“Bumukas ang pinto at pumasok sa loob ng banyo si Dr. Xaven. Pilit na inaaninag ng kanyang mga mata ang aking kahubdan mula sa nakabukas na salaming pintuan ng shower room. Habang ako ay nanatili sa ilalim ng tubig at kasalukuyan na sinasabon ang aking katawan. Mula sa marahang paghakbang ay kusa siyang huminto sa aking harapan. Naipikit ko ang aking mga mata ng dumantay ang kanyang mga palad sa magkabilang pisngi ko. Bahagya pa itong hinaplos ng kanyang mga hinlalaki, kasunod nito ay ang paglapat ng kanyang mga labi sa aking mga labi. Mabilis na gumapang ang kanyang mga kamay sa aking hubad na katawan. Dahilan kung bakit biglang nagliyab ang matinding pagnanasa sa aking katawan. Naging mapusok ang halik na aming pinagsaluhan habang kapwa sinasalat ang katawan ng isa’t-isa. “Hmmmm….” Isang nakakabaliw na ungol ang umalpas sa mga labi ko ng salatin at paglaruan ng mga daliri nito ang aking pagkababae. Napasinghap ako ng gumapang ang kanyang mga labi pababa sa aking leeg. Hanggang
“Kanina pa ako nakatunghay sa mukha ni Dr. Xaven. Masyadong mahimbing ang tulog nito, marahil kung papatayin ko siya ngayon ay madali lang sa akin na gawin ang bagay na ‘yun. Ngunit, hindi ko pwedeng gawin ‘yun, dahil kailangan munang mamatay ng ama nito para sa kaligtasan ng aking ina. Bakit ba sa tuwing iniisip ko ang tungkol sa kamatayan ng lalaking ito ay bumibigat ang loob ko? Isang mabigat na buntong hininga ang aking pinakawalan habang pinagmamasdan ang buong mukha ng lalaking ito. Mula sa makapal nitong kilay at mahahabang pilik mata ay bumaba ang tingin ko sa matangos nitong ilong. Hanggang sa napako ang mga mata ko sa namumula at manipis niyang mga labi. Para akong biglang nauhaw at napalunok ng wala sa oras. Nag-init ang pakiramdam ko ng maalala ko kung paanong sambahin ng mga labing ito sa katawan ko. Kaliligo ko lang pero maalinsangan pa rin ang aking pakiramdam. Nauna akong magising dito bago pa magliwanag. Kaya ngayon ay suot ko ang aking malaking salamin sa mata at
“annyeong, olaenman-igun-yo. nae saeng-gag-en dangsin-i yeogiseo jeulgeoun sigan-eul bonaego issneun geos gat-ayo.” (“Hello, it’s been a while. I think you’re having a good time here.) Ani ng mapanganib na tinig ng isang lalaki mula sa aking harapan. Kasalukuyan akong nakaluhod habang nakatukod ang dalawang kamay sa sahig. Tanging ang itim na sapatos lang nito ang nakikita ko. Dahan-dahan akong nag-angat ng mukha at tumigil ang mga mata ko sa mukha ng lalaking ito. Umangat ang sulok ng bibig ko ng makita ko ang pagmumukha nito. Si Dhoyun, ang kanang kamay ni kumander Myung suk. Isang vigilante na kinatatakutan sa North Korea. Imbes na matakot ay tumigas ang ekspresyon ng mukha ko habang nakapaskil ang isang mapanganib na ngiti sa aking mga labi. “Aenaleul bangmunhal geos-ilaneun sasil-eul na-ege alliji anh-assseubnikka?” ( bakit hindi nyo man lang ako na-inform na may plano pala kayong dalawin ako?)Kalmado kong tanong at akmang tatayo na sana, subalit mabilis na kinapitan ng
Sa isang maliwanag na gabi, ang lahat ay naghihintay para sa pagdating ni Mr. Cedric Hilton. Ngayong araw ng Lunes alas sais ng gabi, nakatakda ang pagbisita nito sa kompanya ng kanyang anak na si Xavien Hilton, ang panganay sa triplets.Naging alerto ang lahat ng mga empleyado na nasa entrance ng kumpanyan ng dumating ang isang itim at nangingintab na mamahaling sasakyan. Napapagitnaanan ito ng apat na itim na sasakyan, dalawa sa unahan at dalawa rin ang nakasunod sa may likuran nito. Nakahilera na pumarada ang mga sasakyan sa harap ng Hilton’s Global Infotechnology Corporation. Ilang sandali pa ay bumaba mula sa apat na sasakyan ang napakaraming bodyguard at mabilis na kumalat ang mga ito sa paligid. Pagkatapos na pumwesto sa kanilang mga posisyon, lumapit ang mga pinagkakatiwalaang security personnel sa magarang sasakyan. Hindi maikakaila na masyadong mahigpit ang seguridad pagdating sa matandang Hilton. Ilang sandali pa ay binuksan ng isa sa mga bodyguard nito ang pinto ng ko
Pagkatapos ng ilang segundo ng pakikipag tagisan ng tingin, ay sabay na umugong ang sasakyan ni Summer at Song-I. Nang mga oras na ito ay parang sasabog na ang dibdib ni Summer dala ng matinding galit. Gusto na niyang tadtarin ng bala ang katawan ng taong ito na nasa kanyang harapan. Hindi niya matanggap na kamuntikan ng mawala ang pinakamamahal niyang ama. Kaya matindi ang determinasyon niya na mahuli ang taong ito at pagbayarin sa ginawa nitong kapangahasan.Mula sa kabilang sasakyan ay nanatiling blanko ang ekspresyon ng mukha ni Song-I, habang mahigpit na nakakapit ang mga kamay sa manibela. “Nae tteusdaeloman hal su issdamyeon, chalali oneul bam-e jugneun ge deo nasgessjiman, geuleol su eobseo. waenyahamyeon geuleon il-i ileonamyeon uli eomeonineun pyeongsaeng jan-inhan Myung suk son-agwieseo noyega doel geoya.” (Kung ako lang ang masusunod ay mas gugustuhin ko pa ang mamatay ngayong gabi, pero hindi pwede. Dahil sa oras na mangyari ‘yun ay habambuhay na magiging alipin an
“We should to be careful, dahil lumalabas sa pagsusuri ko na tila alam ng kalaban ang bawat galaw ng ating pamilya. May ahas na nakapasok sa bakuran natin.” Matigas na saad ni Ate Summer, habang nakatayo sa magkabilang gilid ng kama na kinahihigaan ni Daddy sina Timothy, Andrade at Xion. Sa bandang paanan ni daddy ay si kuya Zac na seryoso ang mukha. Nandito kami ngayon sa Mansion, at kasalukuyan kong ginagamot ang sugat ng aking ama. “Sa dami ng kalaban natin sa negosyo ay mahirap na matukoy kung sino ang nasa likod nito.” Si Timothy na humakbang palapit sa sofa, at pa-cross leg na umupo ito. “Why don’t you call kuya Storm, I’m sure madali sa kanya na mahuli ang killer na ‘yun. Ouch!” Si Xion sabay daing ng batukan ito ni kuya Andrade. “Bakit ka ba nambabatok!?” asar talo na tanong ni Xion. Nakabusangot ang mukha habang masama ang tingin kay kuya Andrade. “Hindi ka kasi nag-iisip, alam mong may sayad ang kakambal kong ‘yun siya pa talaga ang naisipan mong kumilos para dito.” Se
“Tanging ang hampas ng maliliit na alon na nagmumula sa dalampasigan ang maririnig sa buong paligid. Sinabayan pa ito ng tila umaawit na huni ng mga ibon kaya para akong nakikinig sa isang musika na likha ng kalikasan. Maaliwalas ang panahon, at tanging ang malamlam na liwanag ng buwan ang siyang nagsisilbing liwanag sa madilim na paligid. Ang mga bituin mula sa kalangitan, maging ang magandang hugis ng buwan, bakit tila ngayon ko lang ito napanasin? Bakit ang lahat na lang yata sa paningin ko ngayon ay maganda?Mula sa anino na nakikita ko sa salaming pader ay sinundan ng mga mata ko ang bawat dampi ng mga labi ni Xaven sa aking dibdib. Nagsimula itong gumapang pababa sa aking pusôn, hanggang sa nahigit ko ang aking hininga ng tumigil siya sa tapat ng aking pagkababae. Napasinghap ako ng tuluyang lumapat ang mga labi niya sa pagitan ng aking mga hita. “X-Xaven…” parang nahihirapan kong sambit na may kaakibat na ungol. Napahawak ako sa kanyang buhok habang ang aking katawan ay nag
“Huh? Look at how beautiful it is!” Kumikislap sa matinding kasiyahan ang mga mata ni Leoni ng mula sa ilalim ng tubig nang dagat ay nakita nito ang iba’t-ibang klase ng isda. Para itong bata na tuwang-tuwa sa kanyang mga nasaksihan. Four thirty na ng hapon, at kasalukuyan kaming namamangka dito sa tapat ng aking resthouse. Kanina pa ako naaaliw na pagmasdan ang girlfriend ko. Sa totoo lang pakiramdam ko ay bata itong kasama ko dahil maliban sa pagiging inosente nito ay para itong labanos sa sobrang puti. Namumula ang mga kamay at maging ang talampakan nito. She’s so cute and sexy lalo na at suot niya ang puting t-shirt ko habang ang pang-ibabâ nito ay tanging itim na panty lang.Base sa reaksyon na nakikita ko sa kanyang mukha, marahil ay ito ang unang pagkakataon na naranasan niya na mamangka sa dagat. “Look, Sweetheart, the fish are coming close to my hand!”Bulalas pa nito dahilan kung bakit natawa ako ng malakas. Nagtataka naman na lumingon siya sa akin, habang ang kanyang mga