“Hindi ko inaasahan ang biglaang pagsulpot ni Irish sa harapan namin ni Leoni at ngayon ay nasa amin na ang atensyon ng may nasa limang costumer ng restaurant. Bakit nga ba sa maikling panahon na nakilala ko si Leoni ay bigla ko yatang nakalimutan ang lahat? Nawala sa isip ko na may girlfriend nga pala ako. Kita ko ang matinding galit sa mukha ni Irish, namumula na ng husto ang mukha nito habang naniningkit na ang kanyang mga mata. Masasalamin sa mukha nito ang pinagsamang galit at selos. Suot pa niya ang puting uniporme na halatang katatapos lang ng duty nito sa hospital.Nakatayo siya sa pagitan naming dalawa ni Leoni. Naalarma ako ng pumihit si Irish paharap kay Leoni. Samantalang ang isa ay tila walang pakialam sa kanyang paligid, hindi nito alintana ang eskandalong nilikha ni Irish.Hindi ako nababahala sa galit ni Irish, bagkus mas mahalaga sa akin ang magiging opinyon ni Leoni tungkol sa akin. Nag-aalala ako na baka magbago ang pagtingin nito sa akin at tuluyan na akong mawa
“Sweetheart, let’s go.” Si Dr. Xaven na huminto sa mismong harapan ko, dahilan kung bakit naudlot ang sanay pagsubo ko sa sandwich. Nagtatanong ang mga mata na nakatingin ako sa kanya sabay kagat sa huling bahagi ng sandwich. “Where are we going?” Balik tanong ko dito sabay ngiti nito kaya umangat ang kaliwang kilay ko. Naguguluhan kasi ako sa ekspresyon ng mukha nito dahil wala namang nakakatawa.“You go with me to my office.” Nakangiti niyang sagot sa akin. Mula sa gilid ng mga mata ko ay hindi nakaligtas sa akin ang naging reaksyon ng mga kasambahay. Maging ang pagsinghap ng mga ito, halatang naguguluhan sila. Paano nga bang hindi maguguluhan ang mga ito gayung sa pagkakaalam nilang lahat ay nobya ako ng anak ni Nanay Mercy. Tapos nakikipalandian pa ako sa aming boss.Isang marahas na buntong hininga ang pinakawalan ko bago napipilitan na tumayo. Dinampot ko muna ang isang basong juice at ininom ang laman nito saka tahimik na sumunod dito. It’s almost one week had past kaya medy
“Is there something wrong, Sweetheart?” Nag-aalala na tanong sa akin ni Dr. Xaven habang nakayakap siya sa aking likuran. Kasalukuyan akong nakatayo malapit sa makapal na salaming pader. Tahimik na pinagmamasdan ang malawak na Siyudad ng Makati. Pero, wala sa magandang tanawin ang atensyon ko kundi nasa aking ina. Hindi na kasi nasundan ang pag-uusap namin ng huli ko itong nakausap. Sa tingin ko ay mas mainam na ‘yun para matutukan kong mabuti ang misyon ko sa pamilyang ito. Napaigtad ang aking katawan ng mula sa likuran ay yumakap sa ilalim ng dibdib ko ang mga braso ni Dr. Xaven. Hinalikan niya ang leeg ko bago Ipinatong ang baba nito sa ibabaw ng aking balikat. Lihim akong napalunok dahil sa kakaibang kilabot na gumapang sa bawat himaymay ng aking laman. “Nothing.” Tipid kong sagot bago pumihit paharap dito. Sandali kong tinitigan ang kanyang mga mata hanggang sa natagpuan ko na lang ang aking sarili na kusang hinahalikan ang mga labi nito. Nang yakapin niya ang katawan ko at
“Bumukas ang pinto at pumasok sa loob ng banyo si Dr. Xaven. Pilit na inaaninag ng kanyang mga mata ang aking kahubdan mula sa nakabukas na salaming pintuan ng shower room. Habang ako ay nanatili sa ilalim ng tubig at kasalukuyan na sinasabon ang aking katawan. Mula sa marahang paghakbang ay kusa siyang huminto sa aking harapan. Naipikit ko ang aking mga mata ng dumantay ang kanyang mga palad sa magkabilang pisngi ko. Bahagya pa itong hinaplos ng kanyang mga hinlalaki, kasunod nito ay ang paglapat ng kanyang mga labi sa aking mga labi. Mabilis na gumapang ang kanyang mga kamay sa aking hubad na katawan. Dahilan kung bakit biglang nagliyab ang matinding pagnanasa sa aking katawan. Naging mapusok ang halik na aming pinagsaluhan habang kapwa sinasalat ang katawan ng isa’t-isa. “Hmmmm….” Isang nakakabaliw na ungol ang umalpas sa mga labi ko ng salatin at paglaruan ng mga daliri nito ang aking pagkababae. Napasinghap ako ng gumapang ang kanyang mga labi pababa sa aking leeg. Hanggang
“Kanina pa ako nakatunghay sa mukha ni Dr. Xaven. Masyadong mahimbing ang tulog nito, marahil kung papatayin ko siya ngayon ay madali lang sa akin na gawin ang bagay na ‘yun. Ngunit, hindi ko pwedeng gawin ‘yun, dahil kailangan munang mamatay ng ama nito para sa kaligtasan ng aking ina. Bakit ba sa tuwing iniisip ko ang tungkol sa kamatayan ng lalaking ito ay bumibigat ang loob ko? Isang mabigat na buntong hininga ang aking pinakawalan habang pinagmamasdan ang buong mukha ng lalaking ito. Mula sa makapal nitong kilay at mahahabang pilik mata ay bumaba ang tingin ko sa matangos nitong ilong. Hanggang sa napako ang mga mata ko sa namumula at manipis niyang mga labi. Para akong biglang nauhaw at napalunok ng wala sa oras. Nag-init ang pakiramdam ko ng maalala ko kung paanong sambahin ng mga labing ito sa katawan ko. Kaliligo ko lang pero maalinsangan pa rin ang aking pakiramdam. Nauna akong magising dito bago pa magliwanag. Kaya ngayon ay suot ko ang aking malaking salamin sa mata at
“annyeong, olaenman-igun-yo. nae saeng-gag-en dangsin-i yeogiseo jeulgeoun sigan-eul bonaego issneun geos gat-ayo.” (“Hello, it’s been a while. I think you’re having a good time here.) Ani ng mapanganib na tinig ng isang lalaki mula sa aking harapan. Kasalukuyan akong nakaluhod habang nakatukod ang dalawang kamay sa sahig. Tanging ang itim na sapatos lang nito ang nakikita ko. Dahan-dahan akong nag-angat ng mukha at tumigil ang mga mata ko sa mukha ng lalaking ito. Umangat ang sulok ng bibig ko ng makita ko ang pagmumukha nito. Si Dhoyun, ang kanang kamay ni kumander Myung suk. Isang vigilante na kinatatakutan sa North Korea. Imbes na matakot ay tumigas ang ekspresyon ng mukha ko habang nakapaskil ang isang mapanganib na ngiti sa aking mga labi. “Aenaleul bangmunhal geos-ilaneun sasil-eul na-ege alliji anh-assseubnikka?” ( bakit hindi nyo man lang ako na-inform na may plano pala kayong dalawin ako?)Kalmado kong tanong at akmang tatayo na sana, subalit mabilis na kinapitan ng
Sa isang maliwanag na gabi, ang lahat ay naghihintay para sa pagdating ni Mr. Cedric Hilton. Ngayong araw ng Lunes alas sais ng gabi, nakatakda ang pagbisita nito sa kompanya ng kanyang anak na si Xavien Hilton, ang panganay sa triplets.Naging alerto ang lahat ng mga empleyado na nasa entrance ng kumpanyan ng dumating ang isang itim at nangingintab na mamahaling sasakyan. Napapagitnaanan ito ng apat na itim na sasakyan, dalawa sa unahan at dalawa rin ang nakasunod sa may likuran nito. Nakahilera na pumarada ang mga sasakyan sa harap ng Hilton’s Global Infotechnology Corporation. Ilang sandali pa ay bumaba mula sa apat na sasakyan ang napakaraming bodyguard at mabilis na kumalat ang mga ito sa paligid. Pagkatapos na pumwesto sa kanilang mga posisyon, lumapit ang mga pinagkakatiwalaang security personnel sa magarang sasakyan. Hindi maikakaila na masyadong mahigpit ang seguridad pagdating sa matandang Hilton. Ilang sandali pa ay binuksan ng isa sa mga bodyguard nito ang pinto ng ko
Pagkatapos ng ilang segundo ng pakikipag tagisan ng tingin, ay sabay na umugong ang sasakyan ni Summer at Song-I. Nang mga oras na ito ay parang sasabog na ang dibdib ni Summer dala ng matinding galit. Gusto na niyang tadtarin ng bala ang katawan ng taong ito na nasa kanyang harapan. Hindi niya matanggap na kamuntikan ng mawala ang pinakamamahal niyang ama. Kaya matindi ang determinasyon niya na mahuli ang taong ito at pagbayarin sa ginawa nitong kapangahasan.Mula sa kabilang sasakyan ay nanatiling blanko ang ekspresyon ng mukha ni Song-I, habang mahigpit na nakakapit ang mga kamay sa manibela. “Nae tteusdaeloman hal su issdamyeon, chalali oneul bam-e jugneun ge deo nasgessjiman, geuleol su eobseo. waenyahamyeon geuleon il-i ileonamyeon uli eomeonineun pyeongsaeng jan-inhan Myung suk son-agwieseo noyega doel geoya.” (Kung ako lang ang masusunod ay mas gugustuhin ko pa ang mamatay ngayong gabi, pero hindi pwede. Dahil sa oras na mangyari ‘yun ay habambuhay na magiging alipin an