Share

Kabanata 127

“Anong pangalan mo Iha?” Tanong sa akin ng isang maedad na babae habang sinisipat ng tingin ang kabuuan ko mula ulo hanggang paa.

“Leoni.” Tipid kong sagot ng hindi man lang ngumingiti.

“Mercy, kaano-ano mo si Leoni?” Curious na tanong nito sa kanilang kusinera na siyang nagpasok sa akin sa Mansion ng mga Hilton.

“Girlfriend ‘yan ng anak ko, alam mo namang mahirap ang buhay ngayon kaya gusto niyang magtrabaho para daw makapag-ipon, para sa kasal nila.”

Pagsisinungaling ni nanay Mercy, habang ang isa ay tumatango na wari moy sumasang-ayon sa sinabi ni nanay Mercy. Marami pa silang pinag-usapan na hindi ko naman lubos na maunawaan kaya nanatili na lang akong tahimik at nakikiramdam sa aking paligid.

Kahit papaano ay nakahinga ako ng maluwag dahil madali lang sa akin na nakapasok sa Mansion ng mga Hilton. Ang kailangan ko na lang gawin ay ang maghintay kung kailan uuwi ang pamilyang Hilton. Ayon sa pagsasaliksik ko ay madalas sa Pilipinas ang mag-asawang Hilton dahil dito
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status