8:30 ng umaga, araw ng Lunes, nang lumapag ang eroplano na sinasakyan naming mag-asawa sa Manila international airport. Kabâ, takot at matinding pananabik ang nararamdaman ko ng mga oras na ito. Alumpihit na ako sa aking kinauupuan dahil sa matinding nervous. Ito kasi ang unang pagkakataon na makakaharap ko ang aking mga biyenan. Minsan ko naman na silang nakadaupang palad, noong ikinasal ang kapatid ni Winter na si Andrade. Masasabi ko na napakabait naman nilang tao. Pero iba kasi ang sitwasyon ngayon, noon ay isa lang akong simpleng sekretarya ni Winter sa kanilang paningin ngayon ay asawa na ako ng aking boss. Kaya hindi ito isang ordinaryong paghaharap lamang. “Sweetheart, calm down, kanina ka pa hindi mapakali d’yan. You know, mabait ang pamilya ko, kaya hindi mo kailangang matensyon.” Natatawa na wika ni Winter sabay kabig sa akin pasandal sa kanyang dibdib. “Honestly, excited na ako na makita ang mga anak natin, pero hindi ko pa rin maiwasan ang kabahan.” Ani ko sabay ling
Xaven Charles Hilton [Book 8]“Plip, Plop, Plop,” ( patak ng tubig mula sa nakasaradong gripo)“Huh, huh, huh.” (Mabigat na paghinga)Madilim, mabaho at nanlilimahid ang sahig dahil sa basâng semento nito. Ang sarili ko ay kasing dumi ng sahig, at kasing baho ng paligid. Nakaupo ako sa sahig, habang nakapatong ang dalawa kong kamay sa aking mga tuhod. Nakayukyok naman ang ulo ko aking mga braso habang nakatitig sa sahig ngunit kay lalim ng aking iniisip. Suot ko ang maruming pantalon at makapal na long sleeve kaya hindi ko masyadong iniinda ang lamig na nanunuot sa aking mga laman. Mas iniinda ko pa nga ang kirot sa aking likod dahil sa mga hampas ng latigo. Mag-isa lang ako dito sa silid na ito. Ang tanging kasama ko lang ay ang ilang mga daga na walang pakialam sa aking presensya. Masyadong tahimik ang paligid. Walang ibang maririnig sa selda na aking kinaroroonan kundi tanging patak ng tubig at ang marahas kong paghinga. Masakit, hindi lang ang katawan ko, kundi pati ang pu
“Abeoji…” (Father.…) Natigil sa paghakbang ang mga paa ng aking ama ng tawagin ko ito. Ilang segundo siyang hindi gumalaw sa kanyang kinatatayuan bago pumihit paharap sa akin. ”Song-eya, Bakit ba ang tigas ng ulo mo? Sinabi ko sayo na umuwi ka na, ayusin mo ang sarili mo. Hm? Umuwi ka na, at naghihintay na ang nanay mo.” “Song-eya, wae geuleohge gojib-eul bulini? jib-e galago haess-euni momjosimhaseyo. Hm? “ppalli jib-e gaseyo. eommaga gidaligo gyesibnida.” (Song eya, why are you so stubborn? I told you to go home, please take care of yourself. huh? “Go home quickly, your mother is waiting for you.)“Abeoji! gaji maseyo, al-assjyo? animyeon jeowa eommaleul deligo gajuseyo. ?" (Abeoji! Please don't go, okay? Please take me and mom with you. Hm?" Ang mga mata ko ay puno ng pagsusumamo, habang nakikiusap sa aking ama. Narinig ko siya na nagpakawala ng isang mabigat na buntong hininga. Naglaho ang munting ngiti sa kanyang mga labi, naging seryoso ang ekspresyon ng kanyang mukha. “
“Malayo pa lang ay natatanaw ko na ang aking ina. Madilim na ang paligid. Tanging ang munting bombilya ang nagbibigay liwanag sa aming maliit na bakuran. Ang mabagsik na ekspresyon ng aking mukha ay biglang lumambot, at isang ngiti ang lumitaw sa mga labi ko. Nagpatuloy ako sa paglalakad sa lubak-lubak na lupa palapit sa aking ina na nakaupo sa putol na puno. Hinaplos ng awa ang puso ko ng masilayan ko sa malapitan ang mukha ng aking ina. “Dangsin-eun wae geogie issseubnikka? “yeogi mogiga manh-ayo.” (Why are you there? “There are a lot of mosquitoes here.) Ani ko, seryoso man ang mukha ko ay malambing naman ang tono ng pananalita ko. Tumayo ang aking ina at tulad ng inaasahan ko ay isang hampas sa balikat ang natanggap ko mula sa kanya. Sumamâ ang timplada ng mukha ko, dahil nahahip ng kanyang mga daliri ang bahagi ng likod ko na may latay ng latigo. “ Aya! Apeuda, Eomeoni…” (Ouch! Masakit, Ma…) parang bata na reklamo ko sa kanya bahang hinihimas ang kunway nasaktang balikat.
“Eomeoni, “jeoneun jamsi jalileul biul yejeong-ibnida. momjosimhasigo sigan majchwo sigsahaseyo. na-e daehae jinachige saeng-gaghaji masibsio. musahi dol-aolgeyo, al-assjyo?” (Eomeoni, mawawala ako ng matagal, huwag mong pababayaan ang sarili mo. Kumain ka sa tamang oras. Huwag kang masyadong mag-isip ng kung ano tungkol sa akin, dahil babalik akong ligtas. Hm?) Ani ko sa aking ina sa malumanay na tinig habang sinusuklay ang maikli at kulot nitong buhok. Nang mga oras na ‘to ay tila naninikip ang dibdib ko. Gusto kong umiyak, pero hindi pwede, dahil ayokong makita ng aking ina ang kahinaan ko. “Wae neoneun hangsang naleul dugo tteonalyeogo hae?” (Bakit lagi mo na lang akong iniiwan?) Malungkot na tanong ng aking ina dahilan kung bakit tuluyan ng pumatak ang mga luha ko. Itinigil ko ang pagsusuklay sa buhok ng aking ina. Lumipat ako sa harapan nito saka lumuhod. Ginagap ko ang kanyang mga kamay bago tumitig sa kanyang mga mata. Sa pagkakataong ito ay batid ko na matino ang pag-i
“Anong pangalan mo Iha?” Tanong sa akin ng isang maedad na babae habang sinisipat ng tingin ang kabuuan ko mula ulo hanggang paa. “Leoni.” Tipid kong sagot ng hindi man lang ngumingiti. “Mercy, kaano-ano mo si Leoni?” Curious na tanong nito sa kanilang kusinera na siyang nagpasok sa akin sa Mansion ng mga Hilton. “Girlfriend ‘yan ng anak ko, alam mo namang mahirap ang buhay ngayon kaya gusto niyang magtrabaho para daw makapag-ipon, para sa kasal nila.” Pagsisinungaling ni nanay Mercy, habang ang isa ay tumatango na wari moy sumasang-ayon sa sinabi ni nanay Mercy. Marami pa silang pinag-usapan na hindi ko naman lubos na maunawaan kaya nanatili na lang akong tahimik at nakikiramdam sa aking paligid. Kahit papaano ay nakahinga ako ng maluwag dahil madali lang sa akin na nakapasok sa Mansion ng mga Hilton. Ang kailangan ko na lang gawin ay ang maghintay kung kailan uuwi ang pamilyang Hilton. Ayon sa pagsasaliksik ko ay madalas sa Pilipinas ang mag-asawang Hilton dahil dito
“Parang slow motion ang bawat kilos ko habang ang kanang kamay ko ay hawak ang isang puting basahan at kasalukuyang pinupunasan ang ibabaw ng estante. Ngunit ang mga mata ko ay pailalim kung tumingin sa direksyon ni Dr. Xaven. Ngayon ko lang nalaman na Xaven Charles Hilton pala ang pangalan ng lalaking ito. Kasalukuyan siyang nakaupo sa single sofa habang binabasa ang laman ng hawak nitong folder. Ilang sandali pa ay biglang lumingon sa direksyon ko si Dr. Xaven. Marahil ay ramdam nito ang mga titig ko, kaya naman mabilis na nagbabâ ako ng tingin. Nang hindi ko na naramdaman ang mga titig nito ay muli na naman akong sumulyap sa lalaking ito. Pinag-aaralan ko kasi ang bawat kilos nito. Kung tutuusin madali na sa akin na patayin ang lalaking ito dahil kaming dalawa lang ang tao dito sa salas. Pero hindi ko pwedeng gawin ‘yun hanggat hindi ko pa nakikita ang ama nito na si Cedric Hilton. At isa pa ay nagkalat ang cctv sa paligid ng Mansion. Hindi ako pwedeng magpadalos-dalos dahil
“Habang nagbabasa ako ng report mula sa aking kumpanya ay naramdaman ko ang mga titig mula sa aking likuran. Pasimple akong nag-angat ng tingin, at mula sa screen ng nakapatay na tv ay kita ko kung paano ako titigan ng isa sa kasambahay namin na may tatlong dipâ ang layo mula sa aking kinauupuan. Kusang lumitaw ang isang ngiti sa mga labi ko na para bang natutuwa sa dalagang ito. “Leoni, Nanay Mercy, call you in the kitchen.” Natigilan ako ng marinig ko ang sinabi ng bagong dating na katulong. “Leoni?” Ani ng isang tinig mula sa isipan ko. At ang isa sa napansin ko ay ang pagsasalita ng English ng aming kasambahay. Hindi na ako nakatiis kaya tumayo na ako at lumapit sa bagong kasambahay. Base sa kulay nito ay masasabi ko na hindi siya isang pinay. Pero ang mga mata ko ay tila hinihigop palapit sa babaeng ito, hanggang sa hindi ko na namalayan na nasa tabi na niya ako at halos isang dangkal lang ang layo mula sa katawan nito. Dahilan kung bakit sa pagharap nito ay nagulat siya