samara has change already, hindi na siya nahihiya kay Winter. Nagiging malambing na siya sa kanyang asawa na labis na ikinatutuwa naman ni Winter. There’s a sparkling on their eyes, at kung paano nila tingnan ang isa’t-isa ay masi-sense mo talaga ang matinding pagmamahal nila sa isa’t-isa.Kahit nasa puso pa rin ni Samara ang takot
“Pagkatapos na tuyuin ang aking mahabang buhok ay isinuot ko ang isang casual dress. Hindi ko na kailangan pang mag-ayos dahil pagdating ko rin naman sa trabaho ay may mga make-up artist na mag-aasikaso sa akin. Hinubad ko ang suot kong salamin sa mata at pinalitan ito ng contact lense. Napangiti ako ng makita ko ang aking mukha. Noon ay hindi ko pinapansin ang itsura ko ngayon ay masasabi kong proud ako sa sarili ko. At makikita sa aking awra ang kumpiyansa sa sarili na wala noon sa akin. Naagaw ang atensyon ko ng nag-iingay kong cellphone na nakapatong sa ibabaw ng kama. Wala ngayon si Winter dahil nagpaalam ito na aalis lang muna para sa isang meeting. Nangako naman ito na babalik kaagad. Napangiti ako ng makita ko na si Xaven ang tumatawag. Puno ng pananabik ang puso ko na sinagot ang tawag dahil makikita ko na naman ang aking mga anak.“Hello Xav! Mabuti at napatawag ka. Ilang araw”-“Iha, si Tess, ito, nakiusap lang ako kay sir Xaven na pahiramin ako ng cellphone. Nakakahiya
8:30 ng umaga, araw ng Lunes, nang lumapag ang eroplano na sinasakyan naming mag-asawa sa Manila international airport. Kabâ, takot at matinding pananabik ang nararamdaman ko ng mga oras na ito. Alumpihit na ako sa aking kinauupuan dahil sa matinding nervous. Ito kasi ang unang pagkakataon na makakaharap ko ang aking mga biyenan. Minsan ko naman na silang nakadaupang palad, noong ikinasal ang kapatid ni Winter na si Andrade. Masasabi ko na napakabait naman nilang tao. Pero iba kasi ang sitwasyon ngayon, noon ay isa lang akong simpleng sekretarya ni Winter sa kanilang paningin ngayon ay asawa na ako ng aking boss. Kaya hindi ito isang ordinaryong paghaharap lamang. “Sweetheart, calm down, kanina ka pa hindi mapakali d’yan. You know, mabait ang pamilya ko, kaya hindi mo kailangang matensyon.” Natatawa na wika ni Winter sabay kabig sa akin pasandal sa kanyang dibdib. “Honestly, excited na ako na makita ang mga anak natin, pero hindi ko pa rin maiwasan ang kabahan.” Ani ko sabay ling
Xaven Charles Hilton [Book 8]“Plip, Plop, Plop,” ( patak ng tubig mula sa nakasaradong gripo)“Huh, huh, huh.” (Mabigat na paghinga)Madilim, mabaho at nanlilimahid ang sahig dahil sa basâng semento nito. Ang sarili ko ay kasing dumi ng sahig, at kasing baho ng paligid. Nakaupo ako sa sahig, habang nakapatong ang dalawa kong kamay sa aking mga tuhod. Nakayukyok naman ang ulo ko aking mga braso habang nakatitig sa sahig ngunit kay lalim ng aking iniisip. Suot ko ang maruming pantalon at makapal na long sleeve kaya hindi ko masyadong iniinda ang lamig na nanunuot sa aking mga laman. Mas iniinda ko pa nga ang kirot sa aking likod dahil sa mga hampas ng latigo. Mag-isa lang ako dito sa silid na ito. Ang tanging kasama ko lang ay ang ilang mga daga na walang pakialam sa aking presensya. Masyadong tahimik ang paligid. Walang ibang maririnig sa selda na aking kinaroroonan kundi tanging patak ng tubig at ang marahas kong paghinga. Masakit, hindi lang ang katawan ko, kundi pati ang pu
“Abeoji…” (Father.…) Natigil sa paghakbang ang mga paa ng aking ama ng tawagin ko ito. Ilang segundo siyang hindi gumalaw sa kanyang kinatatayuan bago pumihit paharap sa akin. ”Song-eya, Bakit ba ang tigas ng ulo mo? Sinabi ko sayo na umuwi ka na, ayusin mo ang sarili mo. Hm? Umuwi ka na, at naghihintay na ang nanay mo.” “Song-eya, wae geuleohge gojib-eul bulini? jib-e galago haess-euni momjosimhaseyo. Hm? “ppalli jib-e gaseyo. eommaga gidaligo gyesibnida.” (Song eya, why are you so stubborn? I told you to go home, please take care of yourself. huh? “Go home quickly, your mother is waiting for you.)“Abeoji! gaji maseyo, al-assjyo? animyeon jeowa eommaleul deligo gajuseyo. ?" (Abeoji! Please don't go, okay? Please take me and mom with you. Hm?" Ang mga mata ko ay puno ng pagsusumamo, habang nakikiusap sa aking ama. Narinig ko siya na nagpakawala ng isang mabigat na buntong hininga. Naglaho ang munting ngiti sa kanyang mga labi, naging seryoso ang ekspresyon ng kanyang mukha. “
“Malayo pa lang ay natatanaw ko na ang aking ina. Madilim na ang paligid. Tanging ang munting bombilya ang nagbibigay liwanag sa aming maliit na bakuran. Ang mabagsik na ekspresyon ng aking mukha ay biglang lumambot, at isang ngiti ang lumitaw sa mga labi ko. Nagpatuloy ako sa paglalakad sa lubak-lubak na lupa palapit sa aking ina na nakaupo sa putol na puno. Hinaplos ng awa ang puso ko ng masilayan ko sa malapitan ang mukha ng aking ina. “Dangsin-eun wae geogie issseubnikka? “yeogi mogiga manh-ayo.” (Why are you there? “There are a lot of mosquitoes here.) Ani ko, seryoso man ang mukha ko ay malambing naman ang tono ng pananalita ko. Tumayo ang aking ina at tulad ng inaasahan ko ay isang hampas sa balikat ang natanggap ko mula sa kanya. Sumamâ ang timplada ng mukha ko, dahil nahahip ng kanyang mga daliri ang bahagi ng likod ko na may latay ng latigo. “ Aya! Apeuda, Eomeoni…” (Ouch! Masakit, Ma…) parang bata na reklamo ko sa kanya bahang hinihimas ang kunway nasaktang balikat.
“Eomeoni, “jeoneun jamsi jalileul biul yejeong-ibnida. momjosimhasigo sigan majchwo sigsahaseyo. na-e daehae jinachige saeng-gaghaji masibsio. musahi dol-aolgeyo, al-assjyo?” (Eomeoni, mawawala ako ng matagal, huwag mong pababayaan ang sarili mo. Kumain ka sa tamang oras. Huwag kang masyadong mag-isip ng kung ano tungkol sa akin, dahil babalik akong ligtas. Hm?) Ani ko sa aking ina sa malumanay na tinig habang sinusuklay ang maikli at kulot nitong buhok. Nang mga oras na ‘to ay tila naninikip ang dibdib ko. Gusto kong umiyak, pero hindi pwede, dahil ayokong makita ng aking ina ang kahinaan ko. “Wae neoneun hangsang naleul dugo tteonalyeogo hae?” (Bakit lagi mo na lang akong iniiwan?) Malungkot na tanong ng aking ina dahilan kung bakit tuluyan ng pumatak ang mga luha ko. Itinigil ko ang pagsusuklay sa buhok ng aking ina. Lumipat ako sa harapan nito saka lumuhod. Ginagap ko ang kanyang mga kamay bago tumitig sa kanyang mga mata. Sa pagkakataong ito ay batid ko na matino ang pag-i