“Sa loob ng ilang araw na nakasama ko si Xaven ay sandali kong nakalimutan ang lahat ng mga problema ko. Wala na akong ginawa kundi ang ngumiti. Sa sandaling panahon ay naranasan ko rin ang sumaya at tila natuto akong mangarap na balang araw ay magkakaroon din ako ng isang masayang pamilya sa piling ng lalaking mahal ko. At maninirahan sa isang payak at payapang lugar na kung saan ay walang kinatatakutan.Batid ko na suntok sa buwan ang nais kong mangyari, at ang kakapiranggot na pag-asa na lang ang pinanghahawakan ko. Who knows, darating ang panahon na magkaroon ng himala at biglang baguhin ng Diyos ang buhay ko. Sana…Napangiti ako ng malasahan ko ang aking niluto, well hindi ko lang alam kung magugustuhan ito ni Xaven. Maaga kasi akong nagising kaya naisip ko na magluto ng kakainin namin para sa tanghalian bago kami umalis.Nakakalungkot mang isipin ngunit kailangan na naming bumalik sa Siyudad. Nauunawaan ko naman na hindi basta-bastang tao ang boyfriend ko, kaya hindi ko pwedeng
“C-Captain Myung suk?” Nauutal kong bigkas sa pangalan nito. Halos mabingǐ ako sa lakas ng kabôg ng dibdib ko. Napalunok pa nga ako ng wala sa oras. Kasalukuyan siyang nakaupo sa sofa habang naka de kwatro ang isang paa nito. Suot ang itim na polo at maong na pantalon. “Song-eya, geoui han dal man-e bone. bonikka neoneun neoui immuwa ne eomeonie daehae singyeong sseuji anhneun geos gat-a?” (Song-eya, halos isang buwan din tayong hindi nagkita. Sa nakikita ko ay mukha wala ka ng pakialam sa misyon mo at maging sa iyong ina?” Seryoso niyang pahayag habang ang kanyang mga mata ay matiim na nakatitig sa mukha ko. ang paraan ng tingin niya sa akin ay wari moy hinihimay ang pagkatao ko. “Ani, neoneun chaggaghago iss-eo. sasil naneun nae gyehoeg-eul bakkwoss-eo. naneun miseuteo hilteun-ui ttal-ui ma-eum-eul eodgo iss-eo. geugeol haenaemyeon geu gajog-eul eobs-aeneun geos-eun naege swiun il-iya.” (No, nagkakamali ka, ang totoo niyan ay binago ko ang aking mga plano. Kinukuha ko lang
Sa ilalim ng bukas na langit, nakalatag ang magandang tanawin sa hardin ng mga Hilton. Ang paligid ay napapalamutian ng magagandang bulaklak. Habang sa magkabilang panig ay maayos na nakahilera ang mga bangko na nababalot ng malinis at puting tela na may kulay kremang laso sa sandalan nito. Sa pagitan ng mga bangko ay nakalatag ang isang makapal at balahibuhin na puting carpet. Habang sa unahan ay makikita ang munting altar na sinadya para sa magsing-irog. Ang mga kababaihan na nasusuotan ng mamahaling puting baro’t saya na may malaking laso sa bandang dibdib ( alampay). Habang ang mga kalalakihan ay pawang mga nakasuot ng puting barong. Kung iyong titingnan ang buong paligid ay wari moy nabuhay ka sa ika-labing siyam na dantaon sa panahon ng mga kastila. Elegante at masyadong magarbo ang kasal na ‘to, dahil sa araw na ito ay magaganap ang pag-i-isang dibdib ng CEO nang LYNCON Network Company na si Mr. Winter Hilton at ng modelong si Samara Hamsa. Dahilan kung bakit nagkalat ang
“Tsug! Tsug! Tsug!” Tahimik ngunit malinaw na naunawaan ni Ginang Lexie kung ano ang ibig sabihin ng mga ingay na ‘yun. Nagsimulang manginig ang kanyang mga kamay, naalog ang bitbit niyang tray na may lamang herbal tea na hinanda niya sa kanyang asawa. “Crash!” Hanggang sa tuluyan na niya itong nabitawan. Nagkalat ang mainit na likido nito sa sahig, maging ang mga bubog ng tasa. “C-Cedric…” nauutal niyang bigkas bago mabilis na lumapit sa pintuan. Mas lalong hinampas ng matinding kabâ ang kanyang dibdib ng hindi niya mabuksan ang pinto. Dahil nakalock ito sa loob. “No, please! Cedric!” Nahintakutang sigaw ni Ginang Lexie, Malakas na hinampas ng kamay ang dahon ng pinto habang paulit-ulit na tinatawag ang pangalan ng kanyang asawa. “Mom? What happened!?” Nag-aalala na tanong ni Zac ng makita niya ang kanyang ina na umiiyak habang pilit na binubuksan ang pinto. Sa likod nito at nakasunod si Andrade, Xion at Xaven. Maging sila ay nagtataka. “Anak ang daddy mo! May narinig akong
“W-Why?” Halos mautal sa pagsasalita si Xaven dahil sa labis na pagkabigla, pakiramdam niya ay para siyang sinasakal habang ang kanyang utak ay pilit na itinataboy ang hindi magandang isipin na tumatakbo sa kanyang isipan. Pagkatapos ng ilang pakikipagtitigan, tumigas ang ekspresyon ng mukha ni Xaven. Dahil imbes na sumagot si Song-I sa tanong niya ay umangat sa ere ang kamay nito na may hawak na baril. Wala ni anumang ekspresyon na makikita mula sa mukha nito. Nag-igting ang mga bagâng ni Xaven, humigpit din ang pagkakakuyôm ng kanyang mga kamay habang nakatitig sa baril na nakatutok sa kanya. “You fooled me, didn’t you? You never really loved me. It was all in just an act so you could have a chance to kill my family.” Hindi siya nang-aakusa kundi kino-confirm nito na tama ang tumatakbo sa kanyang isip.Nagsimulang manubig ang mga mata ni Song-I, pero sinikap niya na pigilan ang nagbabadyang mga luha.Natigilan si Xaven, hanggang sa unti-unting lumambot ang ekspresyon ng kanyang m
“S**t!” Napamura ako ng wala sa oras ng daplisan ako ng bala sa balikat. Mas dinoble ng kasama ko ang bilis ng motor dahilan kung bakit madali sa amin ang makalayo mula sa mga tauhan ni Hilton. Ilang sandali pa, mula sa malayo ay nakita ko na biglang nawala ang mga humahabol sa amin. Dahilan kung bakit malaya kaming nakarating sa isang bahay na tinutuluyan ng taong nagda-drive ng motor. Hindi ko siya kilala, dahil nagpapakita lang ito sa akin sa tuwing magsasagawa ako ng isang misyon. Nang tumigil ang motor sa tapat ng isang munting bahay ay saka pa lang ako bumaba ng motor. Dumiretso kaagad ako sa loob ng bahay at mabilis na hinubad ang suot kong black leather jacket. Mula sa aking likuran ay sumulpot ang kasamahan ko na may dalang medicine kit. Ibinaba niya ito sa center table na nasa harap ko. Umupo siya sa tabi ko at tinulungan ako na gamutin ang sugat ko. “Jigeum museun gyehwaegiya?”(Anong plano mo ngayon?) Walang emosyon na tanong niya sa akin habang nililinis ang sugat
“Paglabas pa lang ng airport ay tila kay bigat ng ambience ng paligid para sa akin. Kalmado man akong tingnan ay nanatili pa ring alerto ang aking pakiramdam. Ramdam ko ang mga matang nakatitig sa akin at hindi ko alam kung nasaan sila. Mabigat, at talagang matinding tensyon ang nararamdaman ko ng mga oras na ito. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad, hindi alintana ang mga matang nakasu-baybay sa bawat kilos ko. Pumara ako ng taxi, at tahimik na sumakay. “Naega neoramyeon, yeogi dasi doraoji anneun ge joheul geoya.” (Kung ako sayo, dapat hindi ka na bumalik dito.” Mahinang sabi ng driver habang seryoso na nakatutok ang mga mata nito sa unahan ng sasakyan. Samantalang ako ay walang pakialam na nagmamasid sa tanawin na nasa labas ng bintana. kahit sino ay hindi iisipin na nag-uusap kaming dalawa. “Nan sanggwan eopseo, geudeuri dureopji ana.” (Wala akong pakialam, hindi ako natatakot sa kanila.) Walang emosyon kong sagot. Narinig ko na nagpakawala siya ng isang marahas na buntong h
“Mr. Cedric Hilton was found dead yesterday, after his son’s wedding. According to his family, the business tycoon Mr. Cedric was discovered lifeless in his room. The victim sustained three gunshot wounds, which immediately caused his death.” Ang buong mundo ay labis na nagulantang sa pagkalat ng balitang ito mula sa iba’t-ibang platform. Subalit ni isa sa miyembro ng pamilya ay walang tumanggap ng interview. “Daddy!!” Malakas na sigaw ni Summer ang bumulabog sa buong mansion dahilan kung bakit mabilis na lumabas mula sa silid ang mag-asawa Cedric at Lexie. “Ano bang problema mo, Iha, at tinalo pa ng wawang ang bibig mo?” Nakasimangot na tanong ni Ginang Lexie. Habang si Cedric ay nanatili lang na kalmado. “Anong problema ko? My gosh! Look naman, sinong hindi manggagalaiti nito kung ang Mansion ay halos mapuno na ng mga condolence flowers!? Tell me, Dad. Anong kalokohan na naman ito!?” Naiimbyernang pahayag ni Summer, ang mukha nito ay parang gusto ng pumatay ng tao. Pagkatap